“Is this your first time here?” tanong ni Raven kay Darcelle. “As a matter of fact, yes,” turan ng dalaga na napatingin sa paligid. Maganda ang lighting fixtures ng restoran. Magkahalong puti at dilaw. Hindi masakit sa mata. May ilang paintings ng pagkain at landscapes na nakasabit sa dingding. Gusto niya ang jazz music na nasa background. Hindi masyadong malakas. Medyo naaamoy rin niya ang ilang pagkain dahil sa mga kumakaing kapwa kustomers. May mga mangilan-ngilang unipormadong waiter at waitress na paroo’t parito para silbihan ang mga bisita ng restoran. Sa pagtingin-tingin niya sa paligid ay bigla na lang nahagip ng kanyang paningin si Claude kasama si Sam. Nakasuot ng simpleng puting polo shirt ang binata na alam niyang pinaresan nito ng itim na slacks kahit hindi niya nakita. Ha