Chapter 67
Dumaan ang ilang araw. Inaraw-araw din ako ni Aahmes tungkol sa DOME na inalagaan ko noon. `Di ko nga malaman kung ba’t parang bigla s’yang naging interested sa topic na `yun, eh.
Sa bagay, ang pangako ko sa kan’ya, sasabihin ko ang lahat tungkol sa akin. Kaya para matahimik s’ya, eh, ikinuwento ko na rin sa kan’ya ang tungkol kay Dome habang nagkakape kami sa aking lab.
`Yung basic summary lang naman, at mukhang kuntento na s’ya doon. Anyway, tungkol lang naman `yun sa isang teenager na inabuso at naisipang gumanti. In the end, we just shared some notes about dominant omegas.
About 2 weeks later naman, ay muli ako’ng inistorbo ni Louie.
Nasa lab pa kami noon, umiidlip ng sandali dahil ilang araw nanaman ako’ng walang tulog at ligo dahil busy kami sa pag che-check ng latest lab reports mula sa blood samples ng mga bata.
“Professor, your phone has been ringing for some time now,” sabi sa `kin ni Aahmes na gumising sa `kin. Inabot ko `to at sinagot.
“Hello?”
“Good evening,” sabi ng boses ng isang babae, “Is this Mr. Eric Antonio?”
Tinignan ko ang number. Unlisted ito.
“Sino `to?”
“Sir, this is Ivaniez Verde, tungkol po ito kay Atty. Louie Del Mirasol,” napasimangot ako. “Kasalukuyan siya’ng narito sa amin ngayon...”
“Is this a threat?”
Napaupo ako sa sofa. Napalakas ang boses ko, napatingin tuloy sa `kin si Aahmes.
“Anong ginawa n’yo sa kan’ya?!”
Naalala ko agad ang problemado n’yang kaso at ang mga death threats na natanggap n’ya. Bigla ako’ng kinabahan.
“`Wag po kayo’ng mag-alala, inatake lang po s’ya ng rut...”
“Nag-rut s’ya?!”
”Opo, naapektuhan po s’ya ng boss ko...”
”Naapektuhan s’ya ng isang omega?!” panlilinaw ko, ”Nasaan kayo?”
Nagbigay ng address ang babae, isa ito’ng hotel. Agad ko naman tinanggal ang lab gown ko.
”Okay, papunta na `ko r’yan.”
”Ano po’ng nangyari, sir?” nag-aalalang tanong sa `kin ni Pedro na nabulahaw din sa tawag.
”May nangyari po ba sa bayaw ninyo?” tanong din ni Pilar.
”Oo, nagka-rut daw... mukhang may omega nga na tinatago ang loko... pupuntahan ko lang s’ya para iuwi.”
”Okay, I’m going with you,” sabi ni Aahmes na nagtanggal na rin ng lab gown.
”Hindi na, ako na lang,” pigil ko sa kan’ya.
”I’ll drive you there, it’s faster.”
“`Wag na nga, at ipagpatuloy n’yo na lang ang pag-check ng blood samples!” pilit ko rito.
“Pedro and Pilar can do that, but only I can drive you,” sagot nito na hinatak pa ang braso ko. “Besides, it’s already 9 pm, we can work on the rest tomorrow. Let’s go.”
Wala na `ko’ng nagawa nang isama ako ni Aahmes palabas ng aming glass laboratory, papuntang elevators, at pababa sa parking.
“Ang kulit mo talaga, sabi ko na’ng `wag nang sumama, eh!” reklamo ko habang papunta kami sa hotel na binigay ng tumawag. “Pagbaba mo sa `kin umuwi ka na, ha?”
“I can help check-up your brother-in-law.”
“`Wag na, simpleng rut lang `yun.”
Napatingin sa `kin si Aahmes.
”Really, professor, you worry too much,” sabi nito. “If you’re worried that I might fall in love with him...”
“`Oy, wala ako’ng sinabing ganyan, ha?!” bara ko rito.
“I’m a DOME, such things won’t affect me like the way it affects other omegas,” patuloy n’ya. “Besides, have I not proven that the fated pair myth is only an overdose of pheromones to the brain?” dagdag pa nito, “And I would gladly look for my own air, just to prove my hypothesis!”
“Oo na, sige na, hindi na totoo ang fated pairs, pero...” hindi ko masabi ang nasa isip ko.
Totoo kasi.
Natatakot ako na may makilala si Aahmes na alpha.
Natatakot ako na iwanan n’ya `ko `pag nakilala na n’ya ang alpha na mas babagay sa kan’ya.
Alam ko, sinabi ko years ago, na `pag nakita na n’ya ang alpha n’ya, magiging masaya ako para sa kan’ya at pasasalamatan pa s’ya sa pag-alaga sa `kin... pero...
“Professor, you’re thinking too much.”
Napatingin ako kay Aahmes na nakakunot ang noo habang diretso ang tingin sa kalsada sa harapan namin.
“Tama ka...” hinawakan ko ang hita n’ya. ”Pero... napaka laking dagok noon, kung ang putanginang bayaw ko pa ang magugustuhan mo...”
“And why would I fall for him, when I already have you?”
Pucha, nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Habibi!
“I’m taking you to your brother-in-law. I’m going to check him up and this omega you said that caused him to go to rut, and I will show you that you’re just being silly about everything.”
Magkasama kaming bumaba sa hotel at pinaubaya sa valet ang kotse ni Aahmes. Tinawagan ko `yung ’Ivaniez Verde’ na kumontact sa `kin, pero nang papasok na kami sa loob ng building ay hinarang ako ng guard dito.
“Sir, are you currently staying here?” tanong nito sa `kin na tinitigan ako mula sabog ko’ng buhok hanggang sa nakasinelas ko’ng paa.
“We were called here by a certain Ivaniez Verde, regarding Atty. Del Mirasol’s condition,” paliwanag ni Aahmes.
“Are you a doctor?” tanong nito kay Aahmes, “You may go in, but I’m afraid your driver can’t enter, we have a strict dress code in this hotel.”
“I beg your pardon?” ani Aahmes na tinignan pababa ang guard na humarang sa amin, “I will let you know that this is the esteemed Prof. Eric Antonio from Universal Laboratories!”
“Aahmes, tama na, tatawagan ko na lang `uli `yung babae,” pigil ko rito habang nagkakamot. Kailangan ko na talagang maligo pag-uwi.
“Professor, you cannot just let him look down on you!” pilit ni Aahmes.
Tinignan uli ng guard ang suot ko.
Tinignan ko rin ang manipis na t-shirt ng ‘Mami Sinigang Mixture’ at frayed puruntong na suot ko. Nawawala na ang kulay ng checks na design nito.
“I’m sorry, sir, but I’m afraid that I can’t let him in...”
Bago pa `uli maka-react si Aahmes ay may nagmamadaling lumapit sa `min na kano.
“You must be Prof. Antonio and Dr. Abdel! I beg your pardon, I should have been the one to welcome you in,” sabi nito na masama ang tingin sa guwardya na agad dumiretso ang tindig. “I’ll talk to you later,” bulong nito bago kami pinatuloy sa engrandeng hotel.
“Your staff seem to lack respect,” sabi agad ni Aahmes.
“Hayaan mo na, he was just doing his job, right, mister...?”
“Ronald Dhallia, at your service.” Bahagyang nag-bow sa amin ang kano. “I am most priviledged that you have graced the halls of our hotel with your presence.”
“At least you know who we are,” mukmok ni Aahmes na mukhang mainit pa rin ang ulo.
“Of course, Dr. Abdel, it is part of our job,” sabi nito na maganda ang ngiti sa labi.
“We were asked to come here by Ivaniez Verde, she said my brother-in-law is here?” tanong ko.
“Yes, our young master had a little accident earlier this evening, they are in his room right now.” May sinenyasan ito’ng tauhan sa likod namin. “Paul, please accompany them to Master Safiro’s penthouse.” sabi nito matapos mag-abot ng black key card na ginamit ni Paul para buksan ang isang elevator para sa amin.
Mukhang dito nakatira ang client ni Louie na sinabi n’yang may problema sa mana. So, isa pala ito’ng omega? O baka naman may kasamahan ito’ng omega at `yun ang nakaepekto sa bayaw ko?
Pero, dominant alpha si Louie, tulad ng anak n’yang sutil, hindi s’ya dapat maapektuhan basta-basta ng kahit sinong omega, unless dominant ang omega na `yun, na tila imposible mangyari.
Umabot kami sa 77th floor na s’yang pinaka tuktok ng building. Pagbukas ng elevator doors, sinalubong kami ng... Babae ba `to? Ang laki n’ya! Mas matangkad sa `kin, at doble ko ang lapad!
“Eric Antonio?” humarap ito kay Aahmes, “My name is Ivaniez Verde...”
“Ako si Eric Antonio,” pagtatama ko rito.
“Ah!” napatingin sa `kin ang babae, tapos ay bumalik kay Aahmes, tapos ay sa akin uli. “P-pasensya na po, akala ko...”
“Oo, sanay na `ko,” sagot ko. “This is Dr. Aahmes Abdel, my colleague. So, nasaan na ba ang bayaw ko’ng magaling?”