Chapter 66 - Puro ka husga! hundi ka naman judge! Abogado ka lang!
Namasyal kami ng mga pamangkin ko. Bad trip lang, napagkakamalan kaming pamilya, at ako, isang omega na kasama ang alpha mate ko! Mantakin n’yo ba naman na alukin kami ng couple shirt?!
Tuwang-tuwa sina Mercy nang ibili ko sila ng bagong sapatos. `Di naman nagpatalo ang tatay nilang mayabang na tinernohan pa sila ng mga bag.
`Pag-uwi namin, hinatak kaming lahat ni Mercy sa den para maglaro ng bagong bili n’yang family game. Masaya ito, nakakalibang, at pinagluto pa kami ng masasarap na pagkain ni Blessing, kaya nagulat na lang ako nang pagtingin ko sa relo ko at alas-nueve na pala!
“Naku, gabi na pala, baka magtampo nanaman ang Habibi ko nito!” agad ko’ng kinuha ang aking cell para mag-book sa GrabMe.
“Ay, tito, nag je-jelly si Dr. Aahmes `pag ginagabi ka ng uwi?” nakangising tanong ni Mercy.
“Hay, nako, kung alam mo lang...” natatawa ko’ng sabi, ”Sige na, at baka `di na `ko papasukin sa kuwarto noon!”
“Magkasama kayo sa iisang kuwarto?!” gulat nanamang tanong ni Louie na namumulunan sa niluto ni Blessing na adidas.
“Ha! Mamatay ka sa ingget!” binelat ko s’ya.
”Tito, abay ako sa kasal ha!?” biro ni Mercy.
“Ihahatid na kita!” tumayo si Louie at nagpunas ng kamay sa wet wipes, “Gusto ko’ng makita `yang Habibi na `yan!”
“`Wag na! Off limits ka sa Habibi ko! Nakapag book na rin ako sa GrabMe.”
“Gusto ko lang makita `yang kinababaliwan mo at nang mahusgahan na...”
“Kaya nga ayaw ko’ng ipakilala sa `yo, eh! Puro ka husga! hundi ka naman judge! Abogado ka lang!”
”Pa, just take my word for it,” salba sa `kin ni Mercy, “Bagay na bagay sila ni tito.”
Tumunog ang cell ko.
“Sige na, andyan na ang sakay ko! Paki sermonan na lang si Nat-Nat pag-uwi.”
Nagmadali ako’ng umalis bago pa `ko mahabol ni Louie. Nag-text na `ko kay Aahmes pag-upo sa sasakyan at sinabing pauwi na `ko. Pagdating ko sa bahay, sinalubong n’ya `ko sa gate pa lang ng yakap at halik.
“O, na miss mo ba `ko ng sobra?” nakangisi ko’ng tanong dito.
Tumango lang s’ya at ibinaon ang mukha n’ya sa dibdib ko.
“Sinisinghot mo nanaman ako? Dalawang araw na ko `di naliligo, maasim na ko!”
“No... I like the naturally husky smell you release,” sagot n’ya na `di pa rin bumibitaw sa `kin. “I like, especially, the way you smell in the morning while having your coffee.”
“Naaamoy mo lang ang kape na tinimpla mo,” natatawa ko’ng sabi habang hinihimas ang mahaba n’yang buhok. “Lika na sa loob at papapakin lang tayo ng lamok dito.”
“I made some coffee.”
“Ahh... `yun ba ang hinanda mo para sa `kin?” hinalikan ko s’ya sa pisngi, “Alam na alam ng Habibi ko kung ano’ng gusto ko, ha?”
Tumingala s’ya at ngumiti sa `kin.
”Of course, professor,” sabi nito, ”I have known you well enough through all these years, and I’m ready to know more.”
Naalala ko noon ang pangako ko na sasabihin ko sa kan’ya ang lahat, at `yun nga ang ginawa ko pagpunta namin sa kusina.
Ikinuwento ko kay Aahmes ang lahat.
Tungkol sa mga magulang namin na kasama sa mga huling namatay dahil sa Covid22.
Sa tiyuhin naming kumuha sa amin at naisipang ibenta si kuya.
Sa pag-kupkop ng pamilya ni Louie sa amin, at sa pag-alis ko para umiwas sa kapatid ko’ng bagong kasal.
All the while, nakinig lang si Aahmes sa akin, tahimik, patango-tano, at magtatanong lang `pag may `di s’ya naintindihan sa kwento ko.
”So, you mean to say that your kuya was able to distance himself from his fated pair?” tanong niya nang mapunta na doon ang aking kwento.
“Oo. Napilit n’yang umiwas sa kan’yang 'destiny'. Si Heuer naman ay isang tunay na gentleman. Nang sinabi ni kuya na ayaw na n’yag makipagkita rito, eh, umalis na rin s’ya ng bansa at umuwi sa Europe, kung saan s’ya nagpakamatay three weeks later.”
“And how did you find out about this?”
“Nag-message sa amin ang editor n’ya, na s’ya ring matalik n’yang kaibigan,” sagot ko. “Actually, isang loner daw ang taong `yun, nakatira mag-isa sa kanyang country home. Tumawag pa raw sa kan’ya si Heuer the night before at nagpaalam, nang puntahan n’ya sa bahay, patay na raw ito, nagbigti.”
And then, your brother started feeling better?” tanong ni Aahmes.
“Oo, as I’m sure you already know, `pag namamatay ang isa sa fated pair, nawawala na ang lahat ng koneksyon nila, tulad din ng mga regular bonds ng mga alpha-omega marked pairs. `Pag namamatay ang alpha, saka lang napapalaya ang kinagat nilang omega. Kaya nga ang daya, `di ba? Bakit ang mga alpha, p’wedeng mangaliwa, pero ang mga omega, kahit isinusuka nila ang alpha na kumagat sa kanila, they still have no choice but to stay with them?”
“Yes, I have asked myself that question several times,” sagot ni Aahmes.
“Haay... naalala ko tuloy ang kumalat na joke dati noong bata pa `ko... Paano raw malalaman kung sinong alpha ang nakabuntis sa omega na na-gang-r**e?” tanong ko kay Aahmes.
”Paano?” tanong n’ya.
”Isa-isa mo raw ipa-r**e yung omega sa suspects, kung kanino s’ya masarapan, `yun ang nakabuntis sa kan’ya.”
Pareho kaming `di natawa.
"That was a joke?"
"`Di ba? Alam mo ba, na-office ako matapos kong upakan ang sira-ulong nagkwento sa `kin n'yan?" Tinitigan ako ni Aahmes na para ba'ng wala ako'ng kapasidad na mang-upak ng tao.
Totoo. Nakaisang sapak lang ako noon, tapos pinagtulungan na ako ng tropa ng tarantadong alpha na nagsabi ng 'joke' na `yun.
”Anyway... ayun nga. Umayos ang pakiramdam ni kuya nang sandaling namatay si Heuer, and a month later, natuklasan namin na buntis s'ya. Four months later, pinanganak na nga si Mercy, at nanghina naman si kuya... hanggang sa... ayun nga... natuluyan din s’ya...”
“A question,” napatingin ako kay Aahmes. “Are you sure that Mercy is Louie’s child?”
Tinitigan ko s’ya.
“There have been debates over which bond is more powerful, a marked one, or a fated pair. Some studies show that even when marked, some omegas can actually endure the pain of having i*********e with someone other than the partner who marked them, as long as that person is their fated pair.
“Alam ko, nakita ko ang study mo tungkol doon,” sagot ko.
Mukha namang natuwa pa si loko na malaman na binasa ko ang study n’ya na iyon.
“Pero, hindi ko na iniisip `yun,” patuloy ko. ”Sapat na sa akin na anak s’ya ni kuya, at kamukhang-kamukha s’ya ng kuya ko. Buti nga wala s’yang nakuha kay Louie ni isang trait.”
“And after that?” tanong pa ni Aahmes nang matahimik ang silid.
“After that, pinapangako ako ni kuya na alagaan ang mga anak n’ya, pati na rin ang asawa n’yang walang kuwenta. Sinabihan n’ya naman si Louie na dapat kada-taon sama-sama kaming mag-celebrate ng birthday ko...” sandali ako’ng natigilan, “Na siya ring death aniversary ni kuya..." dagdag ko. "Anyways, `yun ang dahilan kung bakit annual event talaga namin ang birthday ko.”
“And after that?” tanong `uli ni Aahmes.
“After that, sama-sama kaming tumira sa bahay ni Louie para maalagaan ko ang mga pamangkin ko. Pumasok `uli ako sa Universal Labs, kung saan... binigyan ako ng mentor ko ng ng magandang schedule, ako bahalang pumili ng shift ko, para maalagaan ko ang mga bata during the day, sa hapon naman ay dumadaan ang mga kaibigan naming sina Florence and Franklin Derejedo para bantayan ang bahay hanggang sa matulog ang mga bata...”
“Was that the time when you met your DOME?” sabat ni Aahmes.
Napatingin ako rito.
“Oo, pero that’s a story for another day.” Inabot ko ang buhok n’ya at ginulo ito. “That’s restricted information, hindi tayo nakasisigurado kung sinong p’wedeng makarinig sa usapan natin.”
“Then, let’s go to the lab!” aya n’ya sa `kin na tumayo sa pagkakaupo sa aming kama.
“Next time na lang, Habibi, pagod na `ko...” tumayo na rin ako at inakay s’ya pabalik sa kama.
“Are you sure?” sumimangot s’ya sa `kin. “I don’t want to wake up in the middle of the night and find you sneaking out to the lab again.”
“S’yempre naman!” ngumisi ako sa kan’ya. ”Sa ngayon, gusto ko lang yakapin ka nang mahigpit sa kama.”
At `yun nga ang ginawa ko hanggang sa pareho kaming makatulog ng habibi ko.