Nang makita ni Claude na umalis sina Feliz at Darcelle ay inaya na niya ang nobya na tumigil sa pagsasayaw. “Are you tired?” ang tanong ni Sam at binigyan siya ng maiinom. Nilagok niya iyon at bahagyang hindi normal ang paghinga dahil sa pagsasayaw at dahil din sa nararamdaman niya. Nagseselos siya habang nagsasayaw sina Darcelle at Raven at nakahawak pa sa katawan ng dalaga na may maliit na saplot lang na suot. Lahat ng mga mata ay nasa kina Raven at Darcelle habang nagsasayaw at parang gusto niyang sumabog dahil doon. “Sorry, hon. Nalaman nilang abogado ka at tuloy may gusto silang ikonsulta sa ‘yo at may marami silang tanong, lalo na sa ilang kasong hawak mo,” ang dagdag ng babae. “Hindi, okay lang ‘yon. Wala namang problema ‘yon sa ‘kin. ‘Di ko naman kailangang ibigay ang detalye