“I heard what happened!” anang Raven na sinalubong siya. Mukhang kanina pa siya hinahanap nito at natapos na ang team building. Nabalitaan niyang natalo ang team nila sa huling laro at ang overall na nanalo ay ang team nina Sam. Mamaya ay may beach party sila at magkakaroon ng camp fire sa gabi. “I’m sure he didn’t mean what he did but you slapped him in front of everyone?” dagdag ng binata nang tila hindi makapaniwala. “Huwag kang mag-aalala. Naayos na namin ‘yon. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko kasi.” Napabuntong-hininga siya. “Sa swimming pool lang tayo. Okay lang ba? Parang wala ako sa mood para maligo sa dagat, eh,” dagdag niya na lang na iniba ang paksa. “Kahit saan mo gusto basta kasama kita,” ang sagot ni Raven. Napangiti siya kahit paano. Kinilig pa nga siya. Hinanap