Chapter 6

1647 Words
“OMG! Darcelle! Porke’t hindi ka nanalo umiskor ka naman sa pag-lafang mismo kay Fafa Claude!” kantiyaw ng bakla. Kunwari ay nag-flip ito ng imaginary long hair nito. Maikli naman kasi ang buhok ng beking emcee na mas makapal pa kaysa sa kanya ang makeup, lipstick at may glittery na false lashes pa. Napatingala tuloy siya kay Claude. Parang umigting sandali ang panga nito pero may panunukso sa mga matang nakatunghay sa kanya. Ang isang sulok ng labi ay bahagyang tumaas. Hinawakan na siya nito sa magkabilang balikat at tinulungang makatayo na para bang wala lang. “Hippo, sinadya mo bang ingudngod ‘yang nguso mo sa harapan ko?” tudyong anito sa kanya na bumulong sa tainga niya. Claude’s breath was warm that tickled her senses. Akala naman ng mga kaklase nila ay hinalikan siya nito sa punong-tainga at tuloy-tuloy pa rin ang kantiyawan. ‘Nakakaloka na. Nakakahiya.’ Parang gusto na niyang lamunin na siya ng lupa, kung hindi ng sahig. Now na sana. Pero pinilit niyang bumawi sa kahihiyan at umaktong wala lang iyon sa kanya. Ngumisi siyang itinulak sa maskuladong dibdib si Claude. ‘Inay ko po! Ang tigas naman talaga. Yum!’ sa loob-loob niyang kinikilig naman. “Gusto mo naman! Meow!” pakli niya sa binata na inirapan ito. Tumawa ito. Inakbayan siya at idinikit ang ilong nito sa kanyang sentido. Nagkantiyawan na namang muli ang mga dating kaklase nila. “Kayo na! Kayo na talaga!” sabi ni Carla na pumalakpak habang nagsisipulan ang iba nilang mga kaklase. Itinaas ni Claude ang isang kamay habang nakangisi nang nakakaloka. Pagkatapos niyon ay ibang game naman. “O, next game na tayo. We call it ‘Iputok Mo, Please.’ Candidates pa ring ‘to ng Power Couples pero isang team sila at ang sinuman ang gustong mag-partner-partner diyan na gustong sumali ay sa isang team naman,” pahayag ni Carla. “We need two teams, okay? Sali na kayo para enjoy tayong lahat! Okay? Dapat male and female, ah. All you have to do is maupo ang guys sa silya na may hawak na balloons sa ibabaw ng hita nila and the girls will try to putok the balloons gamit ang… siyempre sexy ass n’yo. Gets, mga ex?” instruksyon ng bakla. “So get those asses moving, grinding, whatever!” Tawanan na naman at kantiyawan habang kani-kanya ng kuha ng silya ang mga lalaki. Binigyan ang mga ito ng tig-iisang balloon ni Jenna. Nakapila ang mga kababaihan na nasa tapat ng mga lalaking nakaupo. Mukhang handa na ang mga ito. ‘Inay ko po! Gusto ‘ata ng mga ‘to ng orgy mamaya, eh!’ napaisip na lang si Darcelle na naiiling. Nakita niyang nanunudyo ang mga tingin sa kanya ni Claude nang sulyapan niya itong nakaupo na sa silya nito at hawak sa isang kamay ang balloon. Kinunutan niya ito ng noo at lumabi. “Ang unang team na nakaputok lahat ng balloons ang panalo. So, sabay-sabay lahat, ah para makita natin kaagad kung sino talaga ang team na mananalo.” Narinig nilang dagdag na sabi ni Carla sa mikropono. Hinila niya tuloy pababa ang kanyang suot na cocktail dress. Hanggang kalahati ng hita niya kasi ang laylayan niyon. Malamang makikita ang singit niya kapag nagkataon. Nakakahiya iyon kapag nangyari. Kung alam niya lang sanang may ganitong palaro ay disin sana’y ibang bestida ang isinuot niya. “Okay. Ready. Set. Go!” hiyaw ng bakla. Nagsitakbuhan na ang mga dalaga patungo sa kanilang partner at saka tumalikod para upuan at paputukin ang kani-kanyang mga balloons. “Ano ba, hippo? Lakasan mo! Promise, it’s not going to break!” sabi ni Claude nang may double meaning. Natatawa ito nang hindi niya maiputok ang letseng puting balloon samantalang narinig na niya ang putukan ng ibang ka-miyembro niya sa team. “Ay! Inay ko!” Sinubukan niya ulit. Tumayo at umupo nang malakas. Ayaw pa ring pumutok. “Ano ba?” inis na aniyang napakagat-labi. Napatawa na naman si Claude na hinawakan ang baywang niya sa isang kamay dahil nakahawak ang isa sa balloon. Mukhang nag-e-enjoy ito. Panay pa naman ang mura niya hanggang sa maka-limang subok na siya bago pumutok ang stubborn na balloon. “Hay naku, Darce! Kulang ka talaga sa practice!” sabi ni Carla na napatawa. “Turuan mo kasi, Fafa Claude! Nakakaloka kayong dalawa!” *** Litanya rin ang mura ni Claude sa isipan niya habang napatingin sa magandang pang-upo ni Darcelle. Kaunting-kaunti na lang ay kitang-kita niya na ang underwear nitong suot habang pilit nitong pinapuputok ang balloon niyang hawak. Kung hindi dumadaplis ang puwitan nito sa balloon ay napapaupo ito sa kanyang tuhod. Medyo hinihingal ito pagkaputok ng balloon na hawak at napaupo itong tuluyan sa kandungan niya. Pinigilan niya ang sariling huwag umungol. Sakang na sakang ang pang-upo nito sa matigas niyang hinaharap. Kanina pa siya may boner dahil sa babaeng ito. Dinagdagan lang ng mga malalaswang games, eh. Pero anong magagawa niya? Dapat ay game lang din siya kahit na ang limang libong self-control niyang baon ay nababawasan sa bawat segundo. Hinawakan niya sa baywang ang dalaga para makatayo ito. Hindi ba nito naramdaman ang boner niya nang mapaupo ito? Napalunok siya habang nanunuyo ang lalamunan. Dahil kay Darcelle ay hindi nanalo ang team nila. Isa o dalawang beses lang para sa iba pero ito ay limang beses pa talaga kailangang sumubok para mapaputok ang balloon. Inakbayan niya ang dalaga pagkatapos niyon. Nakinig sa instruksyon ng bading. Sumunod na laro ay Egg Race na by team pa rin. Gamit ang kutsara sa bibig ay ipapasa ang itlog. Dahil bumagsak ang itlog ng kabilang team nang patapos ang laro ay kaya nanalo sila. “So, dahil medyo pinagpawisan tayo sa maiinit na games, pa-cool naman tayo. Tatawagin na natin ang Mr. and Miss Hottie sa gabing ito,” ani baklang nagpapahid kunwari ng pawis at saka nakapamaywang na nagsasalita. Sila namang lahat ay bumalik na sa kani-kanyang upuan. Pero bago siya bumalik ay kumuha siya ng dalawang basong punch para sa kanila ni Darcelle. Ngumiti ito sa kanya bilang pasasalamat at agad na sinaid ang inumin. “Grabe. Nauhaw ako do’n, ah!” pahayag nito. Binigyan niya ito ng makahulugang tingin at ngiti habang binalewala si Raven na tahimik naman. Ininom niya rin ang punch at nakinig na sila sa emcee. “Oh, wow! Ano ‘to? Hindi naman talaga siya kagandahan noon, ah,” sabi ni Carla na tumaray pero ngumisi ito pagkatapos. “Peace sa mananalo, girl. Anyways, sinabi ko lang. Alam naman na nating lahat ‘yon.” “Sino?” Halos sabay-sabay na tanong ng nasa audience. “Pero itong si Fafa, matagal na talagang hottie ‘to. Crush ko ‘to noon pa, eh. Oy, Fafa date naman tayo minsan, o.” Napatuoon sa kanilang direksyon ang mga mata nito. Dapat yata ay hint na iyon. “Sino nga?” kulit ng audience. “O, siya, siya! I-a-announce ko na. Ang atat n’yo naman, mga ex.” Umirap pa si Carla at nagkaroon ng hiyawan at tawanan, sipulan at palakpakan. “Our Mr. and Miss Hottie ay walang iba kundi sina Fafa Claude at Darcelle!” Medyo pakanta ang himig ng boses nito nang mag-announce. Nagpalakpakan ang mga kaklase nila habang napanganga si Darcelle. Alam niyang hindi ito inasahan iyon. Nagigiliw siya sa reaksyon nito nang itinutok sa kanila ang spotlight. Hindi na nila alintana ang umasim na mukha ni Raven. “O, halina kayo sa stage. Bilis! Mag-de-date pa kami ni Fafa Claude, girl.” Napatawa si Darcelle sa sinabi nito. Inalalayan niya ang dalaga papunta roon. Nasa lower back nito ang kamay niya. Binigyan sila ng sash na Mr. and Miss Hottie 2019 ni Jenna. Kumaway sila sa mga kaklase nila dati nang nakangiti habang kinuhanan sila ng larawan. Nasa baywang ngayon ng dalaga ang isang kamay niya. “Hippo, punta tayo sa booth para pa-picture mamaya, ah?” bulong niya sa tainga ng dalaga. ‘Hmm. Bango talaga nito.’ “Okay,” anitong ngumiti sa kanya. Game na game naman ito. “O, siya. Puwede na kayong makaalis,” anang Carla. “Fafa Claude, mamaya ha? Date tayo, ah,” dagdag na anitong kumindat sa kanya at kinagat ang ibabang labi para landiin siya. Ngumisi lang siya kay Carla. Hindi talaga nagbabago ang beki na ito kahit kailan. Nasa kalagitnaan na sila pabalik ng kanilang upuan ng dalaga nang magsalitang muli ang bakla na ka-re-receive lang ng resulta para sa Power Couple sa gabing iyon. Pinaupo na niya ang dalaga sa silya nito bago siya umupo sa dati niyang puwesto. “Oh, my! Mga ex, parang hindi ko ‘to kayang sabihin,” maarteng sabi ni Carla. “Sabihin mo na!” “Ano ba yan?” “Pa-effect ka pa, baklita ka! Jujumbagin kita, eh!” “I-announce mo na kasi para matapos na!” “Pucha! May date pa kami pagkatapos nito, Carlita! Bilisan mo na!” Iyon ang iba’t ibang sinasabi ng kanilang mga kaklase habang nakapamaywang ang baklang nasa stage. Tumawa naman ito pagkatapos marinig ang iba’t ibang komento galing sa audience. “Ay, ang taray! Friday ngayon. Kahit Fly-day ay may tinatawag pa tayong weekend para makapag-date. Ang garapal n’yo naman sa date, mga ex!” saad ni Carla na pinatirik ang mga mata. Napailing na lang si Claude sa mga kaklase. Mga adults na nga naman talaga sila para mag-isip nang ganito. Napadako na naman ang tingin niya kay Darcelle na napangiti. Inilapit nito ang mukha kay Raven habang may sinasabi ang huli. Nagreklamo na naman ang mga kaklase nila. Pero wala roon ang kanyang atensyon kundi sa dalawang nasa tapat niya at nagbubulungan. “O, sige na nga. Hindi ko na ibibitin!” sabi ni Carla. “Buti naman! Tatawagin talaga kitang Carlos. Makikita mo!” singit ng isa nilang kaklase at may kantiyawan pagkatapos niyon. Namaywang ang baklang hinarap ang nagsalita. Umirap. “Kakalbuhin kita mamaya!” Inisnab na nito ang kinausap at ibinaling ang mga mata sa maliit na papel. Nagpa-dramatic effect na naman ang bakla. Bumuntong-hininga. “Okay. Heto na. The Power Couple of 2019 ay dry. Nakita n’yo na, eh. Kanina pa. Parang pang-highlight ang mga ‘to sa gabing ‘to, eh. Tuloy na-i-stress ang beauty ko!” “Sabihin mo na, baklita ka!” sigaw na naman mula sa audience. “Atat! O, heto na! Wala ng iba pa kundi ang Mr. and Miss Hottie na si Fafa Claude at ang date niyang si Darcelle!” Nagpalakpakan ang mga kaklase nila at may sumisipol pa. “Kaimbyerna! Hinakot n’yong dalawa, ah. Pambawi ba ito sa mga games kung saan natalo kayo kanina, ha?” anang Carla. Napatawa tuloy silang dalawa ni Darcelle na walang choice kundi ang bumalik sa stage. Nakipag-beso-beso sa kanila si Jenna na nagbigay sa kanila ng award. “Kayo na talaga,” anitong malapad ang pagkakangisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD