HAPON na ng matapos ang reception ng kasal namin ni Jino. Pagod na pagod ako kahit hindi pa tapos ang araw. Pero mabuti na nga lang e' hands on sila Tita Rina at ang lola kaya wala kaming masiyadong inaalala ni Jino. “Anak kailangan buhatin mo si Thalia palabas ng reception at papasok sa bahay niyo na binili ko!” sabi ng Tita Rina kay Jino. “Ma, may sariling paa' yan bakit ko ba siya bubuhatin?” tanong naman niya kay Tita Rina. “Anak, ginagawa talaga iyon ng mga bagong kasal, romantic iyon. Binuhat din ako na'ng Papa mo dati.” sagot naman ni Tita Rina sa kaniya. Napangiwi si Jino dahil doon, "TMI, Ma. Mag hulos dili ka dahil nai-imagine ko." Sagot naman ni Jino. “Eh Tita Rina, baka gusto ni Jino siya yung binubuhat? Diba pangarap mo 'yan Jino?” tanong ko sa kaniya. “Epal ka!” sagot niy