"Ezy, what's wrong? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Rich. Hinawakan niya ako sa balikat kaya mabilis ko iyong winaksi at saka tumayo. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko maski ako. Magsasalita na sana ako pero lumabas na ng banyo si Mildred at saka kami hinarap. "Ano'ng nararamdaman mo?" tanong ni Rich sa kaniya. "May sakit ka ba?" tanong ko naman sa kaniya. Lumapit siya sa amin at napatingin sa pizza na nasa lamesa. Magsasalita pa sana siya pero nakaramdam na naman ito nang pagsusuka kaya pumunta na naman siya sa banyo. "Tsk! Tsk!" sabi ko at saka napatingin sa pizza. "Ano ba ang meron sa pizza na ito at nasusuka siya?" tanong ko sa sarili ko. Pumunta ako sa banyo at pumasok sa loob nito para tingnan si Mildred. Hindi kiya na na-lock ang pinto dahil sa pagsusuka k