Chapter 5

1863 Words
Nang makarating ako sa kompanya ko ay taas noo akong naglalakad habang pinagtitinginan ako ng mga empleado. Ang iba ay nginingitian ako at ang iba naman ay binabati ako. Pero kahit gano'n wala akong pinapansin maski isa sa kanila. Baka kasi kapag pinansin ko sila araw-araw, eh, maging sipsip sila sa akin at ayaw ko ng gano'n. At saka binabayaran ko naman sila para magtrabaho sa akin. Binibigyan ko rin sila ng bonus at kung anu-ano pa na benefits kaya wala akong utang na loob sa kanila o pagkukulang. "Good morning, Ma'am Ezlynn!" bati sa akin nang isang empleado. Tiningnan ko siya kaya nginitian niya ako. "Get out of my way," walang emosyon ko na sabi dahil nakaharang siya papasok sa elevator. Napayuko naman siya sa pagkapahiya at saka humingi ng pasensya. Hindi ko na siya pinansin pa at pumasok na lamang sa loob. Habang pumipindot sa button ng floor ay naririnig ko ang mga bulungan nila na 'masungit daw ako' Bago tuluyang magsara ang pinto ng elevator ay tinaasan ko ng kilay ang mga nagbubulungan kaya mabilis silang kumilos para maiwasan nila akong kabisaduhin ang mga pagmumukha nila. Napairap na lamang ako sa hangin habang hinihintay umakyat ang elevator. Pagdating ko sa floor ay nakita ko ang isang janitress na si Janice habang nililinis ang floor na daraanan ko. "Madam, wala pa po si Secretary Tessa," sabi niya sa akin kaya nag-init ang ulo ko. "Is that your way to greet me a 'good morning', huh?" masungit na tanong ko sa kaniya kaya napayuko siya at hindi na nakapagsalita. Nag-crossed arms ako habang nakatingin sa pinto ng office ko. "Lintik! Kung kailan marami akong gagawin saka pa nagpaka-late and worst baka um-absent pa," inis na sabi ko sa sarili ko. Mayamaya lang ay may kumakaripas ng takbo sa likuran ko kaya nilingon ko ito at nakita ko si Tessa na nagmamadali. Huminto siya nang makita ako at hawak-hawak ng isang kamay niya ang kaniyang tagiliran habang ang isa naman niyang kamay ay nasa hita at naghahabol siya nang kaniyang hininga. "Sorry--" Hindi ko na siya pinatapos pa dahil inirapan ko siya at saka pumasok na sa loob ng office ko. Naupo ako sa swivel chair at saka binuklat ang nga folders na nasa ibabaw ng lamesa ko. Habang ginagawa iyon ay pumasok si Tessa at bago pa man siya magsalita ay inunahan ko na siya. "Kumuha ka ng isang piraso ng Ezy's sweet smell--strawberry flavor at ipadala mo sa address ng company ni Ava Calderon, ngayon na!" pag-utos ko sa kaniya na kaagad niya namang sinunod. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na naman siya sa office ko at akmang magsasalita siya ay inunahan ko na naman siya. "I-order mo ako ng coffee sa sunrise coffee shop," sabi ko sa kaniya. Magsasalita pa sana siya pero may naalala pa akong ipapabili sa kaniya kaya inunahan ko na naman siyang magsalita. "Bumili ka rin pala ng isang slice ng blueberry cake, alis na!" sabi ko sa kaniya. "Y-yes, Ma'am," sagot niya at umalis na. Lumipas ang trenta minutos ay nakabalik na rin siya bitbit ang mga pinabili ko. Sakto naman na kakatapos ko lang pumirma at mag-scan ng mga folders. "Ma'am, may saaabihin po kasi ako," inunahan niya na akong magsalita kaya tiningnan ko siya. "Ano ba iyon?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Tumikhim muna siya saglit bago magsalita kaya inunahan ko na naman siya. "I'm not interested," sabi ko at saka inayos ang pagkakapatong ng mga folders at tinuro ito sa kaniya. "Dalhin mo iyan kina Marcus, sabihin mo approved ko na lahat iyan at sabihan mo naman sila Jane na may meeting mamaya about sa bagong labas na pabango," sabi ko at saka isinandal ang likod ko sa swivel chair. "Oo nga pala, bago ko makalimutan mag-order ka na rin ng lunch for us," sabi ko sa kaniya. Inilapag niya ang paperbag sa ibabaw ng lamesa ko bago sumagot at bitbitin ang mga folders. "Noted, Ma'am," aniya na pagod na pagod at tuluyan nang umalis. Binuksan ko ang paperbag at saka inilabas ang coffee ko at slice ng cake. Hindi nga pala kami nag-almusal ni Ava kaya tumutunog ang tiyan ko. Habang umiinom at kumakain ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Nakita ko na si Ava ito at alam ko na ang sasabihin niya sa akin kaya sinagot ko ang tawag niya. "Oh?" tanong ko. "Thank you, dear! Kakapasok ko pa lang matapos kong makuha ang kotse ko, salamat sa package," sabi niya sa kabilang linya. "You always owe me," sagot ko sa kaniya. "G@ga, sige na salamat muah!" sabi niya bago ibaba ang tawag. Napailing na lang ako at saka tinapos na ang pagkain ko. ***** "What is the name of this perfume again?" tanong ko habang inaamoy ang pulso ko na may spray ng bagong pabango. "Honeysuckle, Ma'am," sabi ni Jane sa akin kaya napatango ako. "Mabango, I like this scent," sabi ko. Nagpatuloy lang ang meeting namin habang ini-explain nila sa akin ang magiging bottle, price at budget for this perfume. Hindi ko naman maiwasan na hindi sulyapan si Tessa dahil kaninang umaga pa siya wala sa kaniyang sarili. Nang matapos ang meeting ay nag-announce na ako sa kanila. "All in all, okay sa akin, good job everyone," sabi ko at saka tumayo na at iniwan silang nagsasaya. Naramdaman ko namang nakasunod sa akin si Tessa kaya hindi ko na siya pinansin pa at nagtuluy-tuloy na sa pagpasok ko sa opisina. Sakto naman na kakarating lang ng delivery boy at inabot kay Tessa ang lunch na pina-order ko. "Ma'am ito na po ang lunch niyo," sabi ni Tessa na inayos ang mga pagkain sa lamesa ko. Tumango lang ako at saka inayos ang buhok ko bago kumain. Lumabas naman na siya at iniwan ako na kumakain. Lunch niya na rin kaya sa labas siya kumakain. Makalipas ang ilang oras at uwi ko na. Bago ako umalis ay nakita ko si Tessa na walang gana habang nag-aayos sa loob ng office ko. "Ano ba ang sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kaniya. Nagulat naman siya sa akin kasabay nang paglingon niya. "Tss, hurry up! Your time is burning," I said. Nakapamaywang ako habang hinihintay siyang sumagot. "B-buntis po kasi ako, Ma'am," sabi niya sa akin kaya bahagya akong nagulat. "You're pregnant?" pag-uulit ko. "Yes, po," sagot niya. "Why didn't you tell me?" tanong ko pero napaiwas ako nang tingin sa kaniya dahil ang dami kong utos sa kaniya kanina. Arrgghh! I'm st*pid! "What I wanted to say, Ma'am is, mag-file ako ng maternity leave," sabi niya sa akin. "Okay, I get it," sabi ko at saka naglabas ng wallet at humugot ng sampung libo at inabot ito sa kaniya. "Ano ito, Ma'am?" parang t@nga na tanong niya kaya hindi ko naiwasang hindi magsungit. "Money, st*upid! Tulong ko iyan sa baby mo," sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin bago magsalita kaya inirapan ko siya. "Thank you, Ma'am, babalik po ako next week dito para kuhain ang sahod ko," sabi niya sa akin. "Sige lang," sabi ko at akmang lalabas na ay nagsalita na naman siya. "Ma'am, I need your signature po pala," sabi niya kaya inis akong humarap sa kaniya habang hawak-hawak na niya ang ballpen at ang papel. Matapos ko itong pirmahan ay nagsalita na naman siya. "Ma'am, paano po pala ang magiging kapalit ko?" tanong niya kaya napaisip ako. "Hmmn, it's your job to find one, just tell her to come early to my office tomorrow," sabi ko at saka tuluyan nang umalis. Richter "May nahanap ka na ba na puwedeng trabaho para sa akin?" tanong ko kay Christian na kakarating pa lamang. Kakatapos ko lang maglinis sa condo niya at kasalukuyan akong nagpapahinga. "Wala pa, sir. At saka isa pa kilala kayo paano kapag nalaman ito ng Dad mo?" tanong niya sa akin kaya nainis ako. "Hayaan mo siya--siya naman ang may gusto na maging miserable ang buhay ko," sabi ko sa kaniya. Napatingin kami nang sabay sa pinto nang may mag-doorbell. "Ako na," sabi ko sa kaniya at pumunta na sa pinto. Pagkabukas ko ay biglang may yumakap sa akin na babae. "Babe, I miss you so much!" sabi nito. Itutulak ko na sana siya pero lumapit sa amin si Christian at hinila nang marahan ang babaeng nakayakap sa akin palapit sa kaniya. "Babe, siya ang boss ko," sabi ni Christian. Namula naman sa pagkapahiya ang babae at saka sunud-sunod na humingi ng pasensya. "Naku, hindi ko po alam sorry po," sabi niya sa akin. "Siya ba ang girlfriend mo na buntis?" tanong ko kay Christian at tumango naman siya at saka ipinakilala ako sa babae. "Sir, siya si Tessa, Tessa siya naman si sir Richter," sabi niya na pinapakilala kami sa isa't isa. Nahihiyang ngumiti sa akin si Tessa kaya nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis para mawala ang ilang niya. Mabuti na lang pala hindi ko siya naitulak kanina. "Doon na tayo sa sala mag-usap," sabi ni Tessa at pumunta na sila doon. Sumunod naman ako sa kanila at akmang papasok ako sa guest room nang pigilan ako ni Tessa. "Sir, okay lang po kung makinig kayo sa usapan namin," sabi nito kaya ngumiti ako at umupo na habang nakatingin lang sa kanila. "Approved na kay Madam ang maternity leave ko," sabi niya kay Christian kaya natuwa ito. "Talaga? Mabuti naman. Kumain ka na ba? Mukhang pagod na pagod ka, ah?" nag-aalalang sabi ni Christian. "Ayos lang ako babe. Marami kasing ginagawa si Madam kanina kaya maraming utos," sabi ni Tessa. "Sinungitan ka ba niya? Naku, mabuti na lang at pinayagan ka dahil baka makasama pa siya sa baby natin," sabi ni Christian na bahagyang naiinis. Napakunot naman ako ng noo sa kaniyang reaksiyon. "Naku, binigyan nga ako ng sampung libo. Pandagdag daw sa mga kailangan ng bata," sabi niya at saka muli na namang nagsalita. "Mabait naman iyon si Madam, may saltik nga lang palagi." "Mabuti na lang at nakakatagal ka sa gano'n niyang ugali," sabi ni Christian sa kaniya. "Oo nga pala binigyan niya ako ng huling trabaho," sabi ni Tessa. "Ano na naman iyan? Hindi ba dapat leave mo na? Eh, bakit mag-uutos pa ang mangkukulam na iyon sa 'yo?" tanong ni Christian na naiinis na. "Ano ka ba? Kumalma ka nga. Hindi naman mahirap ang gagawin ko, eh," sagot naman ni Tessa. "Ano raw ba iyon?" tanong ni Christian sa kaniya. "Maghahanap lang ako ng kapalit ko," sabi niya. Nagtinginan naman kami bigla ni Christian kaya nagtaka si Tessa. "Oh, bakit?" tanong niya sa amin. "Naghahanap kasi si boss ng trabaho," sabi ni Christian. "Trabaho?" pag-uulit ni Tessa. "Oo, alam mo naman sitwasyon niya, 'di ba? Naikuwento ko nga pala sa kaniya sir, sorry," sabi ni Christian nang bumaling siya sa akin. Tumango lang ako at nakita ko na nakatingin si Tessa sa akin habang sinusuri ang kabuuan ko. "Babe, huwag mo naman siyang tingnan nang ganiyan. Baka mailang siya," sabi ni Christian. "Sigurado akong hindi papayag si Madam na lalaki ang magiging personal assistant niya," sabi ni Tessa. "Ang arte naman niya," bigla kong naibulalas kaya tiningnan nila akong dalawa at bahagyang natawa saka ikinuwento sa akin ang mga karanasan ni Tessa sa amo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD