Chapter 16

2533 Words
THALIA MENDEZ -  YOSHIDA “AYOKO ng makasama ka, na-realize ko na di ko talaga kayang maging lalaki.I am gay, Thalia. I can't live the way you want me to live. Oh ano? Masaya ka na ba sa dahilan ko?” “Hindi, sabi mo.. sabi mo mahal mo na ako na magpapakalalaki ka na, Jino naniwala ako do’n. Sabi mo pag sinabi mong hihiwalayan kita, babarilin kita teka sinungaling ka naman eh, Jino kung nagbibiro ka, pwede naman pakitigilan na.” Pakiusap ko sa kanya habang tuloy tuloy ang luha ko. Pinilit kong magpakalakas pero hindi ko kaya. “Hindi ako aalis hanggang sa 'di mo napipirmahan ang papel.” Sabi niya sa akin, napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ako magri-react. Hindi ko maintindihan kung bakit biglaang hindi na niya kaya ang mahalin ako. Hindi ko mawari kung bakit parang totoo ang mga pinaramdam niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako lang ang handang yumakap sa new normal na pinaramdam niya sa akin. "Jino, ba- bakit?" Nauutal kong tanong sa kanya, Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Bakit parang wala lang sa'yo ang mga pinagdaanan natin nitong mga nakaraang buwan? Hi- hindi ba pagmamahal 'yon?" tanong ko sa kanya at saka ako huminga ng malalim. Umiling siya sa akin. "Pinilit ko, pinilit kong gawing totoo ang lahat kasi ito ang gusto ng mga lola natin. At dahil gusto mo na rin, pero hindi ko kaya." Sagot niya sa akin. "Ba- bakit hindi mo sinubukan gaya ko?" tanong ko sa kanya. "Kasi hindi ko kaya, Thalia! Ito ang tama, ito at wala ng iba. Palayain mo na lang ako..." Pakiusap niya sa akin. "Para hindi ka na masaktan, at para lumaya na ako." Dagdag pa niya sa akin. Umiling ako bilang sagot sa kanya. "M-mahal na kita. Mahal na mahal kita... Hindi ko kakayanin, Jino. Hindi ko kaya..." Pagmamakaawa ko sa kanya. Lumuhod siya sa aking harap at saka kinuha ang ballpen. "Kung mahal mo ako, papalayain mo ako, Thalia." Sagot niya sa akin. "Hindi ko maintindihan kung bakit... hindi ko alam kung bakit... Ayokong sumuko... kung ano man 'yung kailangan mo tatanggapin ko. Jino, kung mas kumportable ka na magkaroon ng lalaking ka-relasyon habang kasama mo ako. Okay lang din, kaya kong bumaba ng ganoon... pero pakiusap... huwag mo na akong iwan." Pagmamakaawa ko sa kanya. Napapikit siya sa akin, "Don't make this hard for me, Thalia." Bulong niya sa akin. "At huwag mo rin akong pahirapan. Jino, hindi ko kaya ang gusto mo..." Bulong ko sa kanya. "BIbigyan kita ng tatlong araw upang mag-isip, Thalia. Tatlong araw para pirmahan ang papeles na 'to at pagkatapos no'n bahala na si Mama sa proseso ng paghihiwalay natin. Sana sa tatlong araw na ibibigay ko ay makapag-isip ka na." Inilagay niya ang ballpen sa kamay ko at saka siya tuluyang tumayo. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago tuluyang lumisan sa aking harap ko. Tuloy tuloy ang iyak ko, nagbibiro ka naman Jino eh. Sabi mo papanindigan na natin ang kasal, sabi mo gusto mo na ako, mahal mo na ako sabi mo magpapakalalaki ka na, bakit ngayon para kang naputulan ng birdy ha? He took a step at saka siya umalis ng bahay, umalis siya. ‘di lumingon, ‘di man lang tinanong kung kamusta na ako. Parang gano’n na lang.. ****  HININTAY ko, hinintay ko kung may tawag o kung ano pa man na manggagaling sa kaniya. Umaasang baka naka shabu lang siya kaya niya nasabi iyon. Di ko mapigilan ang malungkot at mawalan ng gana. Tinitingnan ko ang papel paulit ulit, sinusuri kung peke ba ito? Pero hindi totoo siya at ako na lang ang hinihintay niya na sumuko. Hindi ko pa sinasabi kay Lola ang nangyari, hindi ko pa rin ito sinasabi sa kapatid ko kasi baka maayos ko. Alam kong kakayanin kong masolusyonan 'to. Nagawa kong pilitin na ikasal kaming dalawa kaya siguro ay kakayanin ko rin na mabalik siya sa aking piling. Kinuha ko ang cellphone at ni-dial ko ang numbero ni Demi baka sakaling malaman ko ang dahilan, agad naman niyang sinagot ang tawag ko.  “Demi, si Thalia to.” sabi ko sa kaniya. Sandali siyang natahimik bago tuluyang nagsalita.  ‘Oh, Thalia bakit ka napatawag?” tanong niya sa akin. “Demi, kasama mo ba si Jino? Alam mo ba kung nasaan siya?"tanong ko sa kaniya.  “Thalia, pasensya ka na ha? Hindi din kasi nagpakita sa akin si Jino nitong mga nakaraang buwan.” Sabi niya sa akin. “Demi, nahihirapan na ako bakit siyang biglaang gano’n bakit niya ako gusto agad na hiwalayan. Demi sabi niya papanindigan niya ako sabi niya, itutuloy na namin yung kasal na nasimulan. Demi gusto siyang barilin” sabi ko sa kaniya. “Thalia, kasi di ko din talaga alam kung anong meron kay Jino eh, Sorry pero 'di kita matutulungan,” sabi niya sa akin. “Please naman sabihin mo naman kay Jino umuwi na siya dito sa bahay namin. Miss na miss ko na ang asawa ko. Gustong gusto ko na siyang makita.” Sigaw ko sa kaniya telepono. “Sure sasabihin ko,” sabi niya sa akin at binaba na niya ang telepono. Dahil sa masiyado akong nalulungkot napagisipan ko na pumunta kay Kuya. Dumiretso ako sa bahay ni Girly kasi ayoko na malaman ni Kuya na nagkaka-problema ako kay Jino dahil sa biglaan niyang makipag-hiwalay. Kumatok ako sa bahay niya at malalakas na katok ang ginawa ko. “Sandali." sunod sunod niyang sigaw. Bumukas ang pintuan at bumungad ako kay Girly, hindi ko na napigilan. Agad ko siyang yinakap ng mahigpit at saka ako humagulgol. “Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong niya at saka niya ako yinakap ng pabalik. "Si... si Jino, iniwan niya ako." Sagot ko sa kanya. Pinapasok niya ako sa loob ng bahay at agad na pina-inom ng tubig.  Agad ko ring kinuwento sa kanya ang biglaang pakikipaghiwalay ni Jino sa akin. “Aba! puputulan ko talaga ng balls yang Jino na yan!” sigaw niya ng marinig niya ang story ko. “Huwag kang maingay baka malaman ng iba na nakikipaghiwalay siya.” sabi ko sa kaniya. “Ano ba naman Thalia?! Ano bang nasa utak ng asawa mo ha?! Bakla nga anak nang pota!” sabi niya sa akin “Hindi, baka kasi may problema lang si Jino. Baka nalilito lang siya, baka magbago rin ang isip niya. Ayoko naman isipin na selfish siya. Siguro mahirap sa kanya 'yung magbabago siya ng preference dahil sa asawa na niya ako.” Sabi ko sa kaniya. "Thalia, hindi 'to isang simpleng laro. Kinasal kayo, nagka-palagayan kayo ng loob, at ngayon may nangyayari sa inyong dalawa! Hindi ka kanin na basta basta lang niya iluluwa kasi na-realize niyang bakla talaga siya!" Singhal niya sa akin. "Girly, hindi ko alam ang gagawin ko. Hi- hindi ko alam kung kaya ko ba 'tong mag-isa. Hindi ko alam kung matapang ba ako kasi ngayon wala akong maramdaman kung 'di ang sakit. Ang sakit - sakit ng ginagawa niya sa akin. Ang sakit dito..." Giit ko at tinuro ko ang aking puso. ***** TAHIMIK akong nakaupo habang nagiisip nanonood kami ng TV pero hindi pumapasok sa isip ko yung pinapanood namin. “Apo, wala ka bang ibang gusto ha?” tanong sa akin ni Lola umiling ako sa kaniya, pag sinabi ko naman kasi na si Thalia ang gusto ko, alam kong malaki ang nakasalalay. We both don't like this idea but Mom don't want to lose Dad despite of the fact that they have been separated. I guess, the only conflict that lead them on separating are their beliefs of right and wrong but the love, it's still there and they are willing to sacrifice me for them not to lose each other.“Lola, magpapahinga na ako kung tumawag si Dad pakisabi na lang masakit ang ulo ko,” sabi ko sa kaniya “Ewan ko ba diyan sa tatay mo, ayaw niyang bumalik na lang dito sa Pilipinas para magsimula ulit at takasan na lang ang mga kapwa n'yang hapon. Ginugulo niya tuloy ang buhay mag-asawa mo! Kailangan mo tuloy hiwalayan ang favorite ko na si Thalia!” sabi ni Lola sa akin. Mahina akong ngumiti sa kaniya, sana nga gano’n lang yun kadali pero, sobrang laki ng problema at buhay ang katapat no'n. I need to do this,  I need to let her go to save my parents. Kailangan ko siyang saktan, even her grandmother. Nang dahil dito baka masira pa ang friendship nila ni Lola. Hindi ko rin kasi maintindihan si Mama, she could've just avoid Dad, but she still loves him and she wants to save him. Hindi ko matanggihan si Mama. “Jino Yoshida!” narinig ko ang pamilyar na sigaw ni Thalia. Sigurado ako siya ang nadidinig ko “Buksan mo ang gate lumabas ka ditong bakla ka! huhugutin ko birdy mo!” sigaw niya mula sa labas.  “Jino naman makipag-usap ka sa akin! hindi ako naniniwala sayo! Alam kong di mo ako kayang iwan ng gano’n na lang!” sigaw niya ulit, sumilip ako sa labas at nakita ko siyang umiiyak. “Jino...” mahina niyang tawag sa akin. “Gusto mo ba e' ako na lang ang makipag-usap sa kanya? At maging kay Criselda, hindi pa alam nito na nangyayari ang mga bagay- bagay na 'to sa pagitan ninyo ni Thalia.” Giit sa akin ni Lola.  “Ipapaliwanag ko ang lahat ng nangyari tapos hihingi na lang ako ng tawad dahil sa nasaktan siya. Matalino naman si Thalia sa tingin ko ay maiintindihan niya.” Sabi ni Lola sa akin pero hindi ako pumayag. "Gano'n "Ako na lang  ang makikipag-usap sa kanya. And also with Lola Criselda, it's my responsibility to explain to her what happened. She thought that I can take care of Thalia, but here I am. I look like a jerk who left her daughter after f*****g up with her.” Sagot ko sa kaniya hinawakan niya ang kamay ko. “Alam kong gagawin mo ang tama, Jino. Pero mas tama din kung iisipin mo ang sarili mo, your parents were old enough. They can find a solution without your help, it's not your responsibility to save their asses. Pwede ka pang mag umatras, I'm pretty sure baka mayro'n pang ibang solusyon sa problema ng Papa mo.” Giit niya sa akin. "I don't think there will be other choice." Giit ko sa kanya at tumingin ako kay Thalia na patuloy pa rin sa pagwawala. "Dad will die even if he tries to sneak out of Japan. Those scumbags has their eyes set on him." "That's why I hated your father when your Mom married him. He is a boss of a dangerous yakuza, how ironic it is that a defender of justice like your Mother fell with him." Reklamo ni Lola sa akin, "But that's love, it comes in the most awkward way we can imagine."  “Ano na? Jino! Napakaduwag mo! Mas masahol ka pa sa walang bayag!” sabi niya ulit. Lumabas ako ng gate at laking gulat ko ng agad na tumutok ang baril sa akin.  “Thalia, tigilan mo na to. Tapos na tayo!” sabi ko sa kaniya, umiling siya sa akin. “Sabi mo papanindigan mo ako. Ang sabi mo handa ka na nang magbago gaya ako. Na handa ka baliktarin ang deputang sexualidad mo kasi mahal mo ako. Deputa naman ginago mo ako ginawa mo pa akong tanga!” Sabi niya sa akin nakita ko na may kinuha siyang papel at tinapon sa mukha ko. “Hindi ko pipirmahan yan Jino hanggang sa wala kang magandang dahilan na nasasabi sa akin. Papanindigan mo ako, Jino. Papanindigan mo ako kasi sinabi mo na mahal mo ako!” Dagdag pa niya ulit sa akin. “Thalia, 'di pa sapat yung di ko talaga kayang magpakalalaki?” tanong ko sa kaniya. Ayokong masaktan siya sa tunay na dahilan kung sakali mas maayos na ‘tong dahilan ko kasi pagkatapos naman na niyang pirmahan ito e hindi na kami magkikita ulit. “Hindi ka bakla, Jino. Wala kang bayag, wala kang balls, wala kang d**k! Mas may responsibilidad pa sa'yo yung kilala kong naninitsit na bakla sa kanto.” Nanginginig ang kamany niya habang nakatutok ang baril sa akin. Tumulo ang luha niya ngunit kasabay no'n ay ang unti-unting tulo ng ulan. “I’m sorry Thalia, ayokong saktan ka pero ito ang tama kong gawin.” Sabi ko sa kaniya. “Eh anong ginagawa mo ngayon nagju-joke?” tanong niya sa akin. Sorry kung kailangan kong magpakaduwag, ayoko lang na mapahamak ka, ayokong masaktan ka. Hindi ko mapapangako na mapoprotektahan kita kasi ganito lang ako. Hindi ako malakas, mas malakas ka sa akin kaya ginagawa ko to. Nanatili lang akong tahimik at hindi sumagot sa kanya. “Umuwi ka na, papadalhan na lang kita ng bagong copy. Please have it signed before the week ends.” sabi ko sa kaniya at tumalikod na ako. “Hindi mo ba ako minahal ha? kahit saglit lang 'yon. Minahal mo rin ako diba?” tanong niya sa akin. "Nung ginawa natin 'yon, nung inulit natin. Ginawa natin 'yon kasi mahal natin ang isa't - isa diba?" tanong niya muli sa akin.  Mahal kita, Thalia. I loved you when you're George and when you have become Thalia. I love you and I love every memories we created together. It's just things don't work the way it should be. “Hindi mo ba ako iniisip ha Jino? Porket ba pinilit kita na magpakasal sa akin gamit ang baril na ‘to ha?” tanong niya sa akin. Hindi ko na siya nilingon at naglakad ako papasok ng bahay. May tumama sa ulo ko na magaan na bagay, narinig ko ang pagbagsak nito at pagkawarak, tumingin ako sa nalaglag at nakita ko ang baril ni Thalia na sira, pinulot ko ito at bumalik sa isip ko ang ala-ala noon. Ang dahilan kung bakit kami ikinasal. Gawa lang pala siya sa plastic, toy gun kung tutuusin. “Duwag ka Jino! Duwag ka! Galit ako sayo!” sigaw niya sa akin, basang basa na kaming dalawa ng ulan ngayon. Hindi ko magawa ang magalit sa kaniya kasi pekeng baril lang pala ang gamit niya panakot sa akin, di ko rin magawang matawa kasi iyak siya ng iyak sa harap ko. Sana kayanin ng baril na to na takutin ako at balikan siya, pero nasira na ito tulad ng meron kami ni Thalia ngayon, umiiyak siya sa harap ko habang ako di makagalaw. “Duwag ka Jino, Duwag ka! mas mahaba birdy ko sayo. Mas may birdy pa ako sa'yo.” Sabi niya sa akin. “Para kang 'yang baril na yan, akala mo matapang pero peke pala.” Sabi niya sa akin at saka siya tumalikod habang umiiyak. Pinanood ko lang siya na maglakad gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa, I watched her disappear from my sight.  Tama, ito ang tama kong gawin. Sorry Thalia, babawi ako sayo soon, pag natapos ang lahat ng ito babalikan kita, I promise you... I’ll comeback for you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD