"Wala pong anuman. At saka salamat pa rin po sa pagtanggap kahit bilang janitress lang. Akala ko no'ng una sobrang sama ng ugali mo pero hindi po pala," sabi niya sabay ngiti kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo ba alam na may dalawang side ang tao? Good side at saka bad side. Boba!" masungit na sabi ko kaya natawa siya. "Haha, sige mauna na ako. Have a great day!" nakangiti niya na sabi bago lumabas ng aking opisina. Napailing na lamang ako sa kaniya. Pero sa loob-loob ko ay masaya naman ako dahil kahit papaano, nakita ko sa kaniyang mukha na nabawasan ang mabigat niyang dinadala. Pero hindi iyon dahilan para siya ang kampihan ko dahil malaki pa rin ang epekto niya kay Mildred. Ang tanging panalangin ko na lamang ay ang paghilom ng mga sugat ni Mildred. Sana maging maayos na an