Chapter Four

1204 Words
CHAPTER 4 Dahil sa madaling araw na ay halos wala ng sasakyan at maluwag na ang trapiko sa kalsada. Mabilis ang pagmamaneho ginagawa ni Jake sa kahabaan ng SLEX. Wala na siyang pakialam kung halos umangat na ang mga gulong ng sasakyan niya. Pinipigilan siyang umuwi ni Ronniel kanina and asked him to spend the rest of night at the resort. Pero hindi niya magawa. How could he kung alam niyang andoon ang babaeng siyang naging sanhi ng paghina ng ina at tuluyang pagkawala nito. Napatiim-bagang siya at mahigpit na napahawak sa manibela. Damn that woman for ruining their family. Unconsciously ay mas napahigpit pa ang hawak niya sa manibela. Hindi niya namamalayan na pabilis nang pabilis na ang pagmamaneho niya. Pagdating sa isang interseksiyon ay ang biglang pagsulpot ng isang malaking trak. Sinubuka pang i-menor ni Jake ang BMW but it was too late. Malakas na napabusina ang driver ng truck nang mapansin na tutumbukin siya nito. Ngunit hindi na nagawang iiwas pa ni Jake ang sasakyan. Sa huli ay tunog ng paggitgitan ng dalawang sasakyan ang maririnig sa kalaliman ng gabi. ***** Matulin lumipas ang isang linggo. It was Sunday at kagagaling lang ni Cheska sa kanila sa Batangas. Dinalaw niya ang kanyang Tiya Martha kahapon at ngayon nga ay nakabalik na siya sa bahay ng mga Certeza. "I am forever grateful to you, hija. It was a good thing na ikaw ang naging private nurse ko," ani ni Ricardo habang nasa may lanai sila ng bahay ng mga ito sa Makati. Dalawang palapag na bahay iyon na may limang silid sa taas, plus the family room. Sa baba ay ang library at dalawang servant's quarter. Malawak na living room at kusina. Ang Sir Ronniel niya ay napipirmi lang sa bahay na iyon kung masyado nang ginagabi ito mula sa mga assignments nito. But most of the time ay sa bahay nito sa Tagaytay ito umuuwi. Sometimes she wondered kung bakit pa ba kailangang  bumukod ni Sir Ronniel ng tirahan. This house is too big for the both of them. Napangiti siya sa binanggit ni Ricardo. "Wala ho iyon, sir. Besides gumaling kayo dahil ginusto rin ng katawan ninyo. Nag-assist lang ho ako sa inyo." "I do not know. Pero kung hindi sa encouragement mo sa bawat therapy ko ay malamang na hindi napabilis ang pag-recover ko." Natigil ito saglit sa pagsasalita nang dumating ang katulong para dalhan sila ng meryenda. Cheska uttered her thanks nang iabot ng katulong ang tray ng pagkain. Ilinagay niya ito sa mesang naroon. Nagpatuloy si Ricardo sa pagsasalita. "Paano ba iyan, hija, I won't be needing you anymore. I am healthy as a bull again," malakas itong napatawa. "I am glad na makita na  nakarecover na ho kayo, sir." Iwinasiwas nito ang isang kamay. "Stop calling me sir. Call me tito." Uminom ito sa baso ng juice bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Anyway, someone I know needs a private nurse. Are you willing to take him?" "May sakit ho ba, sir? I... I mean t-tito?" nahihiya niyang tawag dito ng tito. "He met an accident days ago. So he needs a nurse to assist him," tugon nito sa kanya. ***** "You need to sign this, Miss Hidalgo," ani ng kaharap sabay abot sa kanya ng folder. Binuklat ito ni Cheska at pinasadahan ng basa. According to the agreement ay stay-in siya sa bahay ng bagong pasyente. She needs to be with the patient 24/7. At kung hanggang kailan niya ito aalagaan ay nakadepende sa bagong amo. Hindi maiwasang manlaki ng mga mata ni Cheska nang madaanan ng basa ang halaga ng sahod na nakasaad sa kontrata. "Fifty thousand a month!" namamangha niyang pahayag. "Yes, Miss Hidalgo. Plus allowance every week from our boss," saad ng sekretarya nito. Nasa isang restaurant sila sa Makati. Pagkatapos mabanggit ni Ricardo sa kanya ang bagong trabaho ay agad nitong kinontak ang kakilala nang sumang-ayon siya. At ngayon nga ay nakipagkita sa kanya ang sekretarya nito para idetalye ang trabahong papasukan. When she nursed Ricardo, she never signed any agreement or contract. Pero itong bagong papasukan ay kailangan pa ng pirmahan. Anyway, she doesn't mind. For sure, sa laki ng inaalok nitong sahod ay malaking tulong na sa kanilang magtiya. "Don't I get a day-off, miss," nag-aalangan niyang tanong dito. "You have twice a month, Miss Hidalgo," nakangiti nitong sabi. Maybe that's enough to see her Tiya Martha-- she thought. Wala ng ibang tanong ay pinirmahan na ni Cheska  ang papel na hawak bago iyon inabot sa kaharap. "Thank you and take this," anito at inabot sa kanya ang papel mula sa bag na dala nito. "What is this for?" namamangha niyang tanong nang matitigan ang chekeng hawak kung saan nakalagay ang twenty thousand pesos. "Paunang bayad ni sir," tugon nito habang ilinalagay ang mga pinirmahan niya sa dala nitong briefcase. "He will be expecting you the day after tomorrow," wika nito at binigay sa kanya ang address ng amo bago tuluyang nagpaalam. ***** Matapos makapagbayad ay bumaba na siya ng sinasakyang taxi. Manghang napatingala si Cheska sa malaking bahay na nasa harapan. Ito ba ang bahay ng bago niyang amo? The house of the Certeza's is so big na halos hindi na magkita-kita ang mga tao sa luwag nito. But this house is much bigger. The house has a beautiful modern interior in an Italian style. Sa labas pa lang ay bakas na ang karangyaan nito. Malawak ang bakuran nito. Sa garahe sa harap ay may nakaparadang isang Mercedes-Benz at isang land cruiser. Bago pa man niya mapindot ang doorbell ay napansin na siya ng isang babaeng sumulpot mula sa may tagilirang bahagi ng bahay. Must be in her late forties. May hila-hila itong hose. Pagkakita sa kanya ay dagli nitong binitawan ang hawak na hose at pinatay ang gripo bago lumapit sa gate. "Ikaw na ba si Cheska?" bungad nito. Napatitig siya dito. So, they are expecting her to come. "Opo," sagot niya nang nakangiti. Nagpakita siya dito ng identification card. Binuksan nito ang gate at pinapasok siya. Iginaya siya nito papasok ng bahay. Kung humanga siya sa labas pa lang ng bahay ay mas higit siyang napamangha sa loob nito. The house has the touch of class. Walang bagay sa loob nito na hindi mamahalin. Pagpasok ay mapapansin na ang grand staircase na hugis pamaypay patungong second floor. Sa gitna ng malawak na sala ay isang engrandeng chandelier sa itaas. "Ako nga pala si Nana Mameng. Katiwala ako dito. Hintayin mo na lang si Sir. Pababa na iyon. Tatawagan ko sa intercom." Bago pa siya makasagot ay tumalikod na ito. Ibinaling niya ang tingin sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Most of them are abstract. She is not an art connoisseur but she can say na parang ang lungkot ng mga paintings na nakasabit. She was about to walk closer to the paintings nang isang tikhim mula sa kanyang likuran ang nagpatigil sa kanya sa paghakbang. Marahan niya itong nilingon. Only to be surprised! Nakatayo ilang hakbang bago makababa nang tuluyan sa hagdan ay ang lalaking ipinakilala sa kanya ni Mr. Ricardo Certeza sa kaarawan ng anak nitong si Ronniel. "We meet again Francheska Hidalgo," malalim na boses nitong pahayag na may diin sa pagkakabanggit sa pangalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD