Chapter Three

1310 Words
CHAPTER 3 Ipinarada ni Jake ang kanyang sasakyan sa ilalim ng punong acacia. He went out of his car and headed to the backseat. Binuksan niya ang pinto ng backseat at kinuha mula roon ang pinabiling mga bulaklak sa kanyang sekretaryang si Lilet. Tinunton niya ang sementadong pathway ng sementeryo patungo sa mausuleo ng mga magulang. Magkatabing nakalibing ang mga labi ng mga magulang sa sementeryong iyon. Ilang hakbang pa bago siya makarating sa mausuleo nang mapatigil sa paglalakad sI Jake. On his father's grave are flowers and candle that's still lit. Luminga siya sa paligid. Trying to look for someone na galing sa puntod ng kanyang ama. On his left side kung saan naroon ang daan patungo sa isa pang exit ay may babaeng akmang palabas. Dali-daling binitawan ni Jake ang bitbit na mga bulaklak. He tried to come after the woman. Nakasisiguro siyang iyon ang nanggaling sa puntod ng kanyang ama. "Miss! Miss, sandali lang!" sigaw niya habang tumatakbo palapit. Ngunit bigo siyang marinig nito. Agad na itong nakasakay sa pinarang taxi. The woman was slim. May hanggang balikat na buhok. Nakasuot ito ng spaghetti-strapped na bestida na kulay maroon. He never got the chance to look at her face. Nahinto si Jake sa gitna ng pathway. He was curious kung sino ang babaeng iyon. Hindi maaaring isa ito sa mga empleyado dahil office hours pa nang mga sandaling iyon. "Could it be--?" Napaigting ang kanyang mga panga. Ganoon ba ka-devoted ang babae ng kanyang ama para maisip pa na dalawin ito ngayon. "How thoughtful!" sarkastiko niyang pahayag. ***** Alas-otso ng gabi nang makarating si Jake sa bahay ng matalik na kaibigang si Ronniel sa Tagaytay. Pag-aari ng pamilya ng kaibigan niya ang private beach resort na iyon sa naturang lugar. Inaanak ito ng kanyang ama at isa itong pulis. Na hindi niya maintindihan kung bakit pa nito kailangan magtrabaho bilang pulis eh isa ang pamilya din nito sa mga may sinasabi sa lipunan. Their family owns a real estate company at ang beach resort nga na ito. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay ng kaibigan matapos maiparada ang kanyang sasakyan. "Hey, buddy. Akala ko ay hindi ka na darating," nangingiting bati sa kanya ni Ronniel bago tinapik ang kanyang balikat. "Pwede ba namang hindi ko daluhan ang kaarawan mo eh di sinugod mo ako sa OMC," natatawa niyang sabi dito. Tumawa si Ronniel. "Tara na sa loob." Nagpatiuna ito sa pagpasok. Sa may sala ay nakita niya ang dalawang kasamahan ni Ronniel sa serbisyo na magalang siyang tinanguan. Gumanti din siya ng pagbati sa mga ito. "Kanina ay dumating si Papa," wika nito habang papasok sila sa dining. "How is he, anyway," may bahid ng pag-aalala niyang tanong. Tito Ricardo, Ronniel's father, had a severe heart attack months ago. Na-stroke ito at kinailangang mag-undergo ng therapy para bumalik sa dati ang kalagayan. "He is doing well. Thanks to his private nurse," saad nito habang nangingiti. Napaangat ng kilay si Jake. "And what was that supposed to mean?" Ngunit hindi siya sinagot ni Ronniel at tuluyan nang dumulog sa mesa kung saan naroon ang mga putaheng pinaluto nito. It was just a simple birthday celebration of Ronniel. Ilang kasamahan sa trabaho at kaibigan lang ang andoon. Pagkatapos ng salo-salo ay isa-isa nang nagpaalam ang mga panauhin. Nagpaiwan si Jake at lumabas sila ni Ronniel sa may patio ng bahay na may dalang kopita ng alak. Ilang hakbang pa ay isang katamtamang laki na swimming pool. At ilang kilometro pa ay ang dagat na. Namana ito ng ina ni Ronniel, who died when he was still a kid, sa mga magulang nito. Nasa may patio na sila nang mapuna ni Jake si Tito Ricardo na nakatayo paharap sa swimming pool. May hawak itong tungkod. Linapitan niya ito. "Good evening, Tito Ricardo." Marahan itong lumingon sa kanya. "Jake? Ikaw nga ba?" he asked cheerfully. "Buti at nakarating ka, hijo." "Baka ho tutukan ako ng baril ng kaibigan kong pulis pag hindi ako pumunta." "You bet!" natatawang pagsakay sa biro ni Ronniel. "How are you, hijo?" pag-iiba ng matanda. "Ako dapat ang magtanong niyan sa iyo, tito," wika niya na nais ilihis ang usapan sa kanya. Alam niya ang tinutukoy ng ama ng kaibigan. He was referring about the scandal that happened to his family four months ago. If he is over it?-- Ayaw niyang sagutin. "Don't worry about me. I am getting better. Thanks to Cheska," masigla nitong sabi. Lumampas ang titig nito sa kanila ni Ronniel at tumingin sa may patio. "Here she is." Sinundan ni Jake ang tiningnan ni Ricardo. From the house, came out a lady. She was dressed in blue denims that emphasized her slim body. Nakatali ang buhok nito sa likod. She is wearing no make-up except for a light red lipstick. Hindi ito kaputian ngunit hindi rin naman ito matatawag na maitim. Must be five feet four inches. Ngunit dahil slim ito ay mas matangkad tingnan ang babae. "Let me introduce you sa tumulong sa akin na makarecover, Jake. Come here Cheska." Lumapit ang tinukoy na Cheska. She looked at him. She has expressive eyes na sinamahan ng mahahabang pilik-mata. "Jake, this is Cheska, my private nurse. Cheska, si Jake. Kaibigan ni Ronniel." "Hi." Ngumiti ng pino si Cheska. And Jake can't help but be mesmerized by the beauty in front of him. Inabot niya ang kamay dito na tinanggap naman ng dalaga. And he, himself, was shocked by the electricity that he felt as their hands touched. He held her hands longer than necessary. Disimiladong hinila ni Cheska ang kamay mula sa kanya at bumaling na kay Ricardo. "It's time for your med, sir," wika nito sa matanda. "I gotta go, hijo. Maganda itong nurse ko ngunit istrikto," biro nito at tumawa. He saw Cheska chuckled at inalalayan na nito si Ricardo na pumasok sa loob. Nakasunod pa rin ang titig niya sa mga ito hanggang makapasok sa kabahayan. "It seemed that she was not taken by your charm, dude," natatawang puna ni Ronniel. "Come on, man. Huwag ako ang pag-usapan natin," pag-iiba niya. "How was your work?" Nagkibit balikat ito. "Well, may bagong assignment." "Until now, hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay nagpupulis ka pa din. Why don't you just focus on your business? Lalo na at hindi iyon masyadong naaasikaso ni Tito Ricardo." "I have my reasons, Jake," seryoso nitong pahayag. "Besides, Papa is getting better. Desisyon niya pa din ang nasusunod sa kompanya. Baka nga one of these days, magreport na iyon sa opisina," he laughed. Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy si Ronniel. "Good thing na nandiyan si Cheska sa tuwing nasa assignment ako." Nabalik sa nurse ng ama nito ang usapan nila. "Where is she from?" hindi niya mapigilang itanong sa kaibigan. "Inirekomenda ni Nana Salin," tukoy nito sa katulong ng mga ito sa bahay sa Makati. "Fresh graduate siya noong maging private nurse ni papa. Taga Batangas. And I admit malaki ang naitulong ni Francheska sa papa." Marahas ang ginawang paglingon ni Jake sa kaibigan pagkarinig sa pangalang binanggit nito. Hindi niya kailangang mag-overreact. Ang daming babae ang may ganoong pangalan. Tito Ricardo's private nurse might have the same name as the woman he started to hate months ago. Cheska, the private nurse, was demure a while ago nang makaharap niya. At alam niyang hindi iyon arte lang o kaya aral. It was natural. Not the kind of woman he figured out as his father's mistress. But looks can be deceiving, right? Kaya isinatinig niya pa din ang tanong sa isipan. "What is her full name?" "Francheska Hidalgo." Tinitigan siya ni Ronniel na nang-uusisa ang mga mata. "Why the sudden interest, Jake?" Ngunit hindi na nagawang sumagot ni Jake. Naikuyom niya ang kamay sa hawak na kopita ng alak. He was not sure if Ronniel noticed how he clenched his fist and gritted his teeth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD