3rd Person's POV;
Matapos kantahan ng binata ang batang babae ngumiti ito ng malapad sa batang sumisinok sinok na lang habang nakatingin sakanya.
"P-Para ka pong p-papa ko." sinisinok sinok na sambit ng batang babae na kinatigil ng binata.
"Pwede mo naman akong maging papa." nakangiting sambit ng binata hahawakan nito ang ulo ng batang babae ng umiwas ito.
"Pasensya na." hinging paumanhin ng binata tatayo ito ng hawakan ng batang babae ang laylayan ng damit na suot ni Derek na kinalingon ng binata.
"H-Hindi po kayo bad guy diba?h-hindi niyo po ako sasaktan?" tanong ng batang babae na kinatigil ni Derek na sa unang pagkakataon nakita nina Reid ang kakaibang emosyon sa mata ng lalaki na kinatigil ng mga binatang nasa pinto.
---
"Ayos ka lang?" tanong ni Reid bago lumapit sa pwesto ni Derek na marahang hinahaplos ang buhok ng batang babae na natutulog na ulit.
"Paran gusto ko na lang ulit bumalik sa pagkabata." ani ni Derek na kinailing ng lalaki.
"Sa bata naman ang utak mo okay na yun." basag ng lalaki na kinahaba ng nguso ni Derek.
"So? bakit?" tanong ni Reid kalaunan na kinatingin ni Derek.
"Anong bakit?" tanong ni Derek na kinabuga ng hangin ng binata.
"Bakit gusto mo maging bata ulit?" tanong ni Reid.
Derek's POV;
"Bakit gusto mong maging bata ulit?" tanong ni Reid na kinatigil ko sandali.
"Ang mga bata kasi madaling mapaniwala sa mga bagay bagay madali silang magtiwala, humahanga na sila sa mga simpleng baga---."
"They vulnerable too." putol ni Reid na kinatingin ko.
"Diba? Bullet?" tanong ni Reid na kinawala ng emosyon sa mukha ko na kinangiti niya.
"Yan ang tunay na Aragon na nakilala ko 8 years ago." ani ni Reid bago tumalikod at humakbang palabas ng kwarto bubuksan na nito ang pinto palabas ng---.
"Pero wag kang mag alala dahil kahit ano pa mang maskara ang suutin mo ikaw pa din ang kaisa isang bunso ng grupo at hindi magbabago yun." ani niya bago lumabas na kinatigil ko at agad na kinangiti.
Kinasanayan ko ng mag suot ng maskara at umakto sa gustong makita ng iba natatakot akong magkamali sa takot na maglaho na lang sila bigla.
"Tinago ko ang tunay na ako para lang magustuhan ako ng iba at hindi maiwang mag isa." bulong ko bago marahang haplusin ang buhok ng batang babae.
3rd Person's POV;
"Pancake!" napangiti ang binata ng makita ang pagkinang ng mata ng batang babae ng makita ang hawak nitong pancake na nasa tray ng pumasok ito ng kwarto.
"Ako nagluto nan at sigurad---."
"Derek! anong ginawa mo sa kusina!!" napangiwi ang binata ng pag upo niya ang siyang pagsigaw ni Reid mula sa ibaba.
"Kain kana bilis." ani ng binata bago tumayo at nagtago sa likod ng pag pinto na siyang pagbalya ni Reid sa pinto habang umuusok ang ilong na tinignan ang buong kwarto.
"Nasaan si Derek?" tanong ni Reid ng makita ang batang gising habang kumukuha ng pancake na nasa tray.
Imbis sumagot umiling lang ito at patuloy na kumakain hanggang sa maya maya lumabas na din ang binatang si Reid at ng pagsara ng pinto. Napahagikhik ang batang babae ng makitang hawak ni Derek ang ilong at noong namumula na mukhang nahampas ng pinto.
"Kuya masakit?" bulong ng batang babae na kinahaba ng nguso ni Derek ng parang nangaasar pa ang batang babae.
"Kumain kana nga lang diyan bibili tayo ng damit mo mamaya." nakasimangot na sambit ng lalaki bago umupo ulit sa kama at matamang pinagmasdan ang batang babae.
"Alam mo kuya para kang papa ko." ani ng batang babae bago tumingin kay Derek na nagtataka.
"Lagi niya po akong kinakantahan pagmalungkot ako tapos lulutuan niya din po ako ng pancake." ani ng batang babae na kinatigil ng binatang si Derek bago ngumiti.
"Ganun din kasi laging ginagawa ng personal butler ko sakin." nakangiting sambit ni Derek bago haplusin ang buhok ng batang babae.
"Kung buhay siya ngayon wala ka siguro sa sitwasyon na ito ngayon." bulong ni Derek na kimatingin ng batang babae.
"Ano po yun kuya?" tanong ng batang babae na kinakurap ni Derek bago ngumiti.
"Wala sabi ko mamimili tayo ng damit hahanapan din kita ng school na pwede mong pasukan habang pinaayos ko yung mga papers para maging legal yung pag aadopt ko sayo." ani ni Derek na kinalaki ng mata ng batang babae.
"Adopt? aampunin niyo po ako?" hindi makapaniwalang tanong ng batang babae.
"Kung gusto mo sakin bakit h---."
"Gustong gusto po!" putol ng batang babae bago tuwang tuwa na sunggaban ng yakap ang binatang si Derek na dahilan para mahulog sila ng kama na kinatawa ng binata.
---
"Ang pangit ng taste mo gago babae yan hindi lalaki!" mura ng binatang si Galvin ng pasukatin ng isang cargo short ang batang babae.
"Kuya Galvin gusto ko po nito mas komportable po ako." ani ng batang babae na kinabelat ni Derek kay Galvin na nakangiwi.
"Bata panglalaki yan hindi pangbabae andun yung mga dre---"
"Ayaw ko po." putol na sagot ng batang babae habang umiling iling sa sinuggest ni Reid na kinabuga ng apat na lalaki habang ngumingisi ngisi naman si Derek bago kumuha ng madaming tshirt at ibat ibang klase mg shorts.
"Para iwas ligaw pag nagdalaga ang baby Alex ko." ani ni Derek bago pangisi ngising binigay yun sa sales lady na nakatulala sakanilang lima.
"Anak ng tokwa Derek pati bata dinamay mo sa kaengotan mo anong ligaw ligaw limang taon palang yan at sinasanay mo sa mga ganyan binigyan mo pa ng panlalaking pangalan." naiinis na komento ni Shintaro na kinasimangot ni Derek.
"Anong masama sa pangalang Alex Jay Ar---." naputol ang sasabihin ng binata ng takpan ni Galvin ang bibig ni Derek at pabirong sakalin na kinahagikhik ng batang babae.
"Halika dito baby girl ilalayo muna kita diyan sa utak ipis mong tatay tara na." ani ng binatang si Reid bago buhatin ang batang babae at maglakad papunta ng counter.
"Hoy Raid ibalik mo baby ko!" parang batang sigaw ni Derek na kinangiwi ng tatlong lalaki na nasa tabi ng binata ng pagtinginan sila ng iba pang costumer.
"Minsan nagdududa na talaga ako kung may sakit talaga sa utak si Derek o kulang lang talaga siya sa buwan." komento ni Galvin na kinatawa ng dalawa nitong kasama habang nakatingin kay Derek na nakikipaghabulan kay Reid.