Chapter 8

2463 Words
THALIA GEORGINA MENDEZ DALAWANG linggo na mula nung ikasal kami ni Jino at nakailang subok na kami na may mangyari kaso lang magdikit lang ang kamay namin parehas na kaming dalawang nandidiri. Talaga atang wala sa sistema namin ang isa’t isa. Parehas kaming kinikalabutan sa tuwing maalala namin na dapat gagawa kami ng bata para sa mga lola namin at parehas din kaming nagpa-panic sa t'wing sinubukan naming halikan ang isa't isa. Sabagay nakakapangilabot naman talaga. “Eww! ang pangit ng balat mo!” sigaw niya at bahagya pa akong tinulak. “Ang arte mo!” sagot ko naman sa kaniya at slightly din siyang tinulak. "Hoy! Balat kalye 'to kaya makapal 'to at 'di galisin!" Giit ko sa kanya at saka ko sinuot muli ang bathrobe na suot ko. Sinubukan ko kasing isuot 'tong iniregalo ni Girlie na lingerie sa akin dahil maganda daw 'yon kapag honeymoon. Sa honeymoon daw kasi kadalasan gumagawa ng bata.  Kaya ayan sinusubukan nga namin, kaya ginaya ko yung sa nasa pelikula yung lalaki yung maghuhubad ng damit ng babae kaso lang ito naman shoulders ko pa lang ang nakikita nagrereklamo na. Sayang pa ang pagbili ko ng kandila at rose quartz tapos pinasindi ko para maka-attract daw ng passion. Ayon na naman 'yan kay Manang Girlie pero ano ito, puro kaartehan. Nyemas.  Paano na kaya pag buong katawan ko baka masuka na siya? “Yuck! Mag pa body scrub ka muna, may alam akong Spa diyan lang sa may Fairlane. Magaling sila magtanggal ng dead skin cells at saka libag!” nandidiri siyang nakatingin sa akin. “Alam mo ba gagawa na nga lang tayo ng bata e ang arte arte mo pa,” sabi ko rin sa kaniya. Excuse me nakakadiri kaya siya kahit na may six pack siyang abs at makinis na balat.  “Bakit ba kasi nating kailangang gawin to? Gayahin na lang natin yung nasa video?” tanong niya sa akin. “Diba anak ang gagawin natin? Sa pelikula kasi pag ginagawa nila ito mamaya mabibigla ka na lang jontis na yung babae,” sabi ko sa kaniya.  “Yak!” sabi niya sa akin.  “Nakakakilabot ka, natatakot ako pag iniisip kong gagawin ko to kasama ka.” sabi niya sa akin. Para akong nainis sa kaniya dahil doon. “Mas lalo naman ako, akala mo maganda ang katawan mo ha? Hoy! Anim lang ang pandesal mo pero ako ang lalaki sa ating dalawa.” sabi ko sa kaniya at sinundot sundot ko ang pandesal niya. “Aray! Bitawan mo abs ko!” sabi niya sa akin. “Abs daw, mukha namang drawing lang e!” sabi ko sa kaniya. “Kung makapagsalita ka ha? Wala ka nag nito.” sabi niya sa akin at tumingin siya sa baba niya. "At nito rin!" Proud n'yang giit. Malaki nga ang kanya pero gusto naman niya siya ang tinutusok.  “Mas lalaki naman ako sayo,” sabi ko sa kaniya at sinundot sundot ko siya. “Tama na nga sabi eh,” sabi niya sa akin at kinuha ang dalawang kamay ko at saka ako hiniga at ni pin sa kama. Natahimik ako sa ginawa niya. “Hoy!” bulyaw ko sa kaniya para tigilan niya ang pagtitig niya sa akin pero ‘di ata gumana iyon. napalunok na lang ako ng sunugin na ako ng titig niya.. “Hoy! Hoy! Joke lang bitawan mo na ako.” sabi ko ulit sa kaniya. Unti unti lumapit ang mukha niya sa akin. Unti na lang, unti na lang magdidikit na ang labi namin pero biglaan siyang nagwala. “OMG! I really can’t do this! Huwag na tayong gumawa ng baby!” sigaw niya sa akin at nagtago siya sa loob ng kumot na parang gagawan ko siya ng masama. “Ako ang halos nakahubad sa atin tapos ikaw ang nakatago sa kumot, ang saya ha?” sabi ko sa kaniya. “Nag-iingat lang ako, malay ko ba kung r****t ka sa ganda ng balat ko eh maraming naiinlove” sabi niya sa akin at saka niya ako inirapan ng bigtime. “Di kita type saka di ka chicks, barilin kita dyan eh!” sabi ko naman sa kaniya nakita kong nanigas siya sa sinabi ko. “Di mo naman akong kayang patayin,” sabi niya sa akin. “Pero may baril ako!” sagot ko sa kaniya. “At pag ‘di tayo nagkaanak agad! Papatayin kita” sabi ko sa kaniya. “OMG—” natigil ulit siya ng may magdoorbell. Bakit may magdodoorbell ng ganito ka aga ha? Oo umaga pa lang, sinubukan naming gumawa ng umaga para maraming time mamaya parehas kaming antukin kapag gabi namin ginawa eh. “Whatever! Ako na sasagot ng door,” sabi niya sa akin at sinuot niya muli ang t-shirt niya. “Whatever too!” sagot ko naman sa kaniya at umupo na ako sa kama niya at saka ako tumayon para kunin yung robe. Ang ikli ikli pa nitong suot ko pero ‘di naman effective. Sabagay ‘di naman naakit ng babae ang isang lalaki mahilig din sa lalaki. Bumaba na siya ng kwarto niya tapos sumunod din ako. “Oh! Marco, ikaw pala!” sabi ko sa kaniya at saka ako kumaway, binisita kami ni Marco napatingin sa akin si Marco at napangiti ng kakaiba napakagat pa nga ng labi niya eh, anong meron mukha ba akong masarap? O dahil sa nakakairita yung suot ko? “Wait, did I disturbed your sexy time?” He asked Jino. “Hindi ka naman nakakaistor—” “Actually Oo, malapit na nga magkakababy e na nagdoorbell ka lang” kumindat ako kay Marco at saka ako kumapit sa braso ni Jino.  “Sorry, akala ko.. sabagay newly weds kayo it’s normal to be acti—” “Don’t misunderstood, I mean di mo naman talaga kami naistorbo. Over acting at magaling lang gumawa ng kwento yan si Thalia,” paliwanag naman ni Jino sa kaniya. “Ahh.. Okay” sabi ni Marco at ngumisi siya ng nakakaloko bago tumingin ulit sa akin. “Uhmm.. George, I bought you some herbal stuffs para sa health mo since kakakasal niyo lang ni Jino” sabi niya sa akin. “Uy salamat ano ba to?” tanong ko sa kaniya sabay kuha ng mga kung ano ano sa plastic. Mga pills ata di ko naman maintindihan kung ano ang mga to, pero medyo nakakatakot ang itsura ha? “It’s something that you can use to spice up every night” sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sa kaniya. Spice up? Sili ba to? Marami atang sili do’n sa refrigerator, bakit siya magdadala ng sili?  “Hindi naman mukhang sili to ha?” sabi ko sa kaniya. “Nakakatawa ka George,” sabi niya sa akin. Nakakatawa ka rin kasi Marco pero mas nakakatuwa ang itsura nitong bakla sa tabi ko kasi gusto na akong kulamin.  “And for you Jino, Dad got this for you” sabi naman niya at may inabot na paper bag kay Jino. “Talaga, pakisabi kay Daddy salamat ha?” sabi niya kay Marco. “Feel na feel mo namang tawaging daddy ang daddy ni Marco, Eww!” bulong ko sa kaniya. “Eh sa close kami ni Marco, bestfriends kaya ang Mommy niya at mommy ko and so vice versa” sabi naman niya sa akin. “Kabaklaan mo rin no?” tanong ko sa kaniya. Binigyan niya ako ng what -  look. “Alam mo ba Marco itong si Jino may cru---” bigla niyang kinabig ang bibig ko sa kamay niya. “Hey! Baka masaktan si George. Dahan dahan lang kapag magpapasubo ka!” Sita naman ni Marco sa kaniya pero ang sita ni Marco ay may halong ngisi.  “Maingay kasi e ang sarap hampasin.” sabi naman ni Jino. Pasalamat ka mabango kamay kundi kinagat ko na. ***** JINO YOSHIDA “ANO ba tong dala mo Marco ha?” iniisip ko pa lang kung ano ang dinala na para sa akin kinikilig ako, kasi naman eh minsan lang magregalo ito si Marco. Binuksan ko at nakita ko ang limang boxes ng Viagra, namula namana ko nang makita ko ito.  “Teka bakit may ganito to?” tanong ko sa kaniya. “Don’t act like you don’t get it, see kakakasal mo lang and I’m sure na kaakit-akit pa ang asawa mo sa mga mata mo, you need to have this para ‘di ka madaling mapagod” paliwanag niya sa akin. Agad ko naman na binalik ang paper bag mabuti napigilan kong sumigaw.  “I don’t need this Pare,” sabi ko sa kaniya. “Alam ko namang malakas ang Stamina mo pero itabi mo, alam mo naman ang mga babae minsan nag-iinit kapag patapos na” sabi niya ulit sa akin at saka siya kumindat Kinikalabutan ako ng sobra sa mga sinabi niya sa akin. “Wag ka ngang magsalita ng ganyan” sabi ko sa kaniya. Tumawa siya ng mahina kumuha ako ng beer sa refrigerator at sinilip ng kunti ang kwarto niya sa taas, ano bang ginagawa niya do’n? Bakit ba ako interested? Bigla naman akong nagkagoosebumps nung maalala ko ang kanina bakit ko ba tinangkang halikan? Ewan ko in sa akin. “Ito pre oh, inom ka muna,” sabi ko kay Marco tumawa naman siya at inabot yun. “Kamusta naman kayo ni George ha? Wild ba?” tanong niya sa akin. “Oo wild, dugyot na amazona,” sabi ko sa kaniya habang nilalamukos ko yung tissue. Paano ba naman kahit na may houserules kami ang dumi pa rin niya? Nakakalat ang damit kung saan saan, tumatakbo ng nakaboxers lang may butas pa, di marunong maghugas ng pinggan ng maayos tapos ang ingay ingay, pag natutulog naririnig ko hanggang sa kwarto ko yung hilik niya. “Talaga? She looks so innocent, sabagay looks can deceive ika nga. Magagamit niyo talaga yung binigay ko” sabi niya sa akin. Mamaya maya nakita kong bumaba siya na nagmumukhang tibo na naman nakasumbrero pa siya, may balak pa siyang ipamukha sa mundo na lesbiana siya. “Aalis lang ako Jino,” sabi niya sa akin.  “Saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya. “Sa terminal maglalaro saglit, sama kayo?” tanong niya sa akin. Umiling ako sa kaniya “Well, aalis na rin ako,” sabi naman ni Marco sa akin. “Why? Kakarating mo pa lang bakit aalis ka na agad?” I asked him.  “I know pero I need to do something, saka dinaan ko lang yung mga regalo ko” sabi niya sa akin Namumula talaga ako pag naalala ko yung Viagra, pagnaalala ko yun pati yung suot ni Thalia. “gusto mo bang sumabay na sa akin George?” tanong niya kay Thalia. “Ah sure wh—” “Di ka aalis, gagawa tayo ng bata” sabi ko sa kaniya. Nakita ko ang pamumula niya sa mga sinabi ko tumingin siya kay Marco at umiling iling dito. Si Marco naman nabigla pero binigyan ako ng okay – bro look. “Ano ba?” sigaw niya sa akin. “Ow! Sige mauna na ako para ‘di kayo maistorbo,” sabi naman ni Marco. Maglalandi ka pa Thalia ha? Akin lang si Marco. “Ano ba?! Jino libre pamasahe din yan sasabay na ako kay Marco.” Pagpupumilit niya sa akin. “Diba ‘di pa tayo naabot sa sukdulan?? Tara tuloy na natin” sabi ko sa kaniya. Tumawa lang si Marco. “Bye!” sabi na lang niya at natatawang umalis ng bahay namin. “Ano bang problema mo ha?! Sasabay lang naman ako sa kaniya e” tanong niya sa akin habang pumapalag. “Akala ko ba ‘di ko alam ang galawang malandi mo ha? Aakitin mo na naman si Marco ko!” sabi ko sa kaniya. “Excuse me, di kami talo ng Marco mo! Parehas kaming manly!” sabi niya sa akin sabay hampas sa tyan ko. “Aah!” ang lakas naman niya mamalo.  “Aalis na nga ako!” sabi niya sa akin at muling sinuot ang sombrero niya. “Wag ka ng bumalik!” sigaw ko sa kaniya. Nakakaloka siya, lalandiin lang naman niya si Fafa Marco ko! “Oo ‘di na ako babalik! Nahiya naman ako sayo kay Marco na lang ako titira!” sigaw niya sa akin making me imbyerna more to her. Try mo lang talagang madikit kay Fafa Marco! Lagot ka sa akin ∞∞   THALIA “NANDITO na ang bagong kasal dumadalaw!” malakas na sigaw ni Kuya yan habang nakatambay sa terminal ni Mang Kose. Muntikan ko sa kaniyang ihagis itong cake na dala ko. Mabuti na lang naisip kong masarap ang cake at di ko hinagis. “Heh! Wag mo ngang ipamukha sa lahat na bago akong kasal, masagwa!” sigaw ko sa kaniya. “Ito naman, magkakapamangkin na ba ako?” tanong sa akin ng kuya. “Alam mo kuya, isa na lang manghihiram ka ng mukha sa aso” sabi ko sa kaniya at saka ko nilapag ang cake. “Sila Mang Kose?” tanong ko sa kaniya.  “Kakabyahe lang babalik din mamayang alas onse yun,” sagot naman niya sa akin. “Kamusta bagong kasal?” tanong niya ulit sa akin. “Kuya, wag mo munang ipaalala sa akin na kinasal ako please? Masakit sa bangs” sabi ko sa kaniya at saka ko tinanggal ang sombrero ko. “Talaga lang? eh bakit ang blooming mo?” tanong niya sa akin.  “Kuya, please!” pakiusap ko ulit sa kaniya. “Thal--- Este George!” napalingon ako at nakita ko si Girly na hinahabol ako I mean patakbo papunta sa akin at agad akong yinakap. “Ang bango mo girly ha? I Love you!” sabi ko sa kaniya kaya agad na niya akong binatukan. “Kinasal ka na kaya ayusin mo na ang ugali mo!” sita niya sa akin. “Bakit ka andito?” tanong niya sa akin. “Gusto ko lang umalis sa bahay, nakakarindi si Jino talo pa ang babae kung mag-inarte!” sabi ko sa kaniya pumunta naman siya sa tabi ng kuya ko at naghawakan sila ng kamay. “Nag-aalala nga ako kay Jino baka siya ang marindi sa sobrang kadugyutan mo,”sabi ng kuya sa akin. “Grabe ka naman! Di naman ako dugyot ha?!” sabi ko sa kaniya.  “Nagsalita ang ‘di naglalaba ng butas na brief,” dagdag ko pa sa kaniya.  “Nyenye!” pang-aasar niya sa akin, inirapan ko na lang siya. “Wag kang mag aalala Anastacio, pag kinasal tayo ako ang maglalaba ng brief mo.” kinikilig na saad ni Girly sa kaniya. Kinilabutan ako sa sobrang diri sa kanilang dalawa. “Girly, kaya pala ako pumunta dito may problema eh, isang buwan na tapo—” napatingin ako kay Kuya, di niya dapat marinig to. Baka pagtawanan ako ng bruhildong jejemon na to e. “Kuya bumili ka nga ng inumin do’n” utos ko kay Kuya. “Bakit ako?” He asked me “May itatanong ako kay Girly pambabae lang, bumili ka muna ng inumin para di ka ma OP” sabi ko sa kaniya nakabusangot siyang umalis at kinuha ang pera sa akin. “Di naman gumagana yung mga sinabi mo, parehas pa rin talaga kaming turn off sa isa’t isa.” sabi ko sa kaniya. “Paanong hindi? Thalia, lalaki pa rin yang si Jino feeling ko nga di siya full blooded na bakla eh. Maakit yan sayo, tiwala lang” sabi niya sa akin. “Pero ‘di nga, nanood na siya ng p**n, sinubukan na namin yung parang sa pelikula pero wala talaga, nandidiri kami sa isa’t isa” sabi ko sa kaniya “Mas maganda na gawin nyo yun ng di planado” sabi niya sa akin. “Girly, atat na si Jino ako rin naman ayoko ng makasama siya sa bahay, paano magiging madali to?” tanong ko sa kaniya. “Alam mo namang ‘di madali. Hindi naman kasi kayo basta lalaki at babae eh, Bakla siya Lesbian ka, kaya talagang mahihirapan kayong dalawa” sabi niya sa kin at saka na niya hinati yung cake.  “Ipagtatabi ko na si Mang Kose baka ubusin na naman ni Kanor to eh” sabi niya sa akin.”Do’n na lang kaya ako kay Mang Kanor magpabuntis?” tanong ko sa kaniya. Nirolyo niya ang mata niya sa akin. “Gusto mong magkaroon ng anak na may lahing maligno?” tanong niya pabalik sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD