Biyernes at naisip ni Darcelle na mag-leave dahil tinamad siya. Sinabi lang niya sa kanyang boss na may kaunti siyang sinat kahit wala naman para lang payagan. Lunes na raw siya papasukin nito. Ewan niya pero naisipan din niyang pumunta sa korte dahil alam niyang may public trial ang binata. Ni minsan ay ‘di pa niya ito nakikita in action. Mukhang ngayon na niya ito masasaksihan. Umupo siya sa may gitnang bench at medyo marami-raming tao kaya alam niyang hindi siya mapapansin ni Claude. Nagsuot pa siya ng mask para hindi nito makikilala kahit makita man siya nito kung saka-sakali. Nakalugay lang din ang mahaba niyang buhok. Pansin niya sa harap ang naka-elevate na desk kung saan ang puwesto ng judge. May isang witness stand sa kaliwang bahagi nito at dalawang mesa sa harap kung saan magk