Dahil kapwa Seventh-Day Adventist (Sabadista) sila ng girlfriend niya ay sabay silang nagsimba sa hapong iyon. Iyon ay pagkatapos maihatid ni Claude si Darcelle sa apartment nito na suot pa rin ang shirt niya. Halos hanggang tuhod naman nito ang shirt kaya hindi na ito nahihiyang iyon ang isuot pag-uwi sa apartment nito. Alam ni Claude na may date ito mamaya kasama si Raven. Ewan ba niya at hindi niya gusto iyon. But who was he to feel this way? He was just Darcelle’s friend—the hippo’s friend called meow. Para siya ngayong matatawa sa nangyari noong graduating sila noong elementary. Nagitla na lang siya nang minsang pumasok ng school si Darcelle na panay takip ng panyo sa harap ng mukha nito. Nang tanggalin ba naman niya dahil curious siya ay isang malaking pimple ang nakapatong talaga