Matapos ang nangyari kanina sa pagitan nila ng bago nilang hardinero. Hapon na ng maisipan ni Timothy ang bumalik sa sariling hardin na inaalagaan niya. At sa nakita nito sa paraan ng pagdidilig ngayon ng hardinero sa sariling mga tanim, mabilis na lumapit na ito sa lalaki.
"Papatayin mo ba ang mga tanim ko! Patayin mo ang tubig!" inis na saway ni Timothy sa bastos nilang hardinero.
"Relaks sir, pinadidiligan lang ito sa akin ni ma'am." pagsisinungaling ni Miguel.
"Pwes! 'Wag mong sundin ang inuutos niya! Tignan mo nga! Bulag ka ba at hindi mo nakikita ang pagkalagas ng mga bulaklak ng mga tanim ko!" nangangalaiting bulyaw ni Timothy sa kasama.
"Pasensya na sir, sinunod ko lang naman ang inuutos sa akin ni ma'am eh." hinging paumanhin ni Miguel na napayuko pa sa sandaling iyon, bagamat lihim itong natutuwa sa galit ngayong lalaki sa kanya.
"Sige na, pero sa susunod nakikita mo iyan?" simula ni Timothy at itinuro nito ang nakabakod na bahagi ng garden na nasa tapat nga ng kanyang kuwarto.
"Off limits ang bahaging iyan ng garden, dahil ako lang ang puwedeng magdilig, magtanim at kung anuman ang gusto ko pang gawin, naiintindihan mo?" pagpapaalam pa ni Timothy sa bago nilang hardinero.
"Okay sir naiintindihan ko, eh paano naman kanina, kung off limits pala ang garden mo, malamang hanggang ngayon hinahanap mo parin ang salamin mo." sagot ni Miguel sa may pagkamasungit palang herederong kausap, at ganti rin nito sa pagbulyaw na ginawa ng kaharap kanina.
Sandali namang natahimik si Timothy sa narinig nito, at alam ng binata na may punto nga ang kausap. Pero ng makita nito ang ngisi sa mukha ngayon ng hardinero, imbes na sumang-ayon ito.
"Kanina, hindi mo pa alam na bawal kang umapak sa garden ko, ngayong alam mo na, puwede bang lumabas kana rin dito ngayon na mismo?" paliwanag ni Timothy ng makabawi ito, at taboy pa nito sa nakangisi paring lalaki.
"Ang sungit." bulong ni Miguel na minabuti ng sumunod sa utos ng amo.
"May sinasabi ka?" tanong ni Timothy sa hindi malinaw na narinig nitong bulong ng lalaki.
"Wala sir, pero ingat na lang kayo sa susunod at baka mahulog na naman ang salamin ninyo." ngiting sagot ni Miguel, at nakita nga nito ang pagsalubong ng kilay ng masungit na heredero.
Sa pag-alis ng lalaki, hindi malaman ni Timothy, kung bakit ganun na lamang ang naging reaksyon niya kanina ng dahil lang sa pakikialam ng bago nilang hardinero sa kanyang garden. Alam ng binata na nasobrahan ang ginawa nitong pagbulyaw sa lalaki, at hindi naman niya ugali ang pagsigawan ang sinuman, lalo pa at hindi pa alam ng bagong hardinero ang tungkol sa sarili niyang garden. Kaya naman, para maalis ang pagkakonsyensyang nararamdaman ng binata, minabuti nitong humingi rin ng pasensya mamaya sa lalaki.
...
Nagpatuloy si Miguel sa hindi natapos na pagtatabas ng mga damo, sa malawak na hardin na iyon ng mga Valdez. Ramdam man nito ang pagod sa hindi nakasanayan na trabaho, saglit na nakalimutan iyon ng binata ng sumagi sa isipan niya ang itsura ng masungit na herederong amo, kaya naman hindi nito namalayan ang ngiting mayroon ito ngayon, dulot lang ng nangyari kanina.
Tanaw naman ni Violet ang nakangiti at guwapong mukha ng hot niyang hardinero, talagang sa isip ng babae ay dapat lang na sa kanya lamang ang lalaking abala ngayon sa pagtatabas ng mga damo. At ilang minuto nga matapos umalis ang mayamang asawa, sinamantala ni Violet ang pagkakataon iyon para muling malapitan si Miguel, at gaya kanina may dala ito ngayong malamig na juice, para mainom ng alam niyang pagod at uhaw ng hardinero.
"Miguel, heto ang juice at magpahinga ka na muna." ngiting saad ni Violet na muli'y, hindi itinago ang lantarang pagtitig sa pawisan at magandang katawan ni Miguel.
Kaagad namang pinagbigyan ni Miguel ang kagustuhan ng babaeng amo at abot rin nito sa inuming dala ngayon ng babae.
"Salamat ma'am, at puwede bang pakipunasan na rin ang katawan ko, kasi marumi ang mga kamay ko eh." saad at pakiusap pa ni Miguel, sa alam rin nitong walang pagdadalawang-isip na gagawin ng babaeng amo.
Sa narinig ni Violet, mabilis naman nitong pinagbigyan ang pakiusap na iyon ng kanyang hardinero. Kaya naman muli sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon, malaya na naman ang babae sa paghaplos at pagsalat sa makisig at nais rin nitong kaagad ng matikman na katawan ni Miguel.
...
Kanina, bago ang pagdating ng kanyang ama. Kita ni Timothy ang lantarang paglalandian ng malandi niyang stepmom at ng bago nilang hardinero. Pero ngayon, habang palapit sana ang binata, dala ang malamig na tubig na isa sa paraan nito ng paghingi ng pasensya sa pagbulyaw nito kay Miguel, kita na ng malapitan ni Timothy ang ginagawang kalaswaan ng dalawa.
Ang ginagawang paghaplos niya sa katawan ng hot niyang hardinero ay hindi naging sapat kay Violet. Kaya naman habang abala parin sa pag-inom ng tubig si Miguel, bumaba pa ang isang kamay ng babae papunta sa harapan ng pantalon ng lalaki.
Naramdaman ni Miguel ang pagkapang iyon ni Violet sa kanyang p*********i. At bilang pagpapasabik nito sa babaeng amo.
"Para malaya kang gawin ang anumang gusto mo diyan, anong sagot mo sa kanina?" bulong ni Miguel sa tenga ni Violet.
Sa ginawang ngang pagbulong nito sa babaeng amo, nahagip ng mga mata ni Miguel ang ilang metro lang ang layo sa kanila ng nakatayong si Timothy na may hawak na malamig na tubig. At nang magtagpo ang mga mata nila ng herederong amo, kita ni Miguel ang tila ba pandidiring reaksyon na iyon ni Timothy sa kasalukuyang ayos nila ni Violet.
Ganunman imbes na mabahala si Miguel, isang ngiti na may kasama pang pagkindat ang ibinigay niya kay Timothy. Kasunod nga noon ang mabilis na pagtalikod sa kanya ng herederong amo, at habang abala ang mga mata ni Miguel sa papaalis na anyo ni Timothy, narinig nito ang sagot ng yumakap pa sa kanyang si Violet.
"Titignan ko, kapag hindi umuwi ang asawa ko mamaya, ikaw ang pupuntahan ko sa kuwarto mo at papaligayahin ko."
"Eh paano kung umuwi siya?" tanong ni Miguel at humiwalay na ito sa yakapan nila ni Violet.
"Ibig sabihin nun, hindi pupuwede." sagot ni Violet.
"Bakit gabi-gabi pa ba kayo nagsesex ng matandang iyon?" tanong pa muli ni Miguel.
"Hindi naman, pero baka kasi magtaka iyon kapag wala ako sa kuwarto namin."
"Gawan mo ng paraan, sabik na rin pa naman ako sa'yo." uto ni Miguel sa malanding amo.
"Ako rin, alam kong jumbo hotdog ang nakapa ko kaninang nakatago diyan sa pantalon mo."
"Iyon naman pala, bahala ka, baka sa stepson mo pa una kong ipatikim ang jumbo hotdog ko, lalo na at mahilig iyon sa lalaki gaya nga ng sabi mo sa akin kanina." babala pa ni Miguel.
"Huwag mong ipatikim sa pokpok na baklang iyon Miguel, gusto kong ako ang unang sumubo at sa akin mo rin unang ipasok iyang jumbo hotdog mo." maagap na pakiusap ni Violet sa hot niyang hardinero. At hinding-hindi ito makakapayag na una pang makakatikim kay Miguel, ang alam niyang nagmamalinis lang na stepson niya.
"Hindi ko maipapangako Violet, ang sabi pa naman sa akin ni Andres at Chris kanina, nalilibugan rin sila sa stepson mo. At kahit pa sabihin mong pokpok si Timothy, baka pagtiyagaan ko na rin mamaya, dahil madalas akong dalawin ng taglibog lalo na kapag gabi." pagsisinungaling pa ni Miguel ng sa ganun ay mapilitan ang babaeng amo na samahan siya mamayang gabi.
"Miguel 'wag! Sige gagawan ko ng paraan basta hintayin mo ako mamaya, at 'wag mong papatulan ang pokpok na si Timothy baka hawaan ka pa ng sakit ng baklang iyon." napilitang sagot ni Violet.
"Sige hihintayin kita Violet." ngising saad ni Miguel at pinili na nitong iwanan ang babaeng amo para ipagpatuloy nito ang trabaho.
...
Pagbalik ni Timothy sa mansyon, matapos talikuran ang kahalayan ng malandi niyang stepmom kasama ng bastos nilang hardinero. Pinili na lamang ng binata ang magpunta sa kanyang sariling kuwarto. Habang nakaupo siya sa kanyang kama, muli ay napapaisip si Timothy sa kung bakit ayaw parin hiwalayan ng kanyang ama ang stepmom niya. Alam rin ng binata na hindi tanga ang ama at alam rin nito ang ginagawang kalandian ni Violet.
"Bakit kaya hinahayaan ni dad ang mga pinaggagawa ni Violet?" naitanong na lang ni Timothy sa sarili.
...
Oras ng hapunan ng muling lumabas ng kuwarto si Timothy, sa pananatili nito sa loob ng kuwarto ay minabuti nitong magbasa ng mga libro patungkol sa kanyang pinag-aaralan, at ipinaalam na rin nito sa mga kaklase at kaibigan, ang mangyayaring party dito mismo sa mansyon nila sa darating na Sabado.
Gaya ng madalas ng mangyari, kauuwi lang ng kanyang ama kanina, pero ngayon silang dalawa lang na naman ni Violet ang magkasama sa mahabang hapag na iyon.
"Sinabi sa akin ni Sergio na magpaparty ka sa Sabado." kumpirma ni Violet pagkaupo ni Timothy.
"Oo." maikling sagot ni Timothy, at ipinababatid nito sa kasama na ayaw niyang makipag-usap.
"Taray mo bakla ah, kaya ka siguro magpaparty para lasingin ang mga lalaki mong kaklase, nang sa ganun ay magawa mong tikman ang mga katawan nila." komento ni Violet.
"Don't worry hindi ka maiistorbo, dahil aalis kayo bukas ni dad at isang linggo kayong mawawala, at kung anumang gawin ko sa mga lalaki kong kaklase, wala ka na dun, o baka naman naiingit ka lang, dahil gusto mong ikaw ang gumawa ng kalaswaan sa mga kaklase ko." 'di papatalong balik ni Timothy.
"Anong aalis? Bakit 'di niya ipinaalam iyon sa akin?" balewala ni Violet sa huling sinabi ni Timothy sa kanya.
Mas nabahala ito sa gagawing pag-alis nila ni Sergio, na ang ibig sabihin ay isang linggo rin nitong hindi makikita at makakasama ang hardinerong si Miguel, na ibayong pagkasabik ang hatid sa kanya. Paano na ang nais nitong kaagad ng matikman ang barako at makisig niyang hardinero.
"Bakit mo sa'kin tinatanong? Isa pa, ayaw mo nun, siguradong tiba-tiba na naman ang bulsa mo, dahil sigurado akong gagastos na naman ng malaki si dad sa pag-alis ninyo."
Kung tutuusin tama naman ang narinig nito sa bakla niyang stepson, kung luho lang ang pag-uusapan ay todo bigay sa kanya si Sergio. Pero sa usaping s*x, 'yon ang hindi kayang ibigay sa kanya ng pinakasalan niyang lalaki na kumuha rin sa kanyang pagkabirhen noon. Sa sampung taong kasal sila, dalawang beses lang na may nangyari sa kanila. At bago pa ang pagsiping sa kanya ni Sergio, ipinapasuri muna siya nito sa doktor para siguradong hindi ito mahahawahan ng anumang sakit. Kaya naman para matugunan ang hinahanap ng kanyang katawan, sa ibang lalaki hinahap iyon ni Violet. At dalawang katangian lang ang hinahanap niya sa isang lalaki, una ang guwapong mukha at ikalawa ang magandang katawan. At pinakabago nga sa kanyang listahan, ang bago niyang hardinero na si Miguel na inaamin ni Violet na kahit pa hamak lang itong hardinero, iba ang hatid ng lalaki sa kanya na kulang na lang ay maglaway siya kanina pagkakita palang niya sa hubad na katawan ng barakong si Miguel.
"Hindi muna ako sasama sa daddy mo, at kakausapin ko siya mamaya." saad ni Violet.
"Well, mukhang alam ko na ang dahilan." ngiting asong saad ni Timothy.
"'Di maganda, o baka naman naiinggit ka lang at hindi ikaw ang gusto ni Miguel." ngising asar ni Violet na hindi itinago kay Timothy ang totoong dahilan, kaya ayaw nitong umalis sa mansyon.
"Ako pa talaga ang maiinggit? Gaya nga ng sabi ko kanina, sayong-sayo na siya, dahil kailanman hindi ako gagaya sa'yo na makakita lang ng lalaki ay bibigay na kaagad." balik na sagot ni Timothy na nangingiti pa sa oras na iyon.
"Sabihin mo na ang kahit na anong gusto mong sabihin, dahil mamaya papaligayahin namin ni Miguel ang isa't-isa." saad ni Violet at tumayo na ito sa hapag.
"At ikaw, mamatay kang virgin dahil walang papatol sa kagaya mong bakla." dagdag pa ni Violet at natatawa nitong iniwanan si Miguel.
Napailing na lamang si Timothy at kailanman ay hindi nito seseryosohin ang anumang manggaling sa bibig ni Violet. Sa isip ng binata, eh ano ngayon kung virgin pa siya, at kung ang pakikipagtalik sa lalaki lang ang pag-uusapan, wala pa sa isip ni Timothy ang tungkol sa bagay na iyon.