Napaisip na naman si Darcelle tungkol sa kanilang dalawa ni Claude at ang sitwasyon niya. Naiinis siya kung bakit naaapektuhan nang ganito at lalo na sa sinabi ng binata. Dapat hindi na niya iyon pagtutuunan ng pansin. Subali’t bawat araw na lumilipas ay palala ito nang palala at hindi na niya gusto ito. Dapat humanap siya ng paraan na matigil na ang kabaliwan niya. Given that they were in the flirt zone, she had to try to just stay there and be mindful of the boundary. Tinawagan niya si Raven na agad ding sumagot sa kanya. “I’m sorry to bother you, Raven,” ang aniya. “It’s okay. Nasa break naman ako. Ano’t napatawag ka yata?” anito na halatang natutuwang tinawagan niya. “If you don’t have anything to do this weekend, baka naman puwede mo ‘kong samahan? Team building namin kasi at par