Chapter 17

3229 Words
THALIA MENDEZ - YOSHIDA HINDI ako umuwi sa bahay nang gabing 'yon, dumiretso ako sa bahay ni kuya. Habang naglalakad ako pauwi ay hindi ko mapigilan ang umiyak ng umiyak. Ilang beses ko nang tinanong sa sarili ko kung bakit ganoon ang ginawa niya. Kung may mali ba sa akin? Or kung masyado ba akong naging kumpante. Humawak ako sa tiyan ko, "Gustong gusto kong sabihin sa Daddy mo na nandito ka na pero mas mahalaga ang sarili niya." Giit ko sa aking anak. Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ko si kuya Anastacio, busy na nanonood ng basekball. "Kuya..." tawag ko sa kanya, agad niyang binaling ang tingin niya sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin at lumapit siya. "Bakit nagpaulan ka?" tanong n'ya muli sa akin, "At bakit umiiyak ka rin?" dagdag pa niyang tanong sa akin. "Kuya, ang sakit-sakit dito." Giit ko at tinuro ko ang puso. "Kuya ang sakit-sakit pala..." Iyak ko sa kanya, agad niya akong yinakap ng mahigpit. He didn't ask any questions, sa yakap niya ay mas lalo akong umiyak ng malakas."B- bakit parang ako lang 'yung nahulog? Bakit ako lang 'yung nagmahal?" tanong ko sa kanya. "Dahil mabuti kang tao. Nakikikita mo 'yung mga bagay kamahal- mahal sa isang tao kahit puno siya ng flaws. Hindi mo kasalanan kung 'di ka nila nakita sa paraan na nakita mo sila." Giit niya sa akin. "Akala ko nakikita ako ni Jino na taong makakasama niya habang buhay. Ba- bakit biglang ayaw na niya?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya, "Sinaktan ka niya?" tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kanya, "Ayaw na niya, ang sabi niya hindi daw talaga siya kayang magpaka-lalaki." Iyak ko sa kanya. Muli ay yinakap niya ako ng mahigpit. "Ang gagong 'yan, bakla pala talaga siya." Giit niya sa akin. "Gusto mo bang kausapin ko siya, Thalia?" tanong muli ni kuya sa akin. Umiling ako bilang sagot, "Huwag na. Kinausap ko na siya, umasa akong magbabago ang isip niya pero hindi... siguro nga baka ako ang dapat magising. Ako ang dapat yumakap sa katotohanan at hindi siya." "Pero ikaw na ang katotohanan! Thalia, mag-asawa na kayo!" "A- alam ko, sa simula naman ay parehas naming 'di ginusto 'to. Nauna lang ako yumakap at tumanggap, nauna lang ako magmahal, pero 'di talaga namin gusto 'to. Si- sino ba ako para pigilin ang pagyakap niya sa realidad niya? Hindi siya lalaki, bakla siya."  Hinawi niya ang buhok ko, "Gusto mo bang matulog dito ngayong gabi?" tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya bilang sagot. "Pwede mo ba ako kantahan ulit gaya nung bata tayo? Pag malungkot ako, kuya?" tanong ko sa kanya. Muli ay ngumiti siya sa akin. "Oo naman... sa tingin ko kailangan mo talaga magpahinga ngayong gabi." Giit niya sa akin. ***** “ITO na ba lahat ng gamit mo ha?” tanong sa akin ni Kuya, napagdesisyunan ko na umalis na lang sa bahay namin ni Jino. Wala nang patutunguhan ang katangahan na 'to. Hindi na dapat ako sumubok pang lumaban at harapin na lang mag-isa ang bukas. Wala din namang mangyayari e. Atleast nabigyan ko pa ng apo ang Lola ko. Atleast, at the end of the day, the goal is done right. Gusto lang naman ni Lola ang magka-apo kaya ito, pinirmahan ko na rin ang papel at agad na pinadala kay Jino kahapon. Pina-1 day delivery ko sa LBC kasi mukhang atat na atat naman siya. Kasi wala naman na akong nagawa nung tinutukan ko siya ng baril eh, masyado lang akong nagmukhang desperado. Napamukha lang sa akin na wala na talaga. Hindi ko na dapat ipaglaban pa ang lahat. “Oo kuya yan lang po.” sabi ko sa kaniya at muli akong nahiga sa kama. "Tumayo ka na diyan at sumakay na sa van." Giit sa akin ni kuya, umiling ako, "Hindi ako makatayo, malungkot ako." Sagot ko sa kanya.  "George... are you really moving out?" Napatingin ako at nakita ko si Marco na nakatayo sa pintuan. "Marco, nandito ka pala." Giit ko sa kanya, umupo ako at pinilit kong ngumiti. "Yep, I came here because I heard that you and Jino called it off. Hindi sumasagot ang loko sa tawag ko kaya dinalaw na lang kita. Pero pagdating ko dito ay nagulat ako at nagmu-move out ka na." Sabi niya at umupo siya sa gilid ng kama. "Iwanan ko muna kayo para mag-usap. Ipapasok ko lang 'tong maleta sa truck." Paalam ni kuya. Tumango ako sa kanya at saka binaling ang tingin ko kay Marco, "Oo tama, naghiwalay na kami. Pina-LBC ko na kahapon 'yung annulment papers." Giit ko sa kanya. "Bakit? Is there any problem?" tanong niya sa akin. "Hindi niyo na ba masosolusyonan 'yon? Did Jino cheated on you?" sunod- sunod n'yang tanong sa akin. Umiling ako sa kanya bilang sagot, "Sa tingin ko magkakaroon din si Jino ng lakas ng loob umamin sa inyo kung bakit." Giit ko sa kanya, hindi ko napigilan at tumulo na naman ang luha ko. "George..." He called my name out and hugged me. "I will punch that bastard when I saw him. I promise." Giit n'ya sa akin. He held my hand, "Nandito lang ako para sa'yo. Kung kailangan mo ng kaibigan kahit alam ko ang dami mo ng kasangga, I'll be here, George." Giit n'ya sa akin at saka siya ngumiti. "Maraming Salamat, Marco." "Walang anuman, kailangan niyo ba ng tulong sa pag-lipat ng gamit. I can lend my muscles." Giit niya sa akin at saka siya ngumiti. Sasagot sana ako pero, "Oo tangina ang daming gamit ng kapatid ko." Sabat ni kuya Tasyong sa kanya at saka tumingin sa akin. "Bakit sa iisang box mo nilagay ang ibang gamit. Akala ko ang gaan-gaan potek, napakabigat pala. Kaya pala ang kaunti ng boxes." Reklamo niya sa akin. "E sabi mo pagkasyahin ko lang para ilang buhatan lang!" Sagot ko. "Pero sana inisip mo braso ko!" singhal niya muli sa akin. Napasimangot ako, kumuha si kuya ng isa pang box na nakalapag sa sahig at binuhat ito. Nadinig ko ang mahinang tawa ni Marco. "Hoy, anong ginagawa mo dito?" Putangina ang kapal ng mukha mo! Matapos mong saktan ang kapatid ko! Gago ka! Nadinig namin ang malakas na boses ni kuya Tasyong at nandoon si Jino. Humihingal pa 'to habang nakatingin sa amin, dala-dala ang papel na kahapon lang ay pinirmahan ko. Magsasalita na sana siya pero inundayawan siya ni kuya ng suntok. Napaupo siya dahil doon, malakas si kuya Tasyong ko, leader 'yan ng gangsta sa kanto. "Sabi ng gago ka e! Bakit 'di mo ako pinapansin ha? Hayop ka!" sunod- sunod nitong singhal. Agad akong tumayo at pinigilan si kuya. "Kuya, h'wag mo na siyang saktan." Giit ko sa kanya at tumingin ako kay Jino. “Hindi eh, ginago ka matapos kang butasin aalis, e mas masahol pa to sa bakla e!” sigaw ulit ng kuya “tama na kuya, kahit magalit ka diyan hindi yan magbabago” pag-awat ko kay kuya. Tumayo na si Jino at saka tumingin sa akin.   "Ano pang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.  "Thalia! Huwag mong sabihing--" "Kuya! Please, gusto ko lang tanungin kung bakit siya nandito." Nadinig ko ang pagbuntong hininga niya, "Let's them talk." Giit ni Marco at saka hinila si kuya Tasyong, at ang maleta ko na hindi pa naibababa. Malakas talaga siya, sabagay nagwu-work out sila nila Jino, walang mintis, at palya. Napapikit ako at saka ako tumingin kay Jino. "Anong ginagawa ni Marco rito?" tanong niya sa akin. "Hindi ba dapat ay wala ka ng pakialam doon?" sagot ko naman sa kanya pabalik. "Tapos na tayo gaya ng nais mo." Sambit ko sa kanya at saka ako napapikit. Wala na, tapos na kami.  “Bakit ka aalis dito?” tanong niya sa akin. "Bakit kailangan mo pang umalis sa bahay natin? You can stay here."  “Ano pa bang dahilan ko parang manatili? At saka para magka jowa ka mayroon kayong tirahang dalawa. Mas maganda kasi kung dalawang taong nagmamahalan ang tumira rito.” Giit ko sa kanya. Umiwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko sasabihin na nagdadalang tao ako dahil alam ko na baka maging hadlang ito sa tinatawag niyang kaligayahan niya. I don't want to force him, to make him come back because there's a threat. This baby is the threat that will make him come to me without his own accord. "Kuya Anastacio! Umalis na tayo!" Sigaw ko at saka ako naglakad palabas ng kwarto. Wala naman na akong kukunin dahil sarili ko lang ang dala-dala ko at mukhang naibaba na ni kuya Tasyong ang lahat. "Sige! Binuksan ko na ang aircon sa van." Nadinig kong sigaw niya mula sa labas, nagtuloy- tuloy ako palabas at saka nagtangkang pumasok sa van.  “Thalia!” tawag niya sa akin, natigil ako sa ginagawa ko at lumingon ako sa kaniya. “Naniniwala ka naman sa akin diba?,’ tanong niya sa akin. Hindi na lang kumibo, hindi din ako tumango at sumakay na agad sa van ni Kuya. He was looking at me, na tila ba mayroon siyang gustong sabihin. Napabuntong hininga na lang ako habang umuulit sa utak ko ang sinabi niya pero agad kong winaglit iyon. Nakita ko pa na tinapik siya ni Marco sa braso at may binulong siya rito.  "Ayaw mo na ba talaga siyang kausapin?" tanong ni kuya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kanya. "Bilisan na natin kuya, baka nag-aantay na si Lola sa atin." Giit ko sa kanya. Pinaandar ni kuya ang sasakyan at saka sumunod ang maliit na truck na nirentahan nila ni Lola para sunduin ako. Buong byahe ay wala akong ginawa kung 'di ang mag-isip, kung hindi ang lumingon sa likod. Napapikit ako, "Ito ang tama, Thalia..." Bulong ko sa sarili. Nakita kong papasok kami ng malaking subdivision,  “Sigurado ka bang okay ka lang?  Sana hinayaan mo na ako na bugbugin ang lalaking yon kanina. Buntis ka tapos ginawa n'ya to.” Sabi sa akin ni kuya. "Wala ka bang balak sabihin sa kanya na nagkaroon ng bunga ang pagsasama ninyo?" tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya, "Ayokong maging sagabal sa kaligayahan niya." Sagot ko sa kanya.  ***** LUMIPAS ang apat na buwan, napakabilis ng panahon, apat na buwan at wala akong balita kay Jino. Sinusubukan kong i-check ang f******k at ** niya pero walang update, halos apat na buwan na rin siyang walang update. At ako, malaki na ang tiyan ko.Hindi naman kasi agad nawawala yun eh, pakiramdam ko kasi habang buhay na yung magiging future namin. Malay ko bang magiging ganito ang story namin, kahit kinasal na kami ay naghiwalay pa rin kami. Siguro ito talaga, 'di pwedeng isa lang ang maligaya.  Kumatok si Lola Criselda sa kwarto ko at saka binuksan ang pintuan. "Kumusta ka naman ngayong araw?" tanong n'ya sa akin. "Mabuti lang po, Lola." Giit ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at saka umupo sa aking kama, "Pasensya ka na at napasok kita sa sitwasyong 'to. Hindi ko akalain na aatras pa rin si Jino." Giit n'ya sa akin, ngumiti ako, pinilit ko ang ngumiti. "Ang mahalaga Lola magkakaroon ka na ng apo. Ito na ang pangarap mo." "Pero malungkot at nasaktan ka naman apo. Minahal mo si Jino pero hindi 'yon ang nangyari sa pagitan ninyo." Sambit n'ya sa akin. "Lola, huwag ka ng malungkot. Magiging okay din ako lalo na siguro pag lumabas na ang anak ko. Huwag ka ng malungkot kasi mas nalulungkot ako e." Giit ko sa kanya, yinakap niya ako ng mahigpit. "Huwag kang mag-alala apo. Hindi ko kayo papabayaan ng aking apo-apohan." Paninigurado niya sa akin. Kumatok ang katulong ni Lola sa kwarto at bahagya ito sumilip. "Ma'am Thalia, may bisita ho kayo." Giit niya sa amin. "Sino daw po? Wala naman akong expected na bisita ngayong araw." "Demi daw po ang pangalan e. Ang sabi n'ya kaibigan niyo raw po siya." Giit n'ya sa akin. Napakunot ang aking noo, "Bakit naman ako hahanapin ni Demi?" "Sige po, bababa ako para kausapin siya. Pakisabi saglit lang po." Sabi ko sa kanya at tumingin ako kay Lola. "Sino daw 'yon, apo?" "Bestfriend po na babae ni Jino. Hinahanap raw niya ako." "Sige, kausapin mo muna siya. Tawagin mo na lang ako kung kailangan mo ng tulong." Giit n'ya sa akin at saka siya ngumiti. Nakita ko siyang nakaupo sa may sofa habang tinitingnan ang kanyang kuko. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya, lumingon siya sa akin at napaawang ang labi niya. "OMG, are you pregnant?" tanong n'ya sa akin sa pinaka-maarteng pagsasalita na kaya n'yang ibigay.  “Mukha ba akong busog ha?” tanong ko pabalik sa kaniya. "Oo buntis ako, maglilimang buwan na." Giit ko sa kanya at saka ako mahinang ngumiti. "OMG, alam ba 'to ni Jino?" Giit niya at lumapit sa akin.  Umiling ako bilang sagot. "Hindi na niya kailangang malaman 'to. Ayokong makasira sa kaligayahan ni Jino, Demi." Sagot ko sa kanya. Napa-facepalm siya at napakamot ng ulo ko. "Bakit hindi mo sinabi?! Damn, Thalia! Malaking tulong sana ang pagbubuntis mo para 'di matuloy ang bullshit na pinasok ni Jino. Japan is f*****g conservative country, please set their p**n aside." Giit niya sa akin. Napakunot ang aking noo, "Ano bang sinasabi mo sa akin? At saka hindi na dapat malaman 'to ni Jino. Ayokong mapwersa siyang talikuran ang kanyang sekwalidad dahil lang sa buntis ako." "Damn it! Napaniwala ka ba talaga ni Jino na bakla ulit siya! That man is having a f*****g erection because of you. There's no way he's gay again!" Giit n'ya sa akin at saka niya kinuha ang tubig na nakalapag sa lamesa. "Anyway, kailangan mo 'tong basahin. You need to use your pregnancy wisely. No! I f*****g need you to use your pregnancy wisely!" Giit niya sa akin at inabot n'ya ang dyaryo sa akin. Isa itong international newspaper kung saan mayroong balita ukol sa iba't ibang bansa.  Nakita ko ang malaking picture ni Jino katabi ang isang litrato ng babae na haponesa din. Jino Yoshida, the son of  the famous Yakuza Leader, and CEO of Hitari Electronics, Haruto Yoshida will  marry Miyaka Fujiwara, the daughter of their biggest rival group to save the falling empire of Yakuza system in Japan. Napatingin ako sa kaniya, "Ikakasal si Jino?" tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. "Jino didn't cool it off to you because he is gay. He called it off because of his Father and Mother being in the middle of a Yakuza War in Japan. Naghihingalo ang grupo ng Tatay niya, at samu't sari ang threats na nakukuha nito. It almost killed him at na-comatose ito ng sampung araw dahil doon. His Mom got worried and asked Jino to help his Dad, to save his Dad. Hiniwalayan ka niya dahil dito at ngayon mapapako siya sa kasal kasama ang isang haponesa na hindi daw marunong mag toothbrush!" Giit niya sa akin “Gano’n ba?” tanong ko sa kaniya at nilapag ko ang dyaryo.   “Wala ka bang gagawin para kay Jino ha?” tanong niya sa akin. Wala ba akong gagawin? Maiinis ba ako sa kaniya ngayon? Actually di ko alam ang dapat na maramdaman ko. Hello! Sa biyernes na ang kasal nila tapos ngayon ko lang malalaman! Ano bang gagawin ko? Iiyak ba ako? Matutuwa at mali talaga ang rason kung bakit niya ako iniwan? Kahit naman anong gawin ko, late na. Wala na akong magagawa. Isa lang akong boyish na buntis, 'di ko kayang lumaban sa isang grupo ng Yakuza. Hindi ako Martial Artist! Umiling ako sa kaniya. “Wala na akong magagawa diyan Demi. Gusto ko ng magpahinga,” sabi ko sa kaniya. “Salamat  na lang sa impormasyon at pagbisita,” dagdag ko pa sa kaniya. Nang makaalis na siya napabuntong hininga na lang ako. Nag-isip isip ako ng matagal- tagal, tinantya ko kung kaya ko ba ang naiisip ko. May magagawa ba ako? Hindi ba ako papatayin ng Yakuza doon? Napabuntong hininga ako. "Nakailang buntong hininga ka na apo." Giit sa akin ni Lola. "Pinag-iisipan mo ba ang sinabi ni Demi sa'yo?" tanong n'ya sa akin. "Hindi sinabi ni Jino sa akin ang problema niya." Giit ko kay Lola. "Diba dapat alam ko 'yon kasi mag-asawa kami? Hindi ko man lang alam na nasaktan na pala 'yung inlaws ko, na nahihirapan siyang mag-isip ng solusyon. Wala akong idea, Lola." "Hindi mo kasalanan kung wala kang alam. Maybe, Jino doesn't want to bother you." Sagot niya sa akin.  "Mali ba na sumuko ako agad Lola?" tanong ko sa kanya. She smiled, "Yon ang akala mong tama. Akala mo kaligayahan ni Jino ang maha-hamper mo diba?" tanong niya sa akin, tumango ako sa kanya. "Ngayon, anong naiisip mo?" tanong niya muli sa akin. "Sa tingin mo ba kaligayahan pa rin ni Jino ang hinaharang mo?" tanong n'ya muli sa akin. Umiling ako bilang sagot kay Lola, "Hindi po. Sa totoo n'yan, naiisip ko na baka nga mahal niya ako. Na baka parehas kami ng nararamdaman. Lola gusto kong ipaglaban kaso lang baka huli na po ako." Hindi ko napigilan ang lumuha. "Apo, limang araw pa bago ang kasal niya tapos mayaman pa ako. Bakit ka mahuhuli kung kaya namang kitang gawing una?" tanong n'ya sa akin.  "Lola, ano pong ibig sabihin mo?" "Siguro kaya pinapunta ni Lord si Demi dito para sa'yo. Para ipaalala sa'yo na si Jino at ikaw ay para sa isa't isa. Do not let the opportunity to fight for your love falter, apo." Giit n'ya muli sa akin. Tama si Lola. Magfa-five months pa lang ang tyan ko kaya ko pang makipag sipaan sa mga Yakuza. Sigurado na ako sa gagawin ko sa'yo Jino, hindi ako papayag na matapos ang kasal mo na 'di kita nasisipa sa itlog at nababaril. Babarilin talaga kita, itututok ko ang baril sa sentido mo at di ko bibitawan hanggang sa di ka sumusunod sa akin pa Manila. Wala akong pakialam kung 'di romantic o parang desperada sa isang babae na katulad ko. Kasi 'di naman ako pure na babae, manly ako. At kung kailangan kong daanin sa dahas si Jino gagawin ko total nagsimula naman ang lahat sa pagtutok ko ng baril sa sentido niya edi gano’n ko na rin tatapusin iyon “Thalia, apo saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Lola kakamonologue ko nakalabas na pala ako ng bahay. Ngumiti ako sa kaniya, “sa tindahan sa tabi lola, bibili ako ng baril. Magandang baril at mamahalin na bari." Sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti. “Bakit ka bibili ng baril, apo?” sabi niya sa akin. “Kung 'di mo madaan sa santong dasalan, daanin natin sa santong barilan.” Sagot ko kay lola at saka ako umalis ng bahay. Humanda ka Jino Yoshida, mamatay ka sa takot sa baril ko. This time toy gun na 5.56 ang bibilhin ko!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD