Chapter 6

1866 Words
"Iyon si Madam, masungit at hindi namamansin. Pero kahit kailan hindi niya pinabayaan ang mga empleado niya pagdating sa sahod, bonus at iba pang mga benefits," sabi ni Tessa matapos niyang ikuwento ang tungkol sa company na pinapasukan niya. "Kapag hindi ka niya kinakausap, huwag mo siyang kakausapin lalo na kung walang kuwenta para sa kaniya ang sasabihin mo dahil susungitan ka lang no'n. "Hindi rin siya namamansin kapag binabati siya. Kapag inutos niya dapat gawin mo kaagad dahil mainitin ang ulo no'n." "Wala ba siyang boyfriend o asawa?" tanong ko sa kaniya kaya umiling siya. "Si Madam ayaw no'n sa mga lalaki," sagot niya. "Bakit naman?" tanong ko. "Hindi ko alam. Basta wala pa kaming nababalitaan na nakipag-date siya sa lalaki," sagot niya. Tumango ako sa sinabi niya habang iniisip ang itsura ng babae. Pangit siguro iyon kaya pangit din ang ugali. "Hindi ko lang alam kung papayag iyon na lalaki, ha? Pero susubukan mo pa rin…sabi niya kasi 7:00 am dapat nandoon ka na. Ayaw no'n ng late," sabi niya sa akin. "Pahinga na tayo, bukas mo na lang ulit siya kausapin," sabi ni Christian na sumingit sa pag-uusap namin. "Sige, good night!" sabi ni Tessa sa akin. "Night," sabi ko at ngumiti ng tipid sa kanila ni Christian. Pumasok na ako sa guest room at doon ay nagpahinga na. Sana naman hindi masiyadong magsungit sa akin ang matandang hukluban na iyon. Tatanda siguro iyon na dalaga. Ilang taon na kaya siya? Hindi ko manlang naitanong kay Tessa. Bumangon ako sa pagkakahiga at pinagmasdan ang mukha ko sa salamin. May itsura naman ako kaya baka hindi mainis sa akin iyon. Eh, paano pala kung magkagusto sa akin? Ew. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko bago magpasyang humiga at matulog na. ***** Maaga akong bumangon para mag-asikaso. Tapos na akong magluto ng itlog, hotdog, sinangag, mag-toast ng tinapay at magtimpla ng kape pero hindi pa rin bumabangon ang dalawa. Napagod siguro dahil sa ginawa nila kagabi. Nagsimula na akong kumain at nang matapos ako ay naligo na ako. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko si Christian na inaayos ang susuotin ko. "Sir, bagong bili ko pa lang po itong office attire at saka hindi ko pa po nagagamit. Sa inyo na lang," sabi niya sa akin habang nagpupunas ako ng tuwalya sa buhok ko. "Ha? Okay lang kahit mga luma mo na ang ipahiram mo sa akin," sabi ko sa kaniya. "Hindi sir, ayos lang," sabi niya at saka lumabas na. Wala na akong nagawa pa kundi ang suotin ang bago niyang office attire at nakita ko pa ang black shoes na binigay ko sa kaniya nang minsan akong pumunta sa Italy. Napangiti ako sa kabutihan na mayroon siya. Sana lang ay tumagal ako sa matandang babaeng iyon para mabayaran ko ang lahat nang pagkakautang ko kay Christian pati na rin kay Tessa. Tiningnan ko pa muna ang aking sarili sa salamin bago tuluyang lumabas ng guest room. Pagkalabas ko ay nakita ko silang nag-aalmusal na. "Aalis na ako," paalam ko sa kanila kaya tumango sila at kinawayan ako. Lumabas na ako ng condo ni Christian at saka nagpunta na sa parking lot. Oo nga pala, bakit ako dito bumaba, eh, wala na nga pala akong sasakyan. Inis akong naglakad palabas nitong parking lot papunta sa sakayan. "Fvck!" bigla kong naiusal nang maalala ko na wala nga pala akong pera pamasahe. Babalik sana ako sa condo nila Christian para umutang ng pera pero nang maibulsa ko ang kanang kamay ko sa pants ko ay may nakapa akong mga papel. Inilabas ko ito at nakita ko ang dalawang libong piso na nakatupi. Inilagay siguro ito ni Christian kanina. Sumakay na ako ng taxi at sinabi ang address ng kompanya na papasukan ko. Napatingala ako sa kompanya at binasa ang pangalan nito. Ezy's sweet smell. Lalakad na sana ako papunta rito pero naaagaw ng atensiyon ko ang isang barbershop at biglang may pumasok na ideya sa isip ko. Matapos akong magpagupit ay tiningnan ko ang aking sarili sa malaking salamin. Malinis ang pagkakagupit sa akin at nilagyan pa ako ng kaunting bangs para hindi ako masiyadong makilala sa mata. Halos ilang minuto ko rin na tinitingnan ang sarili ko sa salamin habang iniisip ko kung ano pa ba ang kulang. "200 pesos sir," sabi ng matabang lalaki na nag-gupit sa akin. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nakasalamin. Oo, tama! Kailangan ko ng salamin. Matapos akong magbayad ay gumala ako saglit sa mall na malapit sa kompanya at doon namili ng salamin. Yung salamin pa-square at hindi masiyadong makapal. Sinuot ko na ito at saka nagmadali nang pumunta sa kompanya. Napatingin pa ako sa orasan ng mall at hindi ko naiwasang mapamura dahil 7:30 na. Sh*t! Napatagal yata ako sa pagpapalit ng anyo ko. Lakad at takbo ang ginawa ko. Akmang papasok na ako sa loob ay bigla akong hinarang ng isang guwardiya. "Wait, ngayon lang kita nakita. Ano ang kailangan mo?" pagsita sa akin ng matanda. Mukha naman itong mabait at hindi nangangain kaya nginitian ko siya. "Pinadala po ako ni Secretary Tessa bilang kapalit niya habang wala siya," sabi ko. Mukha namang hindi siya nakuntento sa sagot ko kaya tinanong niya ulit ako. "Sigurado ka ba? Alam ba ni Madam na lalaki ka?" tanong niya. "Ah, iyon po kasi ang sabi sa akin ni Secretary Tessa, bali mag-uusap na lang po kami ni Madam kung pasado po ba ako o hindi," sagot ko sa kaniya kaya dahan-dahan siyang tumango sa akin. "Sige, puntahan mo lang ang elevator na iyon at pindutin ang 20th floor dahil doon ang office niya, ingat ka iho nawa ay makapasa ka sa kaniya," sabi niya na nagaalinlangan akong pinapasok at pinalakas pa ang loob ko. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at saka pumunta na sa elevator. Kinakabahan ako sa matandang babae na haharapin ko. Pero kahit gano'n at kahit ano ang mangyari ay ako pa rin si Richter Tenorio na tagapag-mana ng Primo J-A-R Cars. Fvck! Arrrggghh why is this happening to me? Naiinis na sabi ko sa sarili ko habang nakahawak pa sa ulo ko. Bigla namang bumukas ang pinto ng elevator at sumalubong sa akin ang napakatahimik na floor. "Hello, sir, bakit po kayo nandito?" tanong ng isang janitress at nabasa ko ang pangalan niya na nakakabit sa kaniyang uniform-- si Janice. "Looking for Miss Ezlynn," sabi ko sa kaniya. "Ah, doon po," nag-aalinlangan niyang turo sa pinto. Ngumiti na lang ako sa kaniya at lumapit na sa pinto. Habang binubuksan ko ang pinto ay hindi ko maiwasan na hindi isipin ang mga reaksiyon nila. Gaano ba kasama ang ugali ng magiging amo ko at gano'n sila kailag sa kaniya? Tss, for sure menopausal na ang matandang--Napatigil ako sa iniisip ko nang pumasok ako sa loob at makita ang isang magandang babae na naka-upo sa swivel chair at nakatingin sa akin. She looked ravishing! Napatigil lamang ako sa pagtitig sa kaniya nang bigla siyang nagsalita at nagsungit. "Why are you standing there while watching at me? You st*pid j*rk! Get out!" masungit na sabi niya sa akin. Tama nga ang sinasabi ni Tessa. Totoo nga na may pagka-witch ang babaeng ito. Dapat ang tawag sa kaniya beautiful witch. "Ah, I'm here because--" "Didn't you hear what I've said? I said get out!" sigaw niya sa akin. Hindi ako sumagot o kumilos kaya tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin habang binibigyan niya ako ng isang masamang tingin. "I don't like you to be here, who told you to come here?" tanong niya. At sa wakas nakuha niya rin na tanungin ako ng gano'n. "Secretary Tessa send me here, she said, I will be your temporary personal assistant," I answered. She raised her eyebrows while looking at me from head to toe. "Who gave her a permission to decide that 'you' are her substitute?" She said, looking directly to my eyes. "If you don't want me, then I should not wasting my time here," I said and I can sense the coldness in my tone. Who the fvck is she, to treat people like this? Everyone doesn't deserve this st*pid boss! I was about to turn my back at her but she restrained me. "Huh, you really have the guts to turn your back at me," sabi niya at nagsalita ulit siya. "Where is your resume?" tanong niya at narinig ko ang pagtunog ng kaniyang takong palapit sa kaniyang table. Humarap ako sa kaniya at nakita ko siyang nakaupo na habang nakatingin sa akin. "Resume?" tanong ko sa kaniya kaya inirapan niya ako. "Fvcking yes?" inis na sabi niya. Hindi lang pala siya mainitin dahil maikli lang din ang kaniyang pasensya. "I-I don't have one," sagot ko habang nakikipaglabanan ng titig sa kaniya. Napangisi siya sa sagot ko bago siya magsalita. "Can you explain to me kung bakit hindi ka nagdala ng resume mo?" tanong niya. "Resume is just a sheet of paper, I can still do my job even if I don't have it," I asnwered confidently. "St*pid! You need that for your record to my company, tss!" sabi niya bago muling magpatuloy. "By the way you are hired, mr…" "Rich--" "Rich?" "Rich Perez," sagot ko sa kaniya. "Okay, I do not have any task for today so asikasuhin mo na lang ang company ID mo at ang record mo dito sa company. Pumunta ka sa HR," sabi niya sa akin. "About your salary, sila na ang magpapaliwanag sa 'yo pati na rin ng benefits. Make sure to pass all the requirements needed," sabi niya sa akin. "Noted, may kailangan po ba kayo ngayon?" tanong ko sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Did I say something wrong? "Hindi ba sinabi ko na asikasuhin mo ang pagkatao mo? Layas!" sigaw niya kaya lumabas ako ng office niya na nagkakamot sa ulo. Mukhang araw-araw yata siyang sumisigaw. Pero kahit gano'n ay hindi ako natatakot sa kaniya dahil para lang siyang langgam na ang liit-liit pero sigaw nang sigaw. Napangisi pa ako sa naisip ko at bago pa ako tuluyang mabaliw ay nagpunta na ako sa HR. Matapos ang araw na ito ay dumiretso na rin ako ng uwi. Pagkapasok ko sa loob ng condo ay nadatnan ko sila na nanunuod sa TV. "Kumusta ang araw mo sir?" tanong ni Christian sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya at naupo sa maliit na sofa sa gilid nila. "Oh, nagpagupit ka? Nagsalamin ka rin," sabi ni Tessa habang pinagmamasdan ako. "Oo nga ano?" sabi naman ni Christian. "Ayos lang naman ako, nakapasa ako kahit papaano," sabi ko at inilabas sa bulsa ko ang company ID ko. Nakita ko naman ang tuwa sa mga mata nila habang hindi pa rin makapaniwala. "Wow, sir, congrats dahil diyan mag-celebrate tayo," sabi ni Christian sa akin. "Naku, kinakabahan talaga kami dahil baka mag-inarte si Madam. Success ang padasal namin sa iyo," sabi ni Tessa kaya ngumiti ako sa kanila. "Salamat nga pala sa pera kanina," sabi ko. "Ayos lang sir, order tayo ng pagkain for simple celebration," sabi ni Christian at um-order na nga sila. Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na rin ang order namin na pizza, chicken at spaghetti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD