Chapter 22

1238 Words

Nakipag-dinner date si Raven kay Darcelle isang Miyerkules sa isang Italian restaurant. Pagkalabas niya mula sa trabaho ay sinundo siya ng binata kaya iniwan na lang niya sa company premises ang kanyang sasakyan. Babalikan na lang niya pagkatapos nilang kumain. Naka-L shape ang espasyo ng restoran at mahabang mapusyaw na dilaw na sofa ang upuan. Talikuran ang mga ito at nakahilera sa isang bahagi nang nakadikit ang dulo sa dingding na bricks ang disenyo. Isang parihaba naman na mesa ang nasa pagitan ng magkaharap na sofa at gawa sa makapal na tabla at sobrang kinis ang ibabaw nito. Malinis ang paligid at tipong sconce ang mga puting ilaw na nakapaloob sa parisukat na cover kaya ang tanglaw ng ilaw ay nasa itaas at ibaba, hindi nakakasilaw. Nakatugtog ang isang Italian song sa background

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD