Chapter 2

3553 Words
JINO YOSHIDA “ANO ng balak mo girl? Mami-meet mo na ‘yung ipapakasal sayo ng Lola mo?” tanong sa akin ni Francie isang bakla na kaibigan ko. Pinadyak padyak ko ang paa ko at nagattempt magtantrums pero binatukan ako ni Francie mukha daw kasi akong tanga pag nag wawala e. “No, I don’t want to go! Ayokong mapakasal sa iba tanging kay Marco lang!” sabi ko sa kaniya. “Pero diba sabi ng kamajong ng Lola mo wala ka ng kawala.” sabi niya sa akin. "At saka bakla, ilang taon na kayo magkakilala ni Marco ngi hindi lumalambot sa'yo 'yan. Straight 'yan at huwag ka ng umasa." Mas lalo kong pinadyak ang paa ko, ayoko manipa baka magsisi ako at masaktan lang ako “Ayoko! Ayoko! Ayoko! Babae ako I don’t accept that kind of love!” sabi ko sa kanila. Malakas na batok ang natanggap ko, “Ito naman kung makabatok parang hindi din bakla!” sabi ko sa kanila at nagpout ako. “Pero paano ‘yan Jino diba kasi tanging Mama at Lola mo lang ang may alam na ikakasal ka. Paano ang Daddy mo?” tanong ni Francie sa akin. I looked at her, “Ewan ko, bahala na sila Mama mag-usap tungkol diyan basta ang focus e ang makawala sa kasal na ‘to.” Giit ko sa kanya. “Kung ayaw mo talagang ikasal edi tumakas ka kaya. I mean, pwede pa naman total wala pa namang naayos na kahit ano tungkol sa wedding ninyo.” sabi nila sa akin. Tatakas ako? Napatingin ako sa kanya, maganda ngang ideya ‘yon pero sa tingin ko mahirap. My grandma actually feeds us right now. My allowances came from her since my Mom and Dad we’re not talking, and we are not receiving any kind of “sustento” as his way to make us go back in Japan. My grandma don’t like my Dad because of his job and him, being a leader in a mafia like s**t in Japan. and we kind of run-away from him when I was 15. My business is not really doing good and I was in the verge of bankruptcy. I am in my twenties and I already experience bankruptcy! Pag minamalas nga naman minsan 'di ko maintindihan ang plano ng langit sa akin. Kaya ngayon ito ako,  I need to follow my grandma or else I will feed myself along with the strays here in Manila. “Pero na kay Lola lahat ng allowance ko at si Mama, isa pa 'yon. Pumayag siya sa wedding shits na 'yan at supportive pa. I am afraid she might cut it off if I don’t say yes on that engagement. Lola really want me to get married, because she wanted a grandson who looks like Miura Haruma.” sabi ko sa kanila. “Sinabi ko bang ora-orada?” tanong sa akin ni Francie. Umiling ako sa kaniya, “Pero kung ‘di pa ako tatakas ngayon, I might not able to escape later!” sabi ko sa kanila.  “Kaya nga later ka tatakas bakla!” sigaw niya sa akin.  “Eh? What do you mean?” tanong ko sa kanila. “Magpapanggap kang gusto ko yung babae tapos pag akala nila okay na e' bigla kang tatakas! Ganoon lang kasimple,” suwestyon niya sa akin. Napatango ako, aba ay, Oo nga no. Kukunin ko muna ang trust ni Lola para ‘di ako mag goodbye sa virginity ko na para lang kay Papa Marco saka kung gano’n din ang ginawa ko di nila malalaman na bakla ako. Napa-clap ako ng hands dahil do’n, “Francie you’re so talino talaga!” sigaw ko sa kaniya, tinawanan naman niya ako at saka kami nag high five.  “Jino Yoshida pinapauwi ka na ng lola mo!” sabi sa akin ng kasabay ko ni Demi. “Tumawag sa akin kailangan mo na daw umuwi agad. Bakit di ka daw niya ma-contact? Sampu- sampu daw cellphone mo pero ni-isa puro out of reach. Sana daw mapanis na cellphone mo.” Giit niya sa rant ni Lola sa kanya nu’ng tumawag ito. Umikot pa ang mata niya dahil sa tingin ko siya ang pinagalitan ni Lola at napagbuntungan nito. “Bakit ang aga pa kaya?” I asked her. “Hindi ko alam, basta sabi niya umuwi ka na daw.  Ikaw napaka-arte mo, ikakasal na nga ang dami mo pang satsat.” sabi naman ni Demi sa akin. “Huwag kang magsalita nang ganyan, Demi. Kasi pag nagkatotoo ‘yan ipagdadasal kong mapanis ‘yang obaryo mo,” banta ko sa kaniya. “Isumpa mo man ang obaryo ko e talagang ikakasal ka na,” natatawa niyang saad sa akin. "At saka hello, may adoption naman. Okay lang mapanisan ng obaryo. I don't need a man naman!"  OMG! Here is my judgement day baka tuluyan ng pumayag ang babae yun na imarry ako. Oh no! Well,nakapagreklamo na ako an rant pero you don’t know me yet, My name is Jino Yoshida, Half Japanese Half Tyra Banks. 26 years Old, Goddess na nagtatago sa Manly na katawan for my own safety, Lols ito na seryoso na ako, Half Japanese talaga ako my Dad was a Japanese Tycoon/ Mafia leader sort of. He’s kind of illegal but a king while my Mom is a Lawyer. Kaya rin siguro sila naghiwalay, laging natatalo at ‘di magkasundo sa opinion. Since my Mom is righteous and my Dad is a go- getter in a violent way.  I’m a gay since birth and in love with Papa Marco. Dependent din ako sa family ko kaya nahihirapan ako ngayon sa gusto ng Lola ko. I mean, I don’t earn my own money, Lola made my mini business crumble and I need to close it for a while, at bubuksan lang ulit kung nagpakasal na ako. Sabi kasi ng Lola I am getting old and still hindi pa daw ako nagi-getlaid and she wanted a grandson who looks life Miura Haruma. Pinagdududahan din nila Papa at Mama noon na bakla ako at itatakwil ako pag nalaman nilang trulala iyo’n, kaya I need to hide within my manly features. My family is conservative. Kahit iba ang culture ni Mama at Papa, they share the same patriarchal concept that’s why its hard to be free. Bumiyahe na rin ako pauwi matapos ang pag-uusap namin. Bago ako bumaba ng sasakyan binura ko ang lipgloss ko at tumingin sa salamin. “Manly ka na ulit,” sabi ko sa sarili ko at parang lalaki na bumaba ng sasakyan. Tama, dapat mukha akong lalaki pag uuwi ako para di ako mabuko nakakadiri talaga pag iniisip kong lalaki ako, Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita ko ang Lola ko na naglalaro ng Majong kasama ang mga amigo at amiga niya. “Good Evening Lola!” bati ko sa kanila.  “Aba ang gwapo kong apo ay dumating na.” Sabi niya sa akin para namang umikot ang sikmura ko, I am pretty not gwapo kaya. “Good Evening din po sa inyo,” sabi ko naman sa mga kamajong niya. “Napakagwapo talaga nitong si Jino. Bagay na bagay sila ng apo kong si Thalia.” Sabi ni Señora Gemina ang pinakaclose na kamajong ni Lola. Sa sobrang close nila sabay silang nagzu-zumba tuwing linggo minsan ako choreographer nila. “Oo nga eh, nasasabik na rin tuloy ako saka si Jino na makilala ang apo mo.” Sabi naman ng Lola ko, ngumiti naman ako sa kanila na parang gustong gusto ko ang ideya kahit ‘di naman talaga. Siguro naman kasi ako na mas maganda ako do’n sa Apo niya! Like eww! “Kailan ba namin pwedeng makita ang apo mo?” tanong ng Lola ko sa kaniya. “Pag natapos na siya sa ginagawa niya. Huwag kang mag-alala dahil wala ng kawala ang aking apo. “Lola, mauna na ako sa room ko okay?” I told them tumango naman sila sa akin. Dali dali akong umakyat at saka tumalon sa kama ko “Mukhang wala na talaga akong kawala,” yun na lang ang nasabi ko sa sarili ko **** THALIA GEORGINA MENDEZ TINTINGNAN ko ngayon ang mga piraso ng damit na pinadala ni Lola sa akin, maging ang mga sapatos na sobrang taas naman ng takong, kasama ko si Girly na halos maglaway naman sa mga damit na iyon. “Wow! Mamahalin ang mga ito oh Mango, Forever 21, Maldita, Celine, Kamiseta! OMG! Ang yaman ng Lola mo Thal—este George!” sabi niya sa akin. Samantalang ako mas lumala ang pagbusangot ko dito. “Maging tong mga sapatos oh! Ang gaganda lahat branded tapos original, kahit ata isang taon ko di gastusin ang sweldo ko ‘di ako makakabili ng ganito!” Sabi niya sa akin, nanatili naman akong nakabusangot habang daldal siya ng daldal. Bakit, una di ako nagsusuot ng dress, pangalawa di ako nagsusuot ng sapatos na may takong na sapatos. At pangatlo, lalaki ako magmumukha akong bakla pag sinuot ko yan. “Pwede ba akin na lang to ha?” tanong sa akin ni Girly. “Bigay ni Lola yan sa akin saka ibabalik ko rin yan sa kaniya.” Giit ko at saka ako napabuntong hininga. “Bakit naman?” sabi niya sabay yakap sa isang dress na kulay pula. “Hindi naman kasi ako nagsusuot ng ganyan, pagtatawanan lang ako sa terminal ni Mang Kose pag nagsuot ako ng ganiyan!” sabi ko sa kaniya. Inikot niya ang mga mata niya. “George, di ka pwede mag t-shirt at lose pants pag pupunta ka sa  lola mo para makilala ang fiancé mo!” sabi niya sa akin. “Eh basta di ako magsusuot ng ganyan!” pagpupumilit ko sa kaniya. Aba, yuyurakan ng mg damit na ‘yan ang pagkatao ko.  “Thalia babae ka naman  kaya dapat magsuot ka ng ganito. Hindi naman pwede na pag asawa mo na yung mapapangasawa mo eh astang boom tiboom ka pa rin! Pinasok mo to kaya panindigan mo, start the changes now!” sabi niya sa akin. Napapadyak na lang ako kinuha niya ang kulay puti na dress at itim na mataas na sapatos. “Suotin mo to para mamaya para maganda ka,” sabi niya sa akin. May kinuha siya sa bag niya na mga make up. “Maligo ka na at ng maayusan kita tapos ipapakita natin kay Mang Kose ang ganda mo. Sigurado ako matutuwa siya kasi finally dalaga ka na.” sabi niya sa akin. “Girly! ayoko!” sabi ko sa kaniya pero binato lang niya ang tuwalya sa akin. “Bilisan mong kumilos,  imemake over kita!” utos niya sa akin at saka ako tinulak sa banyo. No choice tuloy ako kung ‘di ang maligo. Matapos kong maligo nakita ko si Girly na mukhang excited na. Agad niya akong inayusan, binunutan ako ng kilay, finoot spa ako, manicure at pedicure taposkinulot pa niya ang buhok ko. Pakiramdam ko nagtago ang isang buong parlor sa pagkatao niya. Ang dami niyang alam gawin, mas lalo tuloy akong nai-inlove kay Girly. Pakiramdam ko nadumihan ang pagkatao ko sa ginawa niya sa akin. “Tingnan mo itsura mo dali, Ang ganda mo, Thalia!” bulalas niya para bang sobrang excited niya sa kinalabasan ng pagpintura niya sa mukha ko. Tumingin ako salamin at wow, “Sino tong chicks na to ha? Liligawan ko!” bulalas ko at tinuro ko ang salamin. Ang ganda naman ng babaeng ‘to. Nabigla na lang ako ng batukan ako ni Girly. “Ganyan ka kaganda, Thalia. Napakaganda mo.” Saad niya sa akin. “Weh? Ang ganda ko naman. Baka mamaya nagpatong ka ng ibang mukha sa akin ah!” sigaw ko sa kaniya Ang ganda naman kasi talaga nung nasa salamin. Hindi talaga ko ito, pakiramdam ko kaluluwa ito ng babae na sobrang ganda. “Bilisan mo na nga diyan! Magbihis ka na tapos suotin mo na ang sapatos mo kasi tuturuan pa kitang maglakad ng maayos.” Utos niya sa akin,iInabot niya ang sapatos sa akin at sinuot ko naman ito. Pagkatapos naming mag-ayos e lumabas na ako para pumunta do’n sa terminal, mapilit kasi si Girly at gusto pa niya na dumaan ako sa terminal para ipakita daw ang ganda ko. “Mang Kose, Mang Teryo, Mang Kanor and the whole jeepney society of Polytechnic University of the Philippines. Let me introduce to you Thalia Georgina Mendez! ” Malakas niyang sigaw dahilan para tumingin ang mga jeepney driver na kumakain pa ng pananghalian nila at nagpalakpakan.  “Anong kalokohan yan girly ha?” tanong ni Mang Teryo sa kaniya. “Ano na naman ipapakita mo tungkol sa aming Thalia?” tanong ni Mang Teryo habang pumapalakpak. “Ang kagandahan ni Thalia!” sagot niya at saka niya ako hinila papunta sa harap nila. “Aray naman!” daing ko ng muntikan akong matumba dahil sa hila niya sa akin.  Narinig ko ang biglaang pagtahimik ng lahat ng makita nila ako. Tumingin ako sa kanila at nakita ko na nagsisipasukan na ang mga langaw sa mga bunganga nila.  “Hello!” bati ko sa kanila para magising sila, napailing naman si Mang Kanor bago siya nagsalita. “Ang ganda mo Thalia pwede bang pakasalanan mo na ako?” sabi ni Mang Kanor sa akin at lumuhod pa siya na parang nag aaya talaga ng kasal. “Yak! Manahimik ka nga dyan Mang Kanor!” sabi naman ni Girly sa kaniya. Napakamot na lang ako sa buhok ko. “Girly, nakakahiya…” “Anong nakakahiya?! Napakaganda mo kaya. OMG! Kahit na sino luluhod gaya ni Mang Kanor!” sabi niya sa akin. “Dalaga ka na nga Thalia!” paiyak na sabi ni Mang Kose sa akin. Kumuha pa siya ng tissue para lamang punasan ang invisible niyang luha. “Dati naglalakad ka lang na walang panty sa daan at nanghihingi ng piso tapos myembro ka rin ng kalabit penge gang pero ngayon.” Mangiyak niyang saad sa akin.  “Oo nga ang ganda mo,” sabi naman ni Mang Teryo sa akin. Di ko mapigilan ang mamula “Hindi ako maganda, gwapo po ako!” sabi ko sa kanila. “Aba sige na! Dinaan ko lang si Thalia dito para ipakita sa iniyo ang ganda niya!” sabi naman ni Girly sa kanila. “Bakit hija, may pupuntahan ka ba?” tanong ni Mang Kose sa akin. “Naalala n’yo ho ba ‘yung kwento nung isang araw tungkol sa lola ko?” Tumango siya  sa akin. “Eh gagawin ko na po kasi ang gusto ni Lola para kay kuya. Para rin makuha namin ang bahay pabalik.” sabi ko sa kaniya. Nakita ko ang pagkabigla sa mata niya. “Gagawin mo na ba ang gusto niya na magpakasal ka?” tanong niya sa akin. Tango ang binitawan ko sa kaniya. “Opo, ‘yonn kasi ang napag-usapan namin eh. Ngayon po kasi makikilala ko na ng lubos ang mapapangasawa ko,. Parang kakain po yata kami sa mala-masnyon niyang bahay.” sabi ko ulit sa kaniya. May parte ako na nalungkot sa mga sinabi ko, matatapos na ang buhay binata ko. “Susuportahan ka na lang namin dito sa terminal ha?” sabi ni Mang Kose sa akin. “Paano na tayo Thalia? Hindi mo na ba ako papakasalan?” tanong ni Mang Kanor sa akin “Nakakadiri ka, saka George nga eh! George! ang kulit!” sabi ko sa kanila. Nagtawanan na lang sila matapos nun. Dumiretso na ako sa restaurant kung saan kami magkikita, pagdating ko ando’n na ang Lola ko at ang Lola ni Jino, may isang babae din na bata bata ng kunti pero parang ka-edad ni Mama kung tutuusin . “Lola!” tawag ko sa kaniya. Lumingon siya at gumuhit ang ngiti niya, Naglakad ako palapit pero dahan dahan masakit na kasi ang paa ko dahil sa mataas na sapatos na ito. Lumingon ang babae na medyo bata ‘ito na ba ang mapapangasawa ng Jino ko?” tanong niya sa akin “Ah.. Hija ito pala si Rina Yoshida ang Mama ni Jino, ang magiging Mother In Law mo” sabi sa akin ng Lola. Totoo na nga ito? Magpapakasal na nga ako. Napalunok ako “Magpakilala ka apo ko,” sabi ng Lola sa akin.  “Ah.. Ako po pala Si Georg—este Thalia Mendez” Pasigaw kong sabi sa kanila. “Ako naman si Ysabella ang Lola ni Jino at ito ang aking anak na si Rina. Jino’s mother.” Pakilala ng matanda sa akin. Napatingin ako sa babaeng ‘yon, she looks strict and beautiful, she looks like a Mom that I can run too when someone is bullying me. Ganoon ang peg niya.   “Nice Meeting you Thalia!” sabi niya sa akin. Para naman akong nakahinga ng maluwag dahil sa ang bait ng approach niya sa akin “Tama nga ang Mama, napakaganda mo nga,” sabi niya sa akin. Kinusot ko ang ilong ko kasabay ang pamumula ko. Di rin pala maganda ang matawag na maganda mas bet ko kung gwapo ang tawag sa akin. “I told you Rina, my grand daughter is beautiful at bagay na bagay sila ni Jino.” pagmamalaki naman ni Lola sa kaniya, ngumiti ito na tila ba nagandahan talaga siya sa akin. Huminga ito ng malalim at humawak sa kamay ko. “Hija, virgin ka pa ba?” tanong niya sa akin. Nabigla naman ako sa tanong niya sa akin. “Ano po?” ano bang klaseng tanong yan? Teka lang ha, ‘di ko madigest ang tanong niya sa akin. Medyo nanakaloka si Madirrr.  “Naku, eh wag mo naman sanang masamain pero yung anak ko kasi walang babaeng pinapakilala sa amin so ang assume ko virgin pa rin siya. Kaya naman tinatanong ko kung virgin ka pa ba?” tanong niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at dahan dahan na tumango. Ano ba namang klaseng tanong to? “Hay! Mabuti naman para di rin mapressure ang anak ko kung sakali.” Sabi niya sa akin at saka siya tumawa ng mahina. “Ito namang si Rina oh.. ‘di mape-pressure si Thalia kay Jino, magkakasundo ang dalawang yan sigurado ako.” mahina siyang hinampas ng pamaypay ni Lola, para naman akong namula sa pinaguusapan nila. “Baka nga maging experimentative sila. Alam mo ba tumingin ako ng mga toys na galing sa Japan nung isang araw. Parang ‘yon ang gusto ko iregalo sa kanilang dalawa.” Natatawang giit ni Lola. Natawa si Ma’am Rina dahil doon. “Magandang idea ‘yan. I think I should contact my friend who owns a s*x shop in Japan.” She said, mas lalo akong namula nang dahil doon. Kung ano- ano ang mga pinagsasabi nila. Nakakaloka. Nakita kong tumingin si Ma’am Rina sa isang matanda rin “ Anyways Mama, where is Jino? Kanina pa siya late ha?” tanong niya kay Lola Ysabelle. “Ito na saglit lang at tinatawagan ko pa. Hindi sumasagot ang batang ‘yon.” sabi naman ng Lola ni Jino.  Tumingin ako kay lola, “Hello! Yaya! Andyan pa ba si Jino sa bahay?” tanong ng lola ni Jino napatingin ako sa kaniya “Ano?! Umalis?! Ha? May dalang maleta? Saan daw pupunta?” tanong nito sa phone para akong nabuhayan ng loob. Tumakas ang mapapangasawa ko, ibig sabihin di na ako magpapakasal at ligtas na ako! “Yes! Tangina!” mahina kong mura.   “Bakit kumare ano daw ang nangyari?” tanong ni Lola sa kaniya. “Oo nga mama, anong ginawa ni Jino ha?” tanong naman ng mama ni Jino. “Naglayas daw ang anak mo Rina at hindi nila alam kung saan nagpunta.” Sabi naman ng Matanda sa kaniya anak. Nagkatinginan kami ni Lola, kita ko ang gulat sa expression niya at saka akin isang ngiti ang gumuhit sa labi ko. Hindi na ako makakasal, di na ako masasakal--- “Mauuna na kami ha? Hahanapin ko lang ang apo ko,” sabi ng kumare ni Lola dito.  “Sige hanapin niyo lang si Jino. Mag-iingat kayo at mahanap niyo siya.” sabi naman ni Lola sa akin. “Tita, pasensiya ka na nangyari ha? Also to you, Thalia! Sorry sa nangyari pag nahanap namin si Jino agad,  we will make him say sorry to you.” sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako, “Jusko pakisabi sa kaniya thank you, takas lang siya ha? Wag magpapakita kahit na kailan.” Sabi ko kaya nabatukan ako ng lola ko. “Pagpasensiyahan mo na ang apo ko,” sabi niya dito. Umalis na sila na nagmamadali at ako naiwan kasama si Lola. “Paano ba yan Lola? Tumakas ang mapapangasawa ko,” sabi ko sa kaniya. “Paano ba yan, aking napakagandang apo. Kapag walang kasal hindi ko kayo tutulungan ng kuya mo at hindi ko rin babawiin ang bahay na tinitirahan niyo.” Banta naman niya sa akin, nanlaki na lang ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD