"Grabe mabuti na lang nakalagpas ka sa itim na mahika ng babaeng iyon," sabi ni Christian matapos kong maikuwento ang nangyari kanina kaya nagtawanan kami.
"Naakit siguro sa iyo, minsan lang din kasi kumausap ng lalaki iyon," sabi naman ni Tessa habang kumukuha ng pizza.
"Haha, tingnan na lang natin kung ano ang susunod na mga mangyayari," sabi ko at saka kumuha ng isang hita ng pritong manok.
"Akala ko nga matanda na iyon, dalaga pa pala?" sabi ko kay Tessa kaya halos mabilaukan siya sa sinabi ko.
"Babe, ayos ka lang ba?" nag-aalala na tanong ni Christian kaya inabutan ko ng tubig si Tessa. Nagulat naman kami nang tumawa siya habang nakatingin sa akin.
"Natawa lang ako, siguro buong magdamag mo inisip na matanda iyon. Naku, lagot ka kapag nalaman niya iyon," natatawa na sabi niya sa akin.
"Hindi ko talaga maiwasan," sabi ko at saka kumagat sa manok.
"Pero maganda siya ano? Aminin mo. 29 years old lang iyon si Madam," sabi ni Tessa kaya ako naman ang nabilaukan sa sinabi niya.
"Oh, sir," sabi ni Christian sa akin habang nakalahad ang baso ng tubig. Tinanggap ko naman ito at saka ininom.
"Salamat," sabi ko.
"Bakit?" tanong ni Tessa sa akin kaya napailing ako.
"Wala naman," sagot ko at nagpatuloy na lamang kami sa pagkain at pagkukuwentuhan. Nang matapos kami ay sila na raw ang magliligpit kaya pumunta na ako sa guest room para makapagpahinga dahil sigurado akong susungitan na naman ako no'n bukas.
*****
"Ito, ibigay mo iyan kay Marcus at ito naman kay Susan, layas!" masungit na utos sa akin ni Ma'am Ezlynn.
"Masusunod Ma'am," sabi ko bago ko kuhain ang sandamakmak na folders sa kaniyang lamesa at pumunta na sa 18th floor para ibigay ito kay Marcus.
"Oh, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nag-hire si Madam ng lalaking secretary, salamat," sabi ni Marcus habang nilalapag ko sa table niya ang mga folders.
"Mauna na ako," paalam ko at saka umalis na. Sunod ko naman na pinuntahan si Susan at binigay sa kaniya ang ibang folders. Bumuntonghininga ako habang naglalakad papunta sa elevator paakyat sa 20th floor.
"Mapapagod ako sa bruhang ito," bulong ko sa sarili ko habang nanghihina. Kanina pa kasi siya utos nang utos. Akala mo wala nang bukas. Minsan iniisip ko kung nananadya ba siya dahil sabi ni Tessa ay galit ito sa mga lalaki. Pang isang linggo ko na rin dito at talaga nga namang mahirap siyang pakisamahan.
Papasok na sana ako sa elevator nang biglang may tumawag sa akin.
"Sir?" tanong niya sa akin. Nilingon ko siya at saka nagsalita.
"Bakit?"
"Parang familiar po kayo kasi sa akin, eh," sabi ng isang babae. Kinabahan naman ako sa sinabi niya kaya gumawa ako kaagad ng paraan.
"Ah, malamang araw-araw mo akong nakikita rito," sabi ko pero umiling siya habang pinagmamasdan ako kaya iniiwas ko ang mukha ko sa kaniya.
"Hindi sir, parang kamukha niyo po si Richter Tenorio. 'Yung sikat na tagapagmana ng Primo J-A-R-S Cars," sabi niya sa akin.
"Ah, haha! Malayo, kasi siya guwapo at mayaman tapos ako ito simple lang, sige mauna na ako," sabi ko at nagmadali na akong pumasok sa elevator.
"Sir wait lang!" pahabol niya pa pero tuluyan nang sumarado ang elevator. Huminga ako nang malalim dahil sa babaeng iyon. Sana naman hindi na maulit pa ang nangyari kanina.
"Hays! Sumasakit ang ulo ko dahil sa pinasok kong ito," sabi ko sa sarili ko habang nakahawak sa aking ulo.
Ezlynn
"You will never believe this, Ava," sabi ko habang kausap ko siya sa cellphone. Tinawagan niya kasi ako para mangamusta at tanungin kung ano ang gusto kong pasalubong. At ito na nga at sasabihin ko na sa kaniya ang mga nangyari sa akin.
"What? Spill the tea, dear," hindi makapaghintay na sabi niya sa akin. Umirap muna ako sa hangin at saka siya sinagot habang nakatayo ako at palakad-lakad sa tabi ng mesa ko.
"Nag-hire ako ng personal assistant," sabi ko.
"And, so?" sagot niya kaya napahawak ako sa aking ulo bago siya sagutin.
"Nag-hire ako ng lalaki--"
"The fvck! What?--oops, sorry I was talking to my friend--wait, dear, I'm going outside," sabi niya habang may kausap siya.
"Just go," sabi ko.
"So, nasaan na nga ba tayo? You mean you hired a man to be your personal assistant? Wow! I can't believe this, Ezy," sabi niya sa kabilang linya at bakas sa kaniyang tono na hindi siya makapaniwala.
"Yeah, I don't know what went through my mind when I did that," I honestly said to her. I heard her chuckling before she started to speak.
"Maybe because he's handsome, dear," she said. I rolled my eyes when she said that. Yes, siguro nga nananapak ang mukha no'n dahil sa kagwapuhan para sa iba. Pero for me? Duhh, he was like a piece of dust to me. Masiyado siyang mayabang dahil tatalikuran niya ako sa loob mismo ng kompanya ko. Who is he by the way? The boss here? Tsk!
"Oh, bakit ka natahimik bigla diyan? Am I right, ano? Namumukadkad na ba ang iyong bulaklak?"
"G@go!" sigaw ko sa kaniya dahil ang lakas talaga niyang mang-asar. Narinig ko pa siya na tumatawa at halos malagutan na ito ng hininga.
"Dear, prepare yourself na madiligan iyan, I will tell to Mildred na dalaga ka na!" pang-aasar pa rin na sabi niya.
"Just shut the fvck up!" masungit na sabi ko sa kaniya.
"Hahahaha, alright! By the way, may I know his name?" tanong pa niya kaya umirap ako bago siya sagutin.
"If you want to know, then come to my office," masungit na sabi ko sa kaniya kaya tumawa na naman ang bruha.
"Hahaha, okay! Thank you for answering my call, my dear beautiful witch friend," sabi niya sa akin.
"Fvck you!" sagot ko sa kaniya.
"Is that your way to say I love you or your welcome? Well, fvck you too!" parang t@nga na sabi niya habang tumatawa. Inirapan ko na lang siya at saka ibinaba na ang tawag. Pabagsak ako na naupo sa aking swivel chair.
Mayamaya lang ay biglang may nagsalita kaya kaagad ko itong nilingon at sinamaan ng tingin.
"Do you need something?" nakangiti niya na sabi sa akin. Kanina pa ba siya rito? Tss, why do I care?
"I don't need anything, just go and leave me alone," masungit pa rin na sabi ko sa kaniya. Hindi naman siya kumilos para umalis dahil dahan-dahan pa siyang lumapit sa kinauupuan ko.
"Hey, hey, hey! Who gave you the permission to come closer to me, huh?" banta ko sa kaniya nang unti-unting siyang lumalapit. Huminto siya sa tapat ko at saka tiningnan ako sa mga mata. Natutunaw ako sa mga titig niya kaya umiwas ako ng tingin at hindi na siya pinansin pa.
"May nagbabanta ba sa iyo? O may kaaway ka ba?" tanong niya sa akin kaya tiningnan ko siya.
"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko sa kaniya at bumuga muna ako nang hangin bago ulit magsalita. "Who cares, at saka wala sa trabaho mo ang pakielamanan kung sino ang kausap ko kaya layas," sabi ko sa kaniya.
"Concern lang ako," sabi niya bago siya tuluyang umalis at iwan ako na nakat*nga.
"T@ngina? Is he a real sh*t?" bigla kong naibulalas.
"Fvck! Bakit ba nage-echo iyon sa utak ko?" inis na sabi ko sa aking sarili at saka nag-focus na lamang sa pagtratrabaho.
Mayamaya…
'Concern lang ako.'
"Arrrrgghhhh!" Halos mapasabunot ako sa sarili kong buhok nang bigla na naman iyon pumasok sa isip ko. Ano ba ito? Hindi naman ako nababaliw sa lalaking iyon ay mali nababaliw talaga ako sa lalaking iyon.
"Grabe ang epekto mo," gigil na sabi ko sa sarili. Bahagya akong nagulat nang biglang may magsalita sa tabi ko at nakita ko si Rich.
"Ayos ka lang ba? Bigla kang napasigaw? Malaki ba ang problema mo?" sunud-sunod na kaniyang tanong kaya nanlaki ang mga mata ko at sinigawan ko siya palabas.
"Get out!" Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sundin ako. At ngayon ay naiwan na naman akong mag-isa sa office. Nang matapos ako sa trabaho ko ay umuwi na ako sa condo ko at saka nagpahinga. Kasalukuyan akong nakadapa sa kama nang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello, Ezy, kumusta?" tanong nito sa kabilang linya. Si Mildred ang tumawag. Matapos ang gabi na malasing kami ay hindi na kami nakapag-usap pa dahil sa busy na rin masiyado.
"Ayos lang, napatawag ka?" tugon ko sa kaniya.
"Tinawagan ako ni Ava at kinuwento ka niya sa akin. Ezy, is that true?" tanong niya. I gritted my teeth first bago ko siya sagutin.
"That b*tch! Oo, nakuwento niya na pala sa iyo ano pa ang gusto mong malaman?" tanong ko sa kaniya.
"Ito naman, parang hindi kaibigan siyempre kinukumusta rin kita."
"Ito, ayos nga! Busy tapos pagod," walang gana ko na sabi.
"Naku, unwind tayo ulit pag-uwi ni Ava," sabi niya sa akin.
"Sige, oo nga pala, how about you? Okay na ba kayo ni Jeff?" pagpapalit ko ng topic sa kaniya.
"Ah, ayos naman, hehe," nag-aalinlangan niya na sagot kaya pinaikot ko na naman ang mga mata ko at saka tumihaya nang higa bago siya diretsahin.
"No, you're not," sabi ko sa kaniya habang nakatitig sa kisame.
"Meet us?" malungkot na sabi niya kaya huminga ako nang malalim bago siya sagutin.
"It's already night, siguro by weekend? How about saturday? Is that cool?"I asked her.
"Cool, good night dear," paalam niya sa akin bago niya tuluyang ibaba ang tawag.
"Hah! Pity you," bulong ko sa aking sarili bago tuluyang pumikit.
Ilang oras na akong nakapikit pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Mayamaya lang ay…
'Concern lang ako.'
"T@ragis!" sabi ko at saka bumangon. Lumabas ako ng kuwarto ko at pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref at kinuha ko ang tumbler ko at saka uminom dito.
"Mali ang ginawa ko na pagtataboy sa kaniya kanina," bigla kong nasabi nang mahimasmasan ako matapos akong uminom.
"Hays, bakit ko ba kasi tinanggap iyon? Nagkasala pa tuloy ako, tsk!" sabi ko sa sarili ko at saka uminom ulit ng tubig. Nang matapos ako ay bumalik na ako sa kuwarto ko at saka nahiga.
Hindi pa rin ako inaantok dahil nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko sa kaniya. Alam ko naman na maldita ako pero…hays!
Pinilit kong ipinikit ang mga mata ko para dalawin na ako ng antok at mayamaya lang ay dinalaw na nga rin ako nito.
Richter
Sana naman may konsensya ang babaeng iyon at hindi siya basta-basta makatulog sa gabi. Hays!
Ang sama-sama ng ugali niya talaga.
Sana lang ay makatagal ako sa gano'n niyang ugali.
Para akong timang na nakatingin sa salamin dito sa guest room habang kung anu-ano ang iniisip.
Nag-aalala lang naman ako sa babaeng iyon, masama ba iyon?
Pinaikot ko ang mga mata ko at saka lumundag pahiga sa kama. Itutulog ko na lang ito kaysa isipin ko pa ang mangkukulam na iyon. Kailangan ko nang maraming pahinga dahil panigurado ay may saltik na naman ang babaeng iyon. Palagi naman.