CHAPTER 5
Dahan dahan ang ginawang pagbaba ni Jake, as if taking his time para makalakad palapit sa kanya.
What is he doing here? Does it mean na siya ang bago niyang--?
No need to ask. Sa anyo nito ay hindi kataka-takang ito ang bagong pasyente na kailangan niyang alagaan. His forehead was swathed in bandages and also he has a bandaged left hand. Halos paika din ang ginawa nitong paglakad.
He stopped few steps away from her and looked at her intently. "I am glad na tinanggap mo ang offer ni Tito Ricardo," bungad nito sa kanya sa seryosong tinig.
"Hindi ko alam na ikaw ang tinutukoy niya," turan niya dito.
"I asked him not to tell you."
Naguluhan siya sa sinabi nito. "But why?"
He twisted his lips upward at hindi sinagot ang tanong niya. "So you have signed the contract whice means you agreed with it." It is more of a statement than a question. At parang nahimigan pa niya ang panunuya sa tono nito.
"Dahil hiniling ni Tito Ricardo na---"
"So, now it is tito, not a sir anymore?" he said sarcastically.
Hindi niya mawari kung bakit ganito ito makipag-usap sa kanya. Is he always like this? Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ito, "Are you always that close to old men?"
"He was my patient and I care--"
Sa muli ay pinutol nito ang sasabihin niya. "At doon mo sila naaakit, hindi ba?"
Nanlaki ang mga mata niya sa nais ipahiwatig nito. "What did you mean by that? Are you thinking that... that..." Hindi niya matuloy-tuloy ang nais sabihin. "Si Sir Ronniel kailanman ay hindi ako pinag-isipan ng ganyan."
"Because I know you better than he does," mariin nitong sabi.
"Know me? Really Sir? Noong kaarawan lang ni Sir Ronniel tayo nagkita and that meeting did not give you the right to insult me," nangangalaiti niyang pahayag dito.
Kalmanteng naupo ito sa pang-isahang sofa. Nakita niya nang paika itong lumapit sa sofa. At muntik niya na itong lapitan para daluhan but she held herself. He insulted her!
"I forgot to formally introduce myself to you," he said. "I am Jake. Jake Olvidares. Nice to see you again, Francheska Hidalgo."
Olvidares?
Iisang tao lang ang kilala niya na may ganoong apelyido. And what is his connection to Don Benedict Ovidares?
"Ol... Olvidares?"
"Does it sound familiar to you?" he said mockingly. "Oh, I don't need to ask. You have not forgotten my father, right? In fact, naalala mo siyang dalawin noong isang araw."
"Anak ka ni Don Benedict?" gulat niyang tanong.
"Exactly. The man whom you had a relationship with."
*****
Pinagmasdan ni Jake ang reaksyon ng mukha ng kaharap. He saw puzzlement on her beautiful face.
"Had... had a relationship? What are you talking about?"
"Stop pretending Francheska. You were my father's mistress, weren't you?" tanong niya sa galit na tono. Tumayo siya muli mula sa pagkakaupo at tinungo ang mini bar na nasa tagilirang bahagi ng bahay. "After how many months, I finally met you," he said angrily habang sinasalinan ng alak ang kopita.
"Mistress?" narinig niyang sambit nito. Naglakad ito palapit sa kanya sa may mini bar. "You are thinking that Don Benedict and I had a relationship? That is bullsit!"
"I never thought that your sensual lips could speak such word," wika niya bago lumagok sa kopita. Tinitigan niya ito habang umiinom. Then, "But what do I expect to the likes of you? It suits you anyway."
"What made you think that I was your father's mistress, Mr. Olvidares?"
Napansin niyang pilit nitong pinakakalma ang sarili. Pilit nitong itinatago ang galit sa magandang mukha.
"Months ago nang pumunta ka sa OMC. Pouring your heart out sa pagkawala ni Papa. Now tell me, bakit ganoon ang reaksyon mo kung wala kang relasyon sa ama ko?"
Kumunot ang noo nito, as if trying to remember what he said. Mayamaya ay bumakas sa mukha nito ang pagkagulat. "That? Dahil doon iniisip niyo na... na.." Hindi nito maituloy ang nais sabihin. Instead, she laughed almost hysterically.
Nagdikit ang mga kilay ni Jake sa inasal nito. Mayamaya ay muli itong nagseryoso.
"So you have established your first impression to me just because of that incident?"
"Dahil hindi mo alam ang naging resulta niyon sa amin!" pasigaw niyang sabi. And regret it afterwards dahil kumirot ang sugat niya sa noo dahil sa pagsigaw na ginawa.
Akma siyang lalapitan nito nang mapuna ang pagdaing niya sa sakit.
"Don't," aniya.
Napahinto ito sa paghakbang. Tinitigan siya nito saka nagbuntong-hininga bago nagsalita. "Look, Mr. Olvidares. There is a misunderstanding here. Wala akong relasyon sa ama mo."
Ibinagsak niya ang kopita ng alak sa counter ng mini bar. He walked towards the stairs to go to his room. Nakalampas na siya ng lakad dito nang mahinto sa paghakbang nang muli itong magsalita.
"Why did you hire me?" nahimigan niya ang galit na pilit itinatago sa boses nito. "Nararamdaman kong hindi ako welcome sa iyo, so why? I have never been insulted like this Mr. Olvidares. Kung ganoon lang din ang tingin mo sa akin ay hindi ko matatanggap ang trabahong ito."
Nilingon niya si Francheska and looked at her intently. "Have you forgotten that you have signed the contract?"
Natameme ito. "It is void."
"Really? How about the twenty thousand? Alam kong sanay kang tumanggap ng pera mula sa papa. But you won't get my money for free, lady." Jake said sarcastically bago tuluyang talikuran si Francheska at pumanhik sa sariling silid.
*****
Pabaling-baling ang ginawang paghiga ni Francheska sa kama. After that conversation with Jake Olvidares ay sinamahan na siya ni Nana Mameng sa silid na laan para sa kanya.
The room was huge, as well as the bed. Kulay pink ang wallpaper nito. May night table sa gilid ng kama. Mayroong built-in cabinet kung saan linagay niya ang kanyang iilang damit na dala. May sarili na ring banyo na kompleto ng hygiene products ang silid.
Sa ibang pagkakataon ay mahimbing siyang makakatulog sa ganoong silid. But not tonight.
Gumugulo sa isipan niya ang takbo ng usapan nila ni Jake Olvidares kanina.
He was thinking that she was Don Benedict's mistress? Seriously? At isa pang bumabagabag sa kanya ay ang sinabi nitong tumatanggap siya ng pera mula sa ama nito.
Ang pagpapa-aral ba sa kanya ang tinutukoy nito? At ang pagpapagamot sa nanay niya?
Damn, but if given a chance, she won't accept the job anymore, kung ang kapalit ay ang pang-iinsulto nito.
But she couldn't. She has signed that damn contract. And being an Olvidares, alam niyang pinatrabaho nito ang legalidad ng kontrata iyon.
Napabuntong-hininga si Francheska. Hindi niya na namalayan kung paano siya nakatulog ng gabing iyon kakaisip kung paano niya pakikiharapan si Jake sa mga susunod na araw.