"May hiling nga pala ako sa iyo, Ezy," sabi niya sa kalagitnaan nang pagkain namin. "Ano iyon?" tanong ko sabay subo ng kanin at ulam. "Kung puwede pabisitahin mo rito si Rich palagi, oh, kaya dito na lang muna siya tumira--" Hindi niya na natuloy pa ang kaniyang sasabihin nang masamid ako at umubo-ubo kaya tumayo na naman siya at lumapit sa akin. "Ano ba ang nangyayari sa iyo?" nag-aalala niya na tanong sa akin pagkaabot niya ng tubig habang hinahagod ang likod ko. "Ano ba iyang mga sinasabi mo Mildred. Mamamatay na yata ako sa iyo!" reklamo ko sa kaniya matapos akong mahimasmasan. "Gusto ko lang naman na may taga-luto tayo rito dahil masarap siyang magluto. Nakakawala ng stress kaya sige na Ezy. Ako na ang magpapasahod sa kaniya rito," pagmamakaawa niya sa akin habang nakahawak sa k