CHAPTER 6 She never knew what made her awake. But she did. Ilang minuto munang sinanay niya ang mga mata sa dilim. Tanging ang lampshade lang sa side table ang bukas na ilaw sa kanyang silid. Hindi niya maalala kung anong oras na siya nakatulog kanina. Or was it yesterday? Marahang napaupo siya sa kama. She heard something. Ungol ba iyong narinig niya? As if someone's in pain? Bumangon siya mula sa kama and she headed to the door and went out of her room. Pagkalabas niya ay mas luminaw ang tunog na nagpagising sa kanya. Mahabang pasilyo ang bumungad sa kanya pagkalabas ng kanyang silid. The sound came from the room at the left side from her. Lumakad siya palapit dito. Dahil sa katahimikan ng gabi ay rinig na rinig niya ang tunog. She tried to open the door. Surprisingly, it was not loc