3rd Person's POV;
Hindi maipinta ang mukha ng apat na lalaki habang nakatingin sa lalaking nasa gitna ng nagsisilbing Ring ng underground ng makitang halos maligo sa dugo ang nagsisilbing leader ng grupo na kasalukuyang nakamaskara.
"Ilang beses ko ng nakita ang ganitong eksena pero hanggang ngayon bumabaliktad pa din ang sikmura ko sa ginagawa niya." komento ni Galvin bago tumalikod at lumabas ng studium.
"Bumabalik nanaman ba ang mga panaginip niya?" tanong ni Shintaro na kinibit balikat ni Jackson na nasa tabi niya.
----
"Hi Ako si Alex Jay Dimasilang 5 years old na po ako." hyper na pagpapakilala ng batang babae na kinangiti ng konti ng dalaga.
"Pang lalaki ang name mo Alex papa mo ba nagpangalan sayo?" tanong ng dalaga na kinatango ng batang babae.
"Patricio Dimasilang? so? yun ang name ng papa mo nasaan ang mama mo?" tanong ng dalaga habang nakatingin sa folder kung san nakalagay ang mga documents ng batang estudyante.
"Wala po akong mama." sagot ng batang babae na kinahagikhikan ng mga batang nasa loob ng classroom na kinaangat ng tingin ng dalaga.
'Walang mama hihi'
'Wawa naman siya walang mama'
"Class quite." kalmadong saway ng teacher sa mga estudyante ng bumagsak ang balikat ng batang babae.
"Susunduin ka ng papa mo mamaya diba?" tanong ng dalaga na kinatango ng batang babae.
"Umupo kana." nakangiting sambit ng dalaga bago igaya sa upuan ang batang si Alex.
---
"Mister pwede ka bang makausap?" tanong ng dalaga habang iniiwasang manginig ng makita ang lalaki katulad ng laging porma nito nakahood,shades at sumbrero ito.
"Alex nasa labas ng gate sina uncle mo punta kana dun." ani ng binata sa batang babae.
"Okay papa bye teacher Allison." nakangiting sambit ng bata bago kumaway sa dalaga na agad kinangiti ng babae at kumaway pabalik.
"Lahat ng binigay mo saming documents fake ano ba ito mister lokohan?" naiinis na sambit ng teacher na kinaismid ng lalaki bago nakapamulsahang tingnan ang dalaga.
"Kasalukuyan ko pang inaayos ang Adopted papers ni Alex at habang inaayos ko yun gusto ko ng makapag aral ang ANAK KO." may diing sambit ng lalaki na kinadilim ng anyo ng dalaga.
"Meron kaming rules na sinusunod mister at hanggang hindi pa naayos ang documents ng ANAK MO hindi pa din siya estudyante ng eskwelahan na ito sana aware ka." ani ng dalaga tatalikod ito ng hawakan siya sa braso ng lalaki.
"Aasikasuhin na agad ang documents ni Alex sana hayaan mo muna siyang mag ara---."
"Hindi ko inaalis sa bata ang karapatan niya para makapag aral estudyante ko pa din siya pero mag gagrade 1 ang bata kailangan niya ng mga legal documents para sa future niya." putol ng dalaga na kinahinga ng maluwang ng binata bago bitawan ang braso ng dalaga.
"Maraming salamat teacher." ani ng binata bago tumalikod aalis ito ng mahagip ng dalaga ang blood stain na nasa longsleeve niya na hinawakan ng lalaki.
"Mr. Dimasilang teka!" sigaw ng babae na kinalingon ng binata.
"Ano yu---." naputol ang sasabihin ng lalaki ng hilahin siya ng dalaga papasok ng classroom at iupo sa isa sa mga monoblock na nasa harapan ng table niya.
"Yung kamay mo may sugat." ani ng dalaga bago kuhanin ang first aid kit na nasa ilalim ng table niya.
"A-Ano ma'am sa bahay ko na ito gagamutin." ani ng lalaki tatayo na ito ng hilahin siya ng dalaga paupo.
"Hindi ba masakit?" nagtatakang tanong ng dalaga ng walang reaksyon ang binata habang ginagamot ang sugat niya.
"A-Ano masakit tama...aw." ani ng binata habang nakangiwi na kinakunot noo ng dalaga.
"Aray ko masakit dahan dahan." reklamo ng binata na kinatingin sakanya ng masama ng dalaga.
"Pinagloloko mo ba ako lalaki hindi na dapat masakit yan nilalagyan ko na lang ng benda napakaarte mo." pagtataray ng babae na kinataas ng labi ng binata ng konti.
"Lumayas kana nga dito para kang babae." ani ng dalaga bago tumayo at ligpitin ang mga gamit niya.
"Salamat teacher ganda." ani ng binata bago ibuka sara ng binata ang kamao nitong may sugat na kinatingin ng dalaga.
"Papa?" napatingin ang dalawa sa pinto ng sumulpot ang batang si Alex kasunod ang isa pang lalaki na nakasumbrero at shades.
"Sige teacher ganda una na kami salamat ulit sa pag gamot sa sugat ko." nakangiting pag papaalam ng binata sa dalaga bago kumaway at lumapit sa batang babae na nagtatakang nakatingin sa teacher at ama amahan.
---
"Hindi ko iniexpect na mapupunta ka dito, pasok ka." ani ng dalaga bago buksan ang pinto.
"Mama, pahingi akong milk." ani ng batang babae na si Thalia bago lumapit sa dalagang si Mesiree na nakaupo sa pang isahang sofa.
"Mesiree kailan ka pa nagkaanak?" tanong ni Allison ng makita ang kapatid.
"Alli ikaw pala, Dark pakitimplahan ng gatas yung kambal." ani ni Mesiree sa napakagwapong lalaki na nasa bukana ng garden na may kausap na tatlong lalaki.
"Thalia, Triton come here." ani ng binata na kinatakbo ng kambal sa ama na kinakunot noo ng dalagang si Allison.
"Nakakabatang kapatid sila ng mga Aragon." ani ni Mesiree ng makalapit sakanya ang dalawa.
"May babae sa Aragon? diba baw---."
"Alam namin Allison kaya nga malakas ang kutob namin na may pinanghahawakan malaking bagay ang taong pumoprotekta kay Thalia para patakasing buhay ang batang babae." putol ni Mesiree na kinabuga ng hangin ng dalaga.
"What ever as if i care." bored na sambit ng babae bago umupo sa sofa na kaharap ng dalagang si Madison.
"Anong nangyari at napunta ka dito? lakas ng loob mong hindi magsabi pano kung bigla kana lang nabaril diyan sa labas." pailing iling na sambit ng dalagang si Madison.
"Tsk yun nga siguro ang mangyayari kung wala yung dalawang taong laging buntot ni ate Mesiree na nasa gate." ani ni Allison na kinangiwi ng dalaga.
"Si Crios at Chaos?" tanong ni Mesiree na kinikibit balikat ni Allison.
"Yata yung dalawang nagbabato bato piks sa labas." sagot ni Allison na kinailing ng dalawang dalaga.
"Bakit niyo naisipan bumalik sa puder ng mga Aragon? hindi ba kayo natatakot na traydurin ulit tayo ng mga yan." ani ni Allison habang nakatingin sa looban ng garden kung nasan ang tatlong Aragon na may kasamang dalawang bata.
"Nakalimutan niyo na ba ang ginawa ng pamilya nila sa mga magulang natin? don't tell me iniisip niyong magkakabunga ng santol ang puno ng mangga." naiinis na tanong ni Allison bago salubungin ng tingin si Mesiree at Madison.
"Alam mong alam mo na iba sila sa matandang yun diba? wala silang kasalan---."
"Pero pamilya nila ang nagwasak sa angkan natin na ilang libong taon na naglilingkod sakanila, pano kung maulit yun ha? hindi niyo ba naisip na pwedeng ginagamit lang kayo na---"
"Allison tama na!" sigaw ng dalagang si Madison matapos nitong hampasin ang coffee table na nasa harapan nila dahilan para mabasag ito at magkadurog durog na kinatingin ng mga binatang nasa garden.
"Mad---."
"Diyan ka lang Aidan." walang emosyong utos ni Madison sa kasintahan ng papasok ito sa loob na kinatigil ng binata.
"Wala ka sa posisyon para pagsalitaan sila ng ganyan unang una wala ka dito habang pilit naming binabaliktad ang mundo para sakanila." nandidilim ang anyong sambit ng dalaga na kinatayo ni Mesiree.
"Madison tam---."
"At anong mahihita nila samin kung gagamitin nila kami?panangga? panangga na nasa likuran?" walang emosyong dagdag ng dalaga.
"Nababaliw na kayo." ani ng dalagang si Allison bago tumalikod at hahakbang na ito paalis ng---."
"Maaring mabago ng kasalukuyan ang nakaraan sa pamamagitan ng pagtama nito sana mabigyan mo ng chance yun." ani ni Madison na kinaisnid ng dalaga lalabas ito ng hindi sinasadyang malingon nito ang kakambal at nakitang yakap ito ng isang Aragon.
Mula sa kinatatayuan kitang kita nito kung pano tingnan ng lalaki ang kapatid na ibang iba sa mga tingin nila ng nasa palasyo silang lahat.
'Pagmamahal'
Yan ang nabasa ng dalaga sa tingin ng mga Aragon na kasalukuyang nasa harapan niya habang nakatingin sa mga kapatid.