3rd Person's POV;
"Sa expression mong yan mukhang nanggaling ka sa lugar ng kakambal mo." ani ng dalaga na nakahiga sa bench na kahoy habang sa kaliwang kamay nito binubuo ang isang brix.
"Hindi ko maintindihan Ate bakit mo kinakailangan gawin yun? kinokontrol mo nanaman b---."
"Wala akong inutos na kahit ano sakanila." putol ng babae habang nakatingin sa langit.
"Mas lalong hindi ko kinokontrol ang nararamdaman nila." dagdag nito bago itapon ang brix sa kung saan ng mabuot ito at kumuha pa ng isang brix na nasa paper bag at buuin.
"Ang alam ko nagbigay lang ako ng utos na bantayan nila ang mga tagapag mana ng Aragon incase." dagdag ng dalaga na kinainis ni Allison.
"Minamanipulate mo nanaman ba sila?" tanong ng dalaga na kinataas ng gilid ng labi ng babae.
"Bakit ko naman gagawin yun? iba ang paniniwala ko sa pagmamanipula ko sa mga tao taliwas sa ginagawa nila ngayon." ani ng babae bago umupo at tingnan ang mga brix na nagkalat sa damuhan.
"Bakit pumayag ate? tayo tayo na lang ang natitira sa angkan pano kung---."
"Kayo na lang din ang natitira sakin kilala mo ako Allison." napatigil ang dalaga ng salubungin ng babae ang tingin niya.
"Hindi ako gumagawa ng desisyon na ikapapahamak nino man specially ninyo, alam kong alam mo kung bakit ako pumayag bakit kailangan mo pa itanong yan sakin?" tanong ng babae na kinabuga ng hangin ni Allison.
"Kung anong nakikita mo ngayon yun na yung reason bakit hindi ko pinakikialaman ang mga kapatid natin." ani ng babae bago tumingin ulit sa kawalan.
"Ayoko ng pumasok ulit sa gulo at---."
"Choice mo yan hindi sakin Allison." putol ng babae na kinaiwas ng tingin ng dalaga.
"Hindi ko maintindihan bakit kinalimutan ng mga kapatid natin ang nangyari? tinaraydor tayo ng mga Aragon kung hindi man yung mga tagapag mana ang papatay sakanila siguradong ang demonyong matanda na yun ang huhunting sakan---."
"Hindi mo malalaman ang sagot kung wala ka sa sitwasyon nila Allison dahil kahit ako hindi ko alam." putol ng babae na kinatahimik ng dalaga.
"Sinugal nila ang katahimikan at kapayapaan na binigay ko sakanila para makasama ang mga Aragon na sumira ng pamilya natin pero kahit ganun makikita mo sa mata at ngiti nila na masaya sila, kahit tuwing lalabas sila may mga tinggang babati sakanila tuwing umaga." dagdag ng babae na kinatingin ng dalaga.
"Ibang kapayapaan na ang hinahanap nila hindi kapayapaan na may katahimikan at proteksyon." dagdag nito na kinatigil bahagya ng dalaga.
---
"Goodmorning Teacher Alli!" bungad ni Alex habang tumatakbong lumapit sa dalagang nasa pintuan kasunod ang ama amahan nito na nakadisguise.
"Hey goodmorning Alex pasok kana sa loob nagawa mo ba mga ass mo?" tanong ng dalaga na kinatango tango ng batang babae.
"Tinuruan po ako nina papa." tuwang tuwa na sambit ng batang si Alex bago kuhanin ang notebook nito at ipasa sa teacher.
"Good pasok na sa loob ilang minutes na lang magsisimula na ang klase." ani ng dalaga ng makitang kumaway ang bata sa ama na nasa pintuan din.
"Bye papa." paalam ng batang babae bago pumasok sa loob at umupo sa upuan nito.
"May kailangan pa ba kayo Mr.Dimasilang?" tanong ng dalaga habang chinicheck ang attendance sheet nito.
"Malalate kasi ako ng dating mamaya pero alam na ni Alex pwedeng wag mo muna siya pauwiin habang wala pa ako?" tanong ng binata na kinatingin ng dalaga.
"Isa po yun sa rules Mr.Dimasilang dont worry ako na bahala kay Alex." ani ng dalaga na kinahinga ng maluwang ng binata.
"Maraming salamat." ani ng binata habang ang dalaga naman ay pasimpleng sinipat ang kamay ng binata.
"Nilinisan mo naman yung sugat mo diba?" tanong ng dalaga habang binubuklat ang attendance sheet.
"Ahh oo pinalinis ko na di naman ito ganun kasakit." sagot ng binata ng biglang magbell.
"Sige ma'am goodmorning pala, Alex alis na si papa." ani ng binata na kinangiti ng batang si Alex bago kumaway sa ama na kinangiti ng binata.
Nang makatalikod na ang lalaki nag angat ng tingin ang dalaga at tahimik na pinagmasdan ang likod ng binata.
---
"So? mga bata may activity tayo ngayon gusto ko magsabi kayo ng about sa family niyo." ani ng dalaga habang nakatayo sa unahan.
"Sinong gusto mauna?" tanong ng dalaga ng---.
"Teacher ako po!" hyper na sambit ng batang babae na si Alex na kinatuwa ng dalaga dahil sa pagiging aktibo nito sa klase.
"Nyenye wala ka namang mama." pang aasar ng isang estudyante na kinalobo ng pisngi ng batang si Alex.
"Eh ano atleast madami akong papa." proud na proud na sambit ng batang babae.
"James bad yang sinabi mo kay Alex magsorry ka." ani ni Allison na kinaismid ng batang lalaki.
"Alex sige na punta ka sa unahan tell me about your family." nakangiting sambit ni Allison na agad kinatayo ng batang babae at pumunta sa unahan.
"Galing po ako sa ampunan namatay ang parents ko nung 3 years old pa lang ako at konti lang yung naalala ko about sa real father ko hindi ko na din maalala ang mukha nila." ani ng batang si Alex na kinahagikhikan ng mga estudyante sa loob pero hindi yun pinanansin ng bata habang si Allison naman ay tahimik na pinakikinggan ang batang babae.
"Tapos yun nga po inampon ako ni Papa matapos yung yung---." napakunot ang noo ng dalaga ng mamutla ang batang babae.
"Hi po." napatingin sa pinto ang lahat ng nay dalawang batang nakatayi sa pinto.
"Teacher Alli may pinabibigay po si Teacher Yanna." ani ng batang si Thalia habang nakatingin sa batang nasa unahan at nakangiti.
"Hi sayo." nakangiting bati ni Thalia na kinalaki ng mata ng batang babae.