Chapter 6

2822 Words
THALIA GEORGINA MENDEZ  “PARE, are you okay?” tanong ni Marco sa kaniya nang mapansin niyang gulat si Jino dahil nakita niya ako. Halatang- halata ang pagiging bakla niya. Ewan ko ba kung bakit tila ba 'di makatunog 'tong si Marco. Nakakairita. “Oo naman, ano uhmm.. maayos lang ako. Ako pa, I'm all fine and excited!” sabi naman ni Jino. Napangiti ako at tumayo at saka niyakap si Jino .”Baby!” sabi ko sa kaniya at pinagigigilan ko siya. Nakakatuwang tingnan ang reaction ni Jino. Para siyang nandidiri na ewan sa akin sa mga yakap ko sa kaniya. “Wait, Jino do you know George?” tanong ni Marco sa kaniya.  “Bitawan mo nga ako sabunutan kita dyan eh,” pabanta kong bulong sa kanya. “Ayoko baby Jino!” sabi ko sa kaniya. Kahit na nandidiri ako sa ginagawa ko kinakatuwa ko naman, ang sarap niyang pagtripan. “Kilala niyo ba ang isa’t isa?” tanong ni Marco sa akin. Kumindat ako sa kaniya at saka humagikgik, “Oo, Actually si Jino nga ang magiging asawa ko e,” sagot ko kay Marco. “What?! Jino wow! Bakit mo naman sinasabi sa amin na pangit ang mapapangasawa mo? The hell! She’s pretty as f**k!” sabi naman ni Marco sa kaniya. “Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” sabi ni Jino sa akin nanggigil ang pabulong niyang boses sa akin, natatawa ako para siyang conscious na bigla. “Bitawan mo ako magseselos si Marco!” bulong niya sa akin “Bulag ka na ba Marco? Ang pangit niyan.” Sabi naman niya kay Marco at inikot pa niya ang mga mata niya. “I almost want to take her home tonight. Good thing dumating ka on time. Baka ‘di ko alam na ang asawa mo na ang mauuwi ko,” sabi naman ni Marco sa kaniya at nakita ko ang inis na namuo sa mukha ni Jino. Bakit naman siya maiinis, ano bang meron sa sinasabi ni Marco? “Ingat sa pagsasalita Pare, magiging asawa ko to.” seryosong saad ni Jino. “At ikaw ‘wag ka ngang careless. Baka mamaya akalain ng mga tao na nandito na madali kang makuha,” singhal niya sa akin. “Aba, concerned si future asawa,” pang-aasar ko sa kaniya at kinurot ko ang tagiliran niya. “Sorry tol, by the way it’s a all men’s night.Why did you bring her over?” tanong na naman ni Marco sa kaniya “Kasi ayaw ko mapalayo kay Jino baby ko. Gusto ko malapit lang siya sa akin kaya ito nagpumilit ako na sumama sa kanya. You know! I can’t even last a day without him,” maharot kong sagot kay Marco at dumikit dikit ako kay Jino, kung nakikita niyo lang ang mukha ni Jino para siyang ginagawan ng masama. “Mananagot ka sa akin pagkatapos nito,” bulong niya sa akin. “Sa tingin mo magseselos ang Marco mo kapag hinarot kita? Lalaking lalaki 'yon at halatang sobrang manly. Parehas kaming may abs at muscles.” bulong ko sa kaniya. Nakita ko kung paano maningkit ang mata ni Jino sa sobrang inis. “Well, since kasama mo na ang wife mo, let’s go to the VIP room para hindi gaano maingay” sabi ni Marco, nanguna siya sa paglalakad. “Wag kang humawak sa akin!” bulong niya sabay pabalyang alis sa kamay ko. Narating namin ang isang kwarto kung saan puro mga lalaki ang naroon. Mga magagandang lalaki silang lahat, at mukhang barkada na sila ni Jino dahil naghiyawan sila nang pumasok ito.“Finally,the Groom has arrived” sabi ng isa nilang kaibigan.  “And who’s that pretty girl?” tanong naman nung isa. “Baby Jino pakilala mo naman ako sa mga kaibigan mo." Malambing kong utos sa kaniya. Kaya pala gustong gusto niya na kasama ang friend niya kasi panay fafabols at mukhang mga manly talaga. Galawang Hokage talaga tong si Jino. Wala bang chicks dito? Tumitingin tingin ako sa paligid para humanap ng chicks para naman kunyari may ka-date ako.  “Well, she’s George, Jino’s future wife!” sabi naman ni Marco. “Anong George? Her name is Thalia, isn’t it lovely?” sabi naman ni Jino sa akin at pilyo siang ngumiti. Naningkit ang mata ko dahil ayokong- ayoko na tinatawag akong Thalia. Kasi pakiramdam ko ako si Rosalinda kapag tinatawag ako sa pangalang 'yon! Bwisit naman! “Ano magagalit ka kasi Thalia ang itatawag sayo, hampasin kita dyan eh,” sabi niya sa akin. “You look lovely as you name, I’m Raymond Suarez,” sabi ng isang lalaki. “Hi Thalia, My name is Stephen Yui and this Chinese Chiggy will be at your service,” sabi naman nung isa sa akin at saka siya kumindat. Nakakakilabot naman yo’n. “Wag nga Thalia ang itawag niyo sa akin kasi pang – babae lang yun. George nga ang pangalan ko! George! yun lang!” sigaw ko sa kanila. Ang ayoko sa lahat tinatawag akong Thalia eh. Pag kay Lola nga galing yun nangigigil na ako mabuti napipigilan ko. “To call you George” sabi ni Marco sa akin at saka siya ngumiti, ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Tumingin ako kay Jino na sinusumpa na ako at sinasabunutan sa isip niya. “Gano’n ba?” Tanong ko kay Marco.  “It is a safe name for someone who is as beautiful as you,” sabi niya sa akin. “Tigil tigilan mo si Marco kasi nagseselos na ako!” sabi niya sa akin at hinila ang kamay ko ‘tigil – tigilan mo rin ako kundi sasabihin ko kay Marco na siya ang type mo. Sige ka, mabubuko ka ng wala sa oras.” Bulong ko sa kaniya habang nakapeke ng ngiti halos naman pisilin niya ang kamay ko.  “Dudukutin ko yang n*****s mo kapag di ka tumigil,” bulong ni Jino sa akin at saka ko naman pinilit siyang batukan. "Baka mainggit ka pa sa n*****s ko kapag sinubukan mong dukutin!" Gigil kong sagot sa kanya. “You two are so sweet para sa couple na biktima ng arranged marriage. I think the both of you are really fit to be with other.” Sabi ni Gerald sa aming dalawa. “Oo naman, seryoso kasi ako kay Jino eh,” sabi ko sa kaniya. "Sa totoo nga n'yan excited na akong magpakasal sa kanya." Nang-aasar kong dagdag. Nakita ko ang paglaki ng mata niya na tila ba minumura na niya ako sa kanyang isip dahil sa sobrang inis niya.  “Oo nga eh sobrang sweet nitong si George,” sabi naman niya sa akin sabay kurot sa bilbil ko, napangiwi naman ako sa sakit nang kurot niya. “Why? Is there a problem?” tanong sa akin ni Marco. “Wala namang problema. Kinikilig lang ako kasi sobrang sweet ng future hubby ko. ” Sabi ko sa kaniya at kinurot ko rin ang tagiliran ni Jino. Nabigla siya at tinago ang sakit na nararamdaman niya. “Bitawan mo ako!” Banta niya sa akin. “Bitawan mo rin ako kundi ipagsisigawan ko na bakla ka.” Sabi ko sa kaniya at tinigilan niya ako. 'Ikaw muna ang bumitaw!" "Ikaw muna!" Pero parehas naman na dumiin ang kurot namin sa isa't-isa. “Umupo na kaya tayo at pauwiin niyo na rin yung mga girls,” sabi naman ni Raymond. Pumunta naman si Gerald sa parang likod at mamaya may tatlong babaeng lumabas. Sinipulan ko ang isa at saka kinindatan. “Nakakatawa ka talaga,” napalingon ako kay Marco na parang amazed na amaze na sa akin. “Ang ganda niya eh, pwedeng akin na lang yun?” I asked Marco. Buong magdamag ay nagkwentuhan kaming lahat. Naging close ko nga sila agad e. Ayon sa kwento e college friends pala silang lahat at habulin daw mga chicks lalo na daw si Jino pero ngi isa walang daw pinansin. Gusto sanang sabihin na hindi naman chicks habol niyan eh birdies kaso lang nahiya naman ako. Hindi nagtagal nagsimula na akong mahilo sa dami na rin ng iniinom ko. Sumandal ako sa sofa at saka naghanap ng mainit na tataguan. May nahanap naman ako at saka nagtago sa likod no'n, pinulupot ko pa ang kamay ko sa beywang niya. Sobrang warm, ang sarap lalo matulog. “Hoy! Thalia,Uuwi na tayo,” narinig ko na sabi sa akin ni Jino. “George nga ang kulit!” pagtama ko sa kaniya bago ako tuluyang makatulog sa upuan. Hinatid na lang ako ni Jino sa bahay ni Lola kasi hindi daw niya alam kung saan ako nakatira. Kilig na kilig nga si Lola kasi daw nasukaan ko si Jino. Kaya yung bakla ayun, imbyerna siya sa akin kinabukasan kulang na lang patayin ako ng live. *** MABILIS na lumipas ang mga araw di ko namalayan na kasal na pala naming dalawa. Habang busy sa lahat sa pagaayos ng gamit, ako naman andito minemake up an habang si Lola nakatingin sa akin. Titig na titig siya sa akin na tila ba sobrang saya niya. Para kay lola e wish come true niya 'to, 'di naman ako galit doon. Deserve ni Lola na maging masaya lalo na't sinisisi niya ang sarili niya kung bakit maaga kaming naulila. Iniisip niya kasi na kung sana tinantanggap na lang niya si Tatay e' di na daw nila ka-kailanganin na mag-trabaho ni Nanay sa mapanganib na lugar. “Lola, dapat nagbibihis ka na po, kaya ko na to.” sabi ko sa kaniya. "Alam ko naman na kaya mo na 'yan apo pero gusto lang kitang tingnan." Sabi niya sa akin at saka siya ngumiti. Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti, “Dati  di ko gusto ang ama mo kaya nung kinasal sila ng Mama mo di man lang ako tumulong at pumunta, Alam ko na hinintay nila ako noon pero nagmatigas ako. May iba kasi akong lalaki na gustong ipakasal sa Mama mo at nagsisisi ako. Kaya ngayon ikaw na lamang ang titigan ko dahil hawig na hawig mo naman si Vina.” Sabi niya sa akin. Napatingin ako kay Lola “bakit po ba ayaw niyo kay Papa dati?” tanong ko sa kaniya.  “Kasi akala ko ‘di magiging masaya ang mama mo sa kaniya, kasi mahirap siya. Walang tinapos, walang maayos na trabaho at walang direksyon ang buhay pero mali pala ako. Naging masaya sila sa piling ng isa't isa at  kahit maaga silang binawian ng buhay. Kahit 'nahihirapan sila  ay hindi siya nagreklamo.” Pagkwento ni Lola sa akin habang malapit na siyang maluha. Tama ang lola, kahit na mahirap kami ‘di nagreklamo si Nanay. Nagtyaga sila ni Tatay ayon sa mga alaala ko ang sasaya ng mga iyon. Sila ni Mama at Papa ay sobrang perpekto kung hindi lang sila parehas na namatay sa akin baka sobrang saya pa rin namin ngayon. Hindi sila nag-away ngi minsan ayon sa mga naalala ko. “Wag ka na pong umiyak dahil di matutuwa si Nanay niyan eh,” sabi ko sa kaniya at saka ngumiti. “Pasensya ka na kung pinilit kita na magpakasal ha?” He asked me. “Ayos lang po iyon saka pinangako ko po na gagawin ko ito para sa'yo.” sabi ko sa kaniya. Mabait naman kasi si Lola at ni-provide niya lahat ng kailangan namin ni Kuya maging allowance at grocery binibigay din niya. Bumawi talaga siya sa amin at masaya ako. Natutuwa ako na nagkaroon ako ng pagkakataon para mas lalong makilala si Lola at maging malapit rin sa kanya.  “Nung una parang napressure ako at nainis sa gusto niya pero ‘di rin nagtagal nasanay na ako kasi napakabait naman pala niya.  Malakas na katok sa pintuan, “Pasok!” sigaw ko at nakita ko ang kuya na nakabarong pa. “Naks! Mukhang tao ka na kuya ha?” asar ko sa kaniya. “Manahimik ka nga dyan, sinisira mo kagwapuhan ko e.” sita niya sa akin at saka ako niyakap. “Aray ko kuya, aww!” reklamo ko sa kaniya. Ang higpit yumakap parang papatayin ako! “Hayaan mo na lang ang kuya, ikakasal ka na akala ko tatanda ka ng binata.” Sabi ni Kuya sa akin tinirikan ko siya ng mata. “Hoy! Sa ating dalawa ikaw ang walang girlfriend!” sabi ko naman sa kaniya, tumawa lang siya sa akin at napatingin sa may lamesa. “Teka lang, Thalia bakit may baril ka?” tanong sa akin ng Kuya. Tumingin ako kay Lola at saka ako tumawa. “Subukan lang niya ako takasan kuya at ipuputok ko ang baril na 'to sa kanyang sentido." Sabi ko kay Kuya, napangiwi naman siya at tila ba nandiri sa akin. “Ang hard mo,” sabi niya sa akin. “Promise is a promise!” yun naman ang sinagot ko sa kaniya dahil subukan lang talaga ni Jino na takasan ako, Babarilin ko siya gamit itong toy gun na ito. **** “GUSTO kong tumakas!” sabi ko kay Francie, isa sa aking kaibigan na bakla rin at nakatakda ng mag s*x realignment surgery next month sa Thailand. Mura kasi doon, whole package tapos 100,000 lang ang gagastusin niya mapapagawa pa daw niya ang ilong niya. Mabuti nga hinintay pa niya ang kasal ko bago pumunta sa Thailand kung 'di mababaliw ako kung mag-isa ko lang 'tong gagawin.  Ayoko talagang ikasal, ewan ko ba kung anong meron sa akin at pumayag ako sa gusto ni Thalia na iyan! “Ngayon ka pa ba tatakas ha? Mapapahiya ang mama mo kung tatakas ka,” sabi niya sa akin. “Pero anong gagawin ko? Damn! Francie I am a gay! I can’t get marry a woman and I like a man!” sabi ko sa kaniya. “Ewan ko sayo, tinutukan ka lang ng baril takot ka na!” sabi naman niya sa akin. Actually on the way na kami papunta sa kasal, Si Marco ang bestman ko pero si Francie ang sinabay ko sa akin kasi bakla din siya gusto ko kasi mag – rant muna bago man lang ako matali sa dugyot na iyon. “I don’t know, bahala na si Batman pero mukhang ‘di ka matatakas eh. Takot ka kasi kay Thalia,” sabi niya sa akin. “Hoy bakla! Hindi ako takot sa kaniya no?” sabi ko sa kaniya. Naalala ko na naman si Thalia na hawak yung baril. Kinakalabutan talaga ako pag naaalala ko yung hawak niyang baril .”Aysus! Ewan ko sayo? Pwede ka namang tumanggi bakit ka ba kasi pumayag sa gusto niya ha?” He asked me. “It’s because she’s desparate, she wants her brother free and her lola to be happy. She has a pure heart kahit dugyot siya, naawa naman ako.” dahilan ko sa kaniya. Actually that dugyot is kind pero nakakadiri talaga ang lifestyle niya. “With the way you talk, there is a possibility na ma-inlove ka sa kaniya. Jino you talk about her like a real man,” sabi niya sa akin.  “It is impossible for us to fall in love on each other because I love boys and she loves girls, ” sabi ko sa kaniya.  “Paano yan kapag tapos na ang kasal e panigurado ako na maghahanap ng apo ang mga lola niyo. Hindi ka talaga makakaalis sa kasal na ito kung magkakaroon kayo ng anak.” He asked me. Gosh! I can’t even imagine myself making out with a girl, but I can imagine myself making out with Marco. It's nakakakilig! I snap out of my thoughts because even though its nakakakilig, its not decent at all. “Paano kapag honeymoon niyo na?” Francie asked me again nangilabot ako sa tanong niya sa akin. “Huwag ka ngang magkwento ng horror story dahil wala pang November. At saka ko na poproblemahin iyan matapos tong wedding baka masuka ako sa ceremony dahil sa tanong mo.” sabi ko sa kaniya. “Nandito na po tayo sir,” sabi ng driver sa amin. Bumaba ako ng sasakyan at nakita ko ang iba na naghahantay. “Nakakaloka ang bride mo ha? Ang tagal dumating!” Pagrereklamo ni Francie sa akin. “Oo nga balak ko naman magpa-late para ako ang grand entrance pero dapat daw ang bride ang mahuhuli na rumampa.” Sabi ko sa kaniya sabay snap ng fingers ko. “Bakla, pag naging babae ka tingnan mo mas maganda ka sa bride mo!” sabi niya sa akin. Nagtawanan kaming dalawa sabay apir pa ng kamay. “Nandito na ang bride!” sabi ng isang staff sa kasal. “Omg! Omg! Paano ako tatakas?” tanong ko sa kaniya. “Sa gitna ng ceremony, mag run away ka do’n! Takbo takbo ka parang eksena sa kdrama, ganern!” sabi niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at luminya sa entourage. Mamaya maya pa feel na ang music sa simbahan. Dati pangarap ko to ang lumakad sa gitna ng simbahan kasama si Marco pero hindii ko na ata magagawa kasi ako ang groom at ang unang maglalakad. Kaloka! ‘Di ko na mapapanindigan ang Francis Liberan na suit ko. Naglakad na ako, I can’t help but to cry. I’m gonna die na! Sumara ang pintuan then bumukas ulit then ching! Nandyan na ang lesbian kong bride. Naglakad siya sa aisle na parang nagmamadali pa, kung ako lang nakagown ng ganiyan kaganda baka bukas pa ako matapos sa paglalakad.  Humarap na kami sa altar, “bago magsimula ang kasal na to may tututol ba sa kasal?” tanong ng pari at tumingin ako kay Marco.  Para namang tututol sa kasal yan? “Ako father may sasabihin ako,” sabi ni Thalia at saka siya tumingin sa akin,  “Ano yun hija?” tanong ni father. Bahagya niyang tinaas ang gown niya at kinuha ang baril na nakatago sa garter niya at saka tinutok sa akin “Ano yan?! Ikakasal na tayo babarilin mo pa ako!” sigaw ko sa kaniya. “Pinaalala ko lang sayo, pag tinangka mong tumakas sa kasal nating dalawa nang di pa nagagawa ang napag-usapan natin. Ididikit ko tong baril sa sentido mo at babarilin kita! Maliwanag ba?” tanong niya sa akin. Tango na lang ang naisagot ko sa kaniya, at napatingin ako kay Francie, napafacepalm na lang siya sa akin. I'm going to kill this girl, she just needs to wait for her turn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD