CHAPTER 2
"I can not believe na magagawa ito ni Papa, Kuya Jake," hinagpis ng bunso niyang kapatid na si Beatrice. Umuwi ito ng bansa mula sa Florida kung saan ito nag-aaral nang mamatay ang kanilang ama two weeks ago.
Hindi niya ito sinagot at nagbuntong-hininga na lamang. Tinitigan niya ang kanilang ina na nakaupo sa pang-isahang sofa na marahang pinupunasan ang mga luha. Batid niyang labis nitong dinamdam ang nangyari kanina sa kompanya. Bagaman kalmado pa ring pinakikiharapan ni Soledad ang mga taong nang-uusisa.
Kanina nga ay nasa importante siyang meeting nang magkaroon ng komusyon sa ibaba ng OMC. Ayon sa kanilang receptionist ay may dalagang naghahanap sa kanilang ama. Na base sa reaksyon nito ay wala itong ideya na wala na ang kanilang ama.
Their father died in a car accident. Nakabanggaan nito ang isang ten-wheeler truck na ayon sa imbestigasyon ay nawalan ng kontrol. Dead on the spot ang kanilang ama.
Walang ibang pagkakakilanlan ang babae na sumulpot sa kompanya kanina maliban sa naibigay nitong pangalan sa receptionist--- Francheska. Naging laman ng usapan ang nangyari kanina ng kanilang mga empleyado. The lady almost fainted while crying when she learned what happened to their father. Na buti na lang ay malapit ito sa may security guard kaya ito nadaluhan agad. Unfortunately ay wala na ang nasabing babae nang bumaba siya pagkatapos ng meeting.
Everyone made speculations of about what happened. That the lady was his father's mistress.
Kung bakit iyon ang naging usap-usapan? Dahil hindi pa natatagalan mula nang magtalo ang mga magulang nila sa loob mismo ng solar ng kompanya. Na nasaksihan ng ilang empleyado.
Matagal nang naghihinala si Soledad na may babae si Benedict kung ang pagbabasehan ay ang madalas nitong pag-alis na hindi pinapaalam kung saan tutungo. Idagdag pa na nalaman ni Soledad ang paggasta ng asawa ng halaga na hindi ipinapaalam sa kanila kung para saan. At iyon ang pinagsimulan ng away ng mga ito ilang araw bago nawala ang ama.
At kanina nga, dahil sa nangyari ay nakumpirma lang ang pagtataksil ng kanilang ama. The appearance of that woman confirmed the idea that their father was cheating. Kung ang pagbabasehan ay ang reaksyon nito sa pagkamatay ni Benedict Olvidares.
Naikuyom ni Jake ang mga kamay sa naisip. Hindi niya lubos na maisip na magagawa ito ng ama.
Dumating ang araw ng pagbabasa ng last will and testament ni Benedict Olvidares. Nasa loob na ng study room ang kanilang abogado na si Atty. Hector Mendoza. Tahimik ding nakaupo ang kanilang inang si Soledad. Gayon din silang tatlong magkakapatid.
"Shall we start, Attorney?" naiinip niyang tanong nang mapansing hindi pa nag-uumpisa ang abogado.
Tumingin ito sa wristwatch nito bago siya tinugon. "We are still waiting for someone. Actually,last week pa naipadala ang sulat sa kanya. Inviting her para dito."
Naiangat niya ang likod mula sa pagkakasandal sa upuan. Kunot-noong tinitigan ang kausap. "What do you mean?"
"May isa pang kasama sa last will ng Papa ninyo. And you know that she should be here as I read the documents. She is part of the will, Jake. Though, hindi ako nakatanggap ng sagot sa sulat na pinadala ko, I am sure na alam niya na ang tungkol doon. I have talked to her aunt already."
"I do not understand. Sino, Attorney?" he asked impatiently.
"A certain Francheska Hidalgo."
Narinig niya ang pagsinghap ng ina. Kahit ang mga kapatid niyang sina Beatrice at Vincent ay nabigla sa pangalan na binanggit ng abogado.
"May pinamana sa kanya ang Papa?" Vincent snapped. He heard him uttered a foul oath.
"Can't you just read it without her? She is not part of the family." galit niyang sabi.
"I am afraid no, Jake. Isa iyon sa mga probisyon ni Mr. Olvidares. Besides, hindi ko mababasa ang last will nang wala ang mga involve dito. You know that."
"Is there any way to question the will, Attorney?" singit ni Soledad sa usapan sa unang pagkakataon simula pa kanina.
"It is watertight, Mrs. Olvidares."
Napaismid si Beatrice. "Pero, Attorney, the thought that that woman was not a relative ay pwede nang kwestyunin, hindi ba?"
"Alam ninyo na tanging ang fifty percent ng estate or ari-arian lang ang automatic na mapupunta sa inyo as immediate family. No one can question that from you. But your father can apply some conditions to the remaining fifty percent. And he had the right to choose kung kanino niya iyon gustong ibigay."
"What do you mean?" tanong ni Vincent.
"Ang perang inilaan niya para kay Ms. Hidalgo ay galing sa natitirang porsiento ng kanyang ari-arian. And the remaining, paghahati-hatian niyo pa rin. But with the condition na makukuha niyo lang iyon kung matanggap na ni Ms. Hidalgo ang para sa kanya," paliwanag pa ng abogado.
"You mean na nakasalalay ang iba naming makukuha sa babaeng iyon?" Jake snapped.
"That was your father's provision."
"That is bullshit!" napatayo niyang sambit.
Natutop ni Soledad ang bibig upang pigilan ang nagbabadyang pag-iyak.
They waited more than an hour pero walang Francheska Hidalgo na dumating. The lawyer does not have a choice kundi ang magpaalam na and will try again to set a schedule sa pagbabasa ng will. He needs to contact Ms. Hidalgo and invite her again.
Ngunit lumipas ang dalawang linggo ay wala pa silang naging balita tungkol sa dalaga. Ano mang dahilan kung bakit hindi ito tumutugon sa bawat tawag o sulat ng abogado ay hindi alam ni Jake.
That was the day that their mom started to be different. Lagi na itong nag-iisa at nakatanaw sa malayo. Hindi nito natanggap na nagawang magtaksil ng asawa. Those were the times na naging mahirap para sa kanila. Their mother suffered depression na kalaunan ay tuluyang nanghina ang katawan. At paglipas nga ng tatlong buwan mula nang mamatay ang kanilang ama ay namaalam na rin ang kanilang ina.
Jake blamed that woman for everything that happened. At dahil doon ay gagawin niya ang lahat huwag lang nito makuha ang mana. Kapalit man noon ay ang hindi makuha ang natitirang ari-arian ng ama.
*****
"YOU wouldn't do anything, would you?" tanong ni Vincent sa kanya. Kasalukuyan silang nasa loob ng kanyang opisina.
Hindi sumagot si Jake. Dinala niya ang hawak na kopita ng alak sa bibig at sumimsim doon. Nakatanaw siya sa labas ng salaming bintana ng opisina niya. Mula roon ay natatanaw niya ang kalsada sa ibaba. Nagpapaligsahan ang mga sasakyan sa kalsada sa paroo't parito. Ngunit wala doon ang isip niya kundi nasa tanong ng kapatid.
"It's been four months since our father died. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagawan ng paraan na masalin sa atin ang ilang ari-arian ng Papa. For heaven's sake, Jake, ano ba ang plano mo?" dugtong pa ng kapatid.
"Will you spare me your fuss, Vincent," marahas niyang harap dito.
"Come on, Jake. Why don't you just give her what our father wanted?"
"And then what?" he snapped. "Baka nakakalimutan mo ang idinulot sa atin ng babaeng iyon."
"Who knows, Jake, baka mali tayo ng iniisip sa kanya," wika nito bago tuluyang lumabas ng opisina niya.
Nahahapong napaupo si Jake sa high-back swivel chair niya. Ilinapag niya ang kopita sa mesa at isinandal ang katawan sa upuan. Tumingala siya at tumitig sa kisame.
Apat na buwan.
Apat na buwan lamang ang lumipas ngunit magkasunod na nawala ang kanilang mga magulang. Hindi niya namalayan ang pagkuyom ng kanyang mga kamao. He has no one to blame but the woman that caused his mother's suffering.