3rd Person's POV;
Nang mapagpasyahan na ng lahat na pumunta sa isang cake shop nahati ang grupo sa dalawang van.
Sa Van na dala ng kabanda ni Derek nakasakay si Reid na driver, sa passenger si Crios habang si Derek,Allison at tatlong bata nasa backseat, sa kabilang van naman na dala ng kambal si Chaos na nasa driver seat sa passenger seat si Shintaro habang si Galvin at Jackson nasa back seat na nagsosoundtrip.
"Row row your boat gently down the stream~" kanta ng dalawang bata na sinabayan ng dalagang si Allison habang si Triton at Derek nagkatinginan na lang ng feel na feel ng tatlo ang pagkanta.
"Manager dun tayo sa wala masyadong tao ah." bilin ni Derek habang nakatingin sa labas bg bintana.
---
Habang kumakain ang lahat sa loob ng cakeshop tahimik namang humihithit ng sigarilyo ang binatang si Derek habang nakasandal sa unahan ng van ng---.
"Masama sa kalusugan ang sigarilyo." ani ng babae pagkatapos nitong kunin ang sigarilyo at tapakan.
"Ngayon na nga lang ulit ako nakapagsigar---."
"Sino ka ba talaga?" tanong ni Allison na kinatigil ng binata.
"Patricio Dimasilang ang pangalan mo sa documents na binigay mo sakin." ani ng babae bago ihead to toe ang lalaki na ngayon ay walang shades at hood.
"Pero sa pagkakakilala ko sayo ikaw si Derek Harford vocalist ng Dark Beat at sikat na model sa paris ang dami mong identity seriously?" pailing iling na dagdag ng babae bago sumdal sa gilid ng van at tumingala sa langit.
"Tsk Artista ako,kailangan ko yun alangang ipalandakan ko yun dito?" pagsusungit ni Derek ba kinatingin ng dalaga.
"Dahil lang ba talaga sa pag aartista mo?" makahulugang sambit ng dalaga na kinatingin ng binata.
"What do you mean?" nakakunot ang noong tanong ng binata.
"Teacher Allison look binigyan kami ng free cake nung babae!" excited na sambit ng batang si Alex kasunod sina Thalia at Triton.
"Puro sweets yang kinakain niyo pag uwi wag kakalimutang mag brush ng teeth okay?" bilin ng dalaga na kinatango ng tatlong bata at ngumiti.
---
"Teka lang! babae si Alex bat mo bibilhan ng mga ganyan?" nakameywangan tanong ng dalaga kay Derek ng makitang may hawak itong pang boy stuffs.
"What? mas maganda toh mas matiba---."
"Aanhin yan ni Alex babae si Alex hindi lalaki kaya dun tayo." putol ni Allison bago ituro ang mga estanteng puro barbie na kinakamot sa pisngi ni Alex habang pabali balikan ng tingin ang teacher at ama na nagtatalo at pinagtitinginan ng mga taong dumadaan.
"Teacher Allison, papa tama na po ako na pipili ng toy na gusto ko." sabat ng batang si Alex na---.
"Alex masama makisabat sa usapan ng mga bata." saway ni Allison.
"Princess masamang habit yung makisabay ka sa usapan ng matatanda." saway naman ni Derek na kinabuga ng hangin ni Alex dahil sa pagkakasundo nitong pagalitan siya.
Patuloy lang sa pagsasagutan ang dalawa ng humakbang ang batang si Alex papasok sa toy shop at namili ng mga bibilhin ng---.
"Ang ganda." bulong ng batang babae ng makakita ng laruan sa pinakataas ng estante.
"Ano ba yan hindi ko abot." reklamo ng batang si Alex habang pilit na inaabot ang laruan ng---.
"Here." napaangat ng tingin ang batang babae ng may matangkad na lalaking nag abot sakanya ng laruan.
Nakabusiness suit ito habang may nakakatakot na aura na nakabalot sa presensya ng binata.
"Salamat po." ani ng batang babae bago nakangiting kunin ang laruan habang nakatingin sa berdeng mata ng binata.
"Racer nakuha ko na y---." naputol ang sasabihin ng dalaga at agad inayos ang suot nitong hood ng makita ang batang babae.
"Ate." ani ng batang babae bago pa ito makalapit may dalawang lalaki na lang ang biglang sumulpot kung saan at harangan ang babae.
"W-wag tinatakot niyo yung b---."
"Kamukha mo po si Teacher Allison ang ganda niyo po." putol ng batang babae bago sumilip sa iwang sa pagitan ng dalawang goons.
"A-Allison?" nauutal na sambit ng dalaga ng---.
"Alex!" napatingin ang batang si Alex ng lakad takbong lumapit sa pwesto nila si Allison at Derek.
"Alex saan ka ba pumupun---A-Aki?" nanlalaki ang matang sambit ng dalagang si Allison ng makita ang babaeng nasa likod ng dalawang black in men at sinisilip ng batang si Alex.
"Anong ginagawa mo dito kuya?" tanong ni Derek sa lalaking nakatalikod sa pwesto niya.
"Ohmygosh!Aki!" hindi maiwasang maiyak ni Allison ng sunggaban siya ng yakap ng kapatid na nakasuot ng kulay gray na hood na halos natatakpan ang buong mukha.
"Aki saan ka ba nagpunta? anong nangyari sayo?" naiiyak na tanong ni Allison habang hinahaplos ang pisngi ng bunsong kapatid na umiiyak.
"Nung hinahunting tayo ni Mr.Aragon nahulog ako sa tulay tapos*sob* hindi ko na kayo mahanap akala ko akala ko kinalimutan niyo na ako." umiiyak na sambit ng dalaga.
"Shh tahan na andito na si Ate siguradong matutuwa si Ate pag nakita ka makakasama kana ulit na---."
"Hindi siya sasama kahit na kanino." napatingin ang dalaga ng may lalaking humawak sa kapatid at ilayo ito sakanya.
"Anong hindi sasama?! kapatid ko yan!!" bulyaw ng dalaga kukunin nito ang kapatid ng tabigin ito ng lalaki.
Matutumba ito sa mga estante ng may sumalo kay Allison na kinaangat ng tingin ng dalaga.
"Hindi mo siya kailangan saktan." walang emosyong sambit ng binata bago itayo ng ayos ang babae at makipaglaban ng titigan sa kapatid.
"Umalis na tayo." yaya ng binata sa dalaga ng---."
"Ak---."
"Hindi mo basta makukuha ang kapatid mo kung siya ang may hawak." putol ni Derek na kinatingin ng dalaga.
"Hindi bagay ang kapatid ko para hawakan niya!" bulyaw ng dalaga sa lalaking nakatingin sa apat na taong naglalakad palayo.
"Ate!" napatingin ang dalaga ng makitang tumatakbo palapit sakanya ang kapatid at yakapin siya ng mahigpit.
"Aki sumama kana sakin hindi safe sayo kung mag sstay ka sa lalaking yan." ani ng dalaga bago ituro ang lalaking naglalakad palapit sakanila.
"Isa siyang Aragon ate." sagot ni Aki na kinaguho ng mundo ng dalaga at kinabagsak ng balikat nito.
"And safe ako sakanya he always protect me at hindi niya ako iniiwan." bulong ni Aki bago yakapin ulit ang kapatid.
"Magkikita pa din naman tayo."