Chapter 4

1835 Words
Richter "Sir, pasensya na kayo sa condo unit ko kung medyo magulo," nahihiyang sabi ni Christian dahil alam niyang malinis ako sa sarili kong tinutuluyan. "It's okay, hindi naman na ako mag-iinarte pa, and will you stop calling me sir?" sabi ko naman sa kaniya. "Why not, sir? You are still the heir of Primo J-A-R Cars Company," sabi niya na inililigpit ang mga gamit na nagkalat sa sahig. Hindi ko naman na siya sinagot pa at tumulong na lang sa paglilinis kahit pa ayaw niya akong payagang gawin ito. Nang umalis kasi ako sa Mansion ay dito kaagad ako dumiretso. Hindi ko naman matatawagan si Daxon para tulungan ako dahil nasa business trip ito at isa pa ayaw ko rin maging pabigat kahit kanino. Naglabas ako ng 5,000 pesos sa wallet ko at iniabot ito kay Christian. "Para saan ito sir?" nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa pera. "Bayad ko iyan for rent and food," sagot ko naman sa kaniya at gaya ng inaasahan ko ay hindi niya ito tinanggap. "Baka wala ka ng pera sir, kaya huwag na lang." "Tsk! Do you think I'm f0ol? siyempre may ipon din naman ako," sabi ko sa kaniya kaya napakamot siya sa kaniyang ulo at tinanggap na lamang ang pera. "Bakit ka ba kasi sir naglayas?" "Tss! Ayaw ko talagang pinipilit akong ikasal sa iba, lagi rin kaming nag-aaway ni Dad dahil diyan," paliwanag ko. "Akala niya kasi nambababae ako at hindi nagseseryoso sa buhay," dagdag ko pa. "Ano na ang balak mo, sir?" pagtatanong na naman niya nang matapos kaming magligpit ng kalat at magpagpag. Umupo muna ako sa couch bago magsalita. "I will start my own business, tutal wala rin naman akong mapapala sa sarili naming business, dahil ako mismo na tagapagmana ay pinalayas pa," naiiling na sabi ko habang inaalala ang nangyari kanina. "May funds ka ba Sir?" pagtatanong niyang muli kaya mataman ko siyang tiningnan. "Meron," maikling tugon ko. May naipon din naman ako sa mga pagtulong ko sa business namin. Balak ko kasi talagang magtayo ng business na restaurant dahil passion ko ang pagluluto, kaso si Dad pinag-aral ako ng about sa business kaya hindi ko ito natuloy. Biglang sumakit ang ulo ko kaya bahagya ko itong hinilot hilot. Naiinis talaga ako sa kaniya. Simula pagkabata palagi niya na akong kino-control. Kung buhay pa sana si Mom, eh, 'di sana maayos ang lahat. 'I wish you were here, Mom,' I said, sighing. ***** "Sir, pasensya na po, pero naka-hold po ang lahat ng bank accounts niyo even your credit cards," sabi ng bank teller na kaharap ko ngayon. "Seriously? F*ck!" I furiously said. Lumabas kaagad ako ng bangko dahil ayaw kong magkuda dahil wala rin naman akong mapapala. This is sh*t! I was fired to the company by my own Father and now he took everything to me. Really, really sh*t! Nagpasya na akong umuwi sa condo ni Christian at pagdating ko roon ay nadatnan ko siyang nagluluto kaya naman sinalubong niya ako. "Oh, sir? Hindi maipinta ang iyong mukha, ano'ng nangyari sa lakad mo?" pagtatanong niya. Napasalampak ako sa coach niya at nang sasagutin ko na siya ay biglang tumunog ang cellphone niya, kaya tiningnan niya ito at tumingin sa akin. "Si sir June," sabi niya na itinuturo ang cellphone. "Akin na," pag-agaw ko sa cellphone at marahas ko itong sinagot. "How's your day, son?" mapang-asar na tanong niya sa kabilang linya. "Not f*cking good since you called me," I said. "Oh, really? I thought you were starting your 'own' business?" "Will you please stop using your dirty tricks? It wasn't funny, you are destroying my future, 'Dad' or should I call you that?" "F*ck! You're the one who started this war, kid," he smouldered in anger. I clenched my jaw first, before I started to speak to him. "You know what? You are the one who started this! You want war, huh? Okay, fine! I'm in and I will never ever let you win, Dad!" I said, then I ended the call. I was about to throw the cellphone away, but Christian restrained me. "Sir, my cellphone," awkward na sabi niya habang nakaturo sa cellphone niya kaya naman marahan ko itong iniabot sa kaniya. Hindi ko nga pala cellphone at na kay Dad ang akin. Napahilamos ako ng aking mukha dahil sa hindi malaman ang dahilan. He's always like this! Kung kailan naman akong tumanda, ngayon pa siya nagpaka-strict! Napatingin ako kay Christian na nagtitipa sa cellphone kaya kinausap ko ulit siya. "Oo nga pala, Christian, wala na akong pera, puwede bang ibalik mo muna sa akin ang ibinigay kong 5k kahapon?" pagkuha ko ng atensiyon niya. Natigil naman ito sa ginagawa at wala sa sariling napakamot sa kaniyang ulo bago magsalita. "Naku, sir! Naipadala ko na sa girlfriend ko kanina," nahihiyang sabi niya. "What?" inis na tanong ko pero kaagad ko rin na napigilan dahil nakikitira nga naman ako sa condo niya. "Nabuntis ko kasi siya, sir," nahihiyang pag-amin niya kaya bumalatay ang gulat sa aking mukha. "Seriously?" paglilinaw ko kaya napatango siya. "Congrats then," sabi ko sa kaniya kaya napatango siya. "Ano na pa lang balak mo Sir?" tanong na naman niya kaya napasimangot na naman ako. Ano nga ba? "Hindi ko alam, baka mag-apply ako kung saan-saan," sabi ko sa kaniya. ***** Ezlynn "Hoy, bumangon ka na diyan!" sabi ko na sinisipa nang mahina sa puwet si Ava. Ang sarap kasi nang pagkakadapa niya sa sofa ko dito sa living room ng condo ko. "Uhmmm," she's groaning. "Tss, dito ka lang ba sa condo ko? Kasi aalis ako," masungit na sabi ko sa kaniya. "Okay, I'm getting up," sabi niya at saka pinilit ang kaniyang sarili na bumangon. "I prepared a tea and advil for you," I said then I pointed the kitchen to her. Pumunta na siya ro'n habang magulo ang kaniyang buhok at damit. Sumunod naman ako sa kaniya habang nakabalot ng bath robe ang aking katawan. I lean to the kitchen's door while crossing my arms. "I need to go to my office--so you better get your things and leave my condo, now!" I said, watching her drinking the tea. She glared at me before she started to speak. "You are really an assh*le, aren't you?" "Is that your way to say thank you? Ungrateful woman," I said and rolled my eyes to her. Iniwan ko siya ro'n at nagpunta sa sala at naupo sa couch habang naka crossed legs. "Nasaan pala ang new born car ko?" tanong niya sa akin habang nag-aayos. "Nasa repair shop--" "What? How? Why?" sunud-sunod na kaniyang tanong at hindi ko talaga maiwasan na hindi matawa dahil sa kaniyang itsura. Kalat-kalat ang kaniyang makeup sa mukha habang ang buhok naman niya ay magulo gayundin ang damit niya. "Ezy, why are you laughing? You really want me to get angry with you!" she said, pouting. "Iniwan ko ro'n sa bar. Pinabantay ko naman 'yon sa guard so you don't have to worry," sabi ko at saka muli na namang nagsalita. "Why don't you take a bath first? May mga hindi pa ako nagagamit na damit at undies sa kuwarto." "Okay, pahiram na rin ng towel tapos ng makeup mo," sabi niya sa akin. "Ikaw na mamili, maliligo na rin ako," sabi ko sa kaniya kaya sumunod siya sa akin. Hinayaan ko na siyang mamili ng mga kailangan niya at pumasok na ako sa banyo ko rito sa kuwarto at nagsimula nang maligo. May banyo pa naman malapit sa kitchen at doon na lang siya maligo. Ganito si Ava palagi. Dito siya sa condo ko natutulog everytime na malalasing kami. Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako ng dress suit na pinarisan ng platform pump ko. Habang inaayos ang sarili ko sa salamin ay pumasok sa kuwarto ko si Ava na tapos na mag-ayos. Bitbit niya ang makeup kit ko na may tatak pa ng brand niya. Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama ko bago magsalita. "Makeup-an kita as a p*****t," sabi niya sa akin habang nakaupo ako at nakaharap sa salamin. Bakit naman ako tatanggi? Magaling si Ava sa larangan ng makeup. "Sige," maikling tugon ko habang nagi-spray ng paborito kong pabango sa katawan ko. "Ang bango naman 'yan, sa company mo ba iyan?" tanong niya habang sinisinghot ang hangin. Inabot ko sa kaniya ang pabango dahil mukha siyang t@nga at ako naman ay nagsimulang plantsahin ang aking buhok. "Strawberry? Ang bango! Gusto ko rin nito bigyan mo ako!" sabi niya habang nakatingin sa hawak niyang pabango. "Papadalhan kita mamaya dahil limited stocks lang iyan baka maubusan ka," sabi ko sa kaniya. "Sige, pero pahingi na rin para fresh ako bago umalis dito sa Pilipinas," sabi niya at saka nag-spray sa kaniyang katawan. Tumingin ako sa kaniya na nagtataka habang hawak niya ang makeup kit ko at inilalabas na ang lipstick, eyeshadow pallete, eyeliner at iba pa. "Aalis ka?" tanong ko sa kaniya. "Oo? Bakit mami-miss mo ako?" pang-aasar na sabi niya kaya nginisihan ko siya at saka tinarayan. "In your dreams," malamig na sabi ko. Tumawa lang siya at inayusan na ako. Habang naglalagay siya ng make-up sa mukha ko ay nagsasalita siya. "May business trip kasi ako sa Korea kaya baka mawala ako ng isang buwan," sabi niya sa akin kaya napadilat ako ng mga mata at natigilan siya sa paglalagay ng eyeshadow. "Korea? Sige, pasalubungan mo ako," sabi ko sa kaniya at tinapos niya na ang pag-aayos sa akin. "Tada! Perfect! Iba talaga ang ganda mo dear," sabi niya habang pinagmamasdan ako. "Siyempre, kahit nga wala iyang mga makeup mo sa mukha ko, eh, maganda pa rin ako," sabi ko habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin. Hindi ko naman inaasahan na babatukan niya ako pero mahina lang kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Beautiful witch dapat ang tawag sa 'yo, maldita!" sabi niya at saka nagligpit na. "Lumayas ka na nga! Doon ka na sa Korea tumira!" pagtataboy ko sa kaniya. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at saka hinintay siya na sumunod sa akin. "Orasyunan mo para makahanap na rin ako ng boylet doon," sabi niya at saka isinabit na ang sling bag niya sa kaniyang kanang balikat. "Puro lalaki talaga inaatupag mo kahit saan ka magpunta," sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami palabas ng condo. "Bakit kasi hindi mo na lang ako tularan kaysa magputak-putak ka diyan!" sabi niya sa akin nang mai-lock ko ang condo ko. "Tss, I have my own life--so bakit ko igagaya ang sarili ko sa 'yo?" Humalakhak lang siya sa sinabi ko. Ang hilig talaga mang-asar. Naglakad kami papunta sa elevator at pagdating doon ay pinindot ang button papunta sa parking lot. "Ihahatid pa ba kita para madagdagan ang kakapalan ng mukha mo o huwag na?" tanong ko sa kaniya kaya tumawa siya. "Haha, no need mag-taxi na lang ako ayaw ko namang sumama ang loob mo, eh," natatawa niyang sabi bago ako tuluyang iwan. "S*raulo talaga," sabi ko sa sarili ko at saka nagsimula nang magmaneho papunta sa kompanya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD