"Aalis na lang ako. Mukhang wala namang patutunguhan itong usapan at halatang inaasar mo lang ako," sabi ni Jessica sabay tayo. Aalis na sana siya pero muli na namang nagsalita si Ezy. "Hindi mo manlang ba hihintayin ang result ng interview mo?" tanong ni Ezy sa kaniya kaya hinarap niya ito at saka tinitigan sa mga mata. "Ano pa ba ang ginagawa ko rito? Nagsasayang lang ako ng oras sa iyo!" sagot niya. "Hindi iyan ang inaasahan kong sagot mo pero…" "Pero ano?" "Bibigyan kita ng trabaho at 'yon ay kung kaya mong gawin at tanggapin," sabi ni Ezy sa kaniya. "Sige, ano ba iyan?" tanong ni Jessica sa kaniya. "Janitress," sagot ni Ezy sa kaniya. "What?" gulat na tanong ni Jessica sa kaniya. "Bakit? First time mo?" "Pinapahirapan mo ba talaga ako?" tanong sa kaniya ni Jessica. "Bakit?