The Bodyguard
CHAPTER 6
Napansin ni Liam ang biglang pagkawala ng ngiti sa labi ni Justine. Tumabi siya sa kaniya. Naglapat ang kanilang ulo sa iisang unan. NIlingon niya si Justine. Iniharap din ni Justine ang kaniyang mukha sa kaniya. Halos magkabunggo na ang kanilang mga ilong. Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Matagal na niyang pinangarap na maglapat ang kanilang labi. Noon pa niya pinipigilan ang sarili na halikan ito. Ilang gabi nang gusto niyang nakawan ng halik ang mapupulang labing iyon ni Justine at ngayon, parang hindi na niya kailangan pang magnakaw. Nararamdaman niyang doon na din mapupunta ang lahat.
Napalunok siya.
Dahan-dahan na niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ni Justine.
Hindi pa din tumitinag si Justine.
Napapikit siya.
Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib.
May kung anong enerhiyang sumasakop sa kaniyang kabuuan.
Tinatalo siya ng kaniyang nararamdaman. Itinutulak siya nitong gawin ang ilang araw na niyang inaasam.
Hanggang nangyari na nga!
Tuluyan na niyang inilapat ang labi niya sa labi ni Justine. Ramdam niya ang kalambutan no'n...ang kaibahan.
Nakakapanibago ang dating niyon kahit pa sabihing ilang lalaki na din ang nakahalikan niya noon. Lalaking-lalaki ang dating ng labing iyon na lumapat sa kaniyang labi. Naroon ang kiliti ng naahit na bigote at ang nakakadarang na naahit ding balbas na lumapat sa kaniyang baba. Sumasabog ang kaniyang puso. Pinanghihinaan siya ng tukso at sa sandaling iyon ay para siyang biglang ipinaghele sa kalawakan. Nang ibuka niya ang kaniyang labi at hawakan niya ang batok ni Justine para siilin niya ng mas marubdob na halik ay nagsalita si Justine.
"Sir Liam!" kasabay nang marahan nitong pagtulak sa kaniya. May diin ang pagkakasabi niya ng Sir.
Mabilis na din itong tumayo mula sa kanilang pagkakahahiga na para bang hindi siya makapaniwalang ginawa iyon ni Liam sa kaniya.
Katahimikan.
Sandaling nagkatitigan sila.
Kitang-kita ni Liam ang pagbago ng expression ng mukha ng lalaking sa mga sandaling iyon ay masasabing tuluyan na niyang minahal. Nandoon yung gulat, naging parang pagtataka hanggang sa nahaluan ng di niya malaman kung galit o takot.
"Jazz, mag-usap tayo." tumayo na siya. Hinanda na niya ang kaniyang sarili para sabihin ang lahat.
Lumapit siya sa naguguluhang si Justine.
Hinawakan niya sa balikat at akma sana niya itong yakapin ngunit umatras si Justine. Halatang may kung anong pinipigilan ito sa kaniyang sarili.
"What's wrong?" tanong ni Liam.
Pinilit pa din niyang yumakap.
Umatras si Justine.
"That was just a kiss!" wika niyang muli. Nagkalakas loob na siya dahil nga napagbigyan na siya ng isang nagustuhan niyang halik.
"Sandali sir!" nanginginig ang boses ni Justine kasunod ng malakas nitong pagtulak kay Liam na noon ay pilit paring yumayakap sa kaniya.
Nakita ni Liam ang pagkuyom ng palad ni Justine at pilit niya iyong ibinibuka ngunit di nawala ang panginginig.
Gustong magtapat ni Liam sa kung ano ang tunay niyang pagkatao, sabihing natukso lang siya, nadala, o tuluyan na niya itong minahal.
"I'm sorry." Iyon lang ang tanging nasambit niya.
Sa nakita niyang hitsura ni Justine ay mukhang hindi kasi siya nito maiintindihan.
Tumalikod si Liam. Handa na talaga siyang magpakatotoo. Gusto na niyang aminin ang lahat.
"May dapat kang malaman, Jazz." Pagsisimula niya.
"Please, I don't wanna hear about it. Kahit hindi mo sabihin alam ko na." Nanginginig ang boses nito.
Nang lingunin ni Liam si Justine ay nagmamadali na itong bumaba sa kubo habang isinusuot niya ang itim nitong sando.
Umupo si Liam sa kama. Hapong-hapo. Nalilito man siya sa nakita niyang reaction ni Justine ngunit hindi matanggal sa isip niya ang kakaibang halik na iyon. Sandaling-sandali lang ang pagkakalapat ng kanilang mga labi ngunit alam niyang hulog na hulog na ang kaniyang damdamin. Nagsisimula na nga siya nitong pahirapan at sa ipinakitang iyon ni Justine ay nakadama siya ng takot.
Nangyari na ang lahat. Sa ginawa niyang paghalik kay Justine ay kailangan na niyang manindigan. Ayaw niyang masira ang kaniyang naunang diskarte. Ayaw niyang lalong malulong sa pag-ibig na walang katiyakan. Pagod na siya sa ganoon at kung makakaiwas siya ay kailangan na niya iyong gawin sa madaling panahon.
Bago siya bumaba ng kubo at dahil na din mukhang iniwan na siya ni Justine ay nakahanap siya ng pagkakataon. Ito ang matagal na niyang hinihintay. Ang malingap sa kaniya si Justine. Ngayong kaya pa niyang umalis. Mahirap ang gagawin niyang pagsikil sa kaniyang nararamdaman ngunit iyon lang ang alam niyang sa ngayon ay tama.
Nang mga sandaling iyon ay mabilis na tinungo ni Justine ang sagingan. Galit na galit siya sa ginawang iyon ni Liam. Kahit binati siya ng nakasalubong niyang si Boknoy nang bumaba siya ng kubo ay hindi niya iyon pinansin. Nanginginig kasi siya. Gustong manuntok ang kaniyang kamao. Kaya nang nasa sagingan na siya ay sinuntok niya ng sinuntok ang isang puno ng saging. Hindi niya iyon tinatantanan.
"Putang ina! Lintik na buhay 'to! Tang-ina! Tang-ina lang talaga!" paulit-ulit niyang sinasabi iyon habang walang tigil niyang pinagsusuntok ang puno ng saging. Sumingaw ang luha sa kaniyang pisngi. Alam niyang sa mga nakakakita ng ginagawa niyang iyon ay sabihing masiyado naman yata siyang nag-iinarte sa isang halik lang.
Nang natumba ang saging at sobrang namumula na din ang kaniyang mga kamao ay dahan-dahan siyang napaupo sa isa pang puno ng saging at doon ay sumandal siya at sinapo ang kaniyang ulo. Napayuko. Pinipilit niyang takasan ang lahat ng mga masasakit na alaala na ngayon ay bumabalik. Ang halik kasing iyon ni Liam ay parang nagsilbing isang susi sa pilit na niyang kinalimutang nakaraan. Biglang bumalik ang lahat kaya umusbong ang galit.
"Kuya, may problema ba?" tanong ng nag-aalalang si Boknoy.
Sasagot palang sana siya ngunit biglang tumabi si Liam dito. Nakita niya sa mata ni Boknoy ang pagtataka. Ngunit si Liam ay mabilis na yumuko nang magtama ang kanilang paningin. Alam na alam niya kung bakit siya galit.
"Borj, puwedeng iwan mo na lang muna kami para makapag-usap?" iyon ang narinig niyang sinabi ni Liam.
"Sige po, Sir."
Tumalikod si Boknoy ngunit bigla siyang tumigil at lumingon. Naglakad palapit kay Justine at tinapik niya ang balikat ng pinsan.
"Kuya, okey ka lang? Astig tayo eh, di ba, kuya? Kaya, kung may problema, idaan na lang natin 'yan sa kuwatro kantos na usapan! Ano magpapabili ba ako mamaya?"
Sinagot ni Justine iyon ng malalim na hininga at pilit na ngiti ngunit kasabay iyon ng di niya napigilang pagpatak ng luha.
Natigilan si Boknoy. Ngayon lang niya kasi nakita ang pinsan na nasa ganoong kalagayan. Tumingin siya kay Liam at dahil nakita niyang nakikiusap ang mukha ni Liam na iwanan sila ay naglakad na siya palayo. Sumuntok din muna siya sa isang puno ng saging bago tuluyang lumayo.
"Dahil ba 'to sa hinalikan kita?" walang pag-aalinlangan at takot na tanong ni Liam.
Sanay siya sa comfrontation. Sinanay siya sa buhay na ganoon sa US at ngayon alam na ni Justine ang totoo niyang pagkatao, wala nang dahilan pa para magtago.
"Sir, nirerespeto kita, hindi ako nagkakaganito dahil lang sa hinalikan mo ako. Halik lang 'yun sir. Napupunasan o kaya nahuhugasan ngunit sir, binago ng halik lang na 'yun ang tingin ko sa inyo. Binago ng halik na iyon ang respeto at tiwala ko. Maraming alaala ang biglang bumalik sa akin dahil sa ginawa ninyong iyon! "huminga siya ng malalim saka niya malakas na siniko ang puno ng saging na sinandalan niya. "Akala ko iba ka!"
"Iba nga ako! Hindi ako katulad ng inaakala mo!" umupo si Liam sa tapat niya.
"Doon ako sobrang nasaktan, kasi pare-pareho lang kayo. At ayaw ko na sanang may masaktan pa sa kung anong magiging desisyon ko. Ayaw ko nang mangyari pa ang nangyari noon!"
"Sandali, nagkarelasyon ka na ba sa kagaya ko?"
Lalong parang nagalit si Justine. Kinagat niya ang labi niya. Tumayo siya at muling napasuntok sa puno ng saging.
Umatras si Liam.
Sunud-sunod ang pagsuntok niya doon habang tumutulo ang kaniyang luha.
"Ano 'to Jazz? You're so melodramatic! Napaka-immature ng response mo sa simpleng nangyari."
"Melodramic? Immature?" sumisigaw na ito. "Iyon ang tingin mo sa akin? Huwag na huwag kang magsalita na parang kilala mo ako! Wala kang alam. Ang tanging nakikita mo ay yung ako, yung mga ipinapakita ko ngunit hindi kung ano ang mga lintik na nandito at lalo na yung mga pilit kong kinakalimutan dito!" nanginginig ang kamay niyang itinuro ang kaniyang dibdid pagkatapos ay ang kaniyang isip. "Sinira ng halik mong iyon kung anong meron relasyon lang dapat meron tayo!"
"Relasyon? Ano bang relasyon meron tayo?"
"Relasyon bilang boss ko at ako ang bodyguard mo. Dito sa baryo, ako yung parang boss mo at ikaw yung pinapasunod ko ngunit pansamantala lang kung anong meron tayo ngayon, pagkaraan ng isang buwan, babalik tayo sa kung sino ka at ano ang papel ko sa buhay mo. Ayaw ko sanang mahaluan ng ganito kung ano yung nasimulan natin, sir."
"Paano kung gusto kita, kung mahal na kita." Lantarang pagbubunyag ni Liam.
"Tang-ina sir! Alam mo ba ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo?"
"Huwag kang magmura!"
"E di huwag kang magsabi ng di ko gusto kung ayaw mong makarinig ng pagmumura!"
"Alin ba ang ayaw mong marinig? Ang sabihin kung ano ang totoo?"
"Hindi mo alam na yang totoong sinasabi mo ang siyang sisira din sa'yo. Mainam pang ngayon palang, kalimutan mo na ang totoo at gawin mo na lang ang dapat at tama!"
Mabilis na naglakad si Justine palayo. Ayaw na niyang marinig pa ang sinasabi ni Liam. Ayaw na sana niyang makasakit pa.
"Alin bang tama? Ang magsinungaling ako sa totoong nararamdaman ko!" sagot ni Liam na pilit tinatapatan ang mabilis na lakad ni Justine.
"Sige, sabihin mo sa akin ang lintik na nararamdama mo!"
"Gusto kita!"
"Tang-ina! Bakit ako! Bakit ba laging ako!" tumigil siya. Pulang-pula na ang kaniyang mukha dahil sa naiipong galit sa kaniyang dibdib.
"Bakit nga ba hindi ikaw?"
"Alam mo ang sagot ko diyan, di ba? Alam mo, hindi puwede!" sigaw niya. nagsisigawan na kasi sila.
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Nasa mga matatayog na talahiban na sila.
"Bakit hindi puwede?"
Hindi sumagot si Justine. Binilisan pa nito ang paglalakad palayo.
"Bakit nga hindi puwede!" inulit niya ang tanong ngunit malakas niyang hinila ang balikat ni Justine.
"Matalino ka ba talaga! Kailangan mo ba talagang malaman kung bakit hindi puwede?"
"Oo, para alam ko! Para maintindihan ko!"
Tumigil si Justine. Humarap siya sa humihingal na si Liam.
"Sir, meron ako nito" Ipinasok niya ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang boxer short at mabilis din niyang nilabas ang kaniyang palad. "At yung nasalat ko ay walang ding pinagkaiba nang sa'yo!" Sunod-sunod ang paghinga niya ng malalim. "Di ba may girlfriend ka, sir?"
"Oo, pero hindi ko siya mahal."
"Bakit mo shinota kung di mo naman pala mahal?"
"Puwede naman 'yun hindi ba? Kailangan ko siya para maitago ko yung pagiging iba ko."
Umiling si Justine.
"Iba ka nga! Wala kang pakialam sa mararamdaman ng mga masasaktan mo."
"Kinailangan ko yung gawin para hindi makadagdag pang problemahin ni Daddy ang pagiging iba ko. Hindi madali ang pinagdadaanan ko. Lahat ng gagawin ko, babalik sa Daddy ko. Sinisikap kong magpakalalaki sa harap ng ibang tao para proteksiyunan ang pangalan niya. Pero Jazz, yung nagsisimulang nararamdaman ko sa'yo, kahit ayaw kong aminin dahil masyado pang maaga, iyon yung totoo. Mahal na yata kita!" Hinawakan niya ang braso ni Justine.
"Hindi sir! Hindi totoo yan!" umatras si Justine. Umiiling-iling.
"Bakit ka ba kasi ganyan? Anong nangyayari sa'yo!"
"Okey na ako sa sinabi mong gusto mo ako! Huwag mo lang ituloy na mahalin pa ako dahil... dahil! Lintik na Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw nito saka siya tuluyang tumakbo sa talahiban.
Gusto man niyang sumunod ngunit hindi na niya ginawa. Umagos na lang ang luha niya. Ito na 'yun e. Yung kinatatakutan niyang mangyari. Ayaw niyang masaktan kaya nga gusto niyang lumayo na lang ngunit bakit siya ngayon napapaluha sa sakit. Mas higit pa sa sakit na naramdaman niya noon kay Bobby. Bakit gano'n? Kung siya ang nagkakagusto ay ayaw sa kaniya. Gusto na niyang lumayo doon. Kaya lang alas-singko hanggang alas-sais lang ang oras na biyahe papunta ng Tuguegarao. Wala nang bibiyahe pang jeep pagkalagpas ng alas-sais.
Hindi na niya nakakayanan ang lahat. Itutuloy na niya ang kaniyang binabalak. Kung hindi man ngayon, maaring kung kailan siya magkaroon ng pagkakataon.
Bahala na.
Malungkot siyang bumalik sa kabahayan. Wala din si Boknoy nang dumating siya kaya muli na lang siyang tumuloy sa kubo. Kauupo palang niya sa kama niya habang sinisikap niyang huwag masaktan sa mga nasabi sa kaniya ni Justine nang may sumilip sa pintuan.
Si Boknoy.
"Sir, tara mag-agahan na muna tayo." Nakangiti nitong pagyakag sa kaniya.
Mabilis niyang naitago ang mukha at pinunasan ang gilid ng kaniyang mga mata bago siya nakangiting humarap.
"Sige, susunod na ako."
Habang kumakain sila ay hindi nagtanong si Boknoy kung nasaan si Justine. Tahimik silang dalawa. Tuyo at pritong itlog at kamatis ang agahan na sinabayan ng sinangag. Nasasanay na din siya sa mga ganoong pagkain. Wala lang siyang gana dahil iniisip niya kung nasaan na ang kaniyang Bodyguard, kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon nito. Masyadong pinalalaki ang para sa kaniya simpleng bagay na puwede namang pag-usapan sa maayos na paraan.
"Gusto mong pumunta sa ilog mamaya, sir? Kapag kasi ganitong Linggo, nangingisda ako. Ano sama ka? Para makapaglangoy din kayo."
"Sige, medyo nababagot na din kasi ako. Saka puwede din bang paturo sumakay ng kalabaw sa mga susunod na araw? Gusto ko din kasing matutunan 'yun, kung okey lang?"
"Ayos 'yan sir! Tuturuan ko ho kayo!"
Nang dumating sila sa ilog ay naghubad kaagad si Boknoy ng kaniyang t-shirt. Lumantad ang kahit hindi kasinlaki sa katawan ni Justine na katawan niya ay maayos din naman ang hubog. Sila ni Boknoy ang hindi nagkakalayo ng edad, tatlong taon lang kasi ang tanda nito sa kaniya.
Guwapo si Boknoy iyon nga lang natatabunan ito ng pagiging mukhang magsasaka nito dahil na rin siguro sa kulay ng balat at wala sa ayos na porma. Lagi kasing nakadamit ng butas-butas at lumang mga shorts na halos mahulog na sa baywang niya. Sa madaling sabi, promdi.
Natuwa si Liam nang makita niya ang ilog. Malinaw kasi ang tubig nito. Katamtaman lang ang pag-agos ng tubig. Magubat ang magkabilang pampang at dahil maaliwalas ang panahon, nagkukulay asul ang tubig. Parang napakasarap nga talagang magtampisaw at lumangoy.
Naghubad na din siya ng t-shirt niya at tumambad ang maputi at makinis niyang katawan. Medyo nahalata na din niya ang unti-unting pagkasunog sa araw ng kaniyang kutis. Tumingin siya sa paligid para maghanap ng puwede niyang mapagsabitan ng kaniyang damit nang sa di kalayuan ay napansin niya ang noon ay nakaupo sa silong ng isang malaking puno ng akasya.
Si Justine.
Malayo ang tanaw ng kaniyang mga mata. Mukhang malalim ang iniisip. Gusto niyang lapitan ito, kausapin, humingi ng paumanhin ngunit naisip niya, bakit niya gagawin iyon? Kasalanan na bang malaki ngayon ang pagtatapat ng pag-ibig? Krimen na bang masabi ang halikan lang ang katulad niya ng kasarian?
Nababawan siya kay Justine. Siguro nga tama talaga siya sa naisip niyang straight ang lalaking nagpapatibok na ngayon sa kaniyang puso. Ngayon mas luminaw na ang dahilan kung bakit hands-off ang mga kaibigan niya noon sa US sa mga kagaya ni Justine. Ang bakla ay para daw sa mga kapwa niya bakla at pamilya, ang straight na lalaki ay para lang sa mga tunay na babae. Huwag magmahal sa straight. Puwede silang tikman ngunit madalas may kapalit. Puwede silang makarelasyon ngunit tanggapin mong hindi sila mabubuhay na walang babae. Hindi sila para sa bakla. Naibibigay nila ang kanilang katawan sa mga katulad niya ngunit hindi ang kanilang puso.
Nakita niyang tumingin sa kaniya si Justine ngunit tumalikod na siya. Lumapit siya kay Boknoy na noon ay inihahanda ang pamingwit niya at lambat na gagamitin sa pangingisda.
"Maliligo ako habang nangingisda ka, Borj ah." Sinasabi lang niya iyon, hindi siya humihingi ng permiso.
"Okey lang po sir basta huwag ho kayong pumanta sa bahaging iyon kasi medyo delikado ho sa bandang iyon. May mga nalunod na kasi kaya iwas lang tayo ng magawi doon sir ha?" itinuro ni Boknoy ang medyo hindi gumagalaw na tubig. Iyon lang yung bahaging parang wala kang makikitang paggalaw o pag-agos ng tubig.
"Sige." Pagkasabi nito ay nagdive na siya.
Lumangoy-langoy siya.
Nawili.
Nasarapan sa lamig ng tubig, sa linis at sa linaw nito. Malayo sa mga resorts at swimming pools na naliguan niya noon. Matapang kasi ang amoy at masakit sa mata ang mga iyon. Iba nga talaga ito. Walang makapantay ang ilog sa likas nitong kalinisan.
Sa di kalayuan ay naroon si Justine. Iyong ginawa noon ng Tito niya sa kaniya nag-ugat ang mga ganitong pagkalito sa kaniyang pagkatao. Kinasusuklaman na niya iyong maalala. Nabababuyan siya! Ngunit sa tulong ni Jay, nawala ang galit niya noon sa mga katulad ng Tito niya. Naintindihan niya ang pagkatao ng mga katulad ni Liam ngunit hindi ang kanilang ginagawa. Napatawad niya ang Tito niya ngunit hindi na niya makalimutan ang ginawang pagsasamantala sa kaniya. Iba si Jay. Iba din ang hatid nitong alaala. At iyon ang ayaw niyang mangyari kay Liam. Kaya naman siya galit na galit dahil natatakot siyang mangyari din kay ni Liam ang nangyari noon kay Jay. Iyon ang pangyayaring kinatatakutan niya ngayon palang.
Huminga siya ng malalim. Nakita niyang nag-dive na si Liam sa tubig. Magaling lumangoy si Liam. Nakikita niya kasi ito nang madalas noong PSG siya ng Presidente at nakakasama ang asawa at anak sa ilang pagtitipon. Ngunit sa swimming pool iyon, hindi sa katulad ng ilog na ito na madalas ay may nalulunod na mga bisita at hindi alam ang bahaging iyon ng ilog. Madalas kasi silang mamasyal noong bata pa siya dito sa baryong ito. Para kasing kumunoy iyon na hihilain ka pailalim sa may kalalimang bahagi hanggang sa di mo na kayang umahon pa at pilit kang isasama sa current ng tubig. Nakatulong ang ginawa ni Liam na iyon para mapigil niya ang sarili niyang balikan ng alaala ang mga pangyayaring iyon sa buhay nilang tatlo nina Janna at Jay.
Gusto sana niyang mamasyal din sa hindi kalayuang bayan nila kung saan nakatira ang kaniyang mga magulang at kapatid ngunit mas magaan na kasi ngayon ang pamumuhay doon kaya dito niya pinili na dumaan si Liam sa immersion. May kuryente at maayos na din ang daan sa kinalakhan niyang baryo nila. Malayo sa baryong ito na naghihikahos pa din at hirap umusad sa pag-unlad. Malaki din ang naitulong niya at nang Daddy ni Jay para mapansin ng mga nasa Gobyerno ang kanilang baryo. Iba kasi pala talaga kung may kapit ka sa taas. Nagagawan ng paraan ang pag-unlad ng isang liblib na bayan.
Habang pinagmamasdan niya ang parang nag-eenjoy sa paglangoy na si Liam ay pilit niyang pinag-iisipan kung ano ba ang dapat niyang gawin. Masakit sa loob niyang sabihin ang lahat ng iyon kanina kay Liam. Sa totoo lang, ayaw niyang maging gano'n ngunit iyon ang una niyang naramdaman. Ngayon, naguguluhan na siya ng husto. Ano ang dapat niyang gawin? Kailangan niyang bantayan si Liam kahit pa ganoon na ang pagkatao nito. Respondibilidad niya iyon sa First Family. Iyon ang sinumpaan niyang tungkulin sa bansa. Ngunit hanggang saan ang kaya niyang ibigay dito? Kung si Liam ay nagtitiis sa hirap dito sa baryo, ibig bang sabihin ay kailangan din ba niyang pakisamahan at ibigay kung ano ang sa tingin niya ay makakatulong sa First Son para mamalagi at matapos nilang dalawa ang palugit na isang buwan? Paano kung tuluyang mahulog sa kaniya si Liam? Paano siya? Paano sila kung nagkataon? Paano ang nalalapit ng kasal nila ni Janna? Mahal niya ang girlfriend niya. Wala siyang pagdadalawang isip doon. Ngunit kung ganitong lagi silang magkasama ng anak ng Presidente na lantaran na ang paghahayag na gusto siya na ngayon ay amo niya at kailangang 24/7 niyang babantayan, paano siya iiwas? Kaya ba niyang sikmurain ang lahat hanggang matapos ang isang buwan? Napakarami pang mga tanong sa kaniyang isip at ang laging pinagbubuntunan niya ng galit ay hindi si Liam mismo kundi ang mali nitong pagkatao. Doon kasi nag-uugat ang lahat.
Hanggang sa huli na nang makita niyang tumapat na si Liam sa kinatatakutan niyang bahagi ng ilog at mabilis na itong nawala. Napatayo na siya. May kalayuan ang kinauupuan niya sa bahaging iyon.
"BOKKKKKKKKKKKKKKK! Si Liammmmmmmm!" sigaw nito ngunit mas nauna pa palang nakita ni Boknoy iyon. Mas nauna pa ang pag-dive niya sa tubig kaysa sa sigaw niya. Habang tumatakbo siya ay hinuhubad na niya ang kaniyang sando. Sobrang kinakabahan na siya sa kaligtasan ng kaniyang binabantayan.
Hindi puwedeng malunod si Liam. Hindi siya puwedeng mamatay!
Bago siya lumusong sa tubig ay nakita niya si Boknoy na walang kasamang lumutang. Ibig sabihin hindi niya nahahanap sa una niyang pagsisid si Liam. Sana pala kasi pinigilan na lang niya ito at hindi inuuna ang kaniyang pride. Sana sinabayan niya kahit sa paglangoy at paliligo nito para naagapan niya ang puwedeng masamang mangyari sa kaniyang Boss.
Mabilis siyang lumangoy at nang nakarating siya doon sa mismong bahaging iyon ng ilog ay pinuno niya ng hangin ang kaniyang baga saka siya sumisid. Sila ni Boknoy ang sanay na labanan ang pababang current ng tubig. Alam kasi nila kung paano iyon sasabayan. Sumisid siya hanggang sa narrating nito ang pinamababang bahagi. Sinuyod niya ang lupa. Desperado siyang hanapin si Liam. Sinabayan niya ng panalangin sa isip ang kaniyang pagsisid na sana mailigtas niya sa kamatayan ang First Son. Ilang sandali din siya nakipagbuno sa kakaibang paghigop ng tubig para mahagilap lang niya si Liam ngunit bigo siya. Dahil sadyang wala siyang makapa at mauubusan na siya ng hangin ay malakas siyang lumundag palayo sa mismong current para mas mabilis siyang makarating sa ibabaw ng tubig. Muli siyang nagtangkang sumisid ngunit bago iyon ay kailangan niyang punuin ang baga ng hangin kaya lang napansin niya ang noon ay lumalangoy papunta sa pampang ng ilog na si Boknoy. Hawak niya ang walang malay na si Liam. Mabilis na din siyang lumangoy patungo sa pampang.
Inihiga ni Boknoy ang parang di na humihinga at walang malay na si Liam.
"Kuya, sorry, sinabihan ko naman ho siya kaso..." maluha-luhang sinabi iyon ni Boknoy. Hindi na yata humihinga." Natatarantang pa nito na siyang lalong nagpanerbiyos kay Justine.
Inilagay ni Justine ang dalawang palad niya sa dibdib ni Liam. Ipinihit niya iyon ng tatlong beses. Inulit niyang muli umaasang hihinga ito. Nang wala pa din ay hinawakan niya ang ilong ni Liam at ibinuka niya ang labi ni Liam saka niya binugahan ng hangin. Mangiyak-ngiyak na siya sa nerbiyos dahil mukhang walang nangyayari.
Inulit niya iyon ng inulit sabay sabing..."Please Liam, lahat gagawin ko huwag ka lang mamatay. Please!" bulong niya at muling inulit ang CPR.
Hanggang sa umubo si Liam at lumabas ang maraming tubig sa kaniyang bibig.
Suminghap siya ng hangin.
Binuksan niya ang kaniyang mga mata.
Nang makita iyon ni Justine ay muli siyang nabuhayan ng loob.
"Buhay siya Bok! Buhay si Liam!" sigaw nito sa noon ay takot na takot ding si Boknoy.
Napapaluha silang dalawa sa sobrang saya.
Siguradong malaking pagbabago ang mangyayari sa kaniyang buhay kung nagkataong mamatay ang kaniyang boss. Panigurado ding hindi na niya mapapatawad pa ang kaniyang sarili.
Huminga ng malalim si Liam. Naulit pa iyon ng naulit ng naulit.
Mabigat ang kaniyang pakiramdam ngunit nang iniangat siya ni Justine at niyakap siya nito ng mahigpit ay parang mabilis na bumuti ang kaniyang pakiramdam. Nagiging maayos na ang kaniyang paghinga ngunit nahihilo pa din siya.
"Huwag na muling maligo sa ilog ha? Huwag mo na ako pinapanerbiyos ng ganito." Sinuklay ni Justine ang buhok niya habang titig na titig siya sa kaniya.
"Hindi ka na ba galit sa akin?" pabulong niyang tanong.
Tinitigan lang siya ni Justine at lumingon siya sa noon ay nakamasid sa kanilang si Boknoy.
"Kaya mo na bang tumayo o maglakad?" tanong ni Justine. Sinadya niyang ibaling sa iba ang usapan.
"Nahihilo pa ako."
"Bok, mauna na lang kami sa'yo ha. Mukhang kailangan ni Sir Liam ang magpahinga."
"Sige kuya, walang problema. Di ko pa kasi puwedeng iwan ang lambat at pamimingwit ko para may pananghalian tayo mamaya."
Umupo at tumalikod si Justine kay Liam.
"Sampa ka sa likod ko at bubuhatin na lang kita." Seryoso nitong tinuran.
Gusto ni Liam na sabihing kaya naman niyang maglakad pauwi ngunit binibigyan na siya ng pagkakataong mahawakan o mayakap mula sa likod ni Justine kaya sino ba naman siya para tatanggi pa.
Gusto niya 'yon. Gustung-gusto.
Habang naglalakad si Justine at sapo niya ang mga hita ni Liam na noon ay nakayakap sa kaniyang likod ay pinatong naman ni Liam ang kaniyang pisngi sa balikat niya. Kapwa sila walang damit. Dama ng bawat isa ang kakaibang init sa kanilang mga katawan. Kahit pa sabihing medyo asiwa si Justine sa ganoon ay inisip na lang niyang trabaho lang din niyang siguraduhin ang kaligtasan at kabutihan ng kaniyang Boss. Noon ay naisip niyang ano nga ba ang pinagkaiba ng paghalik ni Liam sa kaniya kaninang umaga sa ginawa niyang CPR dito. Napapadalas ang di inaasahan nilang halikan at kung wala namang masamang kinalabasan ng ginawa nilang iyon, maari siguro siyang makipagsabayan na muna sa Boss niya hanggang matapos ang lahat ng ito kaysa naman may masamang mangyari dito. Wala pa siyang ibang pamimilian kundi ang laging nakabuntot sa kaniyang Boss. Iyon ang tawag ng kaniyang trabaho.
Hanggang sa ang pilyong si Liam ay idinampi nito ang labi niya sa leeg ng noon ay tahimik na si Justine.
Amoy lalaking-lalaki.
Bruskong- brusko ang dating ni Justine.
"Tignan mo 'to nahihilo daw pero nagagawa pa niyang manantsing."
"Ha? Di kaya?"
"HInalikan mo ako sa leeg 'no. Akala mo hindi ko 'yun naramadaman?"
"Excuse me, dumampi lang ang labi ko sa leeg mo. Kapag ako ang humalik sa leeg hindi lang gano'n 'yun. Gusto mong i-demonstrate ko nang malaman mo ang pagkakaiba?" ngumingiti siya. Lumalabas na naman ang kaniyang kapilyohan.
"Huwag na, para-paraan lang eh!" halatang naasiwa si Justine.
Ngunit hindi kinagat ni Liam ang sinabi ni Justine.
"Ganito kapag aksidenteng dampi lang." Inilapat ni Liam ang labi niya sa leeg ni Justine. Nakiliti ang huli at pinisil niya ang hita ni Liam na nasa kaniyang bisig.
"Ano ba!" singhal nito.
"Ganito naman kapag sinadya kong halikan kita." Labi muna ang lumapat hanggang may kasama nang dila sa puno ng tainga ni Justine. Lalong tumindig ang balahibo ni Justine sa kakaibang sensasyon na iyon kaya bigla siyang umupo at binitiwan ang mga hita ni Liam at tinanggal nito ang nakapulupot na mga kamay ni Liam sa kaniyang leeg.
"Pinagluluko mo ako kaya magtiis kang maglakad." Halatang napikon na ito.
"Hoy, ano ba biro lang 'yun!"
"Hindi ako nakikipagbiruan, Liam. Nanadya ka kasi yata e!"
Walang lingon na naunang naglakad si Justine at ang natarantang si Liam ang humabol sa tuluyan nang di nagsasalitang si Justine.
Nahiga si Liam sa matigas na kama niya at si Justine ay ayaw pumasok sa kubo. Nanatili itong nakaupo sa hagdanan. Ramdam ni Liam na sadyang nagkaroon na ng bakod sa pagitan nilang dalawa ni Justine. Pagkarating nga nila sa kubo kanina ay kaagad itong nagdamit patalikod sa kaniya na para bang ayaw na niyang ipakita ang kaniyang kahubdan. Kahit kapag nagtatanong siya ay hindi siya nito tinitignan. Para bang isang malaking kasalanan ang titigan siya ni Justine. Masakit man iyon sa kaniya ngunit iyon na siguro ang bunga ng kaniyang ginawa. Paano nga ba siya mamahalin ng straight na katulad ni Justine?
Kahit sa pananghalian ay dumidistansiya sa kaniya si Justine. Madalas man itong panakaw na tumitingin sa kaniya na para bang naninigurado na hindi siya malingap dito pero alam kasi niyang bahagi lang iyon ng pagiging PSG nito. Iyon ang masakit, nililingon siya ng lalaking mahal niya hindi dahil nagkakagusto ito sa kaniya kundi bahagi iyon ng sinumpaan niyang tungkulin.
Dumating ang gabi at siya na lamang ang natulog sa kubo. Hindi siya makapaniwala na sa isang nakaw na halik lang na iyon ay iiwas si Justine sa kaniya. Halik pa nga lang iyon, ano na lang kung may pagtatalik nang naganap? Doon sa mahabang upuang yari sa kawayan sa silong ng mangga natutulog si Justine ngunit dahil mahamog na sa madaling araw ay lumilipat din ito sa kubo para ituloy ang pagtulog niya malayo sa kamang hinihigaan niya. Lumayo ma sa kaniya si Justine ngunit hindi ang kaniyang nararamdaman. Lalo lang niya itong minahal sa paglipas ng araw.
Dahil tahimik si Justine at tanging tango lang o kaya iling ang mga sagot nito sa kaniyang mga tanong ay kay Boknoy na siya madalas nakipagkuwentuhan. Pinakikiramdaman niya si Justine kung may kahit katiting na selos ito sa tuwing tumatawa siya at palalaking sinusuntok niya ang braso ni Boknoy ngunit walang kahit anong emosyon siyang makita. Ngunit dahil napapadalas din ang pag-akbay niya kay Boknoy sa tuwing naglalakad sila papunta sa bukid ay may napansin na din siyang kakaiba, iyon nga lang, hindi siya sigurado kung ano ang ibig sabihin ng salubong na kilay nito na parang di na natutuwa sa nakikita sa kanila.
Sila ni Boknoy ang madalas na magkasama sa likod ni Damulag dahil gusto nga niyang matuto din sa kung paano sakyan ang kalabaw. Nang una, napakalayo ni Boknoy sa kaniya sa ibabaw ng kalabaw.
"Natatakot ka ba sa akin Borj?" tanong niya.
"Hindi sir, nahihiya lang ako."
"Bakit ka nahihiya? Lumapit ka nga sa akin baka mahulog ka pa."
"Ako mahuhulog? Astig 'to sir. Sa ibabaw ng kalabaw na nga ako lumaki e."
Ngunit dahil nakatingin sa kanila si Justine kaya naisip niyang siya na lang ang lumapit at maglapat sa kaniyang katawan kay Boknoy. Naramdaman niya ang kakaibang init ng katawan ni Boknoy. Halatang nakaramdam kaagad ito ng pagkaasiwa dahil sinikap pa din nitong inilayo ang katawan nito sa kaniya. Ngunit wala kay Boknoy ang isip niya, nasa lalaking pinagpapantasyahan niya. Isipin na ni Justine ang gusto niyang isipin pero kailangan niyang malaman kung may kirot ba ito sa kaniyang mga mata. Nais niyang mabasa ang mukha nito kung may iba bang ibinabadya kapag makita niyang halos magpayakap na siya kay Boknoy habang nasa ibabaw sila ni Damulag.
"Sir, bababa na lang ho ako. Marunong naman na yata kayo." Pag-iwas ni Boknoy.
Mukhang nakakahalata na din yata ito.
Bigla siyang sinilaban ng hiya sa sarili. He's flirting intentionally dahil lang sa gusto niyang makuha ang atensiyon ni Justine. Nagmumukha siyang desperado at ang sinabing iyon ni Boknoy ang tuluyang gumising sa kaniya sa katotohanan.
Walang pakialam ang lalaking pinapaselos niya!
Kung may isang bagay siyang natutunan sa pakikibuno sa trabaho sa bukid at ang malungkot na gabi sa baryo iyon ay ang makita ang ibang mukha ng buhay. Mga batang mas pinahahalagahan pa ang kanilang tsinelas kaysa sa paa. Binibitbit kasi nila ang tsinelas kaysa sa isuot ito habang naglalakad. Sa school na lang nila iyon isinusuot. Natatakot silang maluma ang kaagad ang kanilang tsinelas.
Pumasyal din siya sa Elementary na proyekto ng kaniyang Daddy sa pakikipag-ugnayan din ni Justine at doon niya nakita ang mga kakulangan sa kanilang pag-aaral. Limitado ang books at kulang sa school supplies ang mga bata. Naantig siya na makitang tubig lang ang iniinom ng ilang mga bata sa recess para magkalaman ang sikmura. May isang batang palihim na pinulot ang supot ng chichirya na itinapon ng kaniyang kaklase saka niya iyon binaliktad at dinilaan. Naiintindihan na niya ang Daddy niya na kailangan niyang isakripisyo ang panahon niya para sa nakakaraming nagugutom nilang kababayan. Mas kailangan ng mga mahihirap ang atensiyon at pagmamahal ng Daddy niya. Tuluyang nabura ang naramdaman niyang selos sa Pilipinas dahil dapat lang palang angkinin ng bansa ang kaniyang ama.
Iyon ang gustong makita ng kaniyang Daddy. Ang kahirapan ng bansa. Gusto niyang siya mismo ang makakaranas ng lahat ng iyon. Katotohanang tuluyang bumago sa kaniyang pananaw. Habang sila ay hindi halos ginagalaw ang masasarap na pagkaing nasa kanilang hapag-kainan sa Malakanyang ay may mga pamilya pinagsasaluhan ang nilagang kamote o saging sa mga baryo at sa mga nasa lungsod ay mga pagpag o kaya pagkaing napulot sa mga basurahan. Maliban pa sa ilang kumakalam ang sikmura na walang makain. Ilang araw kapag nasa bukid siya at hirap na hirap kumayod kasama ng mga magsasaka at gabing nakahiga siya sa matigas na kama ay minumulto siya ng pagdarahop ng karamihan. Noon lang din siya sinisilaban ng paniningil ng konsensiya sa walang patumanggang pag-aksaya niya sa kaniyang pera sa mga walang kuwenta niyang kinahiligan.
Ginising ng immersion na iyon ang makabayan niyang kamalayan ngunit hindi na tungkol doon ang lalong nagpapagulo sa kaniya kundi ang alam niyang maling pagmamahal niya sa kaniyang PSG. Nahihirapan siya sa tuwing nakikita niya si Justine sa malayuan. Nasasaktan siya sa katotohanang hindi niya kailanman maangkin ang kaniyang inaasam. Masakit kasing tanggapin na ang mahal niya ay hindi siya gusto. Sa pagdaan ng araw, parang tinutusok ang kaniyang puso. Sa tuwing madaling araw na magising siyang makita si Justine na aakyat sa kubo at tahimik na mahiga ito sa banig at babalutan ang buong katawan ng kumot para maitago ang kaniyang katawan ay alam niyang siya at ang pagiging bakla niya ang dahilan. Natatakot si Justine na galawin siya ni Liam.
Dumaan ang isang buong Linggo na ganoon ang naging sitwasyon nila ni Justine. Umiwas na din siya at piniling kay Boknoy na lang siya sasama sa mga lakad nito habang nakabuntot sa kanila si Justine. Kinakaya niyang huwag itong imikan o kausapin katulad nang nasa Malakanyang pa sila. Kinahapunan ng LInggong iyon ay nagkaharap silang lahat sa silong ng Mangga. Nagkayayaan kasi silang mag-inuman.
"Tara sir, inom tayo ng kuwatro kantos. Alam kong di mga ganung alak ang trip mo dahil mumurahin pero kailangan nating i-celebrate ang dalawang matagumpay na Linggo ng immersion mo. Ibang-iba ka na kasi kaysa sa dating nakilala naming Sir Liam no'n." Pagyakag sa kaniya ni Boknoy.
"Talaga? Sige, sama ako diyan! Basta lasang alak wala akong inaatrasan!" sagot niya sa astiging si Boknoy.
Nang nag-iinuman na ay sila ni Boknoy ang magkatabi. Kakaiba sa kinasanayan niyang inuman at lasa ng alak. Malakas ang sipa ng Gin. May mga inihaw na isda sa kanilang harapan. Bruskong magsasaka ang mga kaharap niya. iba na nga ang Liam na dumating noon, natuto na kasi siyang makipagkapwa-tao.
Batid ng lahat na bagong Liam na ang kaharap ni Justine ngayon. Magiliw sa lahat. Nakikinig sa mga kuwento at sumasagot na may paggalang. Dalawang Linggo palang ang nakakaraan ngunit binago na siya ng baryo. Kung alam lang ni Liam ang sayang nararamdaman niya ngayon. Naaawa siya sa tuwing nakikita niya sa bukid ito at hirap makisabay sa trabaho ngunit lahat ng iyon tiniis niya. Walang reklamo, walang pagsuko. Napapahanga siya sa ipinakita nitong pagbabago kaya naman gustung-gusto na niyang muli itong makausap katulad noong wala pang lamat ang kanilang ugnayan. Nagbago lang kasi ang lahat dahil sa isang halik na iyon.
Sa gitna ng mga tawa ni Liam ay alam niyang may pinagdadaanan itong lungkot. Madalas kasing nagkakatitigan sila. Nakaramdam din siya ng kahit papaano ay inggit sa nakikita niyang malapit na ugnayan ng pinsan niya at ni Liam. Ngunit ito ang pinili niya, ang sandaling dumistansiya sa First Son.
Lumalim ang gabi at nauna nang nagpaalam si Liam. Alam niyang hindi pa naman lasing ito ngunit iginalang na lang nila ang kagustuhan. Tumayo pa siya nang makitang tumayo si Liam.
"Kaya ko Jazz. You deserve this kaya sa ayaw mo't sa gusto, samahan mo na muna sila dito at magpapahinga na muna ako."
"Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka ha?" iyon na ang pinakamahaba niyang nasabi sa First Son sa loob ng isang Linggo nilang pag-iiwasan. Not physically kasi lagi naman siyang bumuntot sa First Son dahil sa trabaho niya.
"Sure. Paano, mauna na ho ako sa inyo. Borj, kanain mo lang ang shot!" siniko niya ang katabi at mahinang sinuntok ang balikat nang noon ay namumula na sa tama ng alak na si Boknoy.
Kumindat naman si Boknoy kau Liam.
Lagpas alas dose na nang naramdaman ni Liam ang pasuray-suray na pumasok si Justine sa kubo. Umupo ito sa gilid ng kamang hinihigaan niya. Gusto niyang magtulug-tulugan ngunit mas nanaig pa din sa kaniya ang kagustuhang harapin ang lalaking minahal niya. Ibinaba niya ang kaniyang kumot hanggang sa kaniyang tiyan. Tanging boxer short lang kasi ang kaniyang suot ng gabing iyon dahil medyo maalinsangan nang pumasok siya sa kubo kanina.
Biglang naghubad ng t-shirt si Justine habang nakatitig sa kaniya ang namumungay nitong mga mata sa kalasingan. Tahimik lang silang dalawa. Ibinaba ni Justine ang boxer short na di tumatayo. Tanging brief na lang ang naiwan sa kaniyang katawan.
Napakalakas ng kabog sa dibdib ni Liam. Batid niyang lasing si Justine ngunit paano kung ganitong palay na ang lumalapit sa manok? Hihindi pa ba siya tutuka?
"Anong ginagawa mo?" pabulong niya iyong sinabi kay Justine.
"Hito ang gush-to mo di bha?" nabubulol na sagot ni Justine.
"Lasing ka lang eh!"
"Eh, anho ngayon kung lashing akho?"
Dumapa si Justine at ang kalahating katawan niya ay nakadagan sa katawan ni Liam. Ramdam ni Liam ang init ng katawan ni Justine na dumantay sa kaniya. Ang matigas nitong katawan na nakadikit sa kalahati ng kaniyang katawan, ang nakalapat na si Mr. Pinkish sa kaniyang tagiliran ang lalong nagpapainit sa kaniya.
"Bha-kit ba akho hang lagi ninyong pinagdi-diskitahang ma-halin? Hanong me-ron ako at laging ako ang sinusubok ng mga kagaya mo ha Sir Liam?" tanong nito habang ang kaniyang mukha ay nasa tapat na ng mukha niya.
Naramdaman din niya ang pagsuklay ni Justine sa kaniyang buhok at ang namumungay nitong mga mata ay nakatitig lang sa kaniyang mukha. Nagkakamuyan sila ng hininga.
"Hindi ko alam, naramdaman ko na lang 'yun e."
"Bha-kit bha kasing laging ako? Nililito ninyo ako, pinapaparusahang lalo. Ghusto ko kayong ka-inishan sa ginaga-wah ninyong ito sa hakin ngunit madalas nagtatanong ako sa aking sarili, anong gi-nawa ko para pa-halagahan ninyo ako. Bha-kit ninyo ako mahal?"
"Inuulit mo lang ang tinatanong mo eh."
"Sayang ka sir, hang gan-da mo pah naming lalaki. Makinis at mamula-mulang mukha, ma-tangos na ilong, mamula-mula at malulusog na labi, may kalambutan ay maputing katawan." Habang sinasabi niya iyon ay naramdaman niya ang pagsalat ni Justine sa kabuuan niya. Sa kaniyang mukha, ilong, labi at ang kaniyang buong katawan na lalong nagpaigting sa kanina pa niya pinipigilang magalit na nasa gitna ng kaniyang hita.
Hanggang sa pumikit si Justine ngunit lumapat ang kaniyang mukha sa mukha ni Liam. Napapakit siya nang tumama ang gilid ng labi ni Justine sa gilid ng kaniyang labi. Noon na lalo siyang nadarang kaya hinawakan niya ang mukha ni Justine at siya na ang humalik ng humalik sa noon sa mga labi nito. Nang una naramdaman niya ang paglaban ni Justine sa kaniyang mga halik. Kinakagat nito ang malambot niyang labi, inilalabas ng bahagya ang kaniyang dila at noon alam na niya na natutupad na ang pangarap niyang maangkin ang lalaking matagal na din niyang pinagnanasaan. Mabilis na naglakbay ang kamay ni Liam hanggang sa ipinasok niya ang kaniyang palad para haplusin si Mr. Pinkish. Umungol si Justine na parang may pangalan siyang binanggit. Hindi lang malinaw sa pandinig niya. Minabuti niyang ilabas na lang ang nag-uumigting na si Mr. Pinkish sa brief ni Justine ngunit mabilis na tinanggal ang kamay niya. Parang nabigla si Justine sa bilis ng mga nangyayari.
"Sorry." Bulong ni Liam habang nakalapat pa ang labi niya sa labi ni Justine.
Ibinagsak ni Justine ang katawan nito sa tabi niya.
Tumihaya ito at sinapo ang ulo.
"God! What is this s**t am doing!" singhal ni Justine.
Napalunok ang nabiting si Liam.
Totoo ang hinala niya, lasing lang si Justine at siya ang naisipang pagbuntunan nito ng libog. Ngunit bakit siya? Bakit ginawa ni Justine iyon sa kaniya? Ang lalo siyang painitin? Ang lumaban sa kaniyang halik.
Hanggang sa narinig na lang niya ang mahinang hilik nito.
Nakaharap ang mukha ni Justine sa kaniya at halatang sa kalasingan ay nakatulog na din. Muli niyang pinagmasdan ang nakalatag na masarap na kahubdan ni Justine. Ang katawang puwede niyang angkinin ngunit alam naman niyang di siya makukuntento lang dahil pagmamahal ang ninanais niya mula dito. Hindi lang ang katawang iyon kasi alam niyang kung katawan lang naman ay marami diyang iba na mas matitikas pa. Saka hindi siya sira-ulong makipagtalik din sa tulog. Parang bangkay na walang pakiramdam.
Hinalikan niya ang labi ni Justine kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.
"Bakit kasi ikaw pa? Bakit nga ba minahal kita kahit alam kong hindi puwedeng mahulog ako sa kagaya mo? Bakit ikaw pa na alam ko namang hindi mo ako puwedeng mahalin."
Pinuno niya ang isip niya sa alaalang iyon. Alaala ng pagkalapat ng labi niya sa labi ng natutulog na si Justine. Mahirap ngang turuan ang puso ngunit may magagawa pa siya para tuluyang makaiwas. Kahit masakit, kahit sobrang hirap, ang mahalaga sa ngayon ay ang paglayo at tuluyang pag-iwas.
Umaga na at sumisikat na ang araw nang magising si Justine. Masakit ang kaniyang ulo. Nakahiga nga pala siya sa kama na tinutulugan ni Liam. Tanging brief lang ang suot niya. Wala na si Liam sa tabi niya.
"Nalintikan na!" bulong niya sa sarili.
Lasing nga siya kagabi ngunit naalala din niya ang kaniyang ginawa! Ang lahat nangyari bago siya tuluyang nakatulog.
Isinuot niya ang boxer short niya at tinungo ang bahay nina Boknoy. Sigurado kasi siyang nandoon na din at tumutulong sa pagluluto ng agahan si Liam. Iyon na kasi ang nakawian nito. Babatiin siya ni Liam kasabay ng nahihiyang ngiti.
"Good morning, Tita." Bati niya sa noon ay naghuhugas na ng pinggan na Nanang ni Boknoy.
"Oh, naladaw ka man nga nagriing barok. Mammigat kan ah. Ayan na ngayen ni Sir Liam, dim pay la riniing ta adda kadwam nga mangan" (Oh, tinanghali ka ng gising, mag-almusal ka na diyan. Nasaan pala si Sir Liam? Sana ginising mo na para may makasabay kang mag-almusal)
"Ket nu awan met isuna didiay idda nan, Tita? Awan ba isuna ditoy?" ("Wala na siya sa higaan niya TIta. Wala pa ba siya dito?") Kinakabahan na siya.
Hindi na niya nahintay na sumagot ang TIta niya. Mabilis siyang bumalik sa kubo. Hinanap niya agad ang cellphone at bag ni Liam na LV.
Wala na nga ito doon sa pinagtaguan niya.
Mabilis siyang bumaba at noon ay nakasalubong niya ang pinsan niyang si Boknoy na papungas-pungas ding naupo sa silong ng mangga hawak ang tasa ng kape.
"Kuya Jazz, kape. Gisingin mo na si Liam nang makapagkape na din."
"Tang-ina Bok! Tinakasan na niya tayo. Wala yung cellphone, pitaka at bag niya."
Nagulat si Boknoy sa narinig.
Sabay silang tumigin sa kung saan nila itinatali si Damulag.
Wala na din doon ang kalabaw.
Hindi maganda ang kutob nilang dalawa.
Si Justine ay parang sinabuyan ng malamig na tubig. Kinakabahan, ninenerbiyos at di malaman kung ano nga ba ang kaniyang gagawin. Nangangtog ang kaniyang tuhod sa maaring mangyari sa kaniya at sa kaniyang Boss. Paano niya ipaliliwanag ang lahat sa kaniyang mga Commanding Officer at sa Presidente?
Nangyari na ito noon sa kaniya. Ginawa na ni Jay ito at ngayon si Liam naman. Pinaparusahan nga ba siya ng pagkakataon?