Chapter 3

2371 Words
THALIA GEORGINA MENDEZ MAHIGIT dalawang linggo na ang lumipas mula nung lumayas si Jino sa kanila, at si Lola di pa rin niya ako tinitigilan sabi niya makikita din daw si Jino at kung nangyari iyon kailangan kong gumawa ng paraan para mapakasalan siya. Sobrang desperado nila lola at gusto na talaga niya akong magpakasal, hindi ko naman kasi siya matanggihan dahil sa matanda na rin siya at gusto niya siguro ng makakasama. Wala na sila Mama at Papa, at tanging kami na lang ni kuya ang pamilya niya. At saka,  malaki ang aking kailangan mula sa kaniya kaya may karapatan din siyang mag-demand sa akin. Ngayon nandito ako sa bahay ni Lola. napagdesisyunan kasi niya na sabay kaming mananghalian kasama ang Lola ni Jino para daw makilala ko ang pamilya nila. Kahit naman makilala ko ang pamilya nila e wala naman si Jino dito na mapapangasawa ko. So, nonsense din itong nagaganap diba? "Lola, di ba pwedeng ibigay mo na ang pera sa akin total tumakas naman na yung Jino diba?" tanong ko sa kaniya. "Hindi!" sabi niya sa akin. "Lola! Hindi ko po talaga kayang magpakasal. Lola, puro babae naging jowa ko nung highschool ako." pagpupumilit ko kay Lola pero binalewala niya ako.  Lalaki nga kasi ako diba? Alam ko sa sarili ko na isang akong lesbian, kung 'di nga lang mahal magpagupit ng buhok at magpatanggal ng dede e' ginawa ko na. Ang hirap kaya i[itin ng akin dahil medyo pinagpala ako. "Thalia, ang usapan ay usapan. At saka hindi lang naman ito dahil sa gusto kong magkaanak ka. Gusto kong makitang magsettle down ka bago man lang ako mamatay. Iyong suporta na 'di ko naibigay sa'yong ina. Sana sa iyo at sa kuya mo naman ko maibigay." Sabi niya sa akin. "Hindi ka pa naman mamatay Lola. Promise, matagal ka pa bago kukunin ni Lord." kasi dati kang masamang d**o pero joke lang yun. Tumingin sa akin si Lola at saka ngumiti. "Matanda na ako Thalia, at kahit na isang beses ay wala pa akong nagagawang mabuti sa inyo ng kuya mo." sagot niya sa akin at saka siya bumuntong hininga. "Sa sobrang tampo ko sa iyong Mama e' ni minsan 'di ko man lang siya nakumusta noong pinagbubuntis niya kayo ng iyong kuya." Giit niya muli sa akin. Nalungkot naman ako ng madinig ko 'yon. Si Nanay at Tatay, sa tingin ko ay wala silang tampo kay Lola. Naalala ko kasi na laging sinasabi ni Tatay na naiintindihan niya si lola, na soon, magbabago rin ang isip nito pero nawala na sila ni Mama bago pa man 'yon mangyari. Mabait si Lola at 'di niya ako pinapabayaan mula ng lumapit ako sa kanya. Kahit 'di pa niya pinapyansahan si kuya e' marami siyang pagkain na ibinibigay rito. "Ay may naisip ako." napatingin ako kay Lola, ngumiti siya sa akin na tila ba mayroong light bulb sa kanyang ulo. "Ano po 'yon?" tanong ko sa kanya. "Kailangan ikaw na mismo ang pumilit kay Jino para pakasalan ka." sabi niya sa akin. Nanlaki muli ang mata ko, konting push na lang lalabas na ang eyeballs ko dahil naloloka na ako. "Teka Lola? Di ba ako magmumukhang desperada niyan saka parang ang sama naman natin kung pipilitin natin siyang magpakasal sa taong hindi niya gusto" tanong ko sa kaniya. Wala sa bokabularyo ko ang mamilit ng isang lalaki lalo na't manly ako at saka parehas naman naming hindi gusto 'to kaya bakit pa ipipilit? "Gusto kong bumawi sa inyong magkapatid kaya ginagawa ko ito." "Lola kung gusto mong bumawi di mo ako kailangan ipakasal sa taong ayaw sa akin at ayaw ko rin!" sabi ko sa kaniya. "Apo, gusto ko bago ako mawala sa mundong ito nasa kamay ka ng mga taong alam kong aalagaan ka. Kayo ng kuya mo at ayaw kong mamaalam sa mundo na wala man lang nagawa sa mga anak ng aking nag-iisang unica hija, sa inyo." sabi niya sa akin. Napapikit na lang ako sabay pakita ng expression na ayaw ko talaga. "Hala sige kumain ka na apo! Kailangan mo pang pag-isipan kung paano papabalikin si Jino dito para papakasalan ka," sabi niya sa akin. "Lola!" naglapag siya ng papel sa harap ko. "Andyan, diyan nakatira si Jino ngayon. Kailangan mo siyang mabalik dito sa loob ng isang linggo kundi baka hindi na makalaya ang kuya mo." Sabi niya sa akin at saka siya ngumiti."Ano bang blackmail yan Lola? Di na nakakatuwa" kulang na lang e umiyak na ako sa sobrang pressure, 'di ko na kasi alam ang mararamdaman ko. Ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy sa pagkain "Di to blackmail apo, pagiging matalino ang tawag dito. Ito ang dahil kung bakit mayaman tayo." Sabi niya sa akin kasunod no'n ay ang mahinang tawa niya. Ang witty mo talaga Lola, kaunti na lang maiinis na ako. "Alam mo naman na di ko papabayaan ang kuya mo," dagdag pa niya sa akin. Huminga na lang ako ng malalim at saka nakipag bonding kay Lola para naman magbago ang kanyang isip. **** PAGKATAPOS nang aming tanghalian ay  dumiretso ako sa Terminal para magpahinga, huminga ng malalim, mag-meditate at mag rant. For short, para tumambay muna saglit. Pagdating ko ay naroon na si Badong at Girly na kumakain ng hapunan. "Oh, kamusta na?," tanong sa akin ni Badong sabang sumusubo siya sa adobong hapunan nila. 'Gusto mong kumain?" tanong ni Girly sa akin. "Kakakain ko lang ng lunch at meryenda kay Lola. Busog na busog ako." sabi ko sa kaniya at naupo ako sa tabi ni girly. "Ano nang nangyari sa inyong pagkikita? Nakita na ba ang fiancé mo?" tanong sa akin ni Girly, humarap pa siya sa akin na parang tsismosang uhaw sa maririnig niyang tsismis. "Huwag mo ngang mabanggit ang salitang fiancé dahil naiirita ako. Kung ayaw daw magpakita ni fiance e' kitain ko daw." sagot ko sa kaniya at saka ko siya sinubukang batukan pero nakailag siya "Chill lang Thalia, anong sabi ng lolabells mo?" sabi niya sa akin. Nilabas ko ang papel na binigay sa akin ni Lola. "Pag di ko daw nauwi yang lalaking yan na nakatira sa address na iyan. Hindi daw niya tutulungan na makalaya si kuya kaya ito ako ngayon, akala ko free na pero no choice pala." Sabi ko sa kaniya. "Kailangan kong mapilit yang Jino Yoshida na yan na magpakasal sa akin" dagdag ko pa. "Good luck!" sabi ni Badong sa akin. "Likewise!" segunda naman ni Girly. "Teka nga, hindi niyo ba ako tutulungan ha?" tanong ko sa kanila "Hindi na kaya mo na iyan! Malaki ka na, marunong ka na nga maglaba ng panty mo eh,"pangbubuyo nila sa akin sabay lapag ng tinidor. "Susuportahan ka na lang namin ni Badong ha?" sabi naman ni Girly. "Teka alam na ba to ni Taciong sa loob?"tanong naman ni badong sa akin. "Oo alam na ni Kuya pero di ko pa nasasabi sa kaniya na kailangan kong mapilit itong Jino na to na pakasalan ako" saad ko sabay patong ng paa ko sa upuan. "Tigilan mo nga yang asal kalye na pag-upo mo," suway sa akin ni Girly at pinababa ang paa ko. "Alam mo Girly, gusto kong mag quit sa gusto ni Lola pero ayoko rin na madisappoint siya, Alam ko naman na ang tanging gusto lang niya ay malagay kami sa maayos na buhay ni Kuya." Dahilan ko sa kaniya. "Baka naman yan talaga ang dapat na mangyari sayo, kasi naman Thalia este George sayang kung magpapakatibo ka na lang forever kasi ang ganda mo, malay mo yang palang Jino na iyan ang mag-bibring ng woman out of you, the delicate side of you!" sabi niya sa akin. Para namang bumabaliktad ang sikmura ko sa mga sinasabi niya sa akin. Napaupo na lang ako ng maayos at saka nagisip, pag nagpakasal na ako kay Jino at nagkaroon na kami ng anak, magiging masaya na si Lola. Yun lang naman ang gusto ni Lola yung makita niya na mag-settle down ako at magkaroon din siya ng apo, kung maiibigay namin iyon pwede na kaming maging malaya pagkatapos. Pwede kong kausapin si Jino na magpanggap na lang muna na gusto ako tapos pag preggy na ako at nanganak maghihiwalay na kami pagkatapos o kaya magpapanggap kami na hindi nag-work yung kasal pwede din yo'n diba? Pag mamayaman naman uso yung hiwalayan kapag hindi na nila mahal ang isa't isa. Tama gano'n na lang, bukas pupuntahan kita Jino Yoshida, and we will make a deal wether you like it or not! *** ALAS OTSO ng umaga ng bumangon ako, pupuntahan ko kasi si Jino Yoshida ngayon. Para kay Lola gagawin ko to, para maging masaya siya at ako naman 'di gaanong ma-pressure. Maganda na kasi ang plano na naiiisip ko na sabihin sa kaniya. Bago ako pumunta sa kaniya dinalaw ko muna ang kuya natutulog pa daw siya kaya 'di ko na pina-gising iniwan ko na lang yung puto na paborito niya. Para naman may masarap siyang almusalin pagkagising niya.   At saka ako nagbyahe na papunta do'n sa condo unit na sinasabi nila. Sumabit muna ako kay Mang Kanor at saka niya binaba sa unit na iyon. 'Salamat Mang Kanor!" sigaw ko. Ngumiti naman siya sa akin na tila ba napuno siya ng pag-asa."Kapag ayaw niya Thalia, ako na lang ang magpapakasal sayo ha?" sabi niya sa akin.  "Yak!" simpleng sagot ko sa kaniya. Pagpasok ko sa malaking building ay pumunta ako sa may receptionist. "Miss, saan po ba yung kwarto ni Jino Yoshida?" tanong ko sa kaniya.  "Ka-ano ano ka ni Sir Jino?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako at saka huminga ng malalim. "Fiance niya ako." Sagot ko sa kanya. Kasi sa tingin ko pag 'di ko sasabihin 'yon e' di ako papasukin nito. Gagamitin ko na ang koneksyon namin kahit ayaw ko.  "Sandali lang ha? Titingnan ko," sabi niya sa akin may ginalaw siya sa computer at saka siya ngumiti sa akin. "Room 1156 sa may 11th floor ang kwarto niya." sabi niya sa akin. Ngumiti ako at pumunta na ng elevator. Malaki ang lugar na to sa totoo nga niyan eh nahirapan akong hanapin ang unit niya. "Room 1156," tumingin ako at nakita ko ang condo unit niya. Napangiti ako, pinindot ko ang buzzer niya ng maraming beses tapos huminto ako, tama ba tong ginagawa ko? Para talaga akong desperadang tingnan kung tutuusin, pero—kailangan ng makalaya ni Kuya at mabayaran ang daan daang libong kailangan niyang mabayaran. Matapos ang ilang pindot ko bumukas ang pintuan. "Can you please press the buzzer once! The nerve!" narinig kong sabi niya. Naglagay ka ng doorbell tapos ayaw mong pinpindot, loko loko din to e. Tumambad sa akin si Jino Yoshida na prenteng nakatayo at may inis na ekspresyon sa mukha niya. Nakasuot siya ng salamin niya, ngumiti ako sa kaniya. "What are you doing here?" mataray niyang tanong sa akin, tumaas pa ang kilay niya na tila ba susungitan niya talaga ako. Baklang tunay. 'Ah. Ano Jino, pwede ka bang makausap?" nahihiya kong tanong ko sa kaniya. "I have no time if you want to say something, say it here!" sabi niya sa akin at cool na tumayo sa harap ko, para siyang diva na nakatayo sa harap ko. "Ano kasi tungkol sa gusto ni Lola. Alam mo na 'yung mga lola nating atrabida." sabi ko sa kaniya at tinanggal ko ang sombrero ko.  "Sabi kasi niya sa akin pilitin daw kita na bumalik saka pakasalan ako," sabi ko sa kaniya. "Ayoko, at 'di ako magpapakasal okay?!" sigaw niya sa akin at saka niya sasaraduhan sana ako ng pintuan.  "Teka! Saglit!" pagpigil ko sa kaniya. Tinigilan niya ang pagasara ng pintuan. "See, okay alam ko pwersado ka ni Señora Criselda to marry me. Forced din ako to tie the knot with you but I will never give in. Ayokong dinidiktahan ako at ayokong mawala ang kalayaan ko para i-express ang aking sarili.  Kaya I'm sorry di ako papayag kahit na anong pilit mo," paliwanag niya sa akin. Napapikit na lang ako ng mata ko. "Saglit lang! Makinig ka kasi may deal ako sayo. Jino, kahit naman ayaw ko desperado na rin ako kaya sana makinig ka lang naman." sabi ko sa kaniya "Umalis ka na," naloka naman ako do'n sa machine na nagsasalita. "Hindi ako aalis! Kaya wala kang choice kung hindi ang pakinggan ako," sabi ko sa kaniya. "Umalis ka na, I will never listen to you" sagot naman niya sa akin. "Please naman oh! Makinig ka lang kasi.. pagkatapos naman ng hihingiin ko sayo titigil na ako!" pakiusap ko sa kaniya. Pero wala na akong sagot na narinig sa kaniya. Lumipas ang ilang mga araw, paulit ulit na lang niya akong tinataboy kulang na lang pati sa banyo sundan ko siya pero wala, ang tigas niya. Naiintidihan ko naman siya, ayaw lang niya maipit sa bagay na ayaw niya, lalo pa at di naman pala siya tunay na lalaki parang ako pusong lalaki, gusto niya maranasan na lumaya at maging masaya sa kung anong orientation niya sa buhay. Parehas kami kaso lang ako naexercise ko na ang civil rights ko bilang lesbian nakatatlong girlfriend na nga ako eh at pinopormahan ko pa si Girly na crush naman ang kuya ko. Sa paglipas ng araw para akong nagiging desparada. Nagtatagal na kasi ang kuya sa kulungan at habang nagtatagal parang nagbabago ang isip ng anak ni Mayor. Parang gusto na niya na tuluyan na makulong ang kuya habang buhay kaya mas nagalala ako habang naglalakad ako pauwi sa bahay at nagiisip kung paano makikinig sa akin si Jino. Nadaanan ko ang tindahan ng laruan. "Mama, bili mo ako toy gun!" sabi nung bata sa mama niya. Lumapit ako sa batang nagpapabili ng toy gun naalala ko nung bata ako, toy gun din ang pinapabili ko kay Mama pero kay Kuya niya ibibigay tapos Barbie ang ibibili niya sa akin. Napangiti na lang ako "toy gun na naman meron ka pa niyan ha?" sabi ng Mama niya napangiti ulit ako. "Eh ayaw ibalik sa akin ni Kuya eh, sabi niya pag pinilit ko siyang ibalik yun babarilin niya ako," saad no'ng batang yo'n at gumawa pa siya ng gun sign sa kamay niya. Napangiti ako lalo ng malapad sa narinig ko lumapit ako sa tindera. "Manang magkano to?" tanong ko sa tindera. "Naku! 90.00 lang yan, may iba din kaming design." sabi niya sa akin . "Manang isa nga po!" sabi ko habang nakangiti ng malapad. 'Kung di ka makukuha sa pakiusap dadaanin kita sa santong paspasan" sabi ko sa sarili ko at saka ako tumawa ng malakas. "Baliw na ba yung babae, Mama?" tanong ng bata sa kanyang ina, napalingon tuloy ako at natigil sa pagtawa ko. Mukha na ba akong desperada?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD