Chapter 5

1084 Words
Itinabig ni Darcelle ang kamay ni Claude bago pa siya mawalan ng huwisyo. May kung ano kasing kuryenteng tumulay mula roon patungo sa buong katawan niya nang hindi niya mawari. Lecheng katawan niya. Ang landi lang din, eh! “Buburahin mo pa ang lipstick ko, eh!” asik niya. Nag-re-retouch na lang siya kahit sa harap ng dalawang lalaki. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. “Humulas na pala ang makeup ko. Ba’t hindi n’yo sinabi?” Tumawa sa kanya ang dalawang lalaki. “You’re still pretty, Darce,” sabi ni Raven nang maagap. Seryoso naman ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya. “Okay, mga ex ko,” sabi ni Carla na nasa entablado pa rin. “Let me call those candidates ng Power Couples natin para sa banana game. Bawal ang KJ! Hindi makakarating sa heaven!” Nagkaroon tuloy ng kaguluhan. Lalong umasim ang mukha ni Raven dahil dito nang sulyapan niya na gusto niyang ikabunghalit ng tawa. Pero siyempre hanggang ngiti na lang ang ginawa niya. May tinatawag pa naman siyang pang-uunawa sa nararamdaman nito ngayon. Tumayo kaagad si Claude at hinawakan si Darcelle sa kamay. Lima silang couples na pumunta na sa harap ng stage. Binigyan ni Jenna ang lahat ng mga lalaki ng tig-iisang malaking saging na kulay berde. “Ano ‘to? Walang string?” punang aniya. “Darce, ibang banana game ‘to. Hindi ‘yong ibibitin ang saging sa baywang,” sabi ni Jenna na may panunukso sa ngiti at mga mata. Hindi pa niya ma-imagine kung anong laro ito kaya naman ay naging kulubot ang espasyo sa pagitan ng dalawa niyang kilay. “Okay, guys. Pila kayo riyan sa harap. Tagilid sa mga audience para mas maganda ang view. Okay?” sabi ni Carla. Nagpilahan ang mga kalalakihan habang mukhang wala pa silang ideya kung ano ang susunod na ipagagawa nito. Ang audience naman nila ay parang hindi na-e-excite nang saksihan ang contest. “Tapos ang mga girls, sa harap n’yo. Girls, luhod! Oras na para sambahin ang Adonis na nasa harapan n’yo!” pagpatuloy ng bakla. Biglang nagkaroon ng hiyawan, sipulan, sigawan at tawanan. Nagkagulo ba naman ang lahat nang dahil dito. “Ay! Inay ko po!” bulalas ni Darcelle. “Seriously?” aniya sa baklang emcee. Nakita niyang napatawa naman si Claude na nasa harap niya at pinaluhod siya ni Jenna nang siya na lang ang hindi lumuhod sa harap ng partner niya. ‘Inay ko! Ang mga hinayupak na ‘to!’ sa loob-loob niya. Pulang-pula na ang pisngi niya dahil dito. At ang Claude, sa tingin niya ay game na game naman. ‘Jusko!’ Ano ba itong kinasusuungan niya? Ay, hindi pala siya susuong. Hanggang luhod lang pala. “Guys, hold the banana in front of your… well, your own banana!” sabi ni Carla. “Ayiee!” Ang isang kamay nito ay nakahawak sa sariling pisngi dahil sa kilig. Laglag ang panga ni Darcelle sa sahig. “Hooo!” sigaw ng audience at nagpalakpakan. Nagkatuwaan talaga ang mga ito. “I can’t do this!” reklamo niya kay Jenna at saka napabaling kay Claude. Tatayo sana siya pero pinaluhod siya ulit ng organizer. “Ang KJ mo, ah!” saad ni Jenna na sinaway siya. “Hippo, take it easy. Kung hindi ka man mananalo mamaya, I won’t hold it against you,” ngising sansala naman ni Claude na nakadungaw sa kanya. Nakaluhod siya, eh. It was really awkward! Lalo na’t hinawakan na nito ang saging sa mismong maumbok nitong harapan. Tuloy ay napalunok siya. Jusme. Mura na naman siya nang mura sa isipan niya. Ang haba niyon. Isang litanya na. Bigla na lang kasing nag-iinit ang pakiramdam niya. “Okay, girls?” Si Carla na naman. “Kakainin n’yo lang naman ang saging. ‘Yong mga kamay n’yo ilagay sa likod n’yo. Kung sino ang maunang makaubos, siyempre ‘yon ang mananalo. So, ready?” ‘Letse talaga ‘to! Pero ano’ng magagawa ko?’ Pinilit niyang lumuhod nang kumportable pero hindi talaga dahil sa suot niyang sapatos at masakit ang tuhod niya sa makintab ngunit matigas na tiled floor. “Set! Guys, balatan na ang saging n’yo! Go!” ‘Diyos ko Lord!’ Napatingin siya habang binalatan ni Claude ang saging sa harap niya. “Girls, lafang na!” sigaw ni Carla sa mikropono. Hindi magkandaugaga ang audience na ngayon ay mula sa kanilang kinauupuan ay nakatayo na sa hindi kalayuan nila para mas mapanood nang maigi ang laro—er—kainan nila. Oo, kainan ng saging. Pikit-matang kinain niya ang saging. Awkward kasing tumingin sa harap. Hindi niya maiwasang mapa-imagine na ibang saging ang nilalapa niya. Peste talagang laro na ito. Napagalaw ang utak niya sa kabastusan. Ayaw siyang tantanan ng sarili niyang imahinasyon. “Oy, si Darcelle feel na feel ang saging ni Claude, ah! May papikit-pikit pang nalalaman ang bruhita,” puna ni Carla at nagkatawanan ang audience nila. ‘Inay ko!’ aniya sa isipan kaya napadilat siya ng mata habang ngumunguya. Siya ba naman ang pinuna? “At si Greta, ang virgin kung kumain hindi naman na virgin!” tudyo ni Carla sa isa pang contestant na nasa kaliwa niya. “Peace, girl!” natatawang dagdag ng bading. “OMG! Ang bilis lumafang ni Regina. Reyna talaga! Tamang-tama sa pangalan mo, girl! Bagay na bagay. Sa ‘yo na ang korona, I’m sure!” puna nito sa isa pa na nasa may dulo sa kanang bahagi ni Darcelle. ‘Isang kagat na lang, Darce. Matatapos na rin,’ pampalubag niya ng loob sa sarili. Napasulyap siya sa mukha ni Claude nang hindi sinadya. Nakatitig ito nang husto sa kanya na ikinasikdo ng puso niya. Did she just see desire reflected in his eyes? ‘Inay ko po! Maghunus-dili ka, Darce! Huwag kang baliw! Don’t read between the lines. Espasyo lang ang nandoon sa pagitan ng mga linyang ‘yon.’ “Okay!” sabi ni Carla. “May panalo na tayo! At walang iba kundi si Regina na Reyna ng Lafangan!” Nagkaroon ng hiwayan at palakpakan mula sa audience. Natutuwa talaga ang mga ito sa larong iyon. Naubos naman ni Darcelle ang saging pero nauna pa rin si Regina. Dapat niya yatang ikatuwa iyon dahil nakakahiya kung siya ang nanalo. Baka kung ano ang iisipin ni Claude… o ni Raven na hindi maipinta ang mukha habang nanonood sa kanila. Akma na siyang tatayo nang bigla na lang na na-out balance siya. Dahil yata iyon sa pangangalay niya dahil hindi siya sanay na lumuhod nang ganito. Ang laking ikinagulat niya ay nasubsob ang mismong mukha niya sa isang matigas na bagay. Nagsigawan at nagkantiyawan ang mga kaklase nila dahil sa mismong matigas na harapan ni Claude dumikit ang mukha niya. Hindi kasi nito inasahan na mangyari iyon dahil ibinigay nito kay Jenna ang balat ng saging kaya hindi siya nito napigilan o naalalayan o nailigtas sa nakakahiyang insidenteng iyon. ‘Inay ko po! Is he aroused? Inay ko po ulit!’ sa loob-loob niya at napatulala habang ang mga kamay ay nasa hita naman ng lalaki. Nakatukod. Kahit naman kasi virgin pa siya ay alam niya ang tungkol sa ganitong bagay. Beinte y nuwebe anyos na kaya siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD