3rd Person's POV;
"Wala akong pakialam sa posisyon niyo sa underground o kung ano mang kaugnayan niyo kay pinuno pero oras na ikapahamak yan ng taong tinuturing naming kapatid ibang usapan na yan." ani ng lalaking may pulang buhok habang nakatingin sa babaeng may pulang hood na pretenteng nakaupo sa ibabaw ng compartment ng kotse habang nakatayo naman ang lalaking kasama nito sa gilid ng kotse at matamang nakatingin sa dalawang lalaki.
"Madali lang naman gagawin niyo mag aala cupid lang naman kayo yun lang." bored na sagot ng babae bago bumaba sa kinauupuan nitong compartment.
"Bibigay ko lang sainyo yung place then kayo na bahala kung pano niyo madadala yung kaibigan niyo thats all.
"Hoy manager." napatingin ang binatang si Raid kay Derek ng at,sa batang nasa hita nito na sinusubuan.
"Paabot ng ketchup ng french fries basa harapan mo." ani ng binata na ginawa naman ni Raid.
"Pag aaralin mo ba si Alex?" tanong ni Raid na kinatingin ni Derek at ng batang babae.
"Ahh oo nga pala hahanap pa pala tayo ng scho---."
"Yehey papasok na ako ng school." tuwang tuwa na sambit ng batang babae na kinatingin ni Galvin.
"May alam akong pweseng pasukan ni Alex at 100% sure ako na safe pa siya dun." ani ni Raid.
"Yeah malapit din kasi yun sa police station mahigpit din ang securities." sabat ni Galvin na kinatango tango ni Derek.
"Enroll kita mamaya Alex?" tanong ni Derek sa batang babae.
"Opo Kuya Derek gusto ko na din kasi matutong magbasa at magsulat." excited na sambit ng babae.
---
"Ingat mga bata okay?" bilin ng teacher na si Allison bago kawayan ang mga estudyanteng nakasakay sa school bus.
Hahawakan na nito ang gate para buksan ng---.
"s**t!" mura ng dalaga ng bumukas yung gate at tumama yun sa noo niya na---.
"Hala sorry Ms. hindi ko sinasadya." ani ng lalaking nakahood at nakasuot ng sunglasses hahawakan nito ang dalaga ng tabigin yun ni Allison at tingnan ng masama ang lalaki na bahagyang natulala sa dalaga.
"Ikaw kuya matuto kang tumingin sa daanan mo! wala ng araw nakasunglasses ka pa kala mo ba nakakatuwa ka?" naiiritang sambit ng dalaga ng---.
"Teacher Alli bakit mo sinisigawan ang bisita natin at ganyan inaasta mo nakikita ka ng mga bata." biglang sulpot ng principal ng eskwelahan na kinangiwi ng dalaga at alanganin na ngumiti sa mga magulang at estudyanteng nakatingin sakanya.
"A-Ano ayos lang yun Ms. Principal kasalanan ko naman yun bigla kong binuksan yung gate na hindi ko man lang napansin na nasa kabila siya." pagpapakumbaba ng binata na kinairap sa kawalan ng dalaga ng makita ang pagkislap ng mata ng dalagang principal sa lalaki.
"Papa!papa!" napatingin ang binata at si Allison sa batang nagtatalon papalapit sakanila habang may hawak na papel.
"Papa look 5 lang mali ko pero sabi ni Teacher pasa daw po ako." tuwang tuwa na sambit ng batang babae dahilan para buhatin ito ng lalaki.
"Very good ang baby ko." ani ng lalaki bago harapin ang dalawang babae sa harapan niya at bahagyang yumuko.
"Pasensya na ulit Ms." ani ng binata bago yumuko at lampasan ang dalawa na kinatigil ng dalaga ng hindi sinasadyang mapatingin siya sa malapit sa wrist ng lalaki.
"Shit." mura ng dalaga habang nanlalamig na pinagmasdan ang lalaki na sumakay sa isang van na dumating habang buhat ang isang bata.
"Anong ginagawa ng isang Aragon dito?" bulong ng dalaga.
---
"Ano sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan Madison?" nanggigigil na sambit ng dalagang si Allison pagkatapos nitong hampasin ang lamesa na kinatingin ng mga costumer na nasa restaurant.
"Ano bang sinasabi mo?" patay malisyang sambit ng dalagang si Madison habang umiinom ng inorder nitong nestea.
"Wag kang mag maang maangan may nakita akong Ara---look Madison sinabi ko na ayokong mainvolve sa kahit na sinong Aragon lalo na ang madamay sa gulo nila kaya please lang tigilan niyo na ako." may diing sambit ng dalaga bago umayos ng tayo at mabibigat ang paang lumabas ng restaurant.
"Hanggang dito na lang ang magagawa natin Madison." ani ng lalaking nakapamulsahang lumapit sa table ng dalaga.
"Pero Aidan ito lang ang paraan para---."
"Matatakasan ng kakambal mo ang tinakda natin para sakanila pero yung nakatadhana kahit anong tago at iwas niya hinding hindi niya yun matatakasan." putol ni Daimos sa bago umupo sa harapan ng dalaga at ngumiti.
"Kaya hayaan na natin sila tama ng ikaw ang gumawa ng way para magkita sila." ani ng binata na kinatingin ni Madison sa labas kung saan dumaan ang kakambal.
"Magiging okay lang ba talaga sila?" tanong ni Madison na kinatawa ni Daimos na kinatingin ng dalaga at kinakunot ng noo ni Madison.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" naiinis na tanong ni Madison na kinailing ng binata.
"Nang mahalin kita wala yun sa option ng kahit na sino kahit ng grupo dahil choice ko yun at walang kahit na sino ang gumawa ng way para mahalin kita.... kaya wag mo na silang pakialaman hayaan mong gumawa sila ng kani kanilang daan ." ani ni Daimos na kinaiwas ng tingin ng dalaga.
"A-Ang corny mo." nahihiyang sambit ng dalaga na kinatawa ng binata.
---
"Ayoko sa lahat kinokontrol ako." nanggigil na sambit ng dalaga habang naglalakad palayo ng---.
"Bakit sa dami dami ng Aragon na mapapadpad sa lugar ko bakit siya pa." bulong ng dalaga.
"Bakit siya pa?" ulit ng dalaga bago dahan dahang iniyukom ang kamao nito hanggang sa dumugo.