Naratnan ni Claude sina Feliz at Darcelle na nakaupo sa buhangin at narinig ang pagsigaw ng dalaga. Napangiti siya sa sarili. “Hindi ka ba mapapaos pagkatapos niyan?” singit niya at napalingon sa kanya ang dalawa. “Uh… Medyo pagod ako kaya mauna na lang siguro ako sa inyo,” anang Feliz na animo’y naintindihan na gusto niyang masolo si Darcelle. “Thanks, Feliz,” ang sabi niya nang papaalis na ito. “No problem,” anitong ngumisi sa kanya nang makahulugan. Napailing na lang siya at saka tumabi sa pag-upo sa dalaga sa buhangin. Itinukod niya ang mga kamay sa buhangin sa likuran niya at napatingin sa langit na napakadilim maliban sa maliliit na bituing kumikislap-kislap. Hindi masyadong mailaw sa kinaroroonan nila kaya kitang-kita ang mga iyon. Dama rin nila ang medyo malamig nang hangin ka