‘Waah! Ang intense naman n’on!’ sa isip ni Darcelle nang matapos ang court trial pero magkakaroon pa ng kasunod. Napasapo pa siya sa dibdib niya. “Darce!” Natigilan siya nang tinawag ni Claude ang pangalan niya nang palabas na siya sa courthouse. Hinabol siya nito sa pasilyo at bigla itong pinaligiran ng ilang reporters. Maang siyang napatingin sa mga ito at nakatayo na lang doon. “Attorney Carrion, sa tingin n’yo ba ay maipapanalo n’yo ang kasong ito? Mukhang matibay ang prosecution,” anang isang lalaking reporter. “Ano’ng masasabi n’yo?” “Naniniwala po akong mananaig ang katotohanan,” ang tugon ng binata. Napasulyap ito sa kanya, tila takot na aalis na siya habang ito ay pinagkakaguluhan ng mga reporters. Kontrobersiyal kasi ang kasong hawak nito nang dahil sa domestic violence at ma