Chapter 15

3295 Words
 THALIA MENDEZ -  YOSHIDA “OMG! OMG! Talaga ginawa niyo na?!” halos mabingi ako kay Girly, grabe kasi ang sigaw niya sa akin ngayon. Oo, andito ako sa may terminal nakatambay ako dito, kasi naman ang kuya madalas na daw talaga ngayon dito kaya dito din ang bagsak ko. “Oo nga! Ang kulit naman! Bakit kailangan bang isigaw?” tanong ko sa kaniya. “Oo s**t! Tell me, tell me, something I don’t know!” kinikilig niyang tanong sa akin. “Basta ang alam ko mahal na namin ang isa’t isa tapos sabi niya sa akin papanindigan na daw talaga namin ang kasal” sabi ko sa kaniya habang kinikilig din ako. “Shet! Thalia! Babae ka na!” sigaw niya sa akin, yinakap pa niya ako sa sobrang tuwa niya. “Ano pa? ano pang sabi niya dali?!” sigaw niya muli sa akin halos alugin na niya ako. “Hmmm.. Pag hihiwalayan daw niya ako pwede ko daw siya barilin saka patayin” Sabi ko sa kaniya “OMG! OMG! Kinikilig talaga ako! sa in highest level todo na to!! minsan naman dalhin mo si papa Jino dito!” sabi niya sa akin. “Pero teka! Pagkatapos niyo ba sa Bali ay ginawa niyo pa ba ulit?” tanong niya sa akin.Tango ang sinagot ko sa kaniya. “Makailang beses pa naming ginawa,” sagot ko sa kaniya. “Pero ‘di naman masama ang dating diba?" Dagdag kong tanong sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang mamula, nakakahiyang pag-usapan ang ganitong bagay. Lalo na pag naalala ko ang mga ginagawa niya. “Anong masama E mag-asawa naman na kayo. Nakakakilig kaya siyang pakinggan lalo na't bakla siya at tomboy ka. It seems like nag-adjust ang universe para sa preference niyo at ginawang possible ang isang taboo.  Teka nga, nung ginawa niyo ba iyon e may condom?” tanong niya sa akin. “Mag preno ka nga sa mga sinasabi mo sa akin, Girly!” Suway ko sa kaniya, diba dapat inis ako kasi masyadong bulgar ang mga sinasabi  niya sa akin? Natawa siya sa akin at mahina akong tinapik. “Aba naninigurado lang ako dahil gusto ko ng makapag-ipon o para makapag-ipon na ako para sa magiging inaanak ko!” sabi niya sa akin. Umiling ako sa kaniya, Oo wala kaming gano’n pag ginagawa namin 'yon. Hindi naman kasi bothered si Jino at saka isa talaga 'to sa dahilan kung bakit kami nagpakasal dalawa. Ang magka-anak para sa mga lola namin, pero mas special na nga lang ngayon kasi... mahal na namin ang isa't isa. Muli na naman akong kinikilig.   “Pero teka lalaki na ba siya o beki pa rin?” She asked me. “Minsan pabeki, minsan manly. I mean ngayon mas madalas ng manly.” sagot ko sa kaniya. "Girly, paano kung maging girly na rin talaga ako. Hindi naman siguro masama kung magbago na rin ako diba? Gusto ko na maging maganda at mabuting asawa ako para kay Jino." Sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom siya. "Oo naman! Walang masama doon, Thalia! Alam mo ang love binabago tayo niyan. Hindi masamang magbago lalo na kung gusto mo talaga. As long as he's not forcing you, grab it. Ika nga!" Giit niya sa akin. "Wow, english!" Natatawa kong giit sa kanya. "Aba masanay ka na at inglesero 'yang asawa mo." Pabiro niyang sambit sa akin. “Ito na yung sisig egg!” sabi ni Badong pinabili kasi namin siya sa PUP Main ng sisig egg paborito kasi namin to ni Kuya, pag dadalaw si Jino dito ay ipapatikim ko sa kaniya  ang mga pagkain na 'to. I'm pretty sure mai-enjoy n'ya 'to. Hindi ko nga lang din alam kung natikman na ba niya dahil mayroon din siyang mga kaibigan rito. Tinuon ang attention ko sa sisig egg, bakit parang ang baho nito? hindi ko maintindihan pero parang umiikot ang sikmura ko. Hindi naman ako ganito dati, favorite ko ang sisig egg, in pork and chicken style pero bakit ganito>? “May problema ba, Thalia?” tanong sa akin ni Girly. "Ang tapang ng amoy ng sisig? Hindi ba 'to panis?" tanong ko sa kanya. Napakunot ng noo si Girly at tumingin kay Badong. “Mabaho? Badong hindi ba panis tong binili mo?” tanong niya kay Badong, umiling ito at saka lumapit sa akin.  “Oo naman kakaluto lang niyan, pinadagdagan ko pa ang itlog. Bagong bago 'yan, promise! ” sabi naman ni Badong. "Ayoko kainin 'to. Badong, pwede bang bilhan mo na lamang ako ng ginisang ampalaya?”sambit ko kay Badong. "Sige, pero diba paborito mo ito?" tanong ni Badong sa akin. Tumango ako pero... "Hindi ko siya feel kainin ngayon, Badong!" Sagot ko sa kanya.  Pinipilit ko na ang lumunok dahil para akong nasusuka na hindi. Bigla din akong nakaramdam ng hilo dahil sa naamoy ko. “Ano bang nangyayari sa'yo?” tanong ni Girly sa akin “Kukuha lang ako ng tubig Girly nahihilo ako eh” sabi ko sa kaniya at saka ako tumayo kason lang nahinto ako sobrang sakit talaga ng ulo ko at nahihilo ako ng bongga. Bakit ba ako nahihilo sa tuwing nakakaamoy ako ng sisig? At bakit grabe naman ang hilo ko ngayon?  Sobra naman ata ang hilo ko, bigla na lang nandilim ang paningin ko at natumba na ako. **** “MABUTI naman at gising ka na.” bumungad sa akin si Jino na nag-aalalang nakatingin sa akin. “Anong nangyari? Kanina lang ay nasa Terminal ako? Sinong naghatid sa akin rito?” tanong ko sa kaniya “Tumawag sa akin ang kuya mo, sabi niya nahimatay ka habang nakikipag-chismisan kay Girly. Kaya 'yan pinuntahan kita at inuwi na lang. Sumama din pala ang kuya mo kasi gusto niyang masigurado na wala kang sakit. Alalang-alala s'ya dahil 'di ka gumising agad. Ang tagal mong natutulog at parang ang sama ng pakiramdam mo. Ano bang kalokohan ang pinaggagawa mo ha?” Puno ng pag aalalala ang boses ni Jino sa akin. Hindi ko maiwasan ang kiligin. Napangiti ako sa kaniya “Wag kang mag-alala okay na ako ngayon. Hindi na ako nahihilo.”Sabi ko sa kaniya. “Gosh! Nasira ang nails ko para lang mag rush papunta sayo. Sa susunod kapag masama ang pakiramdam mo huwag ka ng tumuloy na umalis.” Bilin niya sa akin nakita ko ang pagtingin ni Jino sa kuko niya inirapan ko lang siya at tinangkang baliin ang kuko niya pero nakailag siya. Tumingin ako sa paligid, nandito ako sa bahay namin dati. "Hindi naman masama ang pakiramdam ko pag-alis ko. Pumunta naman ako doon dahil gusto ko sana ng sisig egg na tinda sa PUP main pero nang mabili na ni Badong e nahihilo na ako at nababahuan ako. E' impossible naman 'yon dahil favorite ko 'yon. Then, nahilo na ako pagkatapos." Giit ko sa kanya. “Si Kuya?” tanong ko sa kaniya saka ako naupo. "Umalis na ba siya?"  “Bumili siya ng dinner natin dahil 'di ka pa nakakain. Sa sabado aalis tayo para magpa-check up. Baka mamaya ay may sakit ka.” sabi niya sa akin. “Nahilo lang ako, ‘di ko na kailangan na magpacheck up. Healthy ako, Jino. Siguro ay natapangan lang talaga ako sa amoy ng sisig egg.” Sagot ko sa kaniya “Nahihilo ka na puro Ice cream na ang nasa tyan mo,” sita niya sa akin. “Pinagaalala mo ako,” sabi niya sa seryosong boses. “Sorry. Sa susunod 'di na kita pag-aalalahin.” Nakangiti kong giit sa kanya. He cupped my face in kissed me in my lips. “Oh mamaya na yang lambingan niyo! Maghapunan muna kayo,” sabi ni Kuya sa kaniya.  “Walang ibang ulam kaya ginisang ampalaya ang nabili ko total 'yan ang pinabili mo kay Badong kanina. Kumusta ka na?” Tanong ng kuya ko sa amin. Para naman akong naglaway dahil sa sarap ng binili niyang ulam. "Okay lang naman. Tara kain na tayo, gutom na gutom na ako." Aya ko sa kanilang dalawa. Kulang na lang e ibuhos ko lahat sa plato ko ang nabili niyang ulam. Kailangan tuloy niyang bumili ulit ng pagkain. Buong oras na kumakain kami nakatingin lang si Jino sa akin minsan ngingiti minsan mapapaisip siya. “May problema ba Jino ha?” tanong ko sa kaniya. He held my hand, “napansin ko may bago kang pimple,” pang-aasar niya sa akin at saka siya tumawa ng malakas.Inirapan ko na lang siya. Matapos kong maubos ang ulam napagpasiyahan na naming umuwi. Dumiretso ako sa kwarto ni Jino kasi do’n na ako natutulog mula ng manggaling kami sa Bali. Nakakakilig no? He kissed me in my head. “I Love you,... sabi niya. Napangiti ako sa kaniya, ‘I Love you too!” sagot ko sa kaniya,napansin ko na tumulo ang luha niya. “Bakla mo rin no? bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kaniya. He shut me up by kissing my lips. “Mahal kita, always remember that you are always in my heart.” Sabi niya sa akin as he placed another kiss on my lips. Yinakap niya ako at nakatulog ako na nagtatago sa bisig niya. ****  KANINA pa kausap ni Jino ang Papa niya sa cellphone, para nga silang nagsasagutan sa phone eh. Sinubukan kong makinig pero house rules pala kami ni Jino na respect each others privacy kaya hinihintay ko na lang siya na matapos makiupag usap sa Daddy niya. Kumain muna ako ng Ice cream habang hinihintay ko siya. “Oh s**t!” malakas na mura ni Jino at nagtatakbo siya paakyat sa kwarto namin. “Jino, anong nangyari?” tanong ko sa kaniya at sinundan ko siya pero nakita ko lang siya na nagbuklat ng maleta niya. Nagmamadali pa siya na para bang mauubusan siya ng oras kapag hindi niya nailagay ang mga damit niya do’n. “Bakit ka nag-i-impake?” tanong ko yan kay Jino at dahan dahan siyang tumingin sa akin, bumuntong hininga muna siya bago siya sumagot sa akin. “May nangyari sa Japan, Dad needs me to help him. I just need to check him out.” nanginginig niyang saad sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya, kasi parang naninginginig siya habang nagaayos ng damit. “Ano bang nangyari ha?” tanong ko sa kaniya. “Nothing, for you to worry about, its just about Dad and our family.” sagot niya sa akin at saka niya binitawan ang damit niya at yinakap ako ng mahigpit. “Ilang araw ka do’n?” tanong ko sa kaniya. He smiled at me, ‘few days baka isang linggo. I don’t know but I’ll be back,” sagot niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi ko. “Siguraduhin mo lang kung hindi babarilin kita,” sabi ko sabay turo sa sentido niya, ngumiti lang siya at yinakap ako ulit. “Pag balik ko masaya ka na ulit at kung sakaling ‘di man ako bumalik you can shoot me!” sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa ulo ko. “Paano kita babarilin kung ‘di na babalik?” tanong ko sa kaniya. “I will comeback for you to shoot me,” sagot niya sa akin. Napangiti ako at namula, bakit ba nung naging Manly siya eh parang naging matino at mapick up lines na siya, tinalo na niya ang Bhossxczz Astigzc—teka nakalimutan ko ang spelling, natalo na niya si Kuya sa kadugyutan ng pick up lines. Pinanood ko na lang siya na magimpake ng mga oras na iyon. Nakangiti ako sa kaniya habang nanonood pero ang pagaalala sa mata niya halata ko iyon. Pagkatapos niyang magimpake umalis na siya agad. Ang sabi niya sa akin tatawag na lang siya pag nakarating na siya ng Japan, ilang oras pa lang ng umalis siya namimiss ko na agad siya. Umupo na lang ako sa sofa at nakaramdam ng antok kaso bago ko ipikit ang mata ko nakaramdam ako ng pagsusuka. “Ohmmp—” tumakbo ako agad sa CR at saka ko nilabas ito. Bakit naman ako magsusuka? Nagtagal pa ang ilang araw, di pa rin tumatawag at nagtetext si Jino sa akin.Sabi ni Demi sa akin pinapakamusta lang daw niya ako kasi sa sobrang dami niyang ginagawa wala na siyang oras. “Teka nga, ‘di ka pa ba nagpapacheck up?” tanong sa akin ni Girly, dinalaw kasi niya ako sa bahay ngayon. Nagrereklamo kasi ako sa kaniya tungkol sa weird na nararamdaman ko sa katawan ko, pakiramdam ko may sakit ako. “Ano bang kailangan kong ipacheck up wala naman akong lagnat?” tanong ko sa kaniya.  “Gaga! baka buntis ka?!” sigaw niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. “Buntis ako?” tanong ko sa kaniya “Pero diba babae lang nabubun—aray!” sigaw ko sa kaniya. “Babae ka na!” sabi niya sa akin. "At magiging nanay ka pa!" “Pero seryoso ka ba?” I asked her.  “Aba malay ko sayo dahil katawan mo ‘yan. Ikaw ang pinapasukan ng birdy ni Jino, in out pa hindi naman ako! Ano ba sa pakiramdam mo?” tanong niya sa akin “Nagsusuka ako pag umaga, ayoko ng amoy niya minsan, at mahilig ako sa Ice cream. Tapos ‘di na kasiya yung pantalon ko sa akin, lumaki din ng onti ang dibdib ko.” Sabi ko sa kaniya at tumingin ako ng may halong pag-aalala. “Nakakahilo ba ang pagtaba?” tanong ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya, nagmura muna siya bago niya ako malakas na binatukan. “Magbihis ka! Magpapa-check up tayo sa clinis doon sa kanto. Ngayon na!” aya niya sa akin at hinila niya ako para bumangon.  Agad ko naman na ginawa ito, kung sakaling buntis nga ako? Aba may birdy nga si Jino, at may laman ang birdy ni Jino! Malamang ilang beses niyo pa naman ulitin matapos sa Bali sino bang di majujuntis ha? Hinawakan ko ng mahigpit ang cellphone ko at pumunta kami ni Girly sa Hospital. Magpapa-check up ako, ano na lang ba ang gagawin ko kung buntis ako? Matutuwa kaya si Jino sa balitang iyon? O' kakayanin ko bang maging nanay? Hindi ko alam kung kaya ko 'yon kasi napaka-vague ng memories ko kay Mama. “Mrs. Thalia Yoshida?” tanong ng isang nurse sa akin.  “Tara na gurl! Ikaw na ang ichi-check up!” Aya naman ni Girly sa akin at pumasok na kami sa loob. Kung ano – anong test ang pinaggagawa nila sa akin pero naman na nabasa iyon. “Ayon sa results di ka naman dapat kabahan” sabi niya sa akin. “Ano po bang meron sa akin? Nasapian na ba ako?” tanong ko sa doctor. “Nothing wrong with you Hija, you are a month pregnant” sabi niya sa akin. Nalaglag ang panga ko kasama ngipin at dila.  “Ano?! Buntis ako?! Teka lang may lalaki bang nabubun—Aray Girly, kanina ka pa ah?!” napasigaw na ako kasi nabatukan ako ni Girly. “Babae ka nga!” sabi niya sa akin. "OMG! Magkakaroon na ako ng inaanak! Inunahan mo pa kami ng kapatid mo." Singhal niya sa akin. “Pero totoo po ba na buntis to?” tanong niya sa doctor tumango lang ito “reresetahan ko siya Vitamins okay” sabi ng doctor. Napahawak na lang ako sa tyan ko sigurado akong ikatutuwa ni Jino ito. “OMG! ibabalita ko to sa buong terminal!” malakas na sigaw ni Girly sa akin. “Manahimik ka nga dyan, dapat si Jino ang unang makaalam nito. Wala ka munang sasabihan na iba.  Si Mang Kose man o si Kuya.” sabi ko sa kaniya 'Pero maganda naman ang bal---" “Bawas-bawasan ang pagiging tsismosa, pag nasabi ko na kay Jino do’n mo lang sasabihin. Hayaan mo akong maamin ko muna sa asawa ko na buntis ako.” Sabi ko sa kaniya at saka ako nauna sa pagsakay ng jeep, todo bantay sa akin si Girly ako naman todo ingat, kasi masiyado akong masaya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jino. Matagal siya bago nakasagot. “Hello!” walang gana niyang sagot sa telepono niya. “Jino!” pamungad ko sa kaniya. ‘Thalia, bakit ka napatawag?” Tanong niya sa akin.  “Jino, may sasabihin kasi ako sa'yo, may nalaman ako kaso lang 'di ko alam kung paano ko sasabihin sa personal kaya sana dito na lamang sa phone.” sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti ng malaki.  “Thalia maari ba 'yang maghintay? May ginagawa pa kasi ako.” sabi niya sa akin. Dama ko ang pagiging seryoso ng kanyang boses. "Pero Jino..." "Thalia please! May mga iniisip na ako huwag ka munang dumagdag pakiusap!" singhal niya sa akin. Natahimik ako at nakagat ko ang labi ko. "I'm sorry, medyo busy lang talaga ako." "Okay... umuwi ka ng maaga na lang mamaya ha?" Giit ko sa kanya. "Oo uuwi ako, I promise." Bulong niya sa telepono. “Jino –San!” nakarinig ako ng boses ng babae.  ‘Oh.. Miyaka – Chan,” sabi niya, nadinig ko na parang nag- Japanese ang babaeng 'yon bago ibinaba ni Jino ang phone ng walang pasabi. Napakibit na lamang ako ng aking balikat at winaglit ang kaba sa dibdib ko. **** LUMIPAS ang tatlo pang araw, umaga no’n at nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Agad kong sinuot ang Jacket ko at inipit ang buhok ko, baka dumating na si Jino? Sobrang saya ko nung naisip ko iyon bumaba ako at nakita ko ang isang lalaki na naka blue na long sleeves. “Jino!” sigaw ko sa kaniya, Hindi siya lumingon agad akong tumakbo at yinakap siya ng mahigpit patalikod. “Jino, namiss kita!” sabi ko sa kaniya halos maiyak na ako. Alam kong baklang tingnan pero naiiyak talaga ako namiss ko kasi siya halos isang linggo siyang wala at nasa Japan, amoy airport pa siya.  “Jino,” di siya sumagot sa halip narinig ko ang malalim na paghinga niya. Dahan dahan niyang tinanggal ang yakap ko sa kaniya at humarap sa akin. “Thalia...” tawag niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, “Ang tagal mo namang dumating. Kanina pa kita hinihintay.” Saad ko sa kaniya pero hindi nagbago ang expression niya, nanatili siyang stoic sa akin. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” Sabi niya sa akin para akong naestatwa, kinakabahan ako sa sasabihin niya. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon. “Thalia, maghiwalay na tayo.” sabi niya sa akin. Para akong nahinto Teka, ano ba ang sinasabi niya? Bakit siya nag a-aya na maghiwalay kami? “Jino, hindi magandang biro yan” sabi ko sa kaniya. Nanatiling seryoso ang mukha niya. May nilabas siyang papel sa bag niya.  “Seryoso ako  sa sinasabi ko, Thalia. Maghiwalay na tayo. Ito ang tama nating gawin. Wala namang nang patutunguhan 'tong relasyon na 'to. I'm gay, and I can't change the way you changed.” Sabi niya sa akin tiningnan ko ang papel at nabasa ko ang Divorce do’n. Tumingin  ulit ako sa papel at may pirma na niya iyon akin na lang ata ang hinihintay “Hindi, Jino.. Hindi totoo yan! Sabi mo di ka—” “Ayoko ng makasama ka, na-realize ko na di ko talaga kayang maging lalaki na bakla lang talaga ako. Nadidiri ako pag kasama ka, di ko na masikmura, oh ano? Masaya ka na ba sa dahilan ko?” tanong niya sa akin.  Ano bang nangyayari sayo Jino? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD