Tinakpan niya ang kaniyang bibig at saka mabilis na nagpunta sa banyo at doon nagsuka. Rinig na rinig namin mula rito ni Ezy ang kaniyang pagsusuka. "Ano'ng nangyari do'n?" tanong ni Ezy kaya siniko ko siya sa kaniyang braso. "Puntahan mo sa banyo," utos ko sa kaniya na kaagad niya namang sinunod. Papasok pa lang siya nang lumabas si Mildred habang namumutla. "Mildred, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong namin ni Ezy sa kaniya. "Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Ezy sa kaniya at saka siya inalalayan sa pag-upo. "May nakain ka bang bawal sa iyo o ano?" tanong ko naman kasabay nang pagtapos ko sa aking niluluto. "Ayos lang ako. Masama lang siguro ang pakiramdam ko. Teka, ano ba iyang niluto mo Rich?" tanong ni Mildred sa akin habang inaamoy-amoy ang paligid. "Crabs in Spicy