Alas-diyes na ng gabi, ngunit wala pa ang inaasahan ni Miguel na pupunta ngayon sa kanyang kuwarto. Sa isip ng binata, mukhang hindi nagawan ng paraan ni Violet ang mapuntahan siya ngayong gabi.
'Pasensya Miguel, nag-uumpisa ka pa lang naman.' saad sa isip ng binata, na bumangon na muna sa pagkakahiga at naisipang lumabas ng kuwarto, baka sakaling makita nito si Violet.
...
Pigil ni Violet ang inis na nararamdaman habang kasama niya sa sasakyan si Sergio, at kasalukuyang tinatahak nila kasama ng driver ng asawa ang daan papunta sa Tagaytay
"'Wag ka ng magtampo honey, hindi ba ang tagal na nating hindi nagbabakasyong dalawa, sigurado akong magugustuhan mo doon." suyo ni Sergio sa asawa.
"Bakit kasi kailangang ko pang sumama honey, alam mo naman wala akong interes sa mga business meetings mo, hinayaan mo na lamang sana ako doon sa mansyon." sagot ni Violet at hindi nito itinago ang nararamdamang inis ngayon.
"Alam ko naman iyon, hayaan mo hindi kita isasama sa mga meetings ko, ang gusto ko lang ay palagi kitang makikita kapag umuuwi ako sa tutuluyan nating hotel, at gaya ng pangako ko sa'yo, malaya kang bumili ng kahit na anong gusto mo kapag nagshopping ka, pero gaya ng pakiusap ko sa'yo, 'wag na 'wag kang aalis na hindi kasama si Pekto, alam mo kung gaano ako magalit kapag sinuway ako." saad at muling paalala ni Sergio sa asawa.
"Ano pa bang magagawa ko, basta kung puwe-puwede gawan mo ng paraan para makauwi kaagad tayo sa mansyon." talong saad ni Violet.
...
Paglabas ni Miguel sa kuwarto, ang madilim at tahimik na mansyon ang bumungad sa kanya, sandali pa itong naglibot-libot pero naging maingat ang kanyang mga kilos, dahil alam nito na bukod sa mga nakita nitong cctv sa mansyon kanina, marami pa ang hindi nito alam na nakakalat sa iba pang sulok ng malawak na mansyon, na maaari maging dahilan ng pagkabisto niya sa tunay na pakay nito sa lugar. Nang sa tingin ni Miguel ay wala ng pag-asa pa na samahan siya sa gabing iyon ni Violet, minabuti na lang ng binata na bumalik sa kanyang kuwarto, pero bago iyon, naisipan na muna nitong kumuha ng tubig sa kusina dahil nauuhaw ito.
...
Hindi makatulog sa gabing iyon si Timothy, sa isip ng binata ay marahil inaatake na naman siya ng kanyang insomnia, ayaw naman nitong uminom ng mga sleeping pills niya, dahil siguradong aantukin siya hanggang bukas pagkapasok niya sa University.
Kaya naman, minabuti nitong bumaba sa kusina at uminom muli ng gatas, baka sakali ay makatulong iyon, para dalawin siya ng antok.
...
Bukod kay Miguel at Timothy na pumunta ng kusina. Sa nakita ni Andres na paglabas ng herederong amo, na ilang buwan na niyang ninanais na matikman, dahil ibayong pagnanasa ang nararamdaman niya na hatid ng maputi at makinis at alam rin niyang virgin pang si Timothy, mabilis na sinundan niya ito.
...
Habang abala si Miguel na nasa kusina at kasalukuyan ng uminom ng malamig na tubig, sunod na narinig nito ang mga hakbang ng isang tao. Madilim man sa oras na iyon, sapat na ang liwanag ng buwan para makita ni Miguel na ang herederong amo pala ang palapit ngayon sa kinaroroonan niya. Saglit sanang magtatago si Miguel, para hindi siya mapansin ni Timothy, pero nagbago iyon, sa nakita nitong may nakasunod rin sa likod ng amo.
"Magandang gabi sir." bati ni Miguel para marinig siya ni Timothy, pati na para malaman ng nakasunod sa huli ang presensya rin niya sa mga oras na iyon.
"Ay multo! Diyos ko! Papatayin mo ba ako sa gulat kuya Miguel!" kabang saad ni Timothy na napahawak pa sa dibdib, na sobrang nagulat sa pagbating iyon ni Miguel, kasabay ng pagbukas niya ng ilaw sa kusina.
"Hehe pasensya na sir, mukhang hindi lang ako ang gugulat sa inyo, mukhang pati rin si Andres." sagot ni Miguel sa amo, at nakangising bumaling ito kay Andres.
"Naku sir hindi ko magagawa iyon sa inyo, gaya ni Miguel ay nauhaw rin ako, kaya ako pumunta dito." maagap na tanggi ni Andres sa paratang ni Miguel at paliwanag nito sa amo.
"Ganun ba kuya Andres, sandali pagkukuha na kita ng tubig." saad ni Timothy at kuha nito ng isang bote ng tubig sa ref para kay Andres.
"Salamat sir, nakakahiya at ikaw pa ang nag-abot nito sa akin." kunwaring nahiyang saad ni Andres pagkaabot niya ng tubig, na pigil rin nito ang pagkainis dahil napurnada ang balak nitong matikman ang herederong amo.
"Wala 'yon kuya Andres, sige magtitimpla lang ako ng gatas ko." sagot ni Timothy sa driver ng madrasta at sinumulan na nitong magtimpla ng gatas.
"Oh Andres, hindi ka pa ba tapos uminom? Ako ng bahala kay sir na maghatid sa kuwarto niya." ngising baling muli ni Miguel kay Andres.
Napatingin naman si Timothy kay Miguel at sunod ay tumingin rin ito kay Andres.
"Bakit mo pa sasamahan si sir, sa pagkakaalam ko ay hardinero ka dito, hindi mo trabaho ang ihatid sa kuwarto si sir." sagot ni Andres kay Miguel nang 'di na nito maitago ang inis na nararamdaman sa pakikialam ng hardinero.
"Hahaha tama ka naman, pero wala naman sigurong masama kung samahan ko si sir hindi ba? O baka naman, ikaw ang may gusto na samahan si sir sa kuwarto niya?" sagot ni Miguel at tanong pabalik nito kay Andres.
"Te-teka lang, nag-aaway ba kayong dalawa? At bakit kailangan pa ninyong ihatid ako sa kuwarto ko? Isang kilometro ba ang layo nun dito?" sunod-sunod na mga tanong ni Timothy sa dalawa, na muli ay isa-isa rin nitong tinignan para makakuha ito ng sagot.
"Huwag mo ng pansinin si Miguel, sir, ganyan talaga kapag bago ang isang tao sa trabaho, madalas nagpapabibo sa mga amo." sagot ni Andres kay Timothy, bagamat nakangising bumaling ito kay Miguel.
"Tama si Andres sir, syempre gusto kong magustuhan ako ng mga amo ko, dahil gusto kong magtagal sa trabaho ko, pero kaunting payo lang sir, mag-ingat ka sa paglabas tuwing gabi dito sa mansyon ninyo, baka may taong nagnanais ng masama sa inyo." sang-ayon ni Miguel sa tinuran ni Andres na isang ngisi rin ang ibinalik sa huli, at sinamantala na rin nito ang pagkakataon para payuhan ang herederong amo.
"Ewan ko sa inyong dalawa, sige na maiwan ko na kayo dito, at bahala kayo kung gusto ninyong mag-away, pero 'wag dito sa loob ng mansyon." iling na saad ni Timothy at minabuti ng iwanan ang dalawang lalaki.
"Pre naman, pati ba naman kay Timothy ay uunahan mo pa ako." ngising saad ni Andres kay Miguel ng tuluyang makapasok na sa kuwarto ang amo.
"Tama nga ako pre, langya! Pati ba naman lalaki tataluhin mo?" kunwaring naiiling na saad ni Miguel, bagamat sa isip nito ay hindi nito hahayaan na magawan ng masama ng kasama ang heredero nilang amo.
"Oo naman pre, bakit ikaw ba hindi nalilibugan kay sir? Tignan na lang natin kung hindi magbago ang isip mo, kapag nakita mong naligo sa swimming pool si sir, tangina! Kapag nakikita ko ang maputi at makinis na kutis nun, lalo na ang matambok niyang puwet, otomatikong naninigas ang alaga ko, hindi mo lang alam pre kung ilang beses na akong nagtangkang makantot ang amo nating 'yon." paliwanag ni Andres at siwalat nito kay Miguel sa kanyang balak kay Timothy.
Kanina ng pag-usapan nila ni Andres ang kabastusan tungkol kay Violet ay wala itong nadama na kahit ano. Pero ngayon sa narinig nitong kamanyakan ng kasama patungkol kay Timothy, hindi malaman ni Miguel, kung bakit pigil niya ngayon ang sarili na masuntok sa mukha si Andres.
"Nasobrahan ka na sa libog pre, akala ko ba ay sinasaid na ni Violet iyon, bakit pati ang herederong amo natin ay gusto mo rin." saad ni Miguel.
"Gaya nga ng sabi ko kanina pre, matagal na akong nauulol sa baklang amo nating iyon na alam kong virgin parin, tangina! Pinag-uusapan palang natin siya, nabubuhay na si junior, hindi na ako makapaghintay na suplayan ng gatas ko ang bibig ng baklang 'yon pati na ang alam kong masikip pang puwet niya." paliwanag muli ni Andres.
"Hindi ka ba natatakot pre, na baka kapag ginawa mo iyon ay magsumbong siya kay sir Sergio? Sigurado mananagot ka sa daddy niya pre." kunwaring alalang saad ni Miguel at subok nito baka sakaling matakot ang kausap.
"Alam mo pre, iniisip ko rin iyon syempre, kaya nga sisiguraduhin kong hindi ako makikilala ng baklang iyon kapag natuloy ang balak ko sa kanya, ikaw kasi bigla kang umeksena kanina, 'di sana ngayon nauulol na ako sa sarap sa pagkantot sa virgin nating amo." paliwanag ni Andres at naiiling pa ito sa huling mga sinabi.
"Paano babalik na ako sa kuwarto ko, salsal na lang ang katapat nito hehe." paalam ni Andres kay Miguel at nagawa pa nitong magbiro habang inaayos ang matigas nitong alaga.
'Asahan mo Andres na hanggang balak ka na lang, dahil hanggat nandirito pa ako sa mansyon, pipigilan ko ang binabalak mo kay Timothy.' saad sa isipan ni Miguel.