Chapter 1

4018 Words
THALIA GEORGINA MENDEZ SABI NILA, ang pag-ibig susulpot yan sa hindi mo inaasahang sitwasyon at pagkakataon, kahit na anong paraan gagawin ng tadhana magkita lang kayo ng taong nakalaan sa'yo. Para sa akin biglaan at sobrang kakaiba ang pagdating ng true love para sa akin, Sino bang mag-aakala na main-love ako sa isang bakla. Ang isang tomboy na tulad ko ay nabigla na lang dahil sa na-inlove ako sa isang beki na sobrang arte at feeling girly. Paano nagsimula ang story ko? Basta ang naalala ko lang masaya akong nakaupo sa terminal ni Mang Kose nang may nakita akong matandang babae.  “Hija, pwede bang makahingi ng tinapay?” tanong niya at tinuro niya ang putok na kinakain ko. “Sige po,” sabi ko sa kaniya at binigay ko ang tinapay na hawak ko sa kaniya, ngumiti ako ng makita ko ang masayang mukha ni Lola habang inaamoy ang tinapay.  “Maraming salamat naman,” sabi niya sa akin at agad niyang kinain ang tinapay.  “Naku hija, ang ganda mo na nga tapos ang bait mo pa. Complete package ka na. Napakaswerte....” puri niya sa akin.   “Hindi po ako maganda, gwapo po ako.” Sabi ko sa kaniya at saka ako gumawa ng pogi sign. “Ngayong araw makikilala mo ang taong makakasama mo habang buhay hija, at dadating siya sayo sa oras na hindi mo akalaing dadating siya. Gwapo at yummy siya parang itong tinapay na kinakain ko.” Sabi sa akin ni Lola habang sarap na sarap siya sa tinapay na kinakain niya. Nagkunot naman ang noo ko, itong si lola ginagaya yung mga matatanda sa pelikula baka mamaya engkantada itong si Lola. “Mahilig ka palang mag joke lola ha, maganda iyan para lively tayo at hindi madaling tatanda.” Sabi ko sa kaniya at saka ako tumawa ng malakas. Grabe naman itong lola, hindi ba niya nahahalatang gwapo ako at manly. Mga lola talaga minsan nakakatawa sila, nakakalibang kasama kaya masarap alagaan. “Lola Emily, OMG! Where ba you galing?” may isang bakla ang lumapit sa lola na nanghingi sa akin ng pagkain. “OMG! Thank you at nakita mo ang Lola ko, I mean nawawala na naman kasi siya kanina,” sabi niya sa akin. “Akala ko pulubi siya kanina, nanghihingi kasi ng tinapay sa akin e. Mabuti binigyan ko agad baka mas lumayo siya tapos mahirapan kang makita.” sagot ko sa kaniya. “Naku, pasensiya na talaga ulyanin na kasi ang lola.” sagot niya sa akin at ngumiti na lang ako sa kaniya, mabuti at nakipag-usap itong si Lola sa akin kung hindi baka nawala na siya at napahamak.  “Thank you ulit,” muli niyang saad sa akin “OMG! Jino and Francie, I found my Lola na!” sigaw ng baklang iyon at may lumapit sa kaniyang dalawang bakla tapos yung isa doon ay mukhang paminta pa. Nagkatinginan pa kami ng baklang iyon, ewan ko ba pero biglaang tumibok ng malakas ang puso ko ng dahil sa titig niya sa akin. Pinutol ko na lang ang tinginan namin ng umubo ako. “Are you staring at me?” He asked me “Ikaw, hindi ah” “I know that I am handsome but don’t try your luck on me because I’m prettier than you.” sagot niya sa akin at pumitik pa ang kamay niya saka siya sumigaw ng “Darna,” at tumawa ng sobrang lakas.  “Hindi nga kita tinitigan, paminta. Akala mo di ko alam na borta ka.” pagtanggi ko sa kaniya at saka siya umiling iling. “Well, lahat nang babae sinasabi ‘yan.” Sagot naman siya at saka siya kumindat at binaling ang attensyon niya sa matanda. “Lola Emily, wag mo na pong ulitin iyon pinag-alala mo kami.” Sabi nang lalaking  mukhang paminta, pinagmasdan ko siya at mukha naman siyang maayos. Kadalasan talaga ng mga gwapo sa panahon ngayon ay baliko na, mabuti ako gwapo na manly pa. Natigil na lang ako sa pagpansin sa grupo ng mga bakla ng umalingawngaw ang boses ni Badong. “Thalia! Ang kuya mo nasa presinto na naman!” malakas na sigaw yan ni Badong dahilan para mabuga ko ang kinakain kong tinapay. “Ano na namang ginagawa niya do’n?” sigaw ko sa kaniya kahit hingal na hingal siya ay nagawa pa niyang tumango. Ginagawa ba niyang second home ang kulungan ha?  “Napaaway na naman ang kuya mo tapos nakasaksak!” sagot niya sa akin at hinawakan niya ang dibdib niya,  mapasapo ako ng aking kamay sa aking ulo. Ano na naman ba ang pinasok mong gulo kuya ha? “Nasaang police station siya?” tanong ko kay Badong. “Sa Station 7, nakita ko siyang dinala do’n” sabi niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapamura ng malakas dahil sa pinaggagawa ng kuya sa buhay niya. Pagkadating namin sa police Station. Nakita ko siyang nakaupo sa selda habang nanonood ng America’ s Next Top Model sa TV na nakapwesto ilang metro ang layo sa selda niya. Napabuntong hininga na lang ako at saka nag facepalm ng makita ko siya. “Thalia, Mauna na ako ha?” sabi ni Badong sa akin nilingon ko siya ng masama ang tingin ko. “George nga diba? Ilang beses ko bang ipapaalala sayo na George ang pangalan ko. Napasagwa ng Thalia!” sabi ko sa kaniya at saka ako napakamot sa ulo ko. Untog kayo sa abs ko eh! “Sige na, umalis ka na!” sabi ko sa kaniya. Agad naman niya akong sinunod at umalis siya ng presinto natuon naman ang attensyon ko sa kuya ko na feel na feel ang themesong ng America’s next top model. “Hoy! Anastacio Mendez talaga bang iniinit mo ang dugo ko ha?” tanong ko sa kaniya “Oo bakit?” Tanong niya pabalik sa akin do’n na ako napaupo na parang nanghina. Napabuntong hininga na lang ulit ako sa kaniya. “Kuya naman, ako ang bunso sa atin pero ako ang laging namumublema dahil sa mga gulong pinapasok mo!" Sigaw ko sa kaniya. Inirapan lang niya ako kahit binulyawan ko na siya, nakakainis naman itong si Kuya e. sa araw araw ng ginawa ng panginoon ay ganito ang ibubungad sa akin “Sino dito si Thalia Mendez?” tanong ng isang pulis na may malalim na boses, lumingon naman ako at nakita ko nga ang isang pulis na nakatayo sa harap ko.  “Ako po si Thalia, kapatid nitong si Anastacio.” Sabi ko sa kaniya. Inirapan lang niya ako at saka siya tumingin sa papel na may parang kung anong nakasulat. “Mag-usap tayo tungkol sa kalokohan nang 'yong kapatid.” Sabi niya sa akin. Sinundan ko siya hanggang sa marating ko ang office desk. Prente siyang umupo doon na tila ba i-interrogate niya ako at ako naman ang susunod niyang ikukulong. “Alam mo ba kung ano ang ginawa ng kapatid mo ha?” tanong niya sa akin.  “Opo nanaksak, maayos lang yung nasaksak niya diba, hindi naman siguro namatay iyon diba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi naman napaano ang nasaksak niya pero ang gusto ng kampo niya ay magbayad ng danyos perwisyo ang kapatid mo.” Sabi niya sa akin.  “Kailangan pa ba ng danyos e anak mayaman naman iyon? Wag na mag-sosorry na lang kami.” Sabi ko sa kaniya at tumawa ako ng peke sa harap niya, Binaba niya ang log book at tinabi ang ballpen na hawak niya. “Hindi sila pumayag na mag-sorry lang kayo. Ang gusto nila bayaran niyo ang danyos perwisyo dahil sa ang laking gulo ang nagawa no’n.” Napakagat ako sa ibabang labi ko, gusto kong magwala dahil sa nalaman ko pero hindi ko magawa dahil sa kailangan kong mag-isip agad ng sulusyon.  “Magkano po ba yung danyos perwisyo?” tanong ko sa kaniya.  “300,000 ang danyos na hinihingi nila, Hija.” nanlaki ang mga mata ko! Bakit naman tatlong daang libo? Saan ako kukuha nun, hindi ba sila nainform na mahirap lang ang leader ng jeje gang na iyon ha saka anong akala nila sa amin nagtatae ng pera? Ngi pang T shirt nga, yung may pangalan pa ng Vice Mayor ang gamit ko tapos ang tsinelas ko ay galing sa Rated K. “300,000! Ang laki naman ata ng danyos na iyan e parang ‘di naman malapit sa bituka ang nagawa ng kapatid kong sugat sa kaniya.” “St. Luke’s kasi siya sinugod dahil allergic ata siya sa mga cheap na hospital.. Sinama na rin pala nila sa danyos ang pambayad sa mga nasirang private properties at dahil nga sa ang kapatid mo lang ang nahuli, dahil isa siyang dakilang tanga. Siya ang magbabayad ng lahat ng iyan.” Paliwanag niya sa akin, ngumiti pa siya na parang wala lang ang mga sinabi niya sa akin. Para akong nanlumo sa mga sinabi niya sa akin.”Kung gusto mo ikaw mismo ang kumausap sa panig nila.” Sabi niya sabay lapag ng mga litrato ng mga kung ano ano na sira sa harap ko. “Ito ang mga nasira ng tropa ng kapatid mo kanina at yan ang babayaran mo” sabi niya sa akin. “Teka lang—Paano kung di kami nakapagbayad ng danyos?” tanong ko sa kaniya. “Kakasuhan ang kapatid mo ng Physical Injury at Physical Damages dahil sa nagawa niya,” sabi niya sa akin. “Teka, bakit ang kapatid ko lang ang nakulong at magbabayad ng danyos na iyan?” tanong ko sa kaniya. “Dahil nga siya lang ang nahuli at saka siya yung leader ng mga sigang jejemon na nanggulo.” Sagot niya sa akin.Napatingin ako sa selda ng kuya ko, enjoy na enjoy siyang nanonood ng mga chicks sa America’s Next Top Model. Matapos namin na mag-usap ni manong gwapong pulis na 'di ko na nakuha ang pangalan dahil wala naman kasi akong pake binalikan ko ang kuya sa selda niya. “Tumae ka ng 300, 000 Pesos,” utos ko sa kaniya sabay lahad ng kamay ko. “Bakit mukha ba akong tumatae ng pera ha?” tanong niya pabalik sa akin. “Saan sa tingin mo ako kukuha ng pangpyansa mo ha?” tanong ko sa kaniya, kulang na lang e ingudngod ko ang ulo niya sa selda dahil sa inis ko. “Hayaan mo na lang ako dito! Makakalaya din naman ako bukas eh” bulalas niya sa akin. “Alam mo bang pwede kang makulong ng matagal dahil sa ginawa mo ha?!” tanong ko sa kaniya. “Wala ka nang pakialam kung makulong ako. Thalia, mas maiging mabulok ako dito kesa tumira kasama mo.” Aniya sa akin Nakakaasar talaga siya, sa hinaba haba ng eksena ay hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako pala si George! Gwapo ako at Manly.  Oo tibo ako isang bagay na hindi matanggap ng kapatid ko kaya ganiyan ang pagkilos at ugali niya sa aking harap pero atleast tibo lang ako at ‘di loko lokong gangster na jejemon tulad niya. 21 anyos na ako, High school Graduate at isang professional na barker sa jeep ni Mang Kose. Ang kapatid ko na isang jejemon na gangster ay si Anastacio Mendez, ang tawag sa kaniya dito ay Bhossxczz Astigsz vente doezhxcz! Kasi siya daw ang pinaka astig sa mga siga do’n sa amin, pero para sa akin jejemon siya. Sa sobrang inis ko kay kuya ay umuwi na lang ako ng bahay para makapagisip kung paano malulusutan ang mga gulong ginawa niya. Napatingin ako sa litrato ni Mama at Papa na nakasabit do’n. “Ano po bang naging mali ko at naging ganito po si Kuya?” tanong ko sa kanila pero hindi naman sila sumagot sa akin. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip kung ano ang gagawin dahil do’n. *****  NAGMAMADALI akong naligo at nagbihis saka ako nagtatakbo papunta sa presinto at pagdating ko do’n, nakita ko ang kuya na kausap si Girly. Aba at talagang nagawa pang makipag date sa crush ko kahit ang laki na ng gulong nagawa niya. Bakit ba ako nagmamadali ang mukhang shunga na patakbo – takbo para lang puntahan si Kuya?  Paano kasi kaninang umaga ay may mga kumag na pumunta sa bahay namin at gusto nilang kunin ang bahay dahil daw nangutang ang kapatid ko ng 150,000 sa kanila at may 10% interest na mahigit isang taon na niyang hindi nababayaran. Sino bang hindi mapapatakbo sa presinto para kastiguhin ang kapatid niya kapag may gano’ng balita diba? Nagpapa-cute pa si Girly sa kaniya at nag eye to eye pa sila ni kuya, pasalamat itong si Girly at crush ko siya kung hindi nabatukan ko na sila ni Kuya, kita na ngang may malaking problema na hinaharap e nagawa pang magdate sa loob ng presinto.  “Anastacio!” malakas kong sigaw sa kaniya at lumingon naman siya sa akin. “Ano na nama—” agad kong sinabutan ang kuya ko habang naiiyak iyak ng malakas. “Aray! Ano na naman bang ginawa ko ha?” tanong niya sa akin, kung pwede lang nilusot ko na ang ulo niya sa rehas para ‘di na niya matanggal ginawa ko na sa sobrang inis ko. “Tanungin mo kaya yang sarili mo?” tanong ko sa kaniya. “Wala na akong ginagawa ha?! Nanahimik na ako dito!” sigaw niya sa akin. “Ano bang meron?Bakit ka ba galit na galit sa Anastacio baby ko?!” tanong ni Girly sa akin tinirikan ko siya ng mata. “Yan kasing baby mo umutang ng 150,000 sa mga hudlom tapos ginawang collateral ang bahay namin.” sabi ko kay Girly habang nakatingin ng masama kay Kuya.”Babayaran ko naman yan! Ako ng bahala dyan kaya huwag mo na lang intindihin iyan,” sigaw niya sa akin “Babayaran ha? Kuya, paano mo babayaran kung nasa kulungan ka naman?! Alam mo na nga na ang bahay na lang nagiisang iniwan ng Mama at Papa sa atin bago sila namatay tapos gagawin mong collateral sa utang ha? 300,000 pa nga lang di ko na alam kung saan kukunin tapos ito naman!” sabi ko sa kaniya. Iniwas niya ang tingin sa akin dahil sa umiiyak na ako, ayos lang sana na may utang siya handa akong maghanap ng pera pero yung gagawin niya na collateral ang bahay, di ba niya naiisip ang importansiya ng bahay na iyon sa amin ha? Yo’n ang nagiisang iniwan ng Mama at Papa bago sila namatay, para di kami mapunta sa lola namin at maging malaya kami. Naiinis na ako, “akala ko naman kasi mababayaran ko agad eh.” dahilan niya sa akin, umiwas siya ng tingin ng tiningnan ko siya dahil sa sinabi niyang dahilan. “Kuya naman sana naman nag-isip ka!” sabi ko sa kaniya at napaupo na ako para na kasi akong sasabog. “Pasensiya na, kailangan ko lang kasi ng pera noon eh.” sabi niya sa akin. “At saan mo naman ginamit ang 150,000 kuya?” sigaw ko sa kaniya. “Basta ginamit ko papalaguin ko sana pero natalo lang sa sugal,” paliwanag niya sa akin, ano ba namang klaseng dahilan iyan ha? Napapikit muli ako sa kaniya. “Saan ako kukuha ng pera kuya? Saan?!” Sigaw ko sa kaniya,nag-isip naman siya saglit. Nakita ko na lang na may bumbilyang lumiwanag sa ulo niya at saka siya tumingin sa akin. “Si Lola, puntahan mo si Lola!” sabi niya sa akin. “Ayoko nga siyang puntahan,” sabi ko sa kaniya. “Thalia, si lola na lang ang pag-asa natin at sigurado ako na tutulungan niya tayo!” sabi niya sa akin. “Kuya, nakakahiya masyado ang gusto mo’ng mangyari. Hindi pa nga natin personal na nakikilala si Lola dahil 'di niya tanggap ang pamilya tapos ay pupunta tayo sa kaniya para mang-utang?” tanong ko sa kaniya. “Thalia! Wala na akong ibang kilala, humingi ka na ng tulong sa kaniya. Malaking halaga na ang hilingin mo tapos ‘wag na tayong humingi pa muli ng tulong matapos!” suggestion ni kuya sa akin, akala naman niya good Idea ang suggestion niya Hindi madali ang gustong gawin ni Kuya, paano kung isipin lang niya na mukhang pera ang mga apo niya? Paano kung mas isipin niyang hindi maganda ang pagpapalaki ni Mama at Papa sa amin dahil lumaking jejemon yung panganay tapos tomboy naman ang bunso? “Kuya, ‘di limang piso ang hihingin natin mahigit 500,000 piso! Alam mo ba yun ha?! Para namang binebenta mo ako niyan eh!” sabi ko sa kaniya. “Thalia! Ang lola na lang ang nag-iisang pag-asa natin, ako ang bahala sa susunod basta ngayon lumapit ka talaga kay Lola ha?” sabi niya sa akin hinawakan pa niya ang kamay ko. Napatingin ako kay Girly na tahimik lang sa gilid. “Sa tingin ko wala ka ng choice ang laking halaga ng kailangan mo. Wala namang mawawala kung susubukan mo diba?” sabi sa akin ni Girly. ****  PUMUNTA ako sa bahay ni Lola, sa kanyang napakalaking mansyon dito sa isang tanyag sna subdivision sa Quezon City. Don Antonio Heights ang pangalan ng subdivision at napakalaki nito. Kanina nga e nakita ko pa si Angel Locsin na nagwawalis. Maraming artista at pulitiko ata ang nakatira dito.  Nandito pa rin ako sa harap at nakanganga ang bunganga ko dahil sa sobrang laki ng bahay ni Lola, pang mayaman talaga, siguro kung di ang tatay ang pinakasalan niya baka dito kami ng kuya ko tumira. Magiging gwapo talaga ako kung nagkataon. “Pumasok po kayo, hinihintay na kayo ng Señora.” Sabi sa akin ng Katulong niya. Criselda Toreen Francisco Y Mendez ang pangalan ng Lola ko, kalahating kastila kasi siya kaya ganiyan ang pangalan niya. Sobrang ganda niya kaya ang  gwapo rin namin ni kuya. Lumaki si Lola sa magandang pamilya at mayaman sila kaya ng sumama si Mama kay Papa na hamak na tricycle driver lang noon talagang nagalit ito at tinakwil ang Mama ko. Siguro kung mayaman lang si Papa noon e sana hindi nag-away si Mama at Lola.  “Sumunod po kayo sa akin, Ma’am.” Mahinanong saad nung katulong ni Lola. Sinundan ko siya sa loob at isang napakalaking portrait ng magandang babae ang sumalubong sa akin. Marahil ito ang Lola nung dalaga pa siya. “Dito po muna kayo tatawagin ko ang señora,” sabi niya sa akin.  “Maupo po kayo kung nais ninyo.” Sabi niya ulit sa akin sabay turo sa napalaking sopa. Umupo naman ako kasi makapal talaga ang mukha ko at saka apo naman ako so baka hindi siya magalit kung uupo ako rito. “Wow ang lambot,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman ito at saka umakyat ng hagdanan. Ako naman, naupo do’n tumingin ako sa isang side at nakita ko ang litrato ng Mama ko do’n nung dalaga pa. Ang ganda talaga ni Mama noong bata pa siya, kaya siguro nahulog ang loob ng Papa sa kaniya. “Ikaw na ba ang apo ko?” sabi ng isang boses ng matanda. Lumingon ako at nakita ko ang matanda na kasing ganda ni Gloria Romero na nakangiti sa akin. “Magandang araw po Lola!” sabi ko sa kaniya sabay lahad ng kamay ko. “Ang laki laki mo na pala. Naaalala ko sanggol ka pa noong dinala ka rito nang iyong ina." 'Yon naman ang sinaad niya at iniwasan ang kamay ko. Binalik ko na lang iyon at tumingin sa kaniya. Yung damit niyang pambahay pang party na ‘yan nung kapitbahay namin. Ganito 'yung damit niya nung 60th Birthday siya, proud pa siya kasi sa SM daw niya binili tig 3500 daw.  “Kahawig mo talaga ang ina mo Thalia. Kuhang kuha mo ang ganda niya.” sabi niya sa akin. Namula naman ako dahil sa puri ni Lola, “kaya nga po ang gwapo ko eh. Ngayon alam ko nasa dugo namin ang ganda.” Sabi ko sa kaniya. “Parang dati ang liit mo pa tapos madalas kang magtago sa likod ng Mama mo dahil nakakatakot ako.” Pagkwento niya habang inaalala yung mga panahon na buhay pa si Mama. Napayuko ako sa kaniya dahil nakaramdaman ako ng hiya kay Lola. “Lola, di na ako magpapaligoy ligoy pa. May kailangan po sana ako” sabi ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin, “Oo nga pala may kailangan ka, ano ba iyon ha?” tanong niya sa akin. Napahinga ako ng malalim, sobrang lakas ng t***k ng aking puso. “Kasi Lola, napasok ang kuya sa sari – saring gulo, nakadisgrasiya at nakasira ng properties tapos may malaki pa siyang utang na dapat bayaran. Nahihiya man ako pero wala na akong malapitan dahil sa nakakulong rin naman si kuya.” sabi ko sa kaniya. Nanatili siyang tahimik na para bang nakikinig. “Alam ko po makapal ang mukha ko pero nakikiusap po talaga ako, pautang naman po ng 500 ,000 promise po ibabalik ko po ’yon kahit paunti – unti basta po mabayaran lang ang piyansa at mabawi ang bahay namin.” sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin. “Siyempre naman apo, papayag ako sa gusto mo." "Talaga po Lola? Mapapahiram niyo po kami?" tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin bilang sagot. “Babayaran ko po iyon Lola na may kasama pang interest, promise!” pagtaas ko ang kamay ko na parang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas. Kahit hindi mo na bayaran ang 'yong hihiramin. Apo kita, Thalia. Apo ko kayo ni Anastacio." Paliwanag niya sa akin. Napa sign of the cross ako at madaliang nag thank you kay LORD pero natigil ang pagdadasal ko nang muling magsalita si Lola. "Pero may kundisyon ako sa tulong na ibibigay ko.” sabi niya sa akin at saka siya ngumiti ng nakakaloko sa akin.   “Ano po ba yung gusto niyo baka kaya ko pong maibigay?” tanong ko sa kaniya. “Magpakasal ka sa lalaking gusto ko para sayo at bigyan niyo ako ng apo. Dalawang apo ang gusto ko. Isang babae at isang lalaki. Babayaran ko lahat ng utang ng kuya mo at sagot ko na rin ang kanyang pyansa,” sabi niya sa akin.  Para akong nanghina sa mga narinig ko kay Lola. Apo? Ikakasal tapos Bibigyan ko siya ng apo? Teka, pwede bang mahimatay ng five seconds?  Hindi ako nakasagot agad, “Lola, apo po? Pero lola lalaki po ako! Hindi po pwede ang gusto niyo lola!” sabi ko sa kaniya. “Ako naman na ang bahala sa lalaking papakasalan mo apo ko at sigurado akong magugustuhan mo siya kaya wala kang dapat ipag-alala. Magandang lahi para sa mga Mendez. Chosen and approved quality. Kung buhay lang ang Mama at Papa mo, matutuwa sila.” sabi niya sa akin.  “Iba na lang po ang ipagawa niyo o kaya ipabayad niyo na lang!Ayoko pong magpakasal sa lalaki Lola. Hindi po ako bakla.” Pagpupumilit ko sa kaniya. “Oh edi, hindi ko babayaran ang utang at pyansa ng kapatid mo." Madali niyang sagot sa akin at muli siyang ngumiti. Umangal ako sa kanya na siyang dahilan para matawa siya. "Kaya mamili ka na lang kasi sa mga choices ko. Magpapakasal ka at bibigyan ako ng apo o hahayaan mo na mawala ang bahay niyo maging na makulong na lang ang kapatid mo?” tanong sa akin ng Lola. Blackmail pa more Lola. “Bibigyan kita hanggang bukas para mag-isip apo. Sana piliin mo ang magandang desisyon ha?” tanong niya sa akin at saka siya umakyat ulit sa taas na may ngiting tagumpay na di mo maintindihan.Napaupo na lang ako ulit sa sofa at saka ako napa facepalm. Mukhang mapapasubo talaga ako dito. Ah basta! Hindi ako papayag, dahil ang manly na katulad ko ay hindi nagpapakasal sa kapwa niyang manly. Manly ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD