KABANATA II

1842 Words
Sa loob ng mansyon, nakita ni Violet ang tagpong nangyari sa stepson at sa bago nilang hardinero. Kaya naman ng makapasok sa loob si Timothy, hindi na nagdalawang-isip ang babae na magbigay ng komento sa nasaksihan kanina. "Hindi ko alam na hardinero lang pala ang tipo mo." Pabalik na sana sa kanyang kuwarto si Timothy ng marinig nito ang sinabing iyon ni Violet. Batid ng binata na siya ang tinutukoy ng stepmom niya, at hindi naman ito papatalo sa kilalang-kilala na niyang babae. "Ako ba talaga o baka naman ikaw? 'Di bale sayong-sayo na siya." ngiting-asong balik ni Timothy kay Violet. "Talaga lang ha? Kunsabagay, bago siya pumatol sa baklang kagaya mo, 'di hamak na mas gugustuhin ng makisig na lalaking iyon ang kagaya ko, pero hindi ko ipagpapalit ang daddy mo at ang perang meron siya hahaha." saad ng babae at iniwanan na nito si Timothy. "Gold digger." saad ni Timothy sa tumalikod na babae. ... Tanghali na at nangangalahati palang ang natapos niya sa pagtatabas ng mga damo sa malawak na hardin. At gaya nga ng sabi kanina ni Violet na babalikan siya nito maya-maya ng samahan siya nito patungo sa hardin, tanaw na ni Miguel ang papalapit na babaeng amo, pati na ang dalawang baso ng juice na hawak rin nito. "Ang init no Miguel? Kaya magpahinga kana muna, heto pangtanggal uhaw mo, ako kasi kanina pa uhaw." saad ni Violet at abot nito sa isang baso ng malamig na juice sa lalaking lalo pang naging kaakit-akit sa paningin niya, sa nakikita nitong pawisan na magandang katawan ng kanilang hardinero. "Salamat Ma'am Violet." ngiting sagot ni Miguel na kaagad tinanggap ang inumin na dala ng babaeng amo. At gaya rin kanina sa una nilang pagkikita ng babae, pansin ng binata ang pagtingin ni Violet sa kanyang hubad na katawan. At habang iniinom ni Miguel ang malamig na inumin, sunod na naramdaman ng binata ang pagdampi ng isang kamay ng babaeng amo sa kanyang katawan, na kasalukuyang may hawak rin na maliit na tuwalya. "Relax ka lang, pawis na pawis kana kasi, ako ng bahalang magpunas sa katawan mo." ngiti ni Violet at napakagat-labi pa ito, habang ipinagpatuloy ang pagpupunas sa pawisan na makisig na katawan ni Miguel. Tila pa kiniliti ang buong katawan ng babae, dahil bukod sa pagpupunas sa magandang katawan ng hardinero, sinamantala na rin nitong haplusin ang walong prominenteng pandesal sa tiyan ni Miguel. Ramdam ni Miguel ang paghaplos ng babaeng amo sa kanyang katawan, at bilang lalaki, inaamin ng binata na nadadala siya sa ginagawa ngayon ni Violet. At gaya ng kanyang plano na gamitin ang asawa ng lalaking pakay niya sa mansyon na iyon, dadahan-dahanin niya ang pagkuha sa loob ng babae, nang sa ganun kapag hulog na hulog na sa kanya si Violet, madali na para sa kanya ang mapaikot ito. "Ang suwerte ko naman sa'yo ma'am Violet, pero hindi ba nakakahiya at baka anong isipin sa atin ng mga tao." kunwaring alalang saad ni Miguel. "Don't worry, tikom ang bibig ng mga iyon, takot lang nila sa akin, at isa pa, wala pa naman tayong ginagawa masama hindi ba?" kagat-labing sagot ni Violet at inilagay nito ang isang kamay sa malapad na dibdib ni Miguel. "Tama ka naman ma'am, pero paano kapag ang anak mo ang nakakita sa atin?" tanong muli ni Miguel na sa puntong iyon ay kasama na ang pagkuha nito ng impormasyon sa babae. "Anak? My God Miguel! Sa sexy kong 'to, mukha na ba akong may anak?" natatawang saad ni Violet at nagkunwaring nagulat, para hampasin ng mahina ang malapad na dibdib ng hot niyang hardinero. "Ibig sabihin hindi mo anak ang nakita kong binata kanina? Kunsabagay tama ka naman ma'am, hindi ang maganda at seksing katulad ninyo ang maaring may anak na." kunwaring gulat na reaksyon ni Miguel, sabay bola pa nito sa babaeng amo. "Thanks at naaappreciate mo ang gandang taglay ko Miguel, at para sagutin ko ang maling-akala mo na anak ko ang nakausap mo kanina, anak siya ng asawa ko sa namatay nang una nitong asawa. At babalaan na rin kita patungkol sa stepson kong iyon, may sakit iyon, at ang sakit na mayroon siya ay ang pagpatol sa kahit na sinong lalaking makita niya, hindi na rin ako magtataka na may AIDS ang baklang iyon, na puro kahihiyan ang dala sa pangalan ng asawa ko." nangingiting reaksyon ni Violet sa papuri sa kanya ng handinero, at pagtatama nito sa relasyong meron sila ni Timothy na siniraan na rin niya sa kaharap. Ginawa iyon ni Violet, para sa kanya lang mapunta ang atensyon ni Miguel. Takot kasi ang babae na matulad sa ibang lalaking nakarelasyon niya ng palihim, na nagustuhan rin ng mga ito ang isang bakla lamang na stepson niya. Batid ni Miguel na madrasta nga ng nakilala niyang si Timothy kanina, si Violet. Pero hindi makapaniwala ang binata sa kuwento ng kasama patungkol kay Timothy. Gayung iba ang naging reaksyon ng binata sa kanya ng tuksuhin niya ito kanina, ganunman gaya nga ng itinatak niya sa kanyang isipan, lahat ng naririto sa mansyon ng mga Valdez ay mapanganib. At sisiguraduhin niyang bago pa siya malinlang ng mga ito, uunahan na niyang gawin ang bagay na iyon sa kanila. "Mabuti naman ma'am at ipinaalam mo sa'kin ang tungkol sa stepson mo, baka mamaya gapangin ako nun sa pagtulog ko sa gabi." biro ni Miguel sa kausap. "Tama ka Miguel, posibleng gawin iyon ni Timothy kaya mag-iingat ka. Pero paano naman kung ako ang pumunta sa kuwarto mo mamayang gabi? O kung gusto mo, ikaw ang pumasok sa kuwarto ko?" sagot na babae at hayag nito sa maaaring mangyari sa kanila ng hardinero mamayang gabi. "Ikaw ma'am, ano sa tingin mo ang mas maganda?" patol ni Miguel sa sinabing iyon ni Violet, sabay lagay ng isa niyang braso sa likod ng katawan ng babaeng amo. Nagustuhan ni Violet ang ginawa ng hardinero, pero bago nito sagutin ang makisig na lalaking kaharap, sunod na narinig ng babae ang busina ng sasakyan, at ng mapatingin ito sa pamilyar na sasakyan ng asawa, mabilis itong humiwalay kay Miguel at bumalik na sa loob ng mansyon. Napailing naman ang naiwang si Miguel dahil sa nangyari, batid rin ng binata na marahil ang asawa ni Violet ang lulan ng papasok na ngayong itim na sasakyan. At hindi nga nagkamali si Miguel, sa pagbaba ng lalaking sakay ng dumating na sasakyan. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita na ng binata sa wakas ang taong pakay niya sa mansyon iyon at ito'y ang bilyonaryong negosyanteng si Sergio Valdez. ... Sa nalamang uuwi ngayong araw ang kanyang daddy Sergio, kaagad na inabangan ni Timothy ang pagdating na iyon ng ama. At habang abala ito sa paghihintay, hindi kalayuan sa kinatatayuan niya ang nangyayaring paglalandian ng kanyang madrasta at ng bastos na bago nilang hardinero. At pilit man hindi pansinin ni Timothy ang para sa kanya'y kahalayan ng mga ito, kita ng mga mata niya ng bumaling sa kinaroroonan ng dalawa ang magkalapit ng katawan ng mga ito, at ang walang takot na lantarang paglalandian nila. "Ako pa talaga ang sinabihan niyang tipo ko ang kagaya ni Miguel, samantalang para siyang tuko ngayon kung makakapit sa lalaki." naiiling na kausap sa hangin ni Timothy. "Mahuli ka sana ni Daddy." ngiting saad pa ng binata. At ang hiling na iyon ni Timothy ay muntik ng mangyari, kungdi lang sa mabilis na reaksyon ng kanyang madrasta na kaagad na palapit na ngayon sa kinaroroonan niya, bunsod naman ng papasok rin ngayon na sasakyan ng kanyang ama. "Oh mukhang takot na takot ka ah." ngising bungad ni Timothy sa kapapasok lang na si Violet. "Mukha mo nakakatakot." irap na sagot ni Violet sa anak ng kanyang asawa. "Dapat lang na matakot ka, dahil alam mo ang mangyayari kapag nahuli ka muli ni daddy." sigaw ni Timothy sa madrastang tinalikuran siya. Nang bumaling muli sa harapan ng pinto ang binata, mabilis na itong lumapit sa kanyang daddy na kabababa lang sa sasakyan. "Welcome back dad." bati ni Timothy sa ama at yumakap rin ito. "Salamat son, nasa'n ang mommy mo?" saad at tanong ni Sergio na niyakap rin ang anak. "Dad naman, stepmom at kahit kailan hindi ko tatawaging mommy si Violet." pagtatama ni Timothy sa ama. "Siya sige, nasaan nga siya?" tanong muli ni Sergio sa anak at naiintindihan nito si Timothy. "Probably in your room, pasok na po tayo at baba ka kaagad dad nakapaghanda na ng pagkain si yaya." "Mabuti pa nga, by the way how's your school?" "The same dad, but can I throw a party next weekend please?" Sandaling nag-isip ang matanda, at sa nakitang nakikiusap na mukha at naka-puppy eyes pang kaisa-isang heredero niya. "Sure son but only with one condition." sagot at kondisyon ni Sergio sa anak. "Anything dad." maagap na sagot ni Timothy. "Don't do anything stupid and most importantly, no sex." "Of course Dad!" nanlalaking matang sagot ni Timothy sa narinig nito sa ama. "Naniniguro lang si Daddy." asar ni Sergio at inakbayan nito ang anak, na tanggap na kahit papaano ang sekswalidad na mayroon ito. At alam rin ng matanda na magagamit niya sa takdang panahon. ... Ilang minuto matapos ang pagpasok ni Sergio at ng anak, pumasok na rin sa lugar nilang mga trabahador ng masyon si Miguel, na tinawag naman ng mga kasamahan para makakain na rin sila. Nakilala ni Miguel ang tatlong drivers ng mga Valdez. Si Mang Pekto na driver ni Sergio, na edad kuwarenta na. Si Andres na trenta anyos naman na kaedad lang niya na driver ni Violet. At sa tingin rin ni Miguel ay posibleng kinakalantari rin ng babae nilang amo. At ang pinakabata sa tatlong driver ng mga Valdez na si Chris, edad beinte dos na nakatoka naman sa paghatid-sundo sa herederong si Timothy. Bukod sa tatlong drivers, nakilala rin ni Miguel ang ilan pa sa mga kasambahay. Bukod sa matandang si Myrna na unang nakilala ng binata. Ang mga ito ay sina Aling Vilma edad trenta'y otso at asawa ni Mang Pekto. Si Sonya na edad beinte otso na kanina pa nagpapansin sa kanya. Si Laura na disi-otso anyos na anak naman ng mag-asawang Pekto at Vilma, na malaman ni Miguel na kasamang pumapasok ni Timothy sa parehong Unibersidad. Abala parin sila sa pagkain ng tabihan siya ng driver na si Andres. "Nakita ko ang sa inyo ni Violet kanina." bulong ni Andres kay Miguel. Sa narinig na pagtawag nga ni Andres ng Violet lang sa kanilang babaeng amo, nakumpirma ni Miguel na may namamagitan nga sa babae nilang amo at sa sariling driver nito. "Ano ngayon tol? Nagseselos ka?" bulong pabalik ni Miguel sa lalaki. Napangiti lang si Andres na wala namang pakialam, kung anumang meron kay Violet at sa lalaking kabulungan niya ngayon. "Hindi naman pre, alam kong may ideya kana ngayon sa namamagitan sa amin ni Violet, at kita ko naman na natipuhan ka niya, kaya nga nilapitan kita hindi para pagbawalan ka o anupaman, ang totoo'y masaya pa nga ako, dahil kahit papaano'y makakapagpahinga ako sa maya't-mayang pagsuso sa akin ni Violet." bulong ni Andres at nakangisi pa itong tumingin kay Miguel pagkatapos. Isang ngisi pabalik naman ang ibinigay ni Miguel, sa lalaking kinakalantari nga ng malanding babae nilang amo. Sa isip ng binata ay hayok nga talaga sa lalaki si Violet, at handa man nitong ibigay ang kanyang katawan sa babaeng amo, sisiguraduhin ni Miguel na malaking kapalit ang makukuha niya kapag nangyari iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD