Lalong bumigat ang ulo ni Darcelle nang hindi man lang nito natapos ang palabas sa Cable TV. Paglingon ni Claude ay nakatulog na pala ang dalagang nakasuot ng cotton night shirt na hanggang tuhod at may quarter sleeves. Napangiti siyang napatingin sa mukha nito pababa sa labi ng dalaga. Napasinghap siya. Kahit hindi naman kapulahan ang mga labi nito ay parang masarap pa ring halikan. Medyo umawang iyon na parang nang-e-engganyong magpahalik. Ilang saglit din siyang nakatitig nang husto sa dalaga. Pinahinaan na lang niya ang volume ng TV at hindi muna gumalaw habang hinayaan itong nakasandig sa balikat niya. Isinandal na lang niya ang ulo sa likod ng sofa para mas kumportable silang dalawa. Nasasamyo niya ang bango nito nitong parang nagkalikot sa bawat himaymay ng katawan niya at napaluno