Iginiya ni Claude ang kamay ni Darcelle sa mga balikat ng lalaki habang ang kamay nito ay nakahawak na ngayon sa maliit na baywang ng dalaga. She should feel awkward dahil sa biglang paglundag ng puso niya sa simpleng ginawa nito. Dagdagan pang mapanukso ang itim na mga mata ng lalaki na sumalubong sa tsinita at kulay-tsokolate niyang mga globo. Pero pinigil niya lang ang sarili.
Hindi na kakaiba para sa kanila ang mag-flirt sa isa’t isa simula noong gr-um-aduate sila ng college. But they never tried to move their relationship beyond friendship. Napadili-dili tuloy siya. She corrected herself. They were even more than just friends. They’d been in the flirt zone since that time. They were actually in a flirtationship for Christ’s sake. Paminsan-minsan ay subtle. Paminsan-minsan ay hindi. Still, they never tried to bring the notch higher.
Sumilay ang ngiti sa mapupulang labi ng lalaki. Ilang beses na ba siyang nangangarap na halikan ang mga labing iyon? Ilang beses na ba siyang parang gustong magselos sa mga naging babae at naging nobya nito? But no. She couldn’t. She shouldn’t. She had no right. Ayaw niyang masira ang pakikipagkaibigan nila.
All this while, nakukuntento naman siyang wala silang ginagawang mas pa sa pakikipagkaibigan at pag-pi-flirt paminsan-minsan sa isa’t isa. Kinikilig naman siya sa bawat sandaling nakakasama ito lalo na ngayon dahil hindi nito kasama ang nobyang medyo uptight na si Sam. Ewan ba niya kung bakit ito sinagot ng babaeng iyon. To think that at the time wala pang isang linggong magkakilala ang dalawa nang minsang sinundo siya nito sa kumpanya dahil naaberya ang second hand niyang kotse ay nabalitaan na lang niya mula sa binatang steady na ito at si Sam. Parang sinaksak siya sa likod sa dating na iyon. Pero binalewala na lang iyon dahil nga magkaibigan lang naman sila ni Claude.
Subali’t ayaw man niyang aminin noon ay medyo nagseselos siya but she forced herself to be happy for him. Why not? Eh, kaibigan nga siya nito. Dapat maging masaya lang siya para rito. Dapat na suportahan ito sa anumang bagay.
Naramdaman niya ang bahagyang paghaplos ni Claude sa kanyang baywang habang nakangiti at nagpatuloy sila sa pagsasayaw ng sweet dance sa tugtog ng kanta ni James Arthur na Say You Won’t Let Go. Tinutukso talaga siya ng lalaking ito. Hinampas niya ito sa balikat.
“Ano ba? Kung nanggigigil ka sa ‘kin mas mabuti pang sabihin mo na,” aniyang may tonong pagtataray rito.
“Hippo, fini-feel ko lang kung nawala na ‘yong body fats mo. Dapat nga sigurong magsimula ka nang mag-three day diet. Effective daw talaga ‘yon.”
Napamaang siya rito. “Hoy, ang yabang mo, ah!” Tinusok niya ng hintuturo ang tagiliran nito. Alam niyang may kiliti ito roon ka-lalaking tao. Napabungisngis ito habang napapaigtad-igtad sa ginawa niya nang hindi niya ito tinigilan.
“Stop it!” reklamo nitong diniinan ang pagkakahawak sa kanyang baywang habang nagsasayaw pa rin sila sa sweet music na nasa background.
Nagbago na ang musika pagkatapos noong kay James Arthur. Naalala niyang iyon yaong kantang sinayaw nila noong nag-te-traning sila bilang COLT para maging officers ng CAT (Citizenship Advancement Training) noong third year pa sila ng high school. Pinagkatuwaan sila ng officers nilang seniors na nasa fourth year na pasayawin habang kinakanta nila ang Waiting for Your Love by Stevie B.
Naalala kaya nito iyon? Ganitong-ganito ang expression ng mukha ni Claude nang sumasayaw sila noon. Sila kasi iyong magkapareha noon.
‘Letseng Cesar na ‘yon!’ anang isipan niya nang maalala ang officer nila noong high school na nagpasayaw sa kanila. Iyon kasi ang unang pagkakataon nang may kakaiba siyang nararamdaman para kay Claude. Pero siyempre hindi siya nagpahalata dahil ayaw niyang magka-ilangan sila kapag nalaman nitong may gusto siya rito. She thought that their friendship was way more important than what she truly felt for him. Besides, hindi lang iyon ang dahilan. Meron pang iba na ayaw niyang isipin. Noon man o ngayon.
“Hmm. Bumalik na ‘yong may crush sa ‘yo. Ano? Isasayaw mo ba siya? Parating na, o.”
Nauntag siya sa sinabi ni Claude na napatingin sa likurang bahagi niya. Napalingon siya para tingnan kung sino ang tinutukoy nito. Si Raven pala.
Kapwa sila napatigil sa pagsasayaw ni Claude. Umalis na ang lokong tinapik si Raven sa balikat at sila naman ang nagsasayaw ngayon na dalawa ng may crush sa kanya. Inimbitahan siya nito kaninang mag-bar sila mamaya pagkatapos ng reunion. Sinabi niyang tatanungin niya muna ang driver niya—si Claude—kung puwede. Pero hindi pa niya ito nasabihan tungkol doon. Naisip niya na lang na kapag natapos na sila rito. Kinausap pa naman siya ni Jenna na tulungan niya ito sa pagdi-distribute ng souvenirs mamaya dahil may short program sila na inihanda ng organizers para may katuwaan.
“Tinanong mo na ba ang driver mo?” untag ni Raven sa kanya nang nakangiti.
He was as tall as Claude. Mestiso at macho ito samantalang moreno at macho naman si Claude. Ewan ba niya. Mas guwapo at lamang para sa kanya ang kaibigan kaysa sa may crush sa kanya na lalaki. Alam na niya noon pa man na may crush ito sa kanya pero hindi nangahas dahil nga badass siya noon. Isa yaong defense mechanism niya para hindi ligawan habang nag-aaral pa.
“Nope! Later alligator,” ngising tugon niya.
Raven snorted. Tumigil naman sila sa pagsasayaw nang pumunta sa stage ang kanilang baklang kaklase noon na siyang emcee ngayon sa reunion na ito. Bumalik na sila sa kani-kanyang mesa.
“Mga ex ko,” bungad ni Carlos a.k.a. Carla na nagpa-oh sa audience. “I mean, ex-classmates. Ano ba kayo?” Nagkatawanan sila sa baklang nagtataray sa entablado. Nakapamaywang pa ito. “To make this reunion an enjoyable one, may pakulo kami ni sisterette Jenna.”
“Ano ‘yon?” halos sabay-sabay na tanong nila rito.
Lumapad ang ngisi ng bakla. “Games tapos i-a-announce ang Power Couple or Couples for tonight. I-a-announce din namin ang Mr. and Miss Hottie sa gabing ‘to. So, may instant ballot tayo diyan na ibibigay ni sisterette Jenna mayamaya lang. Ang ating judges ay…” Sadya nitong ibinitin yaon. “Sikreto para bibo! So, iboto n’yo na kung sino! Kung ayaw n’yong bumoto dahil gusto n’yong iboto ang self n’yo, well… who cares? Wala namang makakaalam at free country ‘to!”
Nagkatawanan pa sila.
Nagsimula na ngang mag-distribute ni Jenna ng maliit na papel kung saan nakalista ang mga pangalan ng Power Couples at Mr. and Miss Hottie candidates. I-a-announce ito bago matapos ang kanilang party. Nasorpresa pa siya nang makita ang pangalan nilang dalawa ni Claude na isa sa mga candidates sa Power Couple at ang pangalan nito at ni Raven ay kasali sa Mr. Hottie sa gabing ito. Napangiti tuloy siya sa sarili.
“These people are insane,” nasabi niya sa sarili habang nag-che-check ng box. Pero pilya niyang tsinek ang box para sa Power Couple para sa kanila ni Claude at ito ang Mr. Hottie sa ballot niya. Nang sulyapan niya si Raven ay nakalukot ang espasyong nasa pagitan ng dalawang kilay nito. Pinagtawanan niya ito. “Ang seryoso mo naman!”
“Eh, tayo ang laging magkadikit ngayon tapos hindi pangalan ko ang kapares ng pangalan mo,” himutok ng tisoy.
Lalo siyang napatawa rito. “Ewan ko sa ‘yo! Ano’ng big deal diyan? Laro lang naman ‘yan.”
Pero isa siyang ipokrita. Gustong-gusto naman niya ang nangyayari sa gabing ito. Maano naman kung may pantasya siya? Ngayon lang naman iyon.
“Darce! Tayo na ang Power Couple, ah!” singit ng kaibigan niyang loko-loko. Mukhang ginatungan nito ang inis ni Raven. Ipinakita pa nitong tsinek ang box na yaon. Pati na ang Mr. Hottie.
‘Ang kapal talaga! Conceited.’
“Pati Mr. Hottie? Grabe. Ang taas ng level ng confidence mo, ‘no? Lampas ng kisame!” aniyang sabay kumpas ng isang kamay. Napailing din siya rito.
“Eh, maano naman? Hindi nila alam na sarili ko ang ibinoto ko. Ikaw naman sa Miss Hottie,” anitong kumindat sa kanya. Itinupi na nito ang papel pagkatapos at kinuha ang ballot nila ni Raven. Hinabol na nito si Jenna na nasa kabilang mesa para ibigay ang mga iyon.
“Tsk! Eh, alam namin ni Raven,” tudyo niya nang bumalik ito sa mesa nilang tatlo.
“Shh!” anitong tinakpan ang bibig niya. Ang bango pa naman. Jusme! Amoy musk at woodsy ang pabango kasi nito.