09

645 Words
3rd Person's POV; "Wag! Wag mo siya gagalawin papa nagmamakaawa ako,hindi na ako uulit papa." umiiyak na sambit ng batang lalaki habang nakaluhod at hindi alam kung paano kukunin ang alagang aso na nasa kamay ng tauhan ng ama. "Masyado kang malambot at yan ang pinakaayaw ko sa lahat." walang emosyong sambit ng lalaki na kinaguho ng mundo ng batang lalaki ng marinig ang iyak ng ilang taong inalagaang tuta ng gilitan sa harap niya ang tinuring na ding kapamilya. "W-White." bulong ng batang lalaki habang nakatingin sa pinakamamahal na alaga na duguang nakahiga sa sahig. "Papa!" napabalikwas ng bangon ang binata habang pawisang tiningnan ang batang babae na nasa gilid ng kama niya at nag aalalang nakatingin sa binata. "Ayos ka lang po ba?" tanong ng batang babae bago haplusin ang pisngi ni Derek na kasalukuyang hinahabol ang hininga na kasalukuyang namumutla habang nanginginig na kinuha na nagsalin ng tubig na nasa study table. "Papa ako na." ani ng batang babae bago tumakbo pababa at nagsalin ng tubig bago sumampa ulit sa kama at alalayang painumin ang binata na nanginginig. "A-Alex." bulong ng binata ng medyo kumalma na ito ng makita ang batang nakaupo sa gilid niya. "Nightmare papa?" tanong ni Alex na kinatahimik ng binata. "Dapat po nagpapray kayo kay papa god para hindi po kayo nagkakanightmare." inosenteng sambit ng batang babae na kinatigil sandali ng binata. "Umaga na nahanda mo na ba mga gamit mo papasok kana ng school." ani ng binata bago buhatin ang batang babae at paupuin sa hita niya. "Okay na po mga gamit ko tinulungan ako nina uncle nagluto na din po sila ng foods para sakin umakyat lang po ako dito para gisingin ka gusto ko lang po na ikaw maghatid sakin." sagot ng batang babae na kinangiti ng binata. "Sige maliligo lang si papa magantay kana sa labas okay goodmorning baby girl." nakangiting sambit ng lalaki bago ibaba ang bata. "Goodmorning din papa! antayin po kita sa labas ah." paalam ng batang babae bago tumakbo palabas ng kwarto na kinawala ng ngiti ng lalaki. "Kailangan ko munang kumalma kahit sandali." bulong ng lalaki bago tumayo sa kama at pumasok ng comfort room. --- "Bye papa!" paalam ng batang babae habang kumakaway ng nasa gate na sila at salubungin ng principal. "Susunduin kita mamaya okay? mag aral mabuti." bilin ni Derek bago ngumiti at kumaway din sa batang babae habang nasa labas ng kotse. "Ang aura niya as expected sa isang Aragon." bulong ng dalaga sa hindi kalayuan habang nakatingin sa labas ng gate ng mapansin ang mga teacher at parents na nakatingin sa labas ng eskwelahan. --- "Derek tangina." mura ni Reid ng pagsara ng van halos mamutla ang apat ng magbago ang ekspresyon ng lalaki. Nagdidilim ang mukha nito habang patuloy na nagdurugo ang mga palad nito dahil sa pagkakayukom. "Dalhin niyo na ako sa underground." walang emosyong sambit ng lalaki habang nasa byahe na kinatalima agad ng binatang si Shintaro na nasa driver seat. --- "Teacher Allison excuse me." napatingin ang dalaga ng makita ang principal sa labas ng classroom niya. "Class wait a minute, ready your papers muna then pass." ani ng dalaga bago tumayo at lumapit sa principal. "Bakit principal?" tanong ng dalaga. "Kung tama ako may slot ka pa para sa mga transferee baka pwed---." "Kay Teacher Yanna wala na ba?" tanong ng dalaga na tila hindi mapakali ng makita ang estudyanteng dinala sa classroom niya na kasalukuyan siyang pinagmamasdan. "May dalawa ng transferee na si Teacher Yanna katatransfer din kahapon." sagot ng principal bago palipitin ang batang babae na nakangiti sakanya. "Ang ganda niyo po bagay kayo ng papa ko." nakangiting sambit ng batang babae na kinatikhim ng dalaga bago alanganing hawakan ang kamay ng bata. "Sige kunin ko na itong bata." ani ng dalaga habang nakatingin sa principal na hindi maipinta ang mukha dahil sa sinabi ng batang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD