Chapter 65 - Bakit ba parang `di ka makapaniwala na may taong nagkagusto sa `kin?!

1367 Words
Chapter 65 -  Bakit ba parang `di ka makapaniwala na may taong nagkagusto sa `kin?!      Pagbaba ng GrabMe ay dumiretso na ako sa Cinamonmon cafe. Nakita ko si Louie sa may counter, bumibili ng isang kahon ng apple cinnamon rolls at vanilla latte. “Ang bango naman n’yan.” Nagulat s’ya at napalingon nang magsalita ako. ”Ano ba `yan, don’t sneak up on me like that!” Ba’t mukhang ninenerbyos `to? “Problema mo? Parang may humahabol sayo’ng serial killer, ha?” “Parang ganon na nga... medyo problemado ang latest case ko.” Natigilan ako sa sinabi n’ya. “Gusto mo ba ng kape?” tanong nito sa `kin. “I’m good. Isang tao lang ang nagtitimpla ng kape ko.” “Really?” s’ya naman ang napatitig sa `kin. “At sino naman ito’ng tagatimpla mo” “None of your business. Anong kaso ba ang pinasok mo ngayon?” “That's none of your business, as well.” Nagtitigan kami sa may counter, parehong plastic ang ngiti, parehong galit sa isa’t-isa. “Tito Eric!” Ang gulat ko nang marinig ang nakakasabik na boses ng aking bebe Mercy! Agad ako’ng lumingon sa gilid at nakita sila ng kapatid n’yang si Blessing na galing sa washroom. Muli ako’ng tumingin nang masama kay Louie na may nakakairitang ngisi sa mukha na para ba’ng sinasabi na `Sige, awayin mo `ko ngayon’. May panahon ka rin, hinayupak ka! ”Kamusta na kayo, Mercy, Blessing! Wala ata ang kapatid n’yong sutil?” ”Opo, tito," sagot ni Mercy, "gumimik nanaman si kuya kagabi, wala pa rin hanggang ngayon, `di nagpaparamdam.” ”Hay, nako, `di na talaga nagbago ang kuya mo, masyado kasing na-spoiled, eh,” parinig ko sa tatay nila. ”O, bumili kayo ng gusto n’yo at mauuna na kaming umupo ng tito n’yo,” sabi ni Louie sa dalawa na inabutan n’ya ng isang libo. ”So, nadalhan mo ba `ko ng gamot?” bulong ni Louie pagkaupo namin sa mesa. ”Ano pa nga ba’ng pinunta ko rito?” tanong ko. Kinuha ko ang gamot na nasa loob ng dala ko’ng paper bag at inabot `yun sa kan’ya. ”P'wera biro, ano bang kaso mo ngayon at mukhang stressed out ka masyado?” tanong ko `uli, “Pulitiko nanaman ba `yan? Murder? Homicide?” “Family court... agawan ng mana...” sabi ni Louie na agad kumuha ng tabletas sa dala ko’ng bote. ”Agawan ng mana? Sobrang laki ba at mukhang pati ikaw nadawit?” ”Ganon na nga. Alam mo ba `yung Safiro Conglomerate?” ”Hindi.” ”Figures... kung wala kasing kinalaman sa omega o kay Jonas, wala kang paki, eh.” ”Obviously.” ”Anyway... multi-national billionaire, may anak sa labas, walang ibang offspring... ayun, do the math.” “So, pinagtangkaan na buhay mo?” nakangisi ko’ng tanong. “Yes. Twice.” Nawala ang ngisi ko. “`Di nga? baka mamaya pati sina Mercy madamay d’yan, ha?!” “Kaya nga kasama ko sila ngayon, eh, at naisipan ko na rin na umuwi ng maaga palagi.” “Anong klaseng banta naman nakukuha mo?” ”The usual death threaths, pero nang isang linggo, may nagpadala ng bulaklak ng patay sa opisina, at nang isang araw lang, may naghagis ng patay na pusa sa loob ng bakuran namin.” ”Baka naman namatay lang talaga `yung pusa doon! Ang sukal kasi ng front yard ninyo, eh!” ”May note s’ya na kasama,” patuloy ni Louie, ”nakalagay, ’Susunod ka na attorny’. Buti nga si Bless ang nakakita, eh, sinabihan ko na `wag nang ipaalam sa mga kapatid n’ya. Kaya lang `yang Nathan na `yan, napakatigas talaga ng ulo, alis pa rin ng alis nang walang paalam!” Natahimik kami nang lumapit sina Blessing sa amin. ”Tito, masarap ang chocolate mousse nila rito, tikman mo,” alok ni Mercy na pumutol sa binili n’yang cake at umambang isusubo ito sa akin. ”Ahm... ang sarap nga, ano, makabili mamaya para sa Habibi ko.” “Sinong Habibi?” tanong agad ni Louie na napakunot ang noo sa `kin. “`Wag mo’ng sabihing may kinababaliwan kang babae? Baka mamaya ginagamit ka lang n’yan para magkapera!” “Nagsalita. Ikaw nga d’yan ang namamapak ng suppressants, eh. May omega ba’ng naghahabol sa `yo?” Agad namula ang mukha ni Louie na napatingin sa dalawang dalaga n’ya. “W-wala, ha! Stressed lang ako! `Di ko napansin ang pag-inom ko!” ”Ibig mo’ng sabihin, Pa, nadodoble ang inom mo ng gamot?” nag-aalalang tanong ni Blessing na graduate na ng nursing at kasalukuyang nasa internship. ”Masama `yan pa, baka ma-ovedose ka! At kahit hindi, maari niyang maapektuhan ang kidneys and liver mo!” ”Oo nga, `di ba, Blessing? Pagsabihan n’yo nga `yang papa n’yo!” gatong ko. ”Pa, dahil ba `to sa tinanong ka namin kahapon tungkol kay Mr. Heuer?” malungkot na tanong naman ni Mercy. Natahimik ang mesa. Pinanood ko si Louie na tila namimilipit at `di malaman ang isasagot sa anak niya. ”Hindi, and I’m sorry for what happened the other night.” Nakasagot din ito sa wakas. Natahimik ang magkapatid. Buti na lang at muling nagsalita si Louie na pilit ang ngiti sa mukha. “Ba’t `di tayo mamasyal bilang isang pamilya, kahit kulang tayo ng isa?” sabi nito. “Sige, pa! Tamang-tama may gusto ako’ng bilin na bagong game!” sagot ni Mercy. “Naku, kayo na lang at may naghihintay pa sa `kin sa bahay,” sagot ko. Patayo na sana ako nang kapitan ni Mercy ang braso ko. “Tito naman, ngayon nga lang `uli tayo nag-bonding, aalis ka pa agad? Balak ko pa naman makipag laro sa `yo sa bahay!” “Laro?” “Oo, tito, multiplayer family game `yung balak kong bilhin, kaya dapat kasama ka! Sige na, tito, please?!” At paano naman ako makakahindi sa pinakamamahal ko’ng Mercy, lalo na’t kuhang-kuha n’ya ang style ni kuya na nagpa-puppy eyes at ngunguso at magkukunwaring naiiyak! Langya... “S-sige na, sandali at sasabihan ko lang ang Habibi ko...” ”May kinakasama ka sa bahay?!” gulat na tanong ni Louie. ”Sigurado ka ba’ng `di ka lang kina-kwartahan n’yan!?” ”Excuse me, ha, di hamak na mas mayaman sa `kin ang Habibi ko, s’ya pa nga ang regalo ng regalo ng kung anu-ano sa `kin, eh!” naiirita ko’ng sabi rito. ”Ano naman ang itsura?” hirit pa ni loko. ”Nako, pa, napaka gwapa! Omega s’ya na halos kasing tangkad ni tito, akala nga namin ng una ni kuya, alpha s’ya, eh!” ”Baka naman balak ka lang gamitin noon, since kilala ka’ng magaling na scientist?!” pilit pa ni Louie na nakasimangot pa rin sa `kin. ”Bakit ba parang `di ka makapaniwala na may taong nagkagusto sa `kin?!” naiirita ko’ng sabi rito. ”Nako pa, `pag nakita mo s’ya, magugulat ka talaga, super cute at mukhang matalino rin!” Tuluyan pang pinuri ni Mercy si Aahmes, habang tumawag naman ako sa bahay para sabihing matatagalan pa ako ng uwi. ”Hello, Habibi?” sinagot n’ya ang phone sa ika-apat na ring. ”Pasens’ya na, mukhang matatagalan pa `ko rito, at inaaya ako ng mga pamangkin kong mamasyal...” sabi ko, nag-aalala na baka magtampo nanaman s’ya sa `kin. ”Naririnig mo ba `yun? Si Mercy, puro puri sa `yo, bagay na bagay raw tayo!” sabi ko pa rito. “It’s okay, professor, please take your time,” sagot ni Aahmes. “Sigurado ka?” tanong ko pa `uli. “Yes, I know that Mercy is merely your niece, so go ahead and enjoy yourself.” “Sige, if you say so... baka gabihin ako, ha?” hirit ko pa. “Just message me when you’re on your way home so I can prepare for you.” sagot n’ya. Ano naman kayang ipe-prepare n’ya? “Okay, Habibi, ingat ka dyan, ha? Ang mga burners baka maiwan mo, at `wag kang magpapapasok ng kahit sino, at siguraduhin mo’ng nakakandado ang mga pinto.” “Of course, professor, take care and have a good time.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD