06

714 Words
3rd Person's POV; "Ang gwapong bata." "Kumare yan na ba ang anak mo?" "Ohmy siya na ba yung sinasabi mong anak mo kay Mr.Aragon." "I can't believe this." Hindi maiwasang matamang titigan ng batang lalaki na nasa apat na taong gulang ang mga sopistikadang babae na kasalukuyang nagkakagulo sa harapan niya habang ang ina'y tumatawa na tila tuwang tuwa sa mga atensyong nakukuha. "Seriously? kaya niyang tumugtog ng kahit anong music instruments? apat na taong gulang pa yang anak mo hindi na nakakapani paniwala yan." "Bullet lumapit ka dun sa piano tumugtog ka." utos ng babaeng kasalukuyang nakangiti sa anak na agad sinunod ng batang lalaki. "Young master." nakayukong sambit ng nagsisilbing butler bago ipaghila at alalayan ang batang lalaki. "I hate this." bulong ng batang lalaki bago ilagay ang dalawang kamay sa piano at nagsimula ng tumugtog. Hindi naman maiwasang humanga ng lahat ng costumer sa mamahaling restaurant kung saan nagtipon tipon ang mga kaibigan ng ina kasama ang mga kaibigan nito at babaeng nakangiti ng malapad habang nakatingin sa anak na tila isang mabuting ina na proud na proud sa anak. --- "M-Mommy gusto ko po ng toys pw---." "Sabi ko diba mag aral ka?! anong laruan ang sinasabi mo ha!" pabulyaw ng putol ng babae bago hilahin palabas ng kwarto ang anak at ipasok sa library na halos mapuno na ng libro. "Mag aral ka dito!antayin mo dito ang tutor mo magbasa ka diyan." utos ng ina ng batang lalaki bago pabalyang sinara ang pinto na kinayuko ng batang lalaki. --- "Young master." napaangat ng tingin ang batang lalaki at sandaling binaba ang hawak nitong libro ng pasilip silip na pumasok ang butler na nasa 30s sa labas ng pinto bago isara yun at lumapit sa batang lalaki na nagtataka. "Butler Hans--." Naputol ang sasabihin ng batang lalaki ng lumapit amg butler at umupo sa kama ng bata at nilabas ang maliit na kotse kotsehan sa likod nito na kinakinang ng kulay gintong mata ng batang lalaki. "Narinig ko kasi kanina na gusto mo ng toys ito lang nabili ko maliit lang, kasi hindi ko maitatago sa gwardya at Lady Beatrice pag malaki pa dito ang bilh---." "S-Salamat po." naiiyak na sambit ng batang lalaki bago sugurin ng yakap ang butler na kaisa isang kakampi niya sa mansyon. "Wag mong ipapakita yan okay? siguradong sasaktan ka ni Lady Beatrice at sisirain yan pag nakita kang naglalaro." bilin ng butler na kinangiti ng batang lalaki bago tumango tango. --- "Lagi pa din ba siya umiiyak?" tanong ng binatang si Derek habang nakatingin sa batang babae na natutulog sa ibabaw ng kama. "Oo pero kumakain na siya hindi katulad kahapon pero bakit hindi mo siya ibigay sa kapatid mo atleast dun may babaeng mag aalaga diyan sa bat---." "Nagbabayad lang ako ng utang na loob tama na yung ilang taong pananatili niya sa puder ng kapatid ko." putol ni Derek kay Galvin bago dahan dahang isara ang pinto. "Siya ba yung batang pinadadalhan mo ng regalo taon taon?" tanong ni Galvin na kinatahimik ng binata. --- "Gusto ko ng umuwi! sister!" iyak ng iyak ng sambit ng batang babae ng magising ito kinaumagahan. "Dere---" "Bata." ani binata na kinaangat ng tingin ng batang babae na mas kinaiyak nito at kinasiksik sa head board ng kama. "Hindi kita sasaktan, actually andito ako para kantahan ka." sincere na dagdag ni Derek na kinatigil bahagya ng batang babae. "Kakantahan kita and after nito kakain kana at hindi iiyak okay?" kalmadong sambit ng batang lalaki na kinangiti nito ng makitang humihikbi na lang ito. Tumukhim muna ang binata bago kuhanin ang gitarang nasa gilid at mag strum ng gitara. "Wait a second, let me catch my breath Remind me how it feels to hear your voice Your lips are movin'" panimula ng binata na kinakurap ng batang babae bago punasan ang pisngi nito at titigan ang pag strum ng binata na kinangiti ni Derek. "I can't hear a thing Livin' life as if we had a choice Anywhere, anytime I would do anything for you Anything for you Yesterday got away Melodies stuck inside your head A song in every breath Sing me to sleep now Sing me to sleep~" "S-Sing me to sleep." pang gagaya ng batang babae na kinangiti ng binata bago patuloy na kumanta
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD